You are on page 1of 10

Pangalan:_______________________Seksyon:___________________________Petsa:_________________

Pagsulat ng Isang Rebyu

1. Buod ng pelikula – ang kabuuang bahagi ng istorya. Piling mga eksenangmagkakaugnay. Pinaikling ulat ng buong pelikula.
2. Direksyon – ang pamamaraan ng direktor kung paano niya patatakbuhin angistorya. Sa kamay ng direktor nakasalalay ang bisa at ganda ng pelikula sa kubuuan .
3. Disenyong pamproduksyon – props, kasuotan, gamit at background ng pelikula ang pinag-uusapan sa produksyong-disenyo. Dito nakikilala ang kahusayan ng desayner
lalo na kung marunong siyang maghanap ng paraan upang maging tugma at akma ang lahat para sa isang pelikula. Ang kaganapan noong panahon ng digmaan ay di dapat
kakitaan ng mga modernong kasuotan.
4. Sinematograpiya – ang labo at linaw ng pelikula ay nakikita sa kagalingan ng isang sinematograper. Siya ang nagbibigay ng anggulo ng mga tagpo o eksena.
5. Makatotohanang pagganap ng mga tauhan – nangangailangan ng masusing pagsusuri ang pagkilala sa mga tauhan ng pelikula. Ang pagganap ng isang artista ay
kinakailangang may kaugnayan sa katauhan ng kanyang papel na
ginagampanan.
6. Kaugnayan ng istorya sa kasalukuyan at aral na mapupulot mula rito.Naaangkop ba sa kasalukuyan ang istorya? Mahalaga ang paghahambing ng pelikula sa
kasalukuyan upang makita ang pagkakatulad/pagkakaiba.Bawat
pelikula ay may taglay na aral na nais ibahagi sa manonood.
7. Ang paglapat ng tunog – lubhang makabuluhan ang tunog sa pelikula. Isipin mo na lamang kung ang pinapanood mo ay di kailanman makakilala ng damdamin tulad ng
putukan, tilaok ng manok, bagsak ng anumang bagay, at bigat ng suntukan.Pinalalagay natin na ang tunog ay akma sa bawat eksena. Di dapat nahuhuli sa kilos, galaw at
maging sa damdaming nais ipakahulugan sa bawat eksena.
8. Ang paglalapat ng musika – nabubuhay ng isang musika ang eksenang malungkot, galit, takot at hinagpis. Ito ang kadalasang dahilan kung bakit naaapektuhan ang
manonood ng pelikul. Nariyang paglabas ng tao mula sa
sinehan ay mugto ang mata, masayang-masaya, galit na galit atbp. Ang paglalapat ng musika ay nakatutulong para lalong umangat ang bigat at gaan ng eksena.
9. Ang editing ng pelikula – sa paggawa ng pelikula, ang mga editor ang siyang nagdudugtung-dugtong ng eksena, mula sa mga negatibong nagamit sa shooting ng
pelikula. Ang daloy ng palabas ay napakahalaga sapagkat dito
nabubuhay ang istorya.
10. Skrinplay ng pelikula “Para kang bukas na karinderya sa lahat ng oras sa gustong kumain.” “Asawa ka lang, ako’y anak . . . hindi napapalitan at di nababayaran.”
“Bakit ba parang di tayo magkakilala . . . Asawa mo ako, hindi asong
dadaan-daanan lamang.” Ilan lamang ito sa magagandang dayalogo na nakaaangat sa pelikula.
Kapagka mahusay ang manunulat ng iskrip, motibasyon ito upang panoorin ang isang pelikula. Gayundin naman, ang iskrinpley ay ibinabagay sa panahon at tagpuan ng
pelikula.
I. Tungkol sa Pelikula
A. Pamagat ng Pelikula:
(Ibibigay ng mag-aaral ang pamagat ng pelikulang sinuri at pagpapakahulugan sa pamagat. Maaaring sagutin ang katanungang bakit?)
B. Direktor:
(Pangalan ng Direktor)
C. Prodyuser:
(Pangalan ng Prodyuser o mga prodyuser)
D. Pangunahin tauhan:
(Pangalan ng karakter – artistang gumanap – paglalarawan)
E. Tema ng Pelikula:
(Ano ang paksang tinatalakay sa pelikula?)
F. Buod ng Pelikula
(Magbigay ng maikling buod ng pelikula.)
II. Mga Aspektong Teknikal
A. Musika
(Nababagay ba ang mga tunog at musikang ginamit sa pelikula? Nakatulong ba ang musika sa paguhit ng emosyon at pagpapatingkad ng kagandahan ng
kwento?)
B. Sinematografi
(Maganda ba ang kabuuang kulay ng pelikula? Mapusyaw ba o matingkad ang pagkakatempla ng kulay na kuha ng mga camera? Maganda ba ang visual effects
na ginamit?)
C. Pagkasunud-sunod ng mga Pangyayari
(Maayos ba ang pagkakasunud-sunod ng mga eksena? Hindi ba ito nakalilito? Lahat ba ng tagpo ay malinaw at mahalaga sa pinapaksa?)
D. Pagganap ng mga Arista
(Maganda ba ang pagka-ganap ng mga artista? Makatotohanan ba ang emosyong kanilang pinapapakita? Paano nakatulong ang kanilang pag-arte sa pag-unawa
sa nilalaman?)
E. Tagpuan
(May maganda bang tagpuan ang pelikula? Nakatutulong ba ang tagpuan sa kabuuang palabas? Angkop ba ang mga tagpuang ginamit sa tema at kwento ng
pelikula?)
III. Kahalagahang Pantao
A. Paglalapat ng Teoryang Realismo
(Makatotohanan ba ang mga pangyayaring pinapapakita sa pelikula? Anu-ano ang mga isyu na tinalakay sa pelikula na maihahalintulad sa mga isyung
nagaganap sa lipunan?)
B. Paglalapat ng Ibang Teoryang pampanitikan (Para sa ikaapat na taon)
Magbigay ng tatlong eksena o tagpo sa pelikula na gumait ng iba pang teorya maliban sa Realismo.
C. Mga Aral
Karamihan sa mga pelikula ay gumagamit ng Christ like character kung saan ang bida ay may mga katangiang katulad kay Kristo. Sa pelikulang Caregiver,
Paano maihahalintulad ang pangunahing karakter sa mga katangian ni Kristo. Gamitin ang Venn Diagram sa bahaging ito.
D. Kabuuang Pananaw
(Paano naiiba ang pelikulang ito sa mga pelikulang napanood mo?Naangkop ba ang pelikula sa atin. Karapat-dapat bang panoorin ang pelikula? Bakit?)
GAWAIN 1:Panuto: Isulat kung ano ang tinutukoy ng mga halimbawang inilalahad sa bawat bilang.
1. Magagaling ang artistang gumanap na sina Gloria Romero, Edu Manzano, Johnny Delgado, Cherry Pie Picache, Hilda Koronel at Dina Bonnevie. Talagang di
matatawaran ang husay nila sa pag-arte. Damang-dama nila ang katauhan ng kanilang ginagampanan.
2. Angkop na angkop ang mga kasuotan ng bawat tauhan sa panahon ng mga pangyayari kung kailan naganap ang istorya.
3. Mahusay na naalagaan ang kaliit-liitang detalye ng pelikula kayat madaling makilala ang obra maestrang may kalidad.
4. Akmang-akma ang dubbing ng mga artista sa diyalogong kanilang binibigkas sa bawat eksena. Hindi nahuhuli ang salita sa pagbuka ng bibig.
5. Sa mga tagpong may mangyayaring di maganda, kaagad na maririnig ang mga musikang nakapagpapataas ng damdamin tulad ng takot, pagnanasa at pakikipaglaban.
6. May mga eksenang kapag nag-uusap ang dalawang tao, lumalabo ang kamera sa kausap at lumilinaw naman sa nagsasalita.
7. “Hindi ka na sisikatan ng araw . . .”“Walang personalan, trabaho lang . . .”
Gawain 2: PLONING. Ni Dante Nico Garcia
EL FILIBUSTERISMO

Buod ng El Fili
10 mahahalagang pangyayari sa buod ng El Fili
1. Muling pagkikita ni Simoun at Basilio sa libingan ni Sisa
2. Natuklasan ni Basilio ang lihim ni Simoun; Tinangkang patayin ni Simoun si Basilio gamit ang revolver
ngunit hindi ito natuloy dahil sinabi ni Basilio na tutulungan niya maghimagsik si Simoun.
3. Salu-salo; Pagtutuligsa; Pagdakip kay Basilio
4. Nagkasundo bilang ninong si Simoun sa kasal ni Juanito at Paulina (Di ko alam kung dyan na nakalaya
si Basilio sa kulungan)
5. Pagdalo sa kasal; Pagtapat ni Basilio kay Isagani ng isinasagawang plano ni Simoun.
6. Pagpunta ni Isagani sa kasal para makita si Paulina
7. Pag-agaw ng ilaw ni Isagani at paghagis nito sa ilog
8. Pagtakas ni Simoun
9. Pag-inom ni Simoun ng lason; Pagkamatay
10. Paghagis ni Padre Florentino ng kayamanan ni Simoun sa dagat
Banghay ng El Fili
1. Simula Ang pagbabalik ni Ibarra sa tauhan ni Simoun
2. Tumitinding Galaw Ang pagpaplanong paghihimagsik laban sa mga kastila
3. Kasukdulan Pagsasagawa ng pagpapasabog ng lampara
4. Kakalasan Pagkabigo ng pagpapasabog
5. Wakas Paglalason at pagkamatay ni Simoun
Mga pangyayari sa mga kabanata:
1. Si Simoun (Simula)
 Nagbalik si Ibarra bilang SIMOUN
 Nakita at nakilala siya ni Basilio
 Kamuntik nang patayin ni Simoun si Basilio dahil sa natuklasan niya pero sinama niya na lang si Basilio sa mga plano niya
2. Paglisan (Tumitinding Galaw)
o Mista – pangalansa ibang libro
 Makikita sa bomba, lampara, kandila, paputok
 Si Placido Penitente (1 estudyante) ay natanggal sa unibersidad dahil sa kanyang nagawa at ayaw na niyang bumalik ulit kahit na gusto ng nanay
niyang mag-aral muli siya
 Balak niyang mag ibang bansa, magtrabaho, magpayaman at bumalik para maghiganti
 Nilapitan niya si Simoun para humingi sana ng tulong at nang sinabi ang plano, nakita ni Simoun ang sarili kay Placido kaya’t isinama niya sa
kanyang plano
* nakita nia Simoun ang kanyang ama at si Elias dahil alam niyang hindi nila nagugustuhan ang kanyang plano dahil sila ay
3. Ang Piging (Kasukdulan at Kakalasan)
 Dinala ni Simoun ang lamparang may bomba na regalo sa bagong kasal
 Nasa labas si Basilio at hindi makapasok dahil sa suot, gusto niya sanang sabihan ang mga tao tungkol sa lampara
 Nang umalis na si Simoun at nakita ni Basilio siya’y umalis na rin at nakabangga si Isagani, dating kasintahan ni Paulita na ikinasal na, ayaw niyang
madamay ang walang alam na kaibigan kaya’t pinigilan niya ito, hindi nakinig si Isagani kaya’t nasabi ni Basilio and tungkol sa lampara
 Pumasok si Isagani sa bahay at dali-daling itinapon ang lampara sa ilog.
 Hindi natuloy ang plano ni Simoun, ito’y nasira.
4. Katapusan (Wakas)
 Uminom ng lason si Simoun sapagkat ayaw niyang magpahuli sa mga pulis at bago mamatay ay nag-confess siya kay Padre Florentino.
 Inilibing ni Padre Florentino si Simoun at itinapon sa dagat ang kanyang mga kayamanan
Kaisipan at Talasalitaan ng bawat kabanata
1. Simula: Si Simoun
Kaisipan: Walang lihim na hindi nabubunyag
o kahit anong tago ng sekreto ito ay lalabas din sa tamang panahon or malalaman ng iba
Talasalitaan:
1. Makakita -- Makabanaag 4. Pagkapagod -- Pagkahapo
2. Bigla -- Gulat 5. Nalaman -- Nabunyag
3. Nakita – Namalas 6. Wasak-wasak -- Lasog-lasog
2. Tumitinding Galaw: Paglisan
Kaisipan: Ang tumakbo ng matulin, matinik ay malalim
o Kapag padalos-dalos ang tao gumawa at hindi pinag-iisipan masama ang maidudulot nito
Talasalitaan:
1. Lumisan -- Umalis 4. Hablutin -- Hilain
2. Pag-aglahi -- Nagtitiim 5. Napagtanto -- Hapag-haluman
3. Nagngangalit -- Pag-alipusta 6. Nangahas -- Naglalakas Loob
3. Katapusan: Ang piging
Kaisipan: Binubulag ng pag-ibig ang isang tao
o Kahit na masama na ang nagawa ng mahal mo sayo, mahal mo pa rin siya at ililigtas sa kasamaan
Talasalitaan: 5. Nagbawa - Humupo
1. Magiliw - Malambing 6. Tagasuplong - Tagapagbigay-alam
2. Pagyukod - Pagkakilala 7. Sumambulat - Sumabog
3. Nakalagak - Nakalagay
4. Ipagbigay-alam - Ipabatid
4. Wakas: Katapusan
Kaisipan: Ang nagtatanim ng hangin, bagyo ang aanihin
o Kapag masama ang ginawa mo sa tao mas masama pa ang babalik sayo; KARMA

Talasalitaan:
1. Abot-tanaw -- Kita 5. Dakipin -- Hulihin
2. Matarok -- 6. Kapalaluan --
3. Namangha -- nagalingan 7. Kuwartel --
4. Pauntol-untol --

You might also like