You are on page 1of 92

Misa Votiva sa Karangalan ni

Santa Mariang Virgen tuwing


Panahon ng Pascua
Latin Mass Society of Cavite
Hermandad de la Sagrada Eucaristía
Pambungad na Awit (TUMAYO ang lahat)
R. Alleluia, Alleluia, Alleluia!

1. O filii et filiae, Rex caelestis, Rex gloriae morte surrexit hodie. Alleluia. R.

Kayong mga anak ng Panginoon, ang maluwahating Hari ng langit ngayo’y muling
nabuhay. Aleluya.

2. Ex mane prima Sabbati, ad ostium monumenti accesserunt discipuli.


Alleluia. R.

At sa umaga ng Linggong yaon, mga babaeng alagad ay nagpunta upang tingnan ang
puntod na kanyang kinalagakan. Aleluya
3. Et Maria Magdalene, et Jacobi, et Salome, venerunt corpus
ungere, Alleluia. R.

At sina Maria Magdalena, Jacobe, at Salome, ay naparoon upang labi


niya’y pabanguhan. Aleluya. R.

4. In albis sedens Angelus, praedixit mulieribus: “in Galilaea est


Dominus”, Alleluia. R.

Isang anghel na suot ay puti, sa tatlong ito ay kanyang sinabi: “Sa


Galilea paroroon ang Poon”. Aleluya.
Panalangin sa Paanan ng Altar (LUMUHOD ang lahat)

Dito magsisimula ang Banal na Misa. Aaminin ng Pari at ng


tagapag-lingkod (sa ngalan ng Bayang natitipon para sa Misa) sa
isa’t isa ang kanilang pagka-makasalanan sa harap ng Diyos at ang
pagsusumamo nila sa Panginoon na tulungan sila sa kanilang
kahinaan at hindi pagiging marapat.
Panalangin sa Paanan ng Altar (LUMUHOD ang lahat)
Pari: In nomine Patris (+) et Filii, et Spiritus Sancti.
Sa ngalan ng Ama (+) at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Pari: Introibo ad altare Dei


Dudulog ako sa Dambana ng Dios

Bayan: Ad Deum qui laetificat iuventutem meam


Sa Dios na nagpapaligaya sa aking kabataan
Panalangin sa Paanan ng Altar - Salmo 42

Pari: Judica me, Deus, et discerne causam meam de gente


non sancta: ab homine iniquo, et doloso erue me.
Hatulan Mo Ako, O Dios, at ihiwalay mula sa mga
bayang hindi banal: iadya Mo ako sa taong hindi
makatarungan at mandaraya.
Panalangin sa Paanan ng Altar (LUMUHOD ang lahat)

Bayan: Quia tu es, Deus, fortitudo mea: / quare me


repulisti, / et quare tristis incedo, / dum affligit me
inimicus?
Sapagkat Ikaw, O Dios, ang aking kalakasan: Bakit
naman ako’y Iyong iniwan? At bakit Mo ako iniwang
tumatangis habang ako ay pinagdurusa ng aking mga
kaaway?
Panalangin sa Paanan ng Altar (LUMUHOD ang lahat)
Pari: Emitte lucem tuam, et veritatem tuam: ipsa me
deduxerunt, et adduxerunt in montem sanctum tuum, et
in tabernacula tua.
Ipadala Mo ang Iyong liwanag at ang Iyong
katotohanan: Sapagkat dinala nila ako sa Iyong Banal
na Bundok, at sa Iyong mga templo.
Panalangin sa Paanan ng Altar (LUMUHOD ang lahat)
Bayan: Et introibo ad altare Dei: / ad Deum
qui laetificat iuventutem meam.
At dumulog ako sa dambana ng Dios: Sa Dios
na nagpapaligaya sa aking kabataan.
Panalangin sa Paanan ng Altar (LUMUHOD ang lahat)
Pari: Confitebor tibi in cithara, Deus, Deus meus:
quare tristis es, anima mea, et quare conturbas me?
At pupurihin kita sa alpa, O Dios, aking Dios: O
aking kaluluwa, bakit ka nananangis? Bakit ka
nahahapis?
Panalangin sa Paanan ng Altar (LUMUHOD ang lahat)
Bayan: Spera in Deo, / quoniam adhuc
confitebor illi: salutare vultus mei, / et
Deus meus.
Umasa ka sa Dios, sapagkat Siya ay aking
pupurihin: Siya na aking kaligtasan, at aking
Dios.
Panalangin sa Paanan ng Altar (LUMUHOD ang lahat)
Pari: Gloria Patri, et Filio, et Spiritui Sancto.
Lualhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

Bayan: Sicut erat in principio, et nunc, et semper, et


in saecula saeculorum. Amen.
Kapara noong una, ngayon, magpakailanman, at
magpasawalang-hanggan. Amen
Panalangin sa Paanan ng Altar (LUMUHOD ang lahat)
Pari: Introibo ad altare Dei
Dudulog ako sa Dambana ng Dios
Bayan: Ad Deum qui laetificat iuventutem
meam
Sa Dios na nagpapaligaya sa aking kabataan
Panalangin sa Paanan ng Altar (LUMUHOD ang lahat)
Pari: Adjutorium nostrum (+) in nomine
Domini.
Sa ngalan ng Panginoon tayo’y tinutulungan.
Bayan: Qui fecit coelum et terram.
Siya na may gawa ng langit at lupa.
Ang Pag-amin ng Pari sa Kanyang Pagka-Makasalanan
Pari: CONFITEOR Deo omnipotenti, beatae Mariae semper
Virgini, beato Michaeli Archangelo, beato Joanni Baptistae,
Sanctis Apostolis Petro et Paulo, omnibus Santis, et vobis fratres
AKO’Y NAGKUKUMPISAL sa Dios na makapangyarihan sa
lahat, kay Santa Mariang laging Birhen, kay San Miguel
Arkanghel, kay San Juan Bautista, sa mga Santong Apostol na sina
Pedro at Pablo, sa lahat ng mga Santo, at sa inyo mga kapatid
Ang Pag-amin ng Pari sa Kanyang Pagka-Makasalanan

Pari: quia peccavi nimis, cogitatione, verbo, et opere, mea culpa,


mea culpa, mea maxima culpa. Ideo precor beatam Mariam
semper Virginem, beatum Michaelem Archangelum,
Sapagkat lubha akong nagkasala sa isip, sa wika, at sa gawa,
dahil sa aking sala, sa aking sala, sa aking pinakamalubhang
sala. Kaya isinasamo ko kay Santa Mariang laging Birhen, kay
San Miguel Arkanghel,
Ang Pag-amin ng Pari sa Kanyang Pagka-Makasalanan

Pari: beatum Joannem Baptistam, sanctos Apostolos


Petrum et Paulum, omnes Sanctos, et vos, fratres, orare
pro me ad Dominum Deum nostrum.
kay San Juan Bautista, sa mga Santong Apostol na sina
Pedro at Pablo, sa lahat ng mga Santo at sa inyo, mga
kapatid, na ako’y ipanalangin sa ating Panginoong
Diyos.
Paggawad ng Kapatawaran

Bayan: Misereatur tui omnipotens Deus, / et


dimissis peccatis tuis, / perducat te ad vitam
aeternam.
Kahabagan ka ng makapangyarihang Diyos, patawarin
ang iyong mga kasalanan at patnubayan ka sa buhay na
walang hanggan. Pari: Amen
Pag-amin ng Bayan sa Kanilang Pagka-makasalanan
Bayan: Confiteor Deo omnipotenti, / beatae Mariae semper
Virgini, / beato Michaeli Archangelo, / beato Joanni
Baptistae, / Sanctis Apostolis Petro et Paulo, / omnibus
Santis, / et tibi Pater
Ako’y nagkukumpisal sa Dios na makapangyarihan sa lahat, kay
Santa Mariang laging Birhen, kay San Juan Bautista, sa mga
Santong Apostol na sina Pedro at Pablo, sa lahat ng mga Santo, at
sa iyo, Padre
*dumagok sa dibdib ng tatlong beses
Bayan: quia peccavi nimis, / cogitatione, verbo, et opere, /
* mea culpa, mea culpa, / mea maxima culpa. / Ideo precor
beatam Mariam semper Virginem, / beatum Michaelem
Archangelum,
Sapagkat lubha akong nagkasala sa isip, sa wika, at sa gawa,
dahil *sa aking sala, sa aking sala, sa aking pinakamalubhang
sala. Kaya isinasamo ko kay Santa Mariang laging Birhen, kay
San Miguel Arkanghel,
Pag-amin ng Bayan sa Kanilang Pagka-makasalanan
Bayan: beatum Joannem Baptistam, / sanctos
Apostolos Petrum et Paulum, / omnes Sanctos, et
tibi, Pater, / orare pro me ad Dominum Deum
nostrum.
kay San Juan Bautista, sa mga Santong Apostol na sina
Pedro at Pablo, sa lahat ng mga Santo at sa iyo, Padre, na
ako’y ipanalangin sa ating Panginoong Diyos.
Paggawad ng Kapatawaran
Pari: Misereatur vestri omnipotens Deus, et dimissis peccatis vestris,
perducat vos ad vitam aeternam.

Kahabagan kayo ng makapangyarihang Dios, patawarin ang inyong


mga kasalanan at patnubayan kayo sa buhay na walang hanggan.

Bayan: Amen
Paggawad ng Kapatawaran
Pari: Indulgentiam + absolutionem, et remissionem peccatorum
nostrorum, tribuat nobis omnipotens Deus.

Kaawaan tayo, (+) kalagan, at patawarin sa ating mga kasalanan ng


makapangyarihan at mahabaging Dios.

Bayan: Amen
Pari: Deus tu conversus vivificabis nos
Ang paglingap Mo, O Diyos, ang magbibigay buhay sa amin.

Bayan: Et plebs tua laetabitur in te.


At liligaya sa Iyo ang bayan Mo.

Pari: Ostende nobis, Domine, misericordiam tuam


Ipakita Mo sa amin, O Panginoon, ang Iyong awa.
Bayan: Et salutare tuum da nobis
At ipagkaloob Mo sa amin ang kaligtasan
Pari: Domine, exaudi orationem meam
Pakinggan Mo, O Panginoon ang aking panalangin
Bayan: Et clamor meus ad te veniat
At makarating sa Iyo ang aking pagdaing.
Pari: Dominus vobiscum
Sumainyo ang Panginoon
Bayan: Et cum spiritu tuo
At sa iyong diwa rin
Pari: Oremus
Manalangin tayo
Ang Pag-akyat ng Pari sa Altar
Sa pagkakataong ito ay iniluluhog ng Pari sa Panginoon, sa kabila ng
ating pagka-makasalanan, na tayo nawa ay maging marapat na pumasok
sa dakong kabanal-banalan, ang langit.

Hinihingi rin niya ang panalangin ng lahat ng mga Santo, lalo na ng


Santo na ang relikya ay napapaloob sa altar na pinagmimisahan, upang
tayo, kasama nila, ay makasamba sa ating Panginoon. Ang pagkakaroon
ng relikya ng Santo sa altar ay sumisimbolo sa pagkakaisa ng langit at
lupa sa pagsamba sa Panginoon tuwing ginaganap ang Santa Misa.
Introito
Aba, Banal na Magulang, ikaw na siyang nagdala sa Haring
walang-hanggan na naghahari sa langit at sa lupa (Ps 44: 2)

Ang aking puso ay nagpupuri: Sa hari ay aking ipinagbabantog ang


aking mga gawa.

v. Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo, etc.

Aba, Banal na Magulang, ikaw na siyang nagdala sa Haring


walang-hanggan na naghahari sa langit at sa lupa (Ps 44: 2)
Panginoon kaawaan mo kami (Kyrie eleison)
Pari: Kyrie eleison P: Kyrie eleison

Bayan: Kyrie eleison B: Kyrie eleison

P: Kyrie eleison P: Kyrie eleison

B: Christe eleison

P: Christe eleison

B: Christe eleison
Papuri sa Diyos (manatiling nakaluhod)

Pari: Gloria in excelsis Deo


Lualhati sa Diyos sa kaitaasan
Bayan: Et in terra pax hominibus bonae
voluntatis.
At sa lupa’y kapayapaan sa mga taong may
mabuting kalooban
Laudamus te, Pinupuri ka namin
Benedicimus te, Dinarangal ka namin
Adoramus te, Sinasamba ka namin
Glorificamus te, Niluluwalhati ka namin
Gratias agimus tibi, propter magnam gloriam tuam,
Pinasasalamatan ka namin, dahil sa dakila Mong
angking kapurihan
Domine Deus, Panginoong Diyos,
Rex caelestis, Hari ng Langit
Deus Pater omnipotens.
Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat
Domine Fili unigenite, Jesu Christe,
Panginoong HesuKristo, Bugtong na Anak
Domine Deus, Agnus Dei, Filius Patris,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama
Qui tollis peccata mundi, miserere nobis;
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin;
Qui tollis peccata mundi, suscipe deprecationem
nostram.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin Mo ang aming kahilingan
Qui sedes ad dexteram Patris, miserere nobis.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin.
Quoniam tu solus Sanctus, tu solus Dominus, tu solus
Altissimus, Jesu Christe,
Sapagkat ikaw lamang ang Banal, Ikaw lamang ang
Panginoon, Ikaw lamang O Jesucristo ang Kataas-taasan
cum Sancto Spiritu: in gloria (+) Dei Patris. Amen
Kasama ng Espiritu Santo: Sa kadakilaan (+) ng Dios Ama.
Amen.
Haharap ang Pari sa Bayan at sasabihin:
P: Dominus vobiscum Sumainyo ang Panginoon
B: Et cum spiritu tuo At sa iyong diwa rin

P: Oremus Manalangin tayo


Colecta (Pambungad na Panalangin)
Ipagkaloob Mo sa amin na Iyong mga lingkod, hinihiling namin sa Iyo
Panginoon naming Dios, ang palagiang kalusugan ng isip at katawan; at sa
pamamagitan ng maluwalhating pananalangin ni Pinagpalang Maria na
Virgeng dalisay, ay iadya mula sa lahat ng kasalukuyang kalumbayan at
makatamo ng ligayang walang katapusan. Sa pamamagitan ni Jesucristo na
Iyong Anak, na nabubuhay at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo,
magpasawalang hanggan.

….Per omnia saecula saecolorum

B: Amen
Pagbasa - Ecclesiastico 24:14-16
Aleluya
Aleluya, Aleluya! At mula sa puno ni Jesse ay umusbong: Isang Birhen
ang nagsilang sa Diyos na nagkatawang-tao. At ang kapayapaa’y muling
ibinalik ng Diyos, at niloob Niyang pagkasunduin ang payak at
pinakamababa sa kataas-taasan. Aleluya

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay


sumasa-iyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat. Aleluya!
Ebanghelyo - Juan 19:25-27 (TUMAYO ang lahat)

Aleluya, Aleluya! Wikain mo, Poon nakikinig ako! Sa


iyong mga salita, aleluya! Alelu, aleluya!
Ang Pagpapahayag ng Evangelio
Pari: Dominus Vobiscum Sumainyo ang Panginoon
Bayan: Et cum spiritu tuo At sa iyong diwa rin
Pari: Sequentia (+) Sancti Evangelii Secundum Joannem
Ang karugtong ng Mabuting Balita ayon kay San Juan
Bayan: Gloria Tibi, Domine Papuri sa Iyo, Panginoon
Sermon
Paghahanda sa Opertoryo
P: Dominus vobiscum Sumainyo ang Panginoon
B: Et cum spiritu tuo At sa iyong diwa rin

P: Oremus Manalangin tayo


Awit sa Pag-aalay (UMUPO ang lahat)

1. O sanctissima, o piissima, dulcis Virgo Maria!


O kabanal-banalan, o pinakamamahal, o katamistamisang
Virgeng Maria
Mater amata, intemerata, ora, ora pro nobis.
Inang walang bahid, kaibig-ibig, Ipanalangin mo kami
2. Tu solatium et refugium, Virgo Mater Maria.
Ikaw ang aming saklolo at sangalang, Inang Mariang
Birhen.
Quidquid optamus, per te speramus; ora, ora pro
nobis.
Sa lahat ng aming kahilingan, ikaw ang aming pag-asa,
ipanalangin mo kami.
3. Ecce debiles, perquam flebiles; salva nos, o Maria!
Masdan kaming mahihina at tumatangis, O Maria!
Tolle languores, sana dolores; ora, ora pro nobis
Kahinaan nami’y alisin, lunasan aming sakit. Ipanalangin
mo kami.
4. Virgo, respice, Mater, aspice; audi nos, o Maria!
O Virgen, masdan mo kami, O Ina, kalingain mo kami,
Dinggin mo kami, O Maria!
Tu medicinam portas divinam; ora, ora pro nobis.
Ikaw na nagdadala ng kagalingang makalangit,
Ipanalangin mo kami.
Orate fratres
P: Manalangin kayo mga kapatid, upang ang ating
pag-aalay….etc.
Bayan: SUSCIPIAT DOMINUS SACRIFICIUM DE
MANIBUS TUIS,* AD LAUDEM ET GLORIAM
NOMINIS SUI,* AD UTILITATEM QUOQUE
NOSTRAM,* TOTIUSQUE ECCLESIAE SUAE
SANCTAE.
Sekreta (Panalangin ukol sa mga Alay)
Sa iyong awa, O Panginoon, at sa pamamagitan ng mga panalangin
ni Pinagpalang Mariang laging Birhen, ay loobin Mo na sa
pamamagitan ng mga alay na ito ay maipagkaloob Mo sa amin ang
saklolo at kapayapaan ngayon at kailanman. Sa pamamagitan ni
HesuKristo na iyong Anak, na nabubuhay at naghahari, kaisa ng
Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

…...Per omnia saecula saecolorum.

B: Amen Tatayo ang lahat


Prepasyo (TUMAYO ang lahat)
P: Dominus Vobiscum Sumainyo ang Panginoon
B: Et cum spiritu tuo At sa iyong diwa rin
P: Sursum Corda Itaas ninyo ang inyong mga Puso
B: Habemus ad Dominum Itinaas na namin sa Panginoon
Prepasyo

P: Gratias agamus Domino Deo nostro


Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos
B: Dignum et justum est
Marapat nga at matuwid.
Prepasyo
Pari: Vere dignum et justum est, æquum et salutáre, nos tibi semper et
ubíque grátias ágere: Dómine sancte, Pater omnípotens, ætérne Deus:

TUNAY ngang marapat at makatarungan, matuwid at


nakagagaling na magpasalamat tuwina at saan man sa Iyo,
Panginoong banal, Amang makapangyayari sa lahat, walang
hanggang Dios:
Pari: Et te in veneratione beátæ Maríæ semper Vírginis collaudáre, benedícere et
prædicáre. Quæ et Unigénitum tuum Sancti Spíritus obumbratióne concépit: et,
virginitátis glória permanénte, lumen ætérnum mundo effúdit, Jesum Christum,
Dóminum nostrum.

At magpuri, magpala at magbigay-galang sa Iyo sa


Paggugunita ng laging Virgeng si Sta. Maria, na ipinaglihi
Niya ang Iyong Bugtong na Anak lalang ng Espiritu Santo: at
bagama’t iningatan Niya ang kaluwalhatian ng pagkabirhen,
ibinigay sa mundo ang walang hanggang Ilaw, si Jesucristo na
aming Panginoon.
Pari: Per quem maiestátem tuam laudant Ángeli, adórant Dominatiónes, tremunt
Potestátes. Cæli cælorúmque Virtúte sac beáta Séraphim sócia exsultatióne
concélebrant. Cum quibus et nostras voces ut admítti júbeas, deprecámur, súpplici
confessióne dicéntes:

Sa pamamagitan Niya’y pinupuri ng mga Anghel ang Iyong


kamahalan, sinasamba ng mga Dominasyon, nanginginig ang
mga Potestad. Ang langit at ang mga Birtud sa sangkalangitan
at ang banal na Serapin ay sama-samang nagdiriwang.
Kasama nila’y hinihiling naming tanggapin Mo ang aming
mga tinig na buong pagpapakumbabang nagsasabi:
Santo
Sanctus, Sanctus, Sanctus Santo, Santo, Santo

Dominus Deus Sabaoth! Panginoong Diyos ng mga Hukbo!

Pleni sunt caeli et terra Napupuno ang langit at lupa

gloria tua ng kadakilaan Mo.

Hosanna in Excelsis! Osana sa kaitaasan!


Benedictus (+) qui venit Pinagpala (+) ang naparirito

in nomine Domini sa ngalan ng Panginoon

Hosanna in excelsis! Osana sa kaitaasan!

Luluhod ang lahat


Paghahanda sa Konsagrasyon
Sa pagkakataong ito ay naghahanda ang Pari sa
pag-kokonsagra ng Tinapay at Alak upang maging
Katawan at Dugo ni Kristo. Kasama nito ay
ipinapanalangin niya ang mga buhay, ang lahat ng
natitipon sa Misang ito, maging ang mga namayapa na.
Ang lahat ay hinihimok na ipanalangin din ang mga
kaparis na kahilingan.
Sa ilang sandali, ay magaganap na ang pinaka-sagradong
bahagi ng Banal na Misa.
Awit pagkatapos ng Konsagrasyon
O salutaris Hostia O Ostiyang nakaliligtas
Quae caeli pandis ostium sa pinto ng langit nagbubukas.
Bella premunt hostilia Sa hagupit ng mababagsik na kaaway
Da robur, fer auxilium kami’y tulungan, bigyang lakas.
Uni trinoque, Domino Sa iisang Panginoong may tatlong persona
Sit sempiterna gloria kaluwalhatiang walang-hanggan ang
igawad
Qui vitam sine termino Pagkalooban nawa tayo ng buhay na walang
. hanggan
Nobis donet in Patria. Sa langit na ating tunay na Bayan.
Ngayong narito na si Hesus sa anyo ng Tinapay at Alak,
hinihiling ngayon ng Pari na kalugdan ng Ama ang
walang bahid na Alay na ito para sa kapatawaran ng ating
mga kasalanan. Ipina-panalangin din ng pari ang mga
yumao at ang Banal na Simbahan.
Ang lahat ay hinihimok na ipanalangin din ang mga
kaparis na kahilingan.
Ama namin (TUMAYO ang lahat)

Pari:
Oremus. Pracaeptis salutaribus moniti, et divina
institutione formati, audemus dicere:
Manalangin tayo. Sa tagubilin ng mga nakagagaling na
utos at turo ng mabathalang aral, ay lakas-loob naming
dinarasal:
Pari:
Pater noster Ama namin
Qui es in caelis Sumasalangit ka
Sanctificetur Nomen Tuum Sambahin ang ngalan Mo

Adveniat Mapasa-amin ang kaharian Mo


regnum Tuum
Fiat voluntas Tua Sundin ang loob Mo
Sicut in coelo et in terra Dito sa lupa para ng sa langit
Panem nostrum Bigyan Mo kami ngayon
Quotidianum ng aming kakanin
Da nobis hodie sa araw-araw
Et dimitte nobis At patawarin mo kami sa aming
Debita nostra mga sala
Sicut et nos dimittimus Para ng pagpapatawad namin
Debitoribus nostris. Sa nagkakasala sa amin
Pari: Et ne nos inducas in tentationem
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
Bayan: Sed libera nos a malo
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Paghahanda sa Banal na Komunyon
Sa pagkakataong ito, ay hinihiling ng Pari sa Diyos na iadya ang lahat sa
anumang panganib at kasamaan. Pagkatapos ay sasabihin sa bayan:

Pari: Pax Domini (+) sit semper (+) vobiscum (+)


Ang kapayapaan ng Panginoon (+) ay laging (+) sumainyo (+)

Bayan: Et cum spiritu tuo


At sa iyong diwa rin
Cordero ng Dios
Agnus Dei, qui tollis peccata mundi

Cordero ng Dios na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan

Miserere nobis Maawa ka sa amin

Agnus Dei, qui tollis peccata mundi

Cordero ng Dios na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan

Miserere nobis Maawa ka sa amin


Cordero ng Dios
Agnus Dei, qui tollis peccata mundi

Cordero ng Dios na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan

Dona nobis pacem

Ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Luluhod ang lahat


Paghahanda sa Banal na Comunión

Sa pagkakataong ito ay hinihiling ng Pari sa Diyos ang


kapayapaan at kapatawaran, at upang siya at ang bayang
natitipon sa Misang ito ay maging marapat na tumanggap
sa Banal na Sacramento.
Ito ang Cordero ng Dios!

Haharap ang Pari sa Bayan hawak ang Katawan ni


Kristo at sasabihin:
Pari: Ecce Agnus Dei, Ecce qui tollit peccata mundi
Narito ang Cordero ng Dios, narito ang nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan
Ito ang Cordero ng Dios!

Bayan: Domine non sum dignus, / ut intres sub


tectum meum, / sed tantum dic verbo, / et sanabitur
anima mea. (3x)
Panginoon, hindi ako karapat-dapat na patuluyin ka sa
aking tahanan, ngunit sa isang salita Mo lamang ay
gagaling na ang aking kaluluwa. (3x)
Comunión (Pakikinabang)
Pinapaalalahanan ang lahat na ang pagtanggap ng Comunión ay sa
BIBIG LAMANG GAGAWIN at HINDI SA KAMAY. Ito ay
gagawin ng NAKALUHOD liban lamang kung may kapansanan.
Hindi sasagot ng “Amen” sa pari kapag natanggap na ang Hostia.

Sa bawat tatanggap ng Comunión ay sasabihin ng Pari:

Ipagsanggala ka nawa ng Katawan ng ating Panginoong Jesucristo


Hanggang sa Buhay na walang-hanggan. Amén.
P: Dominus vobiscum Sumainyo ang Panginoon
B: Et cum spiritu tuo At sa iyong diwa rin

P: Oremus Manalangin tayo


Panalangin sa Pagpapakinabang (TATAYO ang
lahat)
Sa pagtanggap namin sa mga pantulong na ito para sa aming kaligtasan,
hinihiling namin sa Iyo, O Panginoon, na kami ay paka-ingatan sa
pamamagitan ng pagkandili ng Pinagpalang Mariang laging Virgen, na
para sa Iyong kaluwalhatian ay pinararangalan namin sa pag-aalay na
ito. Sa pamamagitan ng aming Panginoong Jesucristo na Iyong Anak,
na nabubuhay at naghahari kasama mo at kaisa ng Espiritu Santo,
Magpasawalang-hanggan.

…….Per omnia saecula saeculorum.

Bayan: Amen
Paghayo
Pari: Dominus vobiscum Sumainyo ang Panginoon

Bayan: Et cum spiritu tuo At sa iyong diwa rin

Pari: Ite missa est Humayo kayo, tapos na ang Misa

Bayan: Deo gratias Salamat sa Dios


Pagbendisyon (LUMUHOD ang lahat)

Pari: Benedicat vos omnipotens Deus:


Pater, (+) et Filius, et Spiritus Sanctus
Bayan: Amen
Huling Evangelio - Juan :1-14 (Tatayo ang lahat)
Pari: Dominus Vobiscum Sumainyo ang Panginoon
Bayan: Et cum spiritu tuo At sa iyong diwa rin
Pari: Initium + sancti evangelii secundum Joannem
Ang simula ng Mabuting Balita ayon kay San Juan
Bayan: Gloria tibi, Domine Papuri sa Iyo, Panginoon
Huling Evangelio - Juan :1-14
NANG pasimula ay naroon na ang Verbo; ang Verbo ay kasama ng
Dios, at ang Verbo ay Dios. Sa pasimula ay kasama na siya ng Dios.
Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang
nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang nilikha sa kanya ay may
buhay, Ang nilikha…buhay: o kaya'y ang lahat ng nilikha ay may buhay
sa kanya. at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa
kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.
Huling Evangelio - Juan :1-14
Dumating ang Verbo sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng
sanlibutang ito na nilikha sa pamamagitan niya. Pumunta siya sa
kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili niyang kababayan.
Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan
niya ng karapatang maging mga anak ng Dios. Sila nga ay naging mga
anak ng Dios, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa
kagustuhan o sa kagagawan ng tao kundi ang pagiging anak nila ay dahil
sa kalooban ng Dios.
Huling Evangelio - Juan :1-14
(GUMAWA NG GENUFLEXIÓN) ANG VERBO AY NAGING
TAO at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang
tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng
kagandahang-loob at ng katotohanan.

Bayan: Deo gratias - Salamat sa Dios


Panalangin Pagkatapos ng Misa ni Papa Leon XIII
Iniaalay para sa kapayapaan ng mundo at sa tagumpay ni Kristo laban
kay Satanas.

Aba Ginoong Maria……. (3x)

Aba po Santa Mariang Hari………

Pari: Ipanalangin mo kami o Santang Ina ng Dios

Bayan: Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako


ni Jesucristong aming Panginoon
Pari: Manalangin tayo

O Dios, na aming tagapag-ampon at lakas, ilingon Mo ang Iyong mga


mata sa bayang dumaraing sa Iyo, at sa pamamagitan ng maluwalhati at
di narungisang Virgen Maria, Ina ng Dios, ni San Jose na kanyang
Esposo, ng mga banal na Apostol na si San Pedro at San Pablo,
alang-alang sa Iyong awa at kabutihan ay pakinggan Mo ang aming mga
panalangin, upang magbalik-loob ang mga makasalanan, maging malaya
at ipagdangal ang Santa Iglesiang Ina namin: alang-alang kay Jescristong
Panginoon namin.

Bayan: Amen
Panalangin kay San Miguel Arcángel
BAYAN: San Miguel Arcángel, ampunin mo kami sa labanan,
maging tagapag-sanggalang ka nawa namin laban sa kasamaan at
mga silo ng demonio. Ipinagmamakaamo namin na iyo na siya’y
sugpuin nawa ng Dios. At ikaw, Principe ng hukbong
makalangit, sa kapangyarihan ng Dios ay ibulid mo si Satanas at
mga ibang masamang espiritung gumagala sa mundo at
nagpapahamak ng mga kaluluwa. Amen.
Pari: Kamahal-mahalang Puso ni Jesús
Bayan: Maawa ka sa amin (3x)
Regina Caeli
Regina Caeli, laetare, Alleluia! Reina ng langit, magalak ka, Aleluya!

Quia quem meruisiti portare, Alleluia! Sapagkat ang minarapat mong dalhin sa

Iyong sinapupunan, Aleluya!

Resurrexit, sicut dixit, Alleluia! Ay nabuhay na mag-uli na gaya ng

Kaniyang sinabi, Aleluya!

Ora pro nobis Deum, Alleluia! Ipanalangin mo kami sa Dios, Aleluya!


Ngalan mo’y Aming Dinarangal
(Holy God we Praise Thy Name)

1. Ngalan Mo’y aming dinarangal

Sa harap Mo Poon nagpupugay

Sa lupa, lahat nagtatanghal

Sa langit, pagsamba sa ‘yo’y alay

Ang sakop Mo’y walang hanggan**

Kaharian Mo’y di papanaw**


2. Awit sa langit ay ‘yong dinggin
Mga anghel na nagsisiawit
Kerubin at mga serapin
Nagpupuri sa ‘yong walang tigil
Langit ay tigip ng awitin**
Kabanal-banalang Diyos namin**
3. Poon, tanging aming dalangin

Ilayo sa lahat ng hilahil

Huwag tulutang anumang bahid

Ng sala sa amin ay kumapit

Pagtitiwala sa Iyo’y tingni**

Huwag bawiin ang Iyong Pagkasi**


Help the Latin Mass Society of Cavite and its sister group, the
Hermandad de la Sagrada Eucaristia!

Hermandad de la Sagrada Eucaristia FB: facebook.com/HermandadSAS/

For Donations, please proceed to hermandadsas.wordpress.com/donate/

You might also like