You are on page 1of 5

Technological University of the Philippine

Ayala Boulevard, Ermita Manila

Professional Industrial Education

Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

Lawak: Agrikultura Petsa:Nobyembre28, 2017


Baitang at Pangkat: V Oras: 7:10 – 8:00

I. LAYUNIN:

Pagkatapos ng 40 minuto ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang may


85% kakayahan nang:

A. Naisa-isa ang mga hakbang sa paggawa ng Macrame Planter.


B. Nakagagawa ng Macrame Planter.
C. Napapahalagahan ang pag-iingat sa paggawa ng Macrame Planter.

II. PAKSANG ARALIN:

A. Pangunahing Kaisipan: Uri ng Taniman ng Halamang Ornamental

B. Pangalawang Kaisipan: Paggawa ng “Macrame Planter”

Sanggunian:
 https://www.youtube.com/watch?v=MaeUZP1zP3w
 https://www.bookdepository.com/category/2950/Ropework-Knots-
Macrame
 Macrame Pattern Book (Supervised by The japan Macrame
Association),Author Marchen Art, p. 296-298.

Kahalagahan: Pagka-maingat

III. PAMAMARAAN:

A. Paghahanda

1. Pangaraw-araw na Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng lumiban
d. balik aral

B. PaglalahadngAralin

1. Pagganyak

“Picture Puzzle”
Aayusin ng bawat pangkat ang mga larawan at sabay-
sabay nilang bibigkasin ang salitang “Macrame Planter” na
mabubuo kasabay ng larawan.

2. Pagbuo ng Suliranin

a. Ano ang Macrame?


b. Paano ang wastong hakbang sa pagawang Macrame
Planter?
c. Bakit mahalaga ang pagiingat sa pagawang Macrame
Planter?

3. Pag-aalis ng Sagabal

 Macrame- ito ay masining na pagtatali ng buhol gamit


anglubid o tali.
 Diyametro- ito ay isang sukat sa gitnang bahagi ng
bilog.

4. Pagtatalakay ng Aralin

a. Pamantayan sa Paggawa

b. Pagpapakitang-turo ng guro

Paggawa ng “Macrame Planter”

1. Ihanda ang mga kasangkapan at kagamitan.

2. Pumutol ng 4 na magkakasukat na lubid (32’’ x 2 + diameter


ng paso + 24’’) katumbas ng 4 na yarda.
3. Ipagsama-sama ang mga lubid at itupi sa gitna.

4. Gumawa ng buhol sa gitna ng tupi. Ito ang magsisilbing sabitan


ng planter.

5. Kunin ang dalawang pirasong lubid at gumawa ng buhol. Ulitin


ang hakbang na ito sa mga natitirang piraso na may isang
dangkal ang layo sa isa’t-isa.

6. Para sa pangatlong buhol. Kumuha ulit ng dalawang lubid sa


ibaba ng pangalawang buhol. Upang makagawa ng hugis
tatsulok. Ulitin ang hakbang na ito sa iba pang lubid.

7. Magsukat ng isang dangkal simula sa pangatlong buhol. Kunin


ang lahat ng lubid at sama-sama itong buhulin. Maari nang
maglagay ng anu mang palamuti.

8. Itabi ang mga kasangkapan at linisin ang lugar na


pinaggawaan.

5. Pagpapahalaga
Pag-iingat sa paggawa ng MacramePlanter.

Rubrics sa Paggawa

Kriterya 5 3 1 Marka:
I Sumunod sa 1 o 2 ang hindi sumunod 3 o higit pa ang hindi
wastong hakbang sa wastong hakbang ng sumunod sa wastong
ng paggawa. paggawa. hakbang sa pagawa.
II Gumamit ng 1 o 2 ang hindi gumamit 3 o higit pa ang hindi
akmang ng akmang materyales. gumamit ng akmang
materyales. materyales.
III Gumawa ng Medyo may kaingayan Magulo at maingay
tahimik at maayos. at kaguluhan habang habang gumagawa.
gumagawa.
IV Napanatiling May mga naiwan kalat Maraming kalat at marumi
maayos at malinis sa lugar gawaan. ang lugar gawaan.
ang lugar gawaan.
V Nakapag-ingat sa 1 o 2 hindi matibay ang Hindi naibuhol ang lubid.
pagawa ng pagbuhol.
macramé.
Total:
KatumbasngMarka:
25=100 11=79
23=97 9=76
21=94 7=73
19=91 5=70
17=88
15=85
13=82

6. Pagtataya

Panuto: Piliinangtamangsagot:

1. Pumutol ng dalawang lubid na may _____ dangkal ang sukat.


a. 1
b. 3
c. 4
d. 6
2. Buhulin ulit ang lubid sa ibabang unang buhol upang makagawa ng hugis
_________at gawin sa natitira pang lubid.
a. Parisukat
b. Puso
c. Tatsulok
d. Trayangulo
3. Maaari nang ilagay sa loob ng mga lubid (Macrame) ang pasong may____
at ibuhol ang natitirang lubid sa bandang ilalim nito.
a. Halaman Ornamental
b. Lupa
c. Mga Dahon
d. Tubig
4. Ibuhol ng____ ang mga lubid upang hindi mahulog ang paso pag ito’y
isinabit.
a. Mahigpit
b. Maluwag
c. Paikot
d. Tama lamang
5. Panatiliin basa ng tubig ang halaman bago ito isabit sa bahay, upang
_____ at lumago ito.
a. Bumango
b. Dumami
c. Mamatay
d. Tumaggal

Gabay sa pagwawasto:

1. A
2. C
3. A
4. A
5. D

7. Kasunduan

A. Gawin Mo:
1. Dagdagan pa ng mga palamuti ang nagawang Macrame
Planter.
B. Alamin Mo:
1. Anu-ano ang mga dapat tandaan sa paggawa ng outline
ng disenyo sa taniman ng halaman ornamental?

Sanggunian:

 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan(kagamitan ng


Mag-aaral), Kagawaran ng Edukasyon Republikang Pilipinas,
p. 341-344.
 http://depedcsjdm.weebly.com/uploads/7/9/1/6/7916797/3agri
_4_lm_pp.319-336.pdf

You might also like