You are on page 1of 6

Pinagmulan at Kasaysayan ng Industriyang Hospitality Management sa Pilipinas at ang Dulot nito sa

Lipunan at Pambansang Kaunlaran

Layunin ng sulating ito na bigyang linaw ang ugat at kasaysayan ng Industriyang Hospitality

Management sa pamamagitan ng pag susuri sa ibat ibang depenisyong kaloob ng mga mahahalagang

tao sa nabanggit na industriya, pag balik tanaw sa kasaysayan upang ma tukoy ang unti unting

pagusbong ng industriya at kung paano ito gumagalaw sa pamamagitan ng ibat ibang aspeto.

Sa pamamagitan ng pagsusuri, pagbibigay pakahulugan sa industriya at pagbabalik tanaw sa

kasaysayan nito, tutukuyin din ng papel na ito ang kahalagahan nito sa lipunan at ang epekto nito sa

pambansang kaunlaran ng Pilipinas. Gampanin din ng sulatin na maipaintindi sa mga mambabasa ang

kahalagahan ng industriyang ito upang makamit ang kaunlarang matagal nang mithi nating lahat sa

pamamagitan ng paglalahad ng ibat ibang oportunidad at potensiyal sa ibat ibang sistema na bumubuo

sa pang malawakang perspektibo ng Industriya ng Hospitality management.

Minimithi na magiging instrumento ang sulating ito upang mabuksan ang mga mata ng Lipunan

at mabigyan sila ng mas malawak na pagtingin at pag unawa sa partikular na industriya ng Hospitality

Management. Dulot nito, mauunawaan ng Lipunan ang Kahalagahan nito na mag reresulta sa mas

mainam na pag gamit ng natatanging kapangyarihan ng Industriyang ito upang makamit ang

Pambansang kaunlaran nang hindi naisasa alang alang ang kasapatan at kaayusan ng mga nauubos at di

nauubos na yaman ng bansang Pilipinas.

Malawak na Pagpapakahulugan ng Hospitality Management

Ang terminolohiyang “Hospitality” ay nagmula sa salitang latin na “Hospes” na ang pakahulugan

ay istranghero at salitang “Hospital” na ang ibig sabihin ay bahay tuluyan. Sa maikling pagtukoy pa

lamang sa pinagmulan ng salitang Hospitality ay mahihinuha na natin ang depenisyon nito. Ang
pagtanggap sa mga istranghero at ang pagpapatuloy sa kanila sa isang lugar kung saan sila ay ituturing

na kalapit na kaanak ay ang susing konsepto ng Partikular na industriyang ito.

Ayon kay Camargo (2015) ang Hospitality Management ay relasyon ng bawat tao kung saan may

palitang nagaganap sa taong tumatanggap at tinatanggap. Mababatid sa depenisyong ito ang isensiyal

na pamamagitan ng dalawang panig na bumubuo sa walang hanggang siklo ng pag bibigay at

pagtanggap ng serbisyo. Isang halimbawa na rito ang industriya ng turismo na nakapaloob sa malawak

na sistema ng Hospitality Management. Ang mga turista ang siyang tinatanggap at ang mga Host

Communities naman ang siyang tumatanggap. Dulot ng transaksiyon sa pagitang ng dalawang panig,

nagbubunga ang esensiyal na palitan na ito ng kaunlaran sa panig ng kumunidad na siyang tumatanggap

at kagiliwan sa ibat ibang aspeto sa panig naman ng Turista.

Ang turismo ay maaring depenisyon ng sistematikong relasyon, serbisyo at pasilidad na nalikha

sa pamamagitan ng ibat ibang uri ng pag galaw ng tao (Cuervo, 1967). Ang tao gumagalaw dulot ng ibat

ibang kadahilanan. Maaring ang isang tao ay naglalakbay dulot ng trabaho na kaniyang dapat mapunan,

maaari na ang tao ay nag lalakbay dulot ng kaniyang motibasyon na matuklas ang bahagi ng mundo sa

ibang perspektibo, at maari rin na ang tao ay naglalakbay upang tumuklas ng bagong karunungan at

kaalaman. Dulot ng ibat ibang mga rason na ito, nalilikha ang industriya ng turismo. Sa paglalakbay,

nangangailangan ng ibat ibang serbisyo tulad na lamang ng transportasyon, pasilidad tulad na lamang ng

mga matutuluyan, mga makakainan at ng iba pang uri ng sistematikong relasyon sa pagitan ng turista at

ng mga tao at paligid na kalahok sa kaniyang paglalakbay.

Ayon naman kay Goeldner (2015) ang turismo ay maaring depenisyon ng mga proseso, gawain

at resulta na umuusbong sa relasyon at interaksiyon ng mga turista, suppliers, host government, host

communities at ng kapaligiran na kalahok sa pang hihikayat at pamamahala sa mga turista. Ang mga

prosesong nalilikha sa pamamagitan ng interaksiyon ng ibat ibang salik na nabanggit ni Goeldner ay


esensiyal sa pag bibigay ng mga pangangailangan ng mga turista habang siya ay nasa lugar malayo sa

kaniyang pangkaraniwang kapaligiran.

Sa depenisyon naman ni Sergio Molina (1997) ang industriya ng turismo ay nakikita bilang isang

sistema na binubuo ng mga mas maliliit na sistema na lumilikha ng interaksiyon upang makamit ang

mithiing panlahat. Ang mga maliliit na sistema na nabanggit ay ang “Superstructure” na binubuo ng mga

pribado at pampublikong sektor at organisasyon, “Demand” na binubuo ng mga local at internasyonal

na mga turista, “Infrastructure” na pumapatungkol sa mga paliparan, daanan at iba pang mga

pangangailangang pang turismo, “Attractions” na dahilan ng pagbisita, natural at kultural, “Equipment at

Facilities” na kinabibilangan ng mga hotels, restaurants at parke, at “Hosting Communities” na

kinalalahukan ng mga direktang at di direktang may kaugnayan sa namamagitang turismo.

Bilang konklusyon ng ibat ibang pagpapakahulugan, ang Hospitality Management ay

industriyang namamahala sa mga taong pagkakalooban ng serbisyo, produkto, pasilidad, at iba ibang

mga relasyong may kinalaman sa pag hahandog ng kalidad na pamamahala sa pagtanggap at pag

aasikaso ng mga partikular na tao na kalahok sa malaking sistema ng Industriya.

Kasaysayan ng Industriya

Ang konsepto ng Industriya ng Hospitality Management ay nagsimula sa napaka tagal ng

panahon ng makalumang Gresya at makalumang Roma. Ang naging pangunahing rason kung bakit

namayagpag ang konsepto ng Hospitality sa panahong ito ay sa kadahilanan ng kanilang mga ispiritwal

at maka relihiyong mga paniniwala. Ang mga tao sa panahong ito ay kinakailangang mag pakita ng

mainit na pagtanggap sa kapwa o pagiging hospitable sapagkat sila ay natatakot sa kanilang mga

supertisyong mga paniniwala.


Sa panahon ng makalumang Roma, ang mga maglalakbay na wala sa daan para sa mga pang

relihiyong kadahilanan ay kalimitang mga maglalakbay na dulot ng pang military at pang politikal na

kadahilanan. Mahihinuha na ang paglalakbay sa panahong ito ay lubos na para lamang sa pang relihiyon

at pang pamahalaang kadahilanan. Mababatid na lubhang napakalaki ang pinagkaiba ng konsepto ng

Hospitality at turismo sa kung anong konsepto nito ang meron tayo sa kasalukuyang panahon.

Maraming mga maglalakbay ang nangailangan ng mga matutuluyan sa kadahilanan ng mga

pangangailangang pisikal tulad ng pagkain at pagtulog. Dito nag simula ang kosepto ng mga “Inns”,

“Taverns” at “khans” na nagkakapareho sa dulot nito na mag bigay ng lugar na matutulugan at

makakainan. Mapapansin na sa pag inog ng panahon, sumailalim ang mga ito sa permanenting konsepto

ng pagbabago na nagdulot upang malikha ang mga “Hotels” at “Restaurant” na meron tayo sa

kasalukuyang panahon.

Sa makalumang panahon ng “Middle ages”, mababatid parin ang tambalan ng ‘Hospitality” at

relihiyon. Isinasa alang alang na gampanin ng isang kristiyano ang mag handog ng Hospitality sa mga

maglalakbay alinsunod sa mga katuruang kristiyano na tanggapin mo ang iyong kapwa tulad ng

pagtangap mo sa iyong sarili. Mahihinuha na ang konsepto ng Hospitality sa panahong iyon ay hindi pa

itinuturing bilang isang industriya na pinapatakbo ng salapi, sa halip ang industriya ng hospitality sa

panahong iyon ay pinapatakbo sa pamamagitan ng mga relihiyosong paniniwala.

Noong 1282 sa Florence Italy, nagsimula ang konsepto ng paghahanapbuhay sa pamamagitan ng

pagbibigay ng mga matutuluyan sa mga maglalakbay. Dito na nag simula ang pag daloy ng salapi upang

mapatakbo ang industriya ng Hospitality sa panahong ito. Sa paginog ng panahon nabigyan na ng

lisensiya ang mga matutuluyan na ito upang mabigyang pahintulot sa pagpapatakbo ng isang

mapagkakakitaan. Dito na pumapasok ang konsepto ng legalisasiyon ng mga pasilidad na ito na may

malaking kinalaman sa industriya ng Hospitality Management. Sa saglit na panahon, mabilis na


umusbong ang industriya ng Hospitality Management na noong kalaunay’ pinatatakbo ng mga ibat ibang

konsepto at paniniwala na may kaugnayan sa maka relihiyong pananaw hanggang sa naging isa itong

industriya na pinapakilos ng salapi.

Sa pagsapit ng ika labing anim hanggang sa ika labing pitong siglo, nagkaroon ng malaking pag

babago particular sa bansang inglatera. Umunlad ng lubusan ang kalidad ng mga matutuluyan. Ang

pangunahing uri ng transportasiyon ay naging “Stagecoach”. Ang Stagecoaches ay nilikha upang mag

karoon ng mga “overnight stays” ang mga manglalakbay at mabigyan rin sila ng mga makakain upang

magkaroon ng lakas para sa kinabukasang paglalakbay.

Sa pagdating ng ika labing walong siglo naging popular ang mga coffee houses sa mga bansa

Europa at ito ay isinama sa karamihan ng mga “inns” na itinayo. Noong 1788 itinayo sa Nantes ang

“Hotel de Henry IV” na kung saan ay mayroong 60 na kama at itinuring na pinaka magandang Hotel sa

Europa noong panahong iyon. Nagpatuloy ang walang hanggang konsepto ng permanenting pagbabago

sa industriya ng Hospitality Management. Naging isa itong napalaking sistema na binubuo ng mga mas

maliliit na sistema na nakikipagugnayan sa isat isa upang makamit ang mithiing panlahat. Nagsimula sa

makarelihiyong pananaw hanggang sa tuluyang naging maka ekonomikong perspektiba. Tuluyan nang

nakamit ng industriyang ito ang walang hanggang kapangyarihan na may kakayanang magpalago at mag

palaganap ng kaunlaran sa bansang matutunan itong patakbuhin sa mabuting pamamaraan. Tunay

ngang nagtataglay ito ng kakayanan na mag bigay kaginhawaan sa mga taong nakikinabang dito, ngunit

huwag din natin isasantabi ang mapanira nitong epekto sa kapaligiran na kapag nagkataon ay magiging

isang malaking balakid upang makamit ang pambansang kaunlaran.


Kasaysayan ng Industriya ng Hospitality Management sa Pilipinas

Ang konsepto ng “Hotel” ay lubos na niyakap ng mga Pilipino muna noong makarating ito sa

bansa. Ang kauna unahang hotel na naitayo sa Pilipinas ay ang ‘Hotel del Oriente” na itinayo noong 1850

sa Binondo Manila. Ang nabanggit na hotel ay binubuo ng dalawang gusali na may 83 na kwarto. Ito ang

kauna unahang 1st class hotel sa Pilipinas, sa kasamaang palad, ang hotel na ito ay nasunog na ang

lupang kinakatayuan nito ay pagmamayari na ng metro bank. Samantala, ang pinaka lumang hotel na

hanggang ngayon ay nakatayo pa ay itinayo noong 1917.

Sa kasagsagan ng ika 20 na siglo, may mga hotels at accommodation ng naitayo sa Pilipinas.

Nangangahulugan na bukod sa mga hotel na naitayo upang punan ang mga kagustuhan sa karangyaan,

may mga hotel ding itinayo upang tumaglay ng dakilang importansiya sa kasaysafyan ng Pilipinas.

Ang Manila ay itunuturing na simbolo ng ilustradong nakalipas ng bansa. ito ay itinayo sa

historical na distrito ng Manila noong 1912. Ma istratehiyang itinayo malapit sa Manila Bay na di

kalayuan sa mga paliparan, pamilihan, at mga lugar aliwan. Ang mga historical na lugar tulad ng Rizal

Park at Intramuros ay nasa nasasakupan rin ng nabanggit na hotel. Ang tanyag na heneral na si Douglas

McArthur ay nanatili sa hotel na ito sa kasagsagan ng ikalawang digmaang pandaigdig. Sa kasamaang

palad, ang hotel ay malubhang napinsala dulot ng gera, ganunpaman, ang karangyaan nito ay mabilis

ding naibalik.

You might also like