You are on page 1of 2

2012-78957

PI 100

Ullalim Epiko ng mga Kalinga

Pagkamatay ng Dulliyaw ng Dulawon

Ang kwento ay nakaukol sa buod ni Banna at Dulliyaw ng Dulawon. Si Banna ay


ang anak na nasilang kay Dinanaw nang kainin niya ang nganga na dapat ay
mabibigay ni Dulaw ang huling piraso ng nganga kay Dulaw. Lumalabas dito ang
pagkabagsak ni Dulliyaw sa wala nang lunas sa kanyang . Ang kwento ay nagsimula
sa araw na si Ya-u ay nakakuha ng nganga o ‘Bwa’ at magtayo ng pista sa baranggay
ng Madogyaya. Sa mga mata ni Dulaw, nakilala niya si Dulliyaw at nasulsulan siya sa
kagandahan ng dalaga.

Dahil sa pagkaaliw ni Dulliyaw kay Dulaw niligawan ni Dulliyaw si Dulaw sapagkat


siya ay may katipan kay Ya-u. Bago dumalaw si Dulliyaw, binigyan ni Dulliyaw si Ya-u
ng tubo hanggang malasing at nakatulog ang dalaga. Nanligaw si Dulliyaw kay Dulaw
at pinakain ng nganga ang dalaga nang tanggapin ang nganga na ibingay. Ngunit
ipinalabas ni Dulliyaw na sa pagkatanggap ni dulaw sa binigay niyang nganga ito ay
ang pagkatanggap niya bilang nobya. At nangako si Dulliyaw na dadalawin niya ulit si
Dulaw sa isang gabi, walang isip ang nasa loob ni Dulaw nang umalis si Dulliyaw.

Sa kalagitnaan ng isang gabi dumalaw si Dulliyaw sa bahay ni Dulaw at sabahy


sila kumain ng nganga. Nagulat si Dulaw sa winika ni Dulliyaw na siya ay dadalhin sa
bahay ng lalaki. Dito nagsimula ang gulo at ang mga tao sa paligid ay
nagkakaguluhan na sa nayon. Gumising ang mga tao sa tilaok ng tandang na manok.
Hinabol sina Dulliyaw at Dulaw nang sina ay tumakas, sa gitna ng habulan nakilala
nila isang lalaki na may dalang palakol at balak na patayin sila. Ngunit si Dulliyaw ay
nakatakas nang akyatin ang malaking puno. Samantala walang makapangahas na
siya ay lusubin kaya nakapagpasiya si Ya-u na tawagin ang mga sundalong kastila ng
Sakbawan. At noon nga si Guwela na kumander ng Garison ay umakyat sa kataasan
ng Kalinga na kasama ang mga sundalo. At sa utos ni Guwela sa kanyang mga
sundalo, dinakip si Dulliyaw at tinapon sa Sakbawan. Naubos ang lakas ni Dulliyaw sa
pagtakas niya habang ang karamihan ng mga tao na kumikilala sa kanya ay may
alam sa kanyang ginawa. Sabay inutos ni Guwela na idakip si Dulaw at itapon siya sa
Sakbawan rin para ang dalawa ay nasa kulungan.

Mahiwagang pagsilang ni Banna ng Dulawon at muling pagkabuhay ni


Dulliyaw ng Dulawon

Ilang taong nakalipas na, ang dalawang nakulong sa Sakbawan ay pumayat at


ubos na ang lakas nila. Humingi si Dulaw ng nganga kay Dulliyaw, sapagkat ito na
ang huling piraso kaya inihati niya ito sa maliliit na pipirasong nganga. Bago kuhain ni
Dulaw ang huling pirasong nganga, bigla itong nawala sa kamay ni Dulliyaw.

Samantala sa pook ng Magobya ay naliligo si Dinanaw. Sa paliligo ni Dinanaw sa


ilog ay napulot niya ang nganga. Kinain niya ito ng walang alinlangan. Matapos
nguyain ni Dinanaw ang nganga ay bigla na lamang itong nagbuntis. Makalipas ng
ilang taon ang kaibigan ni Banna, ang panggalan na ibinigay ng kanyang nanay at ang
tawag ng mga kaibigan niyang galing sa mga Agta, ay tinutukso siya na kung siya ay
ang tunay na Banna siya ang anak ni Dulliyaw. Nang malaman ni Banna ito
nagsumbong sa kanyang nanay sapagkat ibinaliwala ang kanyang sumbong. Sa isang
iglap lamang dito bigla na lamang naging malakas ang katawan niya at naghangad ng
paghihiganti sa loob niya. Nadala siya sa Sakbawan ng isang mahiwagang panyayari
at dito niya pinugutan ang ulo ni Dulaw habang ang isa sa mga kasama ni Banna ay
pumunta kay Dulliyaw para sabihin na siya ay ang anak niya. Nakatakas sila amit ng
isang bangka at sa isang iglap nadala sila sa pook ng Magobya kung saan nauso ang
kasalan ng panahon na iyon.

Pakikipag sapalaran ni Banna ng Dulawon

Ang pakikipagsapalaran ni Banna ng Dulawon ay nagsimula sa kanyang pagpunta


sa Manggawa at doon niya nakilala si Laggunawa, ang mapapangasawa dapat ni
Dungdungan. Habang nakahiga sa gabay na iyon si Laggunawa ay natakot sa
pagbibisita ni Dungdungan na nangyari sa gitna ng gabi para kuhain na si Laggunawa.
Sa gitna ng away ng dalawang lalaki, binigyan sila ng mahigpit na pagsubok para
mapatunayan ang kanilang pagkalalaki nila para kay Laggunawa, ay magpugot ng ulo
at makabalik sa kanya para makapagpakasal sa kanya. Isinundan nina Banna at
Dungdungan ang hamon ni Laggunawa. Habang si Banna ay nagtagumpay sa
kanyang pagpugot ng ulo sa Bibbila, hindi tumuloy sa Magobya si Dungdungan.
Binigyan niya si Banna ng hamon na pugutan ang ulo ng mga tao na binanggit ni
Dungdungan, mahigpit na hindi niya basta ibibigay si Laggunawa dahil sa kanyang
karapatan kay Laggunawa nang dahil sa ritwal na Palanga (ang ritwal na pagbibigay
ng regalo sa magulang ng magiging asawa). Sapagkat nagpakitang gilas si Banna sa
papakita ng maningning na tagumpay sa mga hamon ni Dungdungan. Matapos
makabalik si Banna sa Dulawon, si Dulliyaw, ang ama ni Banna, ay nagtayo ng pista
para kay Banna. Nang habang nagkakaroon ng pista si Dungdungan ay sumigaw at
pinutukan ang kanyang baril at ang bahay sa Dulawon ay nasunugan. Ang kapatid ni
Laggunawa, si Awingan, na ipabalik ang ginto na ibingay ni Dungdungan sa magulang
ni Laggunawa para mapangasawa niya. Matapos na pagusapan ang dalawang partido,
at patas na ang kanilang yaman, naging taggumpay na si Banna sa pagasawa kay
Laggunawa sa.

Wakas

Ang Ullalim ay hindi ang epiko o tula ng tribo, pero ang mismong paraan na
kinakanta ng mga babae o lalaki ng mga Kalinga sa pistahan. Ipinapasa itong epiko sa
kanilang mga anak para mabuhay muli ang mga tao sa loob ng epiko at maalala nila
ang Bayani at ang kanyang mga taggumpay. Ang Ullalim din ay ginagamit bilang
kasunduang pangkapayapaan sa kaaway. Nandito ang pagpapakita ng pagmamahal
bilang pagkukuha ang mandiga o ang marangal na babae na ipinili ng bayani. At ang
isa pang mahalaga na mensahe, ang pinaka importante sa kanilang mga tauhan ng
mga Kalinga, ang pagpapakita ng katapangan ng Bayani kagaya ni Banna.

You might also like