You are on page 1of 3

BALAGTASAN

Paksa: martial law


Dapat ba o hindi dapat ipatupad amg martial law?
(Luis respecio, reinne arellano, paula nebre)

Lakandiwa (Luis):
Magandang umaga sa inyong aking kamag-aral
At mahal na guro, Binibining De Los Reyes
Ako po’y nagagalak makaharap kayong lahat

Isang makabuluhang pagtatalo ating natutunghayan,


Pagtatalong pwedeng magbigay liwanag sa
Ating mga mamayang Pilipino.

Ang martial law na ating paksa


Dapat ba o hindi dapat ipatupad ito sa ating bansang Pilipinas.
Ngayon ay mapapakinggan muna natin ang panig ng
Dapat ba itong ipatupad.
Salubungin nating lahat siya ng masiglang palakpakan

Dapat (Reinne):
Para sa akin, dapat lamang ipatupad ang martial law sa buong Pilipinas
Kung mayroon lamang tangkang manakop sa buong bansa o
Kapag may banta ng terorismo na ilalagay ang buong
Samabayanan sa peligro. Ito ay makakabuti sa atin dahil ito rin ay para sa
Sarili nating kaligtasan.

Lakandiwa (Luis):
Napakinggan nating lahat ang pumapanig na dapat issulong o
Ipatupad ang martial law sa bansang Pilipinas lalo na kung may
Panganib na nagbabanta sa ating bansa.
Ngayon naman ay susunodd nating mapapakinggan ang panig
Na hindi dapat.
Salubungin natin siya ng masiglang palakpakan.

Hindi Dapat (Paula):


Para rin sa akin, hindi dapat ipatupad ang martial law sa Pilipinas. Bakit?
Gusto niyo bang mangyari muli iyong mga kasakiman at duguang
labanan noong panahon ni Presidente Marcos?
Oo, pinatay lamang nila ang mga taong masasama lalo nap ag may
Koneksyon sa droga at terorismo.
Pero ang sabi ng Diyos, may takdang panahon rin na malaman nila
Ang katotohanan, na mali ang kanilang ginagawa.
Ang Diyos lamang ang may karapatang kumuha
sa buhay ng isang tao.
Dahil siya ang naglikha sa atin.

Dapat (Reinne):
Ang martial law ay hindi naman gagamitin sa pang-aabuso
Sa kapangyarihan ng mga taga pagpatupad ng batas at
Tagapagpanatili ng kapayapaan.
Ang mga tao na namamatay ay sila ang mga tao na
Hindi marunong sumunod sa batas
Kaya sila ay napapahamak.
Kung pag-uusapan natin ang Diyos.
Noong unang panahon, sa Bibliya ang mga masasama
At makasalanang tao ay pinapatay.
Hindi sila hinahayaang mabuhay maliban lamang
Kung sila ay magbabagong buhay
At lalapit sa Diyos.
Basahin mo ang Bibliya sa lumang tipan makikita mo na
Pinapatay ang mga masasamang tao dahil
Namumuhi ang Diyos sa kasamaan

Lakandiwa (Luis):
Ating naririnig ang kanilang salaysay.
Salaysay ng madamdaming at puno ng opinyon.
Mga kamag-aral kayo na ang humatol.
Ang martial law ba ay dapat ipatupad o
Hindi dapat ipatupad sa ating bansang Pilipinas
Ipagpatuloy pa rin ang salaysay ng ating mambabalagtas.
At timbangin niyo ang bawat impormasyon at mga isyu.

Hindi Dapat (Paula):


May masamang epekto ang martial law sa ating bansa.
Ito na rin ang magdudulot ng kahinaan sa turismo
At kalakalan at sa isa na rin dahilan ng pagbagsak
Ng ating ekonomiya.

Dapat (Reinne):
Pansamantala lamang naman ang masamang epekto ng martial law,
Kapag nasugpo na ang mga terorismo at naayos na ang
Kaguluhan sa Pilipinas.
Siguradong maraming turista ang pupunta rito at siguradong
Uunlad an gating ekonomiya.
Ganyan lang iyan, normal na may mga negatibong epekto.
Pero hindi dapat tayo susuko.
Sabi nga “no pain, no gain.”

Hindi Dapat (Paula):


Ang martial law o batas militar ay batas na kung saan ang ibang
Karapatan ay nawawala, gaya na lamang ng karapatan magsalita
Ng kung ano man tungkol sa gobyerno, at karapatan gumala
Sa anumang oras.
Nawawala na ang karapatang pantao at kalayaan.

Dapat (Reinne):
Okay lang iyan, kailangan ng tao ng disiplina para na rin
Sa ikauunlad ng ating bansang Pilipinas at
Sa kapayapaan nito.
At kailangan na rin mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko.
Kailangan ang mga menor de edad na tulad natin ay umuwi ng
Maaga, na sa bahay na hindi pakalat kalat sa kalsada.
At upang mabawasan at mawala na rin ang krimen.

Hindi Dapat (Paula):


Mga kamag-aral ko natunghayan niyo ang debate naming.
Ang sa akin lang po, huwag magpabulag
Sa nais ipatupad ang martial law.

Dapat (Reinne):
Mga kamag-aral ko kayo na ang humusga.
Pero ang sa akin ay dapat ipatupad ang martial law sa
Ating bansang Pilipinas upang magkaroon ng
Kapayapaan at pag-uunlas sa ating agrikultura at
Imprastraktura sapagkata nasa iisang tao lamang ang kapangyarihan
At nagpapatupad ng mga batas.

Lakandiwa (Luis):
Tatapusin na natin ang inyong debate.
At sa palagay ko ay nasabi na ninyong lahata kung ano
Ang inyong nais.
At naipahayag na ninyong dalawa kung dapat o
Hindi dapat ipatupad ang martial law sa ating bansang Pilipinas.
Tapos na natin mapakinggan ang magkatunggali.
Tayo na sa ating sarili ang pipili.
Alam na natin ang tama at mali.
Tayo na ang magpasya.
Ngayon ay palakpakan natin an gating mambabalagtas.
Maraming salamat po sa inyong lahat.

You might also like