You are on page 1of 9

Miyerkules, Setyembre 21, 2011

"WIKANG BANYAGA SA UTAK-KOLONYAL NA BANSA"

Ang bansa natin ay hitik sa ibat-ibang wika.Hindi na nakakapagtaka ito dahil nga sa pagkawatak-watak ng mga isla sa
bayan na ito.Pero natanong n'yo ba sa mga sarili ninyo bakit sa tuwing nakakrining tayo ng mga pilipino na magaling
mag-ingles bakit parang ang tingin natin sa taong iyon ay napakatalino niya?Sa bansa na ito isa nang "simbolo" ang
wikang ingles sa pagiging matalino.Sa isang bansa na makailang ulit nang sinakop ng mga banyaga hindi na
nakakapagtak ang mga ganitong pag-iisip.Tingin kasi ng mga kapatid natin na kapag nakakapag-ingles ka, matalino
ka.Kapag nagbi-bisaya ka sa isang lugar na walang gumagamit ng wika na ito, nagpapatawa ka dahil nga sa kakaibang
tono ng pananalita kapag ginamit mo ang wikang bisaya.At kung nagta-tagalog ka, parang ang bobo mo at tanga.
Balikan natin ang kasaysayan.Sinakop tayo ng mga kastila ng mahigit 300 taon.Kapag hindi ka nakakapag-espanyol sa
mga panahon na iyun, alila ang tingin sayo.Walang kahihinatnan ang buhay mo at kadalasan sasali ka sa pagkakabibo ng
mga ninuno ng mga "New People's Army" na KKK na kung saan miyembro ang mga dakilang bayani natin.Ang sumunod
ay ang mga hapones at ang huli mga amerikano na magpakasa-hanggang ngayon, hawak parin tayo sa bayag.Sabi nga
ni Dr.Jose Rizal, "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay mas malansa pa sa mabahong isda".Pero sa panahon na ito,
hindi na applicable ang ganitong salawikain.Ang bersyon ng mga pinoy sa panahon na ito, "Ang hindi magmahal sa
sariling wika, aasenso sa buhay at hindi magmumukhang tanga".Pero hayan nating tingnan sa malawak na pananaw at
aspeto ang usapin na ito.Bakit pal hindi umaasenso ang bansa natin?Hindi dahil sa hindi tayo marunong mag-ingles.Dahil
ito sa wala tayong bilib at paniniwala sa sariling wika natin.Isa sa mga dahilan kung bakit hindi nagkakaisa ang magkaka-
ibang grupo ay dahil sa wika.Huwag na nating isali ang mga rebeldeng NPA at MILF dahil sadyang malalabong kausap
ang mga 'yun.Mahilig magpa-cute at magpapansin.Isa-isip natin sa ating mga sarili na ang ating wika ay isa sa mga susi
para umasenso ang bansa natin.
Kaya sa susunod na may magpakabibo na kaibigan mo na mag-iingles, sabihin nang harapan na huwag mag-iingles at
ipagmalaki na gamitin ang sariling wika.Murahin kung kinakailangan at kung hindi madala sa santong dasalan, Yayain na
lang na manood ng Care Bears o hindi kaya Barney and friends.
Ipinaskil ni Sylk sa 9:53 PM
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

Kolonyal at Elitistang Edukasyon


by Rogelio L. Ordoñez
June 8, 2014

SAPAGKAT KINOPYA nang pira-piraso mula sa edukasyong Amerikano ang ating edukasyon
gayong hindi naman katugma ang ating ekonomiya ng industriyalisadong ekonomiya ng Estados
Unidos, hindi nito matugunan hanggang ngayon ang mga pangangailangan ng bansa tungo sa
kaunlaran at, sa halip, naging instrumento pa ito ng pang-aaliping pangkaisipan. Higit pang
masama, mga korporasyong multi-nasyonal at dayuhang mga interes ang nakikinabang lamang sa
talino at lakas-paggawa ng mga nagsisipagtapos sa kolehiyo na hindi naman tinutumbasan ng
makatarungang suweldo.
Natural, dahil mga Amerikano ang naggiit ng kasalukuyang edukasyong Pilipino, isinalaksak sa
ating utak ang mga pagpapahalagang maka-Amerikano kaya dinadakila natin hindi lamang ang
kanilang lahi, wika, kasaysayan at kultura kundi maging ang kanilang mga produkto. Ikinadena pa
ang pambansang liderato, pinanatiling tagahimod ng kuyukot ni Uncle Sam kaya sunud-sunuran sa
dikta ng mga diyus-diyosan sa Washington — pampulitika man o pangkabuhayan o anumang mga
patakarang pabor lamang sa makasariling interes ng Amerika.

Samantalang umunlad, at patuloy na umuunlad, ang maraming bansa sa daigdig — tulad ng


Alemanya, Pransiya, Rusya, Tsina at Japan — hindi sa pamamagitan ng paggamit sa wikang Ingles
sa kanilang edukasyon kundi ng kani-kanilang wika, banyagang wikang Ingles pa rin ang
nangingibabaw sa ating edukasyon. Umiiral tuloy, at isang malaking kahangalan, ang elitistang
pananaw na “hindi edukado” at itinuturing nang bobo ang hindi mahusay sa lengguwahe ni Uncle
Sam gayong ang sukatan ng katalinuhan ay wala sa wikang ginagamit kundi nasa laman ng isip.

Sa larangang pangkultura, ayon nga sa mananalaysay na si Stanley Karnow, lumikha tayo ng mga
Pilipinong Elvis Presley, Frank Sinatra, Tom Jones o Michael Jackson, at iba pa. Nagsulputan ang
makabagong mga Donya Victorina ng Noli at Fili ni Rizal — nagpatangos ng ilong, nagpaputi ng
kutis, nagpa-blonde ng buhok, nagpalaki ng suso at pabalbal na nagpipilit mag-Ingles kahit mga
Pilipino ang kausap. Kahit sa mga awitin at pelikula, malinaw na hinuhuwad natin ang kultura ng
mga Yankee.

Sa halip na isulong ng walang gulugod na pambansang liderato ang siyensiya at teknolohiya tungo
sa industriyalisasyon ng bansa, naiiwan tuloy ang Pilipinas sa larangang ito ng mga 50 taon kung
ihahambing sa mauunlad na bansa sa Asya at mga 100 taon naman ng industriyalisadong mga
bansa sa Kanluran.

Nakakainsulto tuloy na saranggola pa lamang ang kaya nating gawin gayong nagmamanupaktura
na ng kanilang mga eroplano ang Tsina, Japan o Korea. Rebentador lamang at dinamita ang
nagagawa natin samantalang bomba atomika ang nalikha ng India. May “ballistic missile” ang
Hilagang Korea, ngunit tayo’y kuwitis pa rin magpahanggang ngayon na hindi pa sumasagitsit
paitaas kung minsan. Kung may “cosmonaut” at “astronaut” ang Rusya at Amerika na
nakapaglalakbay sa kalawakan o nakararating sa buwan, mayroon daw naman tayong mga aswang
at manananggal. Samantalang gumagawa at nagbebenta ng mga sasakyan — bus man o kotse —
ang Korea at Japan, tagapulot naman tayo ng basurang mga makina at piyesa ng sasakyan upang
lagyan ng kaha at maging mga behikulong pamasada.

Kahit sagana ang bansa sa mina ng bakal at asero, hindi pa tayo makagawa ng simpleng pako o
karayom at bumibili pa ng lagari, pait, katam at martilyo mula sa ibang mga bansa, o ng iba pang
mga produktong puwede namang tayo na ang lumikha.

Ano nga ba ang naidulot sa bansa ng edukasyong Pilipinong kinopya nang pira-piraso sa
edukasyong Amerikano?

Malinaw na pinatindi lamang ng edukasyong ito ang kaisipang kolonyal at elitistang pananaw,
pinanatiling atrasado ang bansa, at naging pabrika lamang ang pangmayamang mga kolehiyo at
unibersidad ng henerasyon ng mga lider na mandurugas, makadayuhan at may kaisipang-alipin,
walang pambansang damdamin o malasakit para sa pambansang kapakanan.
Sabagay, gusto namang talaga ng mga bansang industriyalisado — lalo na ng Estados Unidos — na
manatiling bitukang agrikultural lamang nila ang Pilipinas, huwag maging industriyalisado, upang
palaging umasa sa importasyon at maging tambakan ng sobra nilang mga produkto, lason man o
gamot o pagkain, punglo man o baril, eroplano man o tangke.

Kung hinahangad din lamang na umunlad ang bansa at makita kahit anino ng industriyalisasyon,
makabubuti marahil na ituwid muna ang ating kasaysayang kolonyal at ganap na wasakin ang
balangkas o sistema ng umiiral na edukasyon at lipunan. Lubhang napapanahon na, sabi nga, na
pagsumikapang isulong at pairalin ang isang edukasyong tunay na maka-Pilipino, makatao,
makabayan at siyentipiko na makatutugon at angkop sa pambansang mga pangangailangan tungo sa
tunay na kaunlaran, kalayaan at kasarinlan.

Pagtatangi sa Ingles at pagmamaliit sa wika,


hadlang sa intelektuwalisasiyon ng Filipino
By
Tomas U. Santos

BAGUIO—Mababang pagtingin sa wikang Filipino kumpara sa Ingles ang pangunahing suliranin sa intelektuwalisasiyon
ng ating sariling wika.

Ayon kay Ma. Cristina Padolina, propesor sa Centro Escolar University, mas pinahahalagahan ng karamihan ang
katatasan sa wikang Ingles sapagkat, sa tingin nila, Ingles ang mas kailangan at ito ang malawakang merkado.
“Marami sa atin ay may pananaw na kailangan natin ng Ingles at Ingles lamang ang makapagdadala sa atin sa
globalisasiyon… at ang competitiveness natin [ay] nakasalalay sa mahusay na paggamit ng Ingles,” aniya sa Pambansang
Kongreso sa Intelektuwalisasiyon ng Wikang Filipino na idinaos sa Teachers’ Camp sa Baguio.
Sinang-ayunan ito ni Angelika Jabines, kinatawan ng Bureau of Elementary Education.

“Maraming magulang ang nangangamba na mapag-iiwanan ang kanilang anak pagdating sa wikang Ingles kung uunahin
ang pagtuturo ng wikang Filipino,” pagpuna niya. “Ilan sa mga dahilan ng mga magulang sa pagpapaaral sa kanilang anak
ay upang matuto ang anak ng wikang Ingles nang sa gayo’y makapangibambansa ito,” ani Jabines, 14 taon nang guro sa
unang baitang sa elementarya na nagtuturo ng agham sa wikang Filipino.

Intelektuwal na wika
Ang Pambansang Kongreso sa Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino ay tatlong araw na pagpupulong ng mga
dalubguro, guro at ibang kasapi ng sektor ng edukasiyon. Ang wasto at matalinong paggamit ng Filipino sa iba’t ibang
aspekto at larang ng lipunan ang intelektuwalisasiyon ng ating wika. Ito ang ikalawang Pambansang Kongresong
isinagawa ng Komisyon ng Wikang Filipino.
Para kay Mafel Ysrael, propesor sa UST Faculty of Pharmacy, nagugulumihanan ang kapuwa guro at mag-aaral pagdating
sa pagsasalin ng mga teknikal na salita sa larang ng agham at siyensiya.
“Hindi sila sanay na marinig ang mga tesis na nakasalin sa Filipino dahil karaniwan itong nasa Ingles,” ani Ysrael, na
nanguna sa pagsasalin sa Filipino ng mga tesis ng mga mag-aaral sa kaniyang Fakultad.
Teknikalidad sa pagsasalin ang nakikitang suliranin ni Federico Monsada, isang inhinyero at pangulo ng Philippine
Technological Council.

Ang ilan sa mga suliraning inilahad ni Monsada sa kaniyang larang ang mga sumusunod: kawalan ng tuwirang salin ng
mga terminolohiya o bokabularyo sa larang; ang mga gamit at pamamaraan ng teknolohiya at inhinyeriya ay nakasulat sa
mga banyagang wika.

Para kina Tereso Tullao Jr., direktor ng Angelo King Institute for Economic Business and Studies sa De La Salle
University, at Luis Gatmaitan, isang doktor at bantog na manunulat ng mga aklat-pambata, nakahahadlang ang
sensibilidad ng mga Filipino pagdating sa paggamit ng Wikang Pambansa.

“Sa paggamit ng wikang Ingles, mistulang hinihiwalay ang Filipino at iba pang wikang lokal sa mga pangunahing
kalakarang panlipunan,” ani Tullao.

“Lahat ng bagay tungkol sa sakit ng tao at sa mga nagaganap sa loob ng katawan ng tao ay itinuro sa akin sa wikang
Ingles. Pagkatapos, bigla kang ihaharap sa mga pasyenteng iba ang tawag sa kanilang mga karamdaman,” ani Gatmaitan.

Dagdag ni Gatmaitan, iniiwasan ng mga Filipino ang paggamit ng mga salitang Filipino lalo na kung tumutukoy ito sa
maseselang bahagi ng katawan. “Kung gustong tukuyin ang breast mass, ang sinasabi natin ay ‘bukol sa dibdib’ gayong
mas akma sana ang ‘bukol sa suso,’” aniya.

Posibleng solusiyon
“Sa pagtuturo ng agham, mas mabuti kung ito ay mailalapit sa araw-araw na buhay. Madali itong maisagawa kung ang
mga panayam o lektura ay ginagawa sa wika na ginagamit araw-araw—ang wikang Filipino,” ani Pambansang
Akademiko Fortunato Sevilla III, propesor sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Kilala si Sevilla bilang isa sa mga nangungunang dalubgurong gumagamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng kimika sa
kolehiyo, partikular sa paaralang graduwado ng Unibersidad.

Mungkahi ni Tullao, lalo na sa kapuwa niyang dalubguro, na ilapit ang wikang Filipino sa sikmura ng mamamayan hindi
lamang sa pahina ng mga akademikong saliksik at lathalain.
“Kailangan ang mga intelektuwal ng bansang ito na mag-usap, hindi lamang sa isang kumprensiya tulad nito ngunit sa
iba’t ibang midyum tulad ng mga journal at gamit ang social media,” aniya.

Para naman kay Jabines, kailangan pang pagtibayin ang pagpapatupad ng Departamento ng Edukasyon sa Mother
Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE), na nag-uutos na gamitin ang inang wika sa pagtuturo ng mga
estudiyante mula kinder hanggang ikatlong baitang ng elementarya.

“Ang paggamit ng mother tongue ang pinakamabisang paraan upang mailapat ng mga mag-aaral ang kanilang natutuhan
sa lahat ng aralin,” ani Jabines. Ayon kay Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio Almario, dapat
patuloy na linangin ang paggamit ng inang wika sa loob ng kanikaniyang rehiyon at pagsasalita naman ng wikang Filipino
sa labas nito.

“Kung kayo ay nasa inyong mga rehiyon, gamitin ninyo sa inyong pag-uusap ang inyong regional languages sa halip na
Ingles. Gamitin ang mga katutubong wika at pagkaraan, gamiting tulay lamang para sa pag-uusap ng mga Filipino sa iba’t
ibang rehiyon ang Wikang Pambansa,” ani ng tapagangulo ng Komisyon.

Ispokening Dollar: ‘Weird Affectation’ sa


Wikang Ingles
Posted by TO NI T I EMS I N on A UG US T 4 , 20 1 5

Bobo raw ang mga Pilipinong mahina sa wikang Ingles. Ipinagbubunyi naman natin ang mga
kababayang bulol sa sariling wika pero may twang kung magsalita; yaong palagiang magkasundo
ang subject-verb agreement; at iyong nakapagsusulat nang walang bahid at perpektong Ingles. Sila
ang mga pinupuri, hinahanggaan at pinapalakpakan.
Sa bansang tila paliparan lamang kung ituring ng marami, nagsisilbing tiket ang kasanayan sa wikang
Ingles, lahok sa lakas at tibay ng loob, tungo sa inaasam na greener pasture. Habang nag-iipon ng
pambayad ng placement, ito rin ang wikang posibleng pagkakitaan muna sa tulong na rin ng
industriya ng Business Process Outsourcing.

Kaya maraming salamat sa wikang Ingles. Marami na ang nabawas sa bilang ng mga walang
trabaho. Patutunayan pa nga ng mga numero na naiangat nito ang ekonomiya Pilipinas, dagdag sa
mga padala ng mga Pilipinong migrante. Ang wikang Ingles na nga ang isa sa iilang comparative
advantage ng ekonomiya ng Pilipinas.
Subalit ang anumang itinuring na banyaga, hindi angkop maging natural. At anumang hiram, hindi
nakatadhanang maging sa atin.

Jologs ang Filipino?

Iba ang dating ng wikang Ingles sa ating mga Pilipino. Sa Facebook, mas sosyal basahin ang mga
post na sa Ingles isinulat. Mas sosyal ring pakinggan ang Ingles sa pakikipag-usap lalo sa mga
kapihan. Pangmayaman nga raw ang wikang Ingles. At aminin man natin o hindi, mababa ang tingin
ng marami sa sarili nilang wika. Jologs pa nga kung ituring ng iba.

Ang henerasyong ito at ang henerasyon ng ating mga lolo at lola, lumaking itinuturing na Ingles ang
dila ng mga edukado at may mataas na pinag-aralan. Pinalaki tayong tinuturuang Ingles ang angkop
na wika para sa pormal na pakikipagtalastasan sa paaralan, pamahalaan at opisina.

Subalit habang sa wikang Ingles isinasagawa ang mga opisyal na komunikasyon at transaksyon ng
gobyerno, sa wikang Filipino nag-uusap ang mga kawani nito, at madalas sa minsan, maging ang
mga opisyal. Matingkad ngang hirap ang marami na maging bihasa sa kapwa Ingles at Filipino, o
kahit alinman sa mga ito. Lumilitaw ito sa pakikipag-usap natin sa text o maging sa e-mail. Hirap ang
marami na makabuo ng diretsong Ingles o diretsong Filipino.

Madali namang maunawaan ang ganitong scenario sapagkat tayo mismo’y lito. Nakalilito madalas
sapagkat habang gumagamit ng wikang Ingles sa pagsasalita man o pagsusulat, isinasalin pa muna
natin ito mula sa Filipino patungong Ingles. Ganito ang proseso sapagkat hindi natural ang wikang
Ingles sa lubhang marami sa atin.

Mas matagal ang proseso dahil itinuturing man natin ang mga sarili na aral at sanay sa nasabing
wikang banyaga, hindi ito ang natural na likaw ng ating sikmura. Hindi Ingles ang natural na dila ng
marami nating kababayan. Nakakatawa (at nakapagtataka); hindi ba na kahit ang pinakamatatalino
nating mga kababayan, bihasa sa Ingles pero hirap sa pormal na paggamit sa sarili nating wika?

Epol-Apple

Ang kasaysayan ng praktikal na problemang ito sa wika’y mababalikan natin sa pagpapatayo sa


Pilipinas ng mga pampublikong paaralan ng kolonyal na Amerika noong 1900’s. Sa pamamagitan ng
“pampublikong edukasyon,” na itinuturo sa ating isa sa mga “pinakamagandang impluwensya” ng
Amerika kahanay ng demokrasya, sinelyuhan ng sapilitang pagtuturo ng Ingles ang habambuhay na
ugnayang-pangkultural nila sa Pilipinas.

Mula sa wikang Español na siyang dila ng mga naghaharing-uri at edukado bago dumating ang mga
Amerikano, ginawa itong Ingles. At mula noon hanggang ngayon “Apple” ang katumbas ng titik “A” sa
pagtuturo ng alpabetong Filipino. Nakakita ka na ba ng puno ng mansanas sa Pilipinas?

Sa pagtuturo ng kolonyal na Amerika ng banyagang wika sa mga Pilipino, kasabay nitong isinalin ang
kanilang mga kalinangan, gawi at kultura — pawang hiram. Huwag nating ipagkamali. Ang wika’y
hindi lamang basket ng mga titik at salita. Maraming beses nang nasabi at ilang ulit nang
naipaliwanag ngunit nalilimutan sa tuwina na ang usapin sa wika’y usaping pampulitika. Ang wika ay
likha o produkto ng lipunan kaya ito’y may katakdaang kultural, gaya ng sabi ng propesor ng wikang
si Patricia Melendrez-Cruz sa Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan (1996).

Mangyaring higit sa usapin ng nasyonalismo, at higit sa isyung pedagogikal o pagkatuto, usapin sa


pulitika at kasaysayan ang usapin sa wika. May itinutumbas na kapangyarihan ang wika. Tinutukoy
ng kakayahang mag-Ingles ang narating na antas na edukasyon. Sapagkat Ingles ang pangunahing
medium sa kolehiyo, ito ang naging behikulo ng karunungan, kakayahang umangat sa buhay, at
kapangyarihang pampulitika at pang-ekonomiya.

Lantad ang ganitong pagtatangi sa wikang Ingles dahil ito ang dila ng gobyerno, mga korporasyon, at
ng pampublikong edukasyon. Kaya sa konteksto ng ating bansa kung saan may kalahati ng
populasyon ang mahirap at marami ang hindi na nakapagkolehiyo, paano mo aasahang
makapagsasalita sila ng diretsong Ingles? Paano ngayon sila aasahang makilahok sa “matatalinong”
diskusyon na sa Ingles isinasagawa ng gobyerno at sa Ingles din isinusulat ng mga pangunahing
diyaryo sa Pilipinas?

Isang tanong mula pa noong 1960 ang sinipi ni Melendrez-Cruz ang akmang-akma pa rin sa
sitwasyon natin ngayon: “Paano magkakaroon ng edukasyon para sa demokrasya kung ang wika ng
paaralan ay hindi siyang wika ng sambayanan? Paano makalalahok ang taumbayan sa mga
talakayang publiko, siyang kalikasan ng demokratikong pamahalaan, kung ito’y hindi sa wika nila
ginagawa?”

Hindi naman masasabing taus-pusong nililinang ang wikang Filipino sa maraming mga unibersidad
dahil wikang banyaga pa rin ang patuloy na ginagamit sa mga silid-aralan. Sa katunayan, binalewala
na nga ang pagpapanday sa sarili nating wika sa kolehiyo sa bisa ng Memorandum Order 20 series
of 2013 ng Commission on Higher Education. Sa ilalim ng kautusang ito, ipinag-utos ng ahensya na
hindi na kailangang ituro ang wikang Filipino. Naituturo na raw kasi ito sa loob ng programang K to
12.

“Weird Affectation”

Ang mga ganitong baluktot na pagtingin patungkol sa sariling wika, mababasa sa isang editoryal ng
pahayagang Manila Times. Ipinagtataka nila ang umano’y “kakaibang pagkahumaling (weird
affectation)” ni Pangulong Noynoy Aquino sa wikang Filipino, na palagian niyang ginagamit sa
kanyang taunang State of the Nation Address.

Hindi na kayang isa-isahing at bigyan ng kontra-argumento ang bawat puntong editoryal, subalit
sapat nang argumento na ang publikong mas matatas sa Filipino ang nakikinig nito kaya narararapat
lamang na sa wikang ito ihatid ang ulat ng Pangulo, sampu ng lahat ng ulat at transaksyon ng
gobyerno.

Sapagkat ang wika’y kapangyarihan at taumbayan ang pinamamahalaan, nararapat lamang na sa


sarili rin nilang wika isagawa ang pamamalakad. Kung hihiramin ang turing ng Manila Times, kung
tutuusin, tayo mismo ang may “kakaibang pagkahumaling” sa wikang Ingles. Sapagkat saan ka nga
makakakita ng bansang iba ang sinasalita sa wika ng kanyang kaluluwa?

Ito ang isa sa pinakamalaking kabalintunaan ng ating henerasyon: ang pagkahumaling sa wikang
Ingles na hindi atin at kailanman, hindi magiging atin. Kailangang linangin at lalo pang
pagyamanin ang sarili nating wika na siyang wika ng taumbayan — bitbit ang adhikain ng pagkatuto
at pagbabago para sa nakararami. Magsisimula lamang ito sa pagkaunawa na may pulitika sa wika at
anak ito ng mahabang kasaysayan at tunggalian.

English vs. Filipino


ASK NANAY - Socorro C. Ramos () - February 5, 2012 - 12:00am

Dear Nanay,

I was reading your columns and noted that while there are opinions on establishing good reading habits, there
seems to be no attempts to promulgate good English proficiency within young people today. I find this potentially
problematic since the Philippines is one of the key call center areas in Asia these days and that demands an
excellent working use of the English language.
Why doesn’t our media encourage English proficiency? Already the CBCP is insisting that the Corona affair be done
in Tagalog, and all our local TV stations hardly help since the US cartoons and movies, as well as the Japanese
anime they show are dubbed in Filipino?

What’s wrong with showing uncut cartoons and US/British films over the airwaves in English? I learned English from
watching Sesame Street and The Electric Company in English when they were shown on RPN 9 and IBC 13 in the
late ‘70s to the early ‘80s. Even anime like Voltes V and Mazinger Z were dubbed in English. Nowadays every
superhero show is in Tagalog. It’s a shame since it undermines a viewer’s base English language skills and it
dumbs him/her down since Filipino tends to simplify dialogue and vocabulary.

I hope you have suggestions to improve this.

— Dino Virgilio G. Monzon III

Dear Virgilio,

The issue of English vs. Filipino is a debate that I am afraid may not have a single correct answer. Eh kahit ako,
kapag sinusulat ko itong “Ask Nanay,” (even when I write this column) I end up writing in both English and
Filipino. So perhaps therein lies the answer. Why do we need to choose between the two languages? Why can’t we
promote both?

Learning both English and Filipino each has its merits. As you point out, English really is the universal language and
if we expect our children to be competitive in the world — and not just in the call center industry — they need to be
proficient in English. On the other hand, it is often saddening that so many of our children are forgetting their
Filipino. With so many of the books and the media they consume being in English, and so many households starting
to use English as their primary language, Filipino proficiency may not be where it was especially for the children
here in Manila.

And just don’t forget, there are many places in the Philippines outside Manila where people do not even speak
Filipino or Tagalog. They speak their local dialect and English!

Again, I do not think there is a single right or wrong answer to this debate as the promotion of either language will
always have its proponents. Perhaps we should just all agree to disagree and find a way to raise our children
bilingual. Hindi ba mas mabuti pa ang marunong ng parehong Ingles at Pilipino? (Isn’t it better if know both English
and Filipino?)

Sincerely,

Nanay

You might also like