You are on page 1of 2

Pagbibigay ng Hinuha

Ang hinuha ay matalinong pagpapasya batay sa


nakita, naunang kaalaman, o karanasan. Ito ay isang
ideya na hindi tuwirang inilalahad.

Gawain
1. Sa mesa ay may nakabukas na aklat na ang ilang pahina ay
may mga tekstong may marka.Ang mga papel ay may
sulat.Ang lampara ay may ilaw.
a. Ano ang ginagawa ng tao?
b. Anong mga clue sa sitwasyon ang nakatulong sa iyo
sa pagbibigay ng hinuha?
2. Tumutulo an gang pawis ni Erlin sa kaniyang noo.
Tanghaling tapat na ngunit marami pa ring ballot ng kakanin
sa kaniyang basket. Malakas ang kanyang sigaw,”
suman,suman, masarap na suman!”
a. Ano sa palagay mo ang trabaho ni Erlin?
b. Anong mga clue sa sitwasyon ang nakatulong sa iyo
sa pagbibigay ng hinuha?
3. Nagulat si Allan dahil ang perang ibinigay sa kaniya ng ina ay
wala sa kanyang bulsa.Nang tingnan niyang muli may
nakapa siyang butas sa kaniyang bulsa.
a. Ano sa palagay mo ang nangyari sa pera ni Allan?
b. Anong mga clue sa sitwasyon ang nakatulong sa
iyo sa pagbibigay ng hinuha?
4. “Achoo!” ang bahing ni Teri.Muli siyang bumahing at naulit
pa. Mainit ang kanyang pakiramdam at masakit ang kayang
ulo. Pinilit niyang bumangon sa higaan at sinabi sa kanyang
nanay na hindi siya papasok.
a. Bakit hindi papasok si Teri?
b. Anong palatandaan o clue sa kuwento ang
nakatulong sa iyo sa pagbibigay ng hinuha?
5. Naiinip na siya buong umaga. Gusto na ni Ted na may
magawa. Pagkatapos ng tanghalian, nagbisikleta siya
papunta sa bahay ni Roy. Tahimik sa bahay at nang siya ay
kumatok, walang sumagot sa kaniya. Nagbisikletang muli si
Ted at bumalik sa kanilang bahay.
a. Ano ang inisip ni Ted nang pumunta siya sa bahay
ni Roy?
b. Anong clue sa kuwento ang nakatulong sa iyo sa
pagbibigay ng hinuha?

You might also like