You are on page 1of 4

Makaraig

Si Makaraig ay isa sa mga tauhan sa nobelang El Filibusterismo ni Jose Rizal. Kilala si


Makaraig sa kanyang galing sa pakikipagdebate at kasipagan sa pag-aaral. Siya ang mayamang
kaibigan ni Basilio at Isagani na kaisa rin sa kanilang hangaring magkaroon ng Akademya ng
Wikang Kastila, na pinamumunuan niya. Upang maisakatuparan ang planong ito, ipinagkaloob
niya ang isa sa kanilang mga bahay para sa ipapatayong akademya. Dahil sa kaniyang kayamanan
ay nabibili niya ang lahat ng librong kailangan sa eskwela kung kaya't hindi siya nahuhuli sa
mga leksyon. Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

Kahalagahan

Ipinagkaloob niya ang isa sa kaniyang mga bahay upang makapagpatayo ng isang paaralan. Kaisa
niya ang mga kaibigan na si Basilio at Isagani. Sinubukan niyang kunin ang suporta ni Don
Custodio, isang mamamahayag (journalist) gamit ang kalaguyo nito na si Pepay. Nalaman niya
na mayroong kondisyon kapalit ng pagpapatayo ng akademya, at iyon ay ang mapasailalim sa
mga relihiyosong korporasyon ang gagawing akademya. Dahil sa pagkadismaya, kumain sila sa
isang Chinese na panciteria upang ipagdiwang ang mga pagbabago. Habang kumakain, iniinsulto
nila si Don Custodio at Padre Irene, maging ang gobyerno kaya naman kinabukasan ay nakulong
siya, kasama ang mga estudyante.

Nagawa niyang makapagpyansa, nakalabas ng kulungan at nanirahan na sa Europa matapos.

Sinisimbolo ni Makaraig ang mga mayayamang kabataan noong panahon ng mga Kastila na
mayroong magandang hangarin para sa bayan. Ipinakita rin niya kung paano naiba ang pagtrato
sa mga mayayaman at mahihirap. Dahil pareho sila ni Isagani na nanguna sa pagpapatayo ng
akademya, ngunit mas pinapaboran ng mga pari si Makaraig dahil sa kanyang katayuan.

Analysis
Tanong: Ano ang maaaring maging epekto ng tauhang ito sa kabataan sa
kasalukuyan?
Sagot: Isa siya sa mga tauhan na naghangad na magpatayo ng isang akademaya, ang
maaaring maging epekto ng tauhan ito sa kabataan sa kasalukuyan ay isang ehemplo na kung
saan nagnanais siya ng karunungan o kaalaman. Ginagamit niya ang kayamanan upang hindi
maparusahan at maaari niyang maimpluwensiyahan ang mga kabataan dahil hindi siya patas.
Tanong: Ano ang maari niyang maiambag sa kasalukuyan kung sila’y nabubuhay?
Sagot: Ang maari nilang maiambag sa kasalukuyan ay ang isa sa mga taong may
awtoridad na tumutulong sa pagkamit ng kapayapaan at hustisya sa buhay ng iba kung sakali
na siya ay mabait. Maaaring maging isa sila sa mga nagtataguyod ng karapatang pantao sa mga
taong umaalipusta sa kanila.
Tanong: Ano ang maaaring epekto sa nobela kapag tinanggal ang tauhang ito?
Sagot: Ang maaring epekto nito sa nobela kapag tinanggal ang tauhang ito ay mag
resulta sa pagbaba ng bilang ng mga taong masasama ang kalooban at mga taong hindi patas.
Kung wala siya sa nobela, maaaring hindi naipakita ang kawalang-hustisya na nangyari sa
pagitan ng mga mayayaman at mahihirap na mamamayan.
Hermana Bali

Si Hermana Bali ay isa sa mga tauhan sa nobelang El Filibusterismo ni Jose Rizal.


Inilalarawan siya bilang masiglang pusakal ng pangginggera (isang uri ng sugal) na napadala
sa Maynila upang magehersisyo sa beateryo ng La Compradia. Naghimok at tumulong kay
Juli upang humingi ng tulong sa kawani at kura upang palayain ang napiit na si Basilio.

Kahalagahan

Kung wala si Hermana Bali sa nobela, maipapatapon na si Basilio sa ibang lugar dahil walang
magsasabi kay Juli tungkol sa mga estudyanteng nakulong. Sinamahan ni Hermana Bali si Juli
sa Hukom Pamayapa. Si Hermana Bali rin ang siyang nagbibigay payo kay Juli.

Analysis
Tanong: Ano ang maaaring maging epekto ng tauhang ito sa kabataan sa
kasalukuyan?
Sagot: Ang maaring maging epekto ng tauhang ito sa kabataan sa kasalukuyan ay
magsilbing modelo, na kung saan ay ginagamit ang kanilang kakayahan sa paggawa ng kabutihan,
na kung saan tinutuligsa ang mga nang-aapi at minumulat ang isipan ng mga tao sa kasakiman
na ginagawa ng mga mapagsamantala.
Tanong: Ano ang maari niyang maiambag sa kasalukuyan kung sila’y nabubuhay?
Sagot: Ang maari niyang maiambag sa kasalukuyan ay ang mga mapagkakatiwalaang tao
na may kaugnayan sa pagkakamit ng hustisya at nagtataguyod ng karapatang pantao.
Maiiambag niya ang kaniyang karakter sa pagkakaroon o pagkakamit ng ating bansa ng
kapayapaan at hustisya na kung saan walang inosenteng tao ang mapaparusahan. Maari niya
ring himukin ang mga kabataan na nararapat lamang mahalin ang kapwa.
Tanong: Ano ang maaaring epekto sa nobela kapag tinanggal ang tauhang ito?
Sagot: Ang maaring maging epekto sa nobela kapag tinanggal ang tauhang ito ay
magbunsod ng kawalang pag-asa ng bayan lalo na sa usaping pangkapayapaan at hustisya. Kung
wala si Hermana Bali, hindi malalaman ni Juli balak ng mga nakatatas na pagpapatapon kay
Basilio sa ibang lugar. Wala na ring magmumulat sa mga tao ng tunay na nangyayari sa ating
lipunan, na kung saan ay pinapaikot-ikot tayo ng mga nasa taas samantalang naghihirap ang
mga taong nasa ibaba.
Padre Bernardo Salvi

Si Padre Bernardo Salvi ay isang kathang-isip na Pransiskanong prayle at isa sa mga


pangunahing tauhan sa mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. may
lihim na pagnanasa kay Maria Clara sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Siya ang
humalili kay Padre Damaso bilang kura sa bayan ng San Diego. Si Padre Salvi ay inilarawan
bilang may mahinang pangangatawan, sakitin, at tila palaging may iniisip. Hindi nagbago ang
paglalarawan kay Padre Salvi sa nobelang ito. Isa pa rin siyang payat at malungkuting prayle.
Siya ang namamahala sa kumbento ng Sta. Clara. Siya rin ang nagpadala ng sulat na naglalaman
ng kuwento tungkol sa pagkamatay ni Maria Clara.

Kahalagahan

Maliban dito ay makikita si Padre Salvi bilang isang prayleng hayok sa laman. Sa bawat tagpo
na sila’y magkikita ni Maria Clara ay tila hindi siya mapakali. Minsan pa’y sinilipan niya ito nang
ito ay naliligo sa may lawa. Iba ang pagtingin niya sa magandang dalagang ito. Maliban sa
pagtingin na dapat iukol ng isang pari sa kaniyang mga parokyano ay ang paghahangad sa
kaniya.

Ipinapakita niya ang mga pari na ginagamit ang kapangyarihan ng simbahan upang makuha ang
gusto nila.

Analysis
Tanong: Ano ang maaaring maging epekto ng tauhang ito sa kabataan sa
kasalukuyan?
Sagot: Hindi magiging maganda ang magiging epekto ni Padre Salvi sa mga kabataan sa
kasalukuyan sapagkat kilala siya bilang isang prayle na mapusok. Siya ang nangalaga noong
pumasok si Maria Clara at sinasabing may nangyari sa pagitan nila. Maaaring maging isang
masamang ehemplo si Padre Salvi.
Tanong: Ano ang maari niyang maiambag sa kasalukuyan kung sila’y nabubuhay?
Sagot: Wala sapagkat isa siyang hindi patas na tao.
Tanong: Ano ang maaaring epekto sa nobela kapag tinanggal ang tauhang ito?
Sagot: Mawawala ang esensya ng pagbabalik ng pangunahing tauhan na si Simoun dahil
ang dahilan ng kaniyang pagbabalik ay ang mabawi si Maria Clara mula sa kumbento.

You might also like