You are on page 1of 1

Alay sa Inang Mapag-Ampon

(Musika ni +Mike Mercado, Titik ni Fe De Guzman SFO)

Koro: Halina't dumulog sa Inang Mapag-ampon


Mata n'yang maamo sa'ti'y nakatuon
Bayang Santa Ana ay laging kupkupin
Ang sala't panganib ilayo sa amin

O mapagpalang Maria Ina ni Jesus at aming Ina


Kami na nagpipitagan
Sa alindog mo'y sumisinta ( ulitin ang koro)

Kami ay pagpalain
Kalingain sa araw-araw
Upang sa iyo'y makapara yaring aming buhay ( ulitin ang koro )

Mga anak mong kulang-palad


May sakit at naghihirap
Sa kanila ay igawad
Saklolo mo at paglinagap (ulitin ang koro )

O Mahal na Ina ng Awa


Tinig namin ay pakinggan
At sa bugtong mong Anak kami ay ipamagitan (ulitin ang koro )

Sa iyo ay sumasamo kaming lahat ay patnubayan


Nang puso't damdamin namin
Sa tuwina'y manatiling banal (ulitin ang koro)

You might also like