You are on page 1of 36

ANG MGA EPEKTO SA PAGSALI NG EKSTRA KURIKULAR (CASE,

USC-THEATER GUILD, USC- DANCE TROUPE , USC-CHORISTERS)

NA GAWAIN NG TEACHERS EDUCATION NA MAG-AARAL.
Isang Proposal ng Pamanahong Papel na Iniharap
sa Lupong Paaralang Tersyarya
University of San Carlos
Lungsod ng Cebu
Bilang Bahagi sa mga
Gawaing Kailangan sa Pagpasa sa
Kursong Filipino 107
Pananaliksik sa Wika at Panitikan
Ipinasa Kay:
Avita Amora-Perez, MAEd. FLT
Mga Mananaliksik:
Acapulco, Cherry Mae O.
Cando , Jeramie Gale D.
Napalit , Charis G.
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pahina
Pamagat na Pahina i
Talaan ng Nilalaman ii
Talaan ng Figure iii
Kabanata
I. ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO
Rasyunal 1
Sanligang Teoretikal-Konseptwal 3
Pagpapahayag ng Suliranin 5
Kahalagahan ng Pag-aaral 6
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral 7
Katuturan ng mga Talakay 8
II.KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL 9
A. Kaugnay na Literatura
B. Kaugnay na Pag-aaral
III. METODOLOHIYA
Desinyo ng Pananaliksik 15
Paksa at Populasyon 15
Kaligiran ng Pag-aaral 15
Instrumentong Gagamitin 16
Pamamaraan ng Paglikom ng Datos 16
IV. PAGLALAHAD AT PAGPAPAKAHULUGAN NG DATOS
Mga dahilan sa pagsali ng iba’t ibang ekstra-kurikular na gawain 20
Mga benepisyong nakuha sa pagsali ng iba’t ibang 21
ekstra-kurikular na gawain
Mga epekto sa pagsali sa ekstra-kurikular na gawain: 22
Positibo at Negatibo
Mga paraan sa tamang paggamit ng oras para sa 24
balanseng kurikular at ekstra kurikular ng mga mag-aaral.
V. LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Lagom 27
Kongklusyon 28
Rekomendasyon 29
Planong Programa sa mga Ekstra Kurikular na gawain sa buong taon 30
BIBLIYOGRAPIYA
A. Aklat 34
B. Pahayagan
C. Magasin
D. Tesis
E. Internet
Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO
Rasyonale
Ang paaralan ang tumayong pangalawang tahanan kasi rito tayo tinuruan ng bagong
mga kaalaman at hinuhubog ang ating kakayahan at pag-uugali. Kapag narinig ang
salitang ito, kadalasan naiisip ng mga mag-aaral ang mga gawain tulad ng takdang
aralin, mga pasulit, proyekto at higit sa lahat ang puyat at pagod ang mararanasan.
Ngunit dito nahuhubog ang mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan ng siyensa,
matematika, wika at linggwistika.
Napaloob dito ang iba’t ibang organisasyon kung saan nahuhubog ang iba pang
aspeto ng katauhan ng isang mag-aaral at ito ay tinatawag na ekstra kurikular na
gawain. Ito ang dahilan kung bakit hindi lamang intelektwal ang nakukuha ng mga
magaaral
sa paaralan pati na rin ang pagkahasa sa kanilang talento, kakayahan at abilidad.
Sa Kolehiyo ng Edukasyon sa Unibersidad ng San Carlos ay may ekstra kurikular
na gawain. Tulad ng College of Education Student Organization (COEDSO) na kung
saan ang mag-aaral na sumali rito ay nagkaroon ng responsibilidad ang bawat isa sa
kanila at may obligasyon at may karapatan mag-organisa sa bawat aktibidad sa loob ng
Kolehiyo ng Edukasyon. May organisasyon naman na tinawag ng Communication
Society of Educators (CASE) na kung saan ang mga mag-aaral ay ipinamalas nila ang
kanilang talento at kakayahan.
2
Nabago ang pangalang FEMOrg. sa pamumuno ni G. Remmar Cabilla sa mungkahi
ni G. Arnel Cortes noong taong 2008. Naitayo ang pangalang Communication Arts
Society of Educators(CASE) sa kadahilanang, ang Filipino- English Major
Organization(Fem-Org.) ay inaakalang isang Female Organisasyon.
Hanggang ngayon, patuloy pa rin na buhay ang organisasyon ito. Nagkakaroon na
ito ng mga proyekto kagaya na pagtatayo ng bulletin board at pagkakaroon ng
Communication Arts Experience kung saan naipapamalas ang mga kakayahan at
talento ng bawat isa kagaya ng pag-arte, pagsayaw, pagkanta at iba pa. Hindi lang
nakapokus ang bawat isa sa kanila ang isang organisasyon kundi bukas ang kanilang
puso’t isipan sa iba’t iba pang ekstra kurikular na gawain tulad ng USC- Dance Troupe
(USC DT), USC- Theater Guild (USC-TG) at USC- Choristers, Special Education
Student Organization (SPEDSO),Music, Arts , Physical Education and Health Student
Organization(MAPEHMSO), General Education Curriculum Student
Organization(GCSO), Science and Math Organization(SMED).
Ang ekstra-kurikular ay mga aktibidad o gawain na hindi saklaw ng kurikulum ng
paaralan. Inilalaan dito kadalasan ang sakripisyo sa oras at pagod na hindi saklaw sa
aktwal na pag-aaral ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan nito, maaaring magkaroon ng
mga mabuti o masamang epekto ang mga ekstra kurikular na gawain ang mga
magaaral
sa kanilang buhay akademiko.
3
Nararapat lamang na bigyang impormasyon ang mga mag-aaral sa kolehiyo tungkol
sa iba’t ibang ekstra kurikular na gawain sa bawat organisasyon lalo na sa mga may
balak sumali sa napiling organisasyon na sasalihan.
Ang layunin ng pamanahong papel na ito ay nalaman ang mga epekto sa pagsali ng
mga mag-aaral na kumuha ng degree na Communication Arts , Special Education ,
Mapeh , Montessori, General Education , Science and Math kung ito ba ay nakabubuti o
nakakasama . At masagot ang mga ang mga tanong na binigay sa mga respondente, at
nagkaroon ng isang Planong Programa sa mga ekstra kurikular na gawain sa buong
taon.
Sanligang Teoritikal- Konseptwal
Napagsikapan ng mga mananaliksik na alamin ng mga epekto ng ekstra
kurikular nito. Nakuha ang mga datos kung saan ang mga mananaliksik ay gumamit
ng iba’t ibang teorya na ayon kay Howard Gardner. Ang teorya na ito ay ang Multiple
Intelligences: 1. Verbal 2.Logical 3. Visual 4.Musical 5.Interpersonal 6. Intrapersonal
7. Naturalist 8. Existentialist 9. Bodily Kinesthetic na kung saan bawat isa nito ay
may deskripsyon at doon malalaman kung anong intelligence kasapi yong magaaral.
Kadalasan, ang isang mag-aaral ay nakikibahagi sa tatlo o kaya’y apat na
karunungan(qtd.Villafuerte.2008).
Sa pagsali ng maraming mga organisasyon ay nangangailangan ng malakas at
matibay na kalusugan.
4
Sa Multiple Intelligence ayon kay
Howard Gardner “…every person has
atleast nine intelligences” 1. Verbal
2.Logical 3. Visual 4.Musical
5.Interpersonal 6. Intrapersonal 7.
Naturalist 8. Existentialist 9. Bodily
Kinesthetic (Villafuerte.2008)
Ayon sa HealthToday na magasin
noong Setyembre 2009 TIP: Being
physically active for atleast 30mins
everyday, avoiding sugary drinks, and
limiting consumption of high calorie
foods, especially those low in fiber and
rich in fat added sugar will help cut
your risk developing cancer (ROMA.2009).
Figure 1. Teoretikal-Konseptwal na balangkas
5
Pagpapahayag ng Suliranin
Ang pamanahong papel na ito ay naglayon na natuklasan ang mga epekto sa mga
ekstra kurikular na gawain sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng San Carlos, saklaw
nito ang Communication Arts , Special Education , Mapeh , Montessori, General
Mga Gawaing Ekstra Kurikular ng mga mag-aaral ay :
Communication Arts Society of Educators(CASE0),
USC- Dance Troupe (USC DT), USC- Theater Guild
(USC-TG) at USC- Choristers, Special Education
Student Organization (SPEDSO),Music, Arts , Physical
Education and Health Student
Organization(MAPEHSO), General Education
Curriculum Student Organization(GCSO), Science and
Math Organization(SMED)
Mga dahilan kung
bakit sumasali ang
mga mag-aaral sa
mga ekstra kurikular
ng gawain;
Mga epekto sa
pagsali sa
organisasyon sa
pag-aaral ng mga
mag-aaral;
Mga benepisyong
matatanggap ng
mga mag-aaral sa
pagsali ng ekstra
kurikular na
gawain;
Mga paraan sa
tamang paggamit
ng oras para sa
balanseng kurikular
at ekstra kurikular.
Planong Programa sa mga Ekstra Kurikular na Gawain
sa buong taon.
Education , Science and Math sa taong 2008-2011. Sinubukan mga mananaliksik na
tuklasin ang mga mabuti o masamang epekto sa mga respondente. Ito ay nagbigay ng
impormasyon ukol sa ekstra kurikular na gawain sa kolehiyo at layuning sinagot at
natugunan ang sumusunod na tanong:
1. Mga dahilan kung bakit sumasali ang mga mag-aaral sa mga ekstra
kurikular na gawain;
2. Mga epekto ng pagsali sa organisasyon sa pag-aaral ng mga mag-aaral;
3. Mga benepisyong matatanggap ng mga mag-aaral sa pagsali sa mga
ekstra kurikular na gawain;
4. Mga paraan sa tamang paggamit ng oras para sa balanseng kurikular at
ekstra kurikular ng mga mag-aaral.
6
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pamanahong papel na ito ay ginawa ng mga mananaliksik upang mas
madaling maintindihan ang mga epekto sa pagsali ng iba’t ibang ekstra kurikular
na gawain. Ito ay naging gabay ng mga mananaliksik upang maging tagumpay
ang pag-aaral na ito. Mahalaga ito sa mga sumusunod:
Puno ng organisasyon- Sa pagtatayo ng organisasyon at pagbubukas sa
lahat ng mga mag-aaral upang lalo na mapaunlad ang kanilang talent at
kakayahan.
Tagapayo nga organisasyon- Sa pagpapatuloy ng suporta at pagbibigay
patnubay sa mga sumaling mag-aaral.
Magulang- Sa aming mahal sa buhay na patuloy nagbibigay lakas at
inspirasyon upang lalo naming mapabuti, mapahusay at mapaunlad an
gaming kakayahan sa paggawa ng pamanahong papel na ito.
Mag-aaral – Sa kanilang puso’t isipan na sumali sa iba’t ibang ekstra
kurikular na gawain upang lalo na mapaunlad ang kanilang talent at
kakayahan na kasama sa kanilang pag-aaral.
7
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Piling estudyante lamang ng Communication Arts , Special Education , Mapeh ,
Montessori, General Education , Science and Math ang saklaw sa pag-aaral na ito.
Mga mag–aaral na kasali sa mga ekstra kurikular na gawain sa kanilang
organisasyong sinalihan. Hindi na sakop sa pag-aaral ang kanilang kuwento na
napagdaanan nila. Ang pokus lang ng mga mananaliksik ay pagkuha ng mga epekto
sa pagsali nang mga mag-aaral na iba’t ibang organisasyon tulad ng
Communication Arts Society of Educators(CASE), USC- Dance Troupe (USC DT),
USC- Theater Guild (USC-TG) at USC- Choristers, Special Education Student
Organization (SPEDSO),Music, Arts , Physical Education and Health Student

Organization(GCSO), Science and Math Organization(SMED) at ang mga
respondente ng mga mananaliksik ay kumuha sa degree na Communication Arts ,
Special Education , Mapeh , Montessori, General Education , Science and Math.
Ang iba pang aspeto bukod sa kanilang pag-aaral na maaring naapektuhan na
kanilang pagsali sa mga gawaing tulad ng relasyon sa pamilya, kaibigan,
panampalataya, at iba pa ay hindi na tinalakay sa pag-aaral na ito.
Bagamat nagbigay ng pahapyaw na pagtalakay ay nakapokus lang ito sa
implikasyon ng paging isang aktibong mag-aaral at hindi pinalawak ang mga detalye
pagdating sa mga emosyon na aspeto bunga ng kanilang iba’t ibang karanasan ng
kanilang buhay.
8
Katuturan ng mga Talakay
Ekstra kurikular. Mga aktibidad o gawain na hindi saklaw sa kurikulum ng
pag-aaral na nasasakop sa paaralan.
Organisasyon. Grupo ng mga tao na may gustong maipakita ang
kanilang kakayahan at talento.
Time Management. Upang magamit na maayos ang oras sa pagsali ng
organisasyon.
Dance Troupe. Para sa may kakayahan na marunong sumasayaw.
Theater Guild. Isang organisasyon ng mga mag-aaral na inaasahang
magaling umarte.
Chorister. Isang organisasyon para sa mahilig at may kagalingan sa
pagkanta.
Mga Mananaliksik. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito sa mga
mananaliksik ay ito ang nagsilbing gabay nila sa mga susunod na
pananaliksik.
Kabanata 2
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Kaugnay na Literatura
Inilahad sa kabanatang ito ay mga kaugnayang pag-aaral at literatura na
umugnay sa pamanahong papel ng mga mananaliksik. Ang mga impormasyong
nakalap ng mga mananaliksik ay nakatulong sa paggawa ng mga datos sa mga
mananaliksik.
Maraming kabataang aktibo sa iba’t ibang larangan katulad ng organisasyon na
Communication Arts Society of Educators, USC Theatre Guild, USC Dance Troupe,
Special Education,lalo na ang mga estudyante at kailangang nila ng suporta sa kanilang
pamilya, kaklase, guro at kaibigan para maging tama ang kanilang ginawa. Kailangan
nila ng gabay sa kanilang mga nakakatanda. Napakalaking tulong ang paggabay sa
kanila para maging produktibo sila sa hinaharap.
Isang susi ang pagsali sa iba’t ibang organisasyon tulad ng Communication Arts
Society of Educators, USC Theatre Guild, USC Dance Troupe, Special Education, at
iba pang kasapi sa Teacher Education na organisasyon na tumulong at humubog sa
kanilang kakayahan at talento. Ayon sa kamakailan na pag-aaral ni Nellie Mae
Education Foundation(2009.Internet), ang kabataan na mahilig sumasali sa mga gawain
ay nakikipaghalubilo at mararamdaman ang napipintanging tagumpay,kakayahan at
“self-esteem”(qtd.Scholastics.Inc)”.
10
Ayon kay Paul Essert(1971),
“Institution must be the agencies rather than the controlling centers of
personality expressions. “
Ang institusyon ang humubog sa personalidad ng tao sa karapatdapat na
edukasyon na nalalaan sa kanila. Ang paghubog ng bawat personalidad at mga
ninanais iangkop sa mga patnubay at limitasyon ng isang ahensya. Sa loob ng isang
institusyon ay may iba’t ibang organisasyong napaloob.
Ayon kay William Werther,et.al(1971),
“Organizations are the most innovative social arrangement of our age and
civilization.”
Ang organisasyon ay isa sa pinakamabuting likha upang bigyang halaga ang
iba’t ibang indibidwal ayon sa kanilang kakayahan at katangian. Dito nalaman ang mga
talento, kakayahan, interes, at mithiin na gustong makamit ng isang mag-aaral sa
pagsali sa iba’t ibang organisasyon. Nais nitong mahubog ang bawat natatagong
talento ng bawat isa upang magamit at maipapamalas sa ibang tao. Ito ay tinatawag na
Character Building na
Ayon kay Rombokas.(1999),
“A myriad of components contribute to the reason why extracurricular
activities benefit students academically. One of these reason is that
students learn character – building lessons that they can apply to their
lives.”
Ito ang paghubog sa katauhan ng isang tao ay isa sa mga benepisyo ang pagsali
sa mga ekstrakurikular na gawain. May magandang epekto sa akademik ng isang
magaaral
dahil nagamit niya ang disiplina at katangian sa kanyang buhay. Ang mga gawain
katulad ng musika at teatro ay isang lang sa mga gawain kung saan nagamit ng
magaaral
ang disiplina sa kanilang sarili at sa kanyang buhay bilang
11
estudyante. Dahil sa pagkaroon nito nahubog din ang kanilang kakayahan (qtd.Hollrah,
Rachel).
Ayon naman kay Matt Craft.(1999):
“Through extracurricular activities students’ life skills that benefit their
studies.
Sa pamamagitan ng pagsali sa mga ekstra kurikular na gawain, ang isang magaaral
ay marunong gumamit sa kanyang oras sa paging kasapi ng isang organisasyon
at bilang mag-aaral dapat matamo niya ang kanyang mga tungkulin at responsibilidad.
Tumulong din ito sa bawat isa dahil natuto ang mag-aaral sa paging masinop(qtd.Hollrah,
Rachel). Dahil sa ganitong ugali nabuo ang pundasyon ng Multiple Intelligences ni
Howard Gardner sa kanyang aklat na Frames of Mind, ang pagkaroon ng pitong
batayang intelligences bagamat may nagsasabing ito’y naragdagan ng dalawa pa kung
kaya’t nabuo ang siyam na uri.
Marami ang napabilib sa inimungkahi ni Gardner kasi hindi inaakala na maari
pala ang isang guro na nakaturo sa iba’t ibang pamamaraan kung saan nabahagi ang
siyam na Multiple Intelligence(qtd.Villafuerte.2008). Kapag ang isang guro ay nagtuturo,
dapat turuan niya ang mag-aaral na magkaroon ng positibong pananaw sa karanasang
edukasyon kung saan nakatulong ito sa sarili upang makahanap ng solusyon. Sa
pamamagitan nito,hindi na takot humarap sa madla ang mag-aaral upang naipabahagi
ang talento at kakayahan.
12
Ayon kay Rombokas.(1995),
“Participation in extracurricular activities enhances both the intellectual
and social development of students.”
Ang pakikilahok sa mga ekstrakurikular na gawain ay nakatulong upang
mapalawak ang intelektwal na karunungan at pakikihalubilo ng mga mag-aaral.
Idinagdag pa niya ang mag-aaral sa sumasali sa ekstrakurikular ay mas nakakuha ng
mataas na marka kaysa mag-aaral na hindi sumali sa mga ekstrakurikular na
gawain(qtd.Hollrah, Rachel).
Ayon kay Erin Fowkes.(1999),
“Not only do extracurricular activities help students that are already successful in
school to further excel, they also help students that are at risk of dropping or
flunking out to remain school”
Ang pagsali sa ekstrakurikular na Gawain ay nakatulong upang ipatuloy sa pagaaral
ang isang mag-aaral. Dahil naging inspirasyon niya ito at motibasyon upang
magkaroon ng magandang marka para ipatuloy niya ang pagsali nito.Naaayon ito sa
kanilang organisasyong sinalihan, sapagkat ang mga mag-aaral ay nangangailangan ng
matibay na kalusugan. (qtd.Hollrah, Rachel)
Sinabi naman ni G. Jeslie Lapus.(2009)
“The quality of health of the pupils determines their academic performance. Not
many realize their huge impact on the physical and mental development of
children, their school performance and ultimately their quality of life.”
Napakaimportante ang kalusugan ng mag-aaral para pang-akademikong
‘performance’.Ito ang nagbigay lakas at sigla sa pang-araw-araw na gawain. Kung may
maayos at masiglang pangangatawan ang bawat mag-aaral dito sila malayang nakapili
sa gustong organisasyon na sila ay napabilang.
13
Ayon kay Fowkes.(1999)
"Students learn how to compromise and work in a group. Extracurricular
activities
also allow students to meet and interact with peers that may not be within their
close group of friends.”
Ang pagsali sa ekstra kurikular na gawain ay nakatulong upang maging “socially
engaged” ang mga mag-aaral dahil hindi lang sa pagbasa ng aklat natuto ang isang
mag-aaral pati na rin sa ibang tao, hindi lang sa kanyang mga malalapit na kaibigan pati
na rin sa mga taong nakakahalubilo niya sa pagsali ng ekstra kurikular na
gawain(qtd.Hollrah, Rachel).
Ayon kay Lama, Dalai (c.2011)
“Our greatest duty and our main responsibility are to help others.”
Ang pangunahing responsibilidad bilang kasapi ng isang organisasyon ay ang
makatulong sa kapwa tao at ibahagi ang kanilang talento at kakayahan. Sa bawat
ekstra kurikular na gawain ay nagkaroon ng pagkakataon ang bawat isa upang
makatulong sa ibang tao.
Ayon kay McCleland,David.(1964)
“Leadership takes a strong personality with a well developed positive ego.”
Ito ay nagbigay daan sa mag-aaral upang maging maisanay at maibahagi ang
kanilang kakayahan. Sa pamamagitan ng palaging sinasanay ang sarili mga tao at
ibang gawain ng sa ganoon maging matibay at nagbigay lakas-loob sa kanilang sarili.
(qtd. Blake Robert,et.al)
14
Kaugnay na Pag-aaral
Ayon kay Kho.(1982),
“A basic need for educational administration and supervision is to improve
continually to keep pace with a rapidly changing society of which schools area
part. It is the responsibility of those who are concerned with educational
programs to re-examine their administrative policies and practices constantly to
conform to growing educational needs.”
Ang administrasyon ay responsable upang ayusin at bigyang oras ang pagbasa
at pag-aaral sa mga gawain upang mas lalo pang mapaunlad ang kaalaman. Dapat din
nilang pag-aralan ang mga makabagong estratehiya sa pagtuturo at mga gawain upang
bigyang halaga ang mga kakayahan ng mag-aaral.
Ayon kay Villamor Gonzales . (1985)
“Leadership, a critical management skill, is the ability to motivate a group
of people toward a common goal.”
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa isang organisasyon kung saan ang mga
kabataan ang karamihang kasali. Dito nahubog ang kanilang talento, katauhan at ang
kanilang mithiin upang magkaroon ng mabuti at masayang lipunan. Tinuruan ang mga
kabataan na maging pangulo at mabuting ehemplo sa kanyang pamayanan para
mapalaganap at ibahagi ang kanilang talento at kakayahan sa lahat ng sangkatauhan.
Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil bibibigyang diin ang presensya ng isang
organisasyon sa sistema ng isang tao upang malinang ang kanyang kakayahan tungo
sa mabuti at maayos na lipunan na kanyang ginalawan.
Kabanata III
METODOLOHIYA
Desinyo ng Pananaliksik
Sa pamanahong papel na ito ay tinangkang ilarawan at kinuha ang dahilan ,
benepisyo , epekto at paraan ng pagsali sa mga ekstra kurikular na gawain sa unang
taon hanggang ikaapat na taon sa Kolehiyo ng Edukasyon sa Unibersidad ng San
Carlos. Gamit ang disenyo na pamaraang deskriptibo at pag-aanalisa sa bawat puna
na kanilang mga sagot .
Paksa at Populasyon
Ang napiling respondente ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng College of
Education students ng University of San Carlos mula sa unang taon hanggang sa
ikaapat na taon. Piling organisasyon na nabibilang sa College of Education ay kasali sa
pananaliksik na ito katulad ng Communication Arts Society of Educators (CASE),
Special Education Student Organization (SpEdSo), Music Arts Physical Education and
Health Student Organization(MAPEHMSO), General Education Curriculum Student

Kaligiran ng Pag-aaral
Isinagawa ang pag-aaral na ito ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptibo at
pag-aanalisa na pananaliksik. Inilarawan sa pananaliksik na ito ang mga epektong
16
naidulot, masama man o mabuti sa mag-aaral na nabibilang sa Kolehiyo ng
Edukasyon na sumali sa mga ekstra kurikular na gawain.
Instrumentong Gagamitin
Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng sarbey kwestyuner upang malaman ang
mga epekto sa pagsali sa mga ekstra kurikular na mga gawain. Naghanda ng sarbey
ang mga mananaliksik upang makuha ang mga datos na kailangan at mga detalye
upang mapatibay ang pananaliksik.
Pamaraan ng Paglikom ng Datos
Sa pamanahong papel na ito ay ang paglahad ng mga epekto sa mga mag-aaral
sa pagsali sa iba’t ibang ekstra kurikular na gawain sa mga mag-aaral ng Kolehiyo ng
Edukasyon sa Unibersidad ng San Carlos. Ito ay hindi nangangailangan ng mga
numerikal na datos sa paglarawan ng mga impormasyon. Inaasahang nakuha ng mga
mananaliksik ang wastong pagsuri at pag-aanalisa ng mga nalikom na datos mula sa
mga sagot ng mga respondente. Gumawa ang mga mananaliksik ng mga sulat upang
makalap ang mga datos na ginamit. Ibinigay ito sa mga tagapamahala ng
Departamento ng Edukasyon sa Unibersidad ng San Carlos para malaman nila na may
ginawang pamanahong-papel. Pagkatapos naipasa ay naisagawa na ng sarbey ang
mga mananaliksik sa pamamagitan ng pagpunta sa iba’t ibang klasrum at humingi ng
pahintulot sa guro upang gumawa ng sarbey sa kanyang mag-aaral. Humingi ang
mananaliksik ng ilang minuto sa kanyang klase para isagawa ang pananaliksik at
17
kinakailangan na sagutan ang mga hinihinging impormasyon.Binigyan ng panahon ang
mga mag-aaral upang sagutin ang mga katanungang na nasa sarbey kwestyuner.
Linikom ng mga mananaliksik ang lahat ng mga datos at pagkatapos ay ginawan
ng isang pie graph ang bawat katanungan na makikita sa sarbey kwestyuner.Gumamit
ng formula ang mga mananaliksik upang makuha ang bahagdang interpretasyon sa
bawat pie graph. Sa baba ng mga pie graph ay binigyang kahulugan at inalisa ng mga
mananaliksik ang mga ito. Pagkatapos, ay iniugnay ng mga mananliksik ang mga
nakuhang datos sa mga pag-aaral at literatura na makikita sa kabanata dalawa(2)
upang pagtibayin ang mga nakuhang datos.
Bilang ng Sagot ng mga Mag-aaral sa bawat tanong
(maliban sa ikaapat na tanong)
X 100= Bahagdan ng Sagot ng mga Mag-aaral
Bilang ng mga Mag-aaral na Sumagot
Kabanata IV
PAGLALAHAD AT PAGPAPAKAHULUGAN NG DATOS
Matapos ang masigasig na pangangalap ng datos ng mga mananaliksik, sa
tulong ng mga respondente sa sarbey na isinagawa, narito ang mga datos na
napagalaman
gamit ang “pie graph”. Ito ay nagbigay ng impormasyon ukol sa ekstra- kurikular
na gawain sa kolehiyo ng Edukasyon sa Unibersidad ng San Carlos at layuning sinagot
at natugunan ang sumusunod na tanong:

19
Talahanayan Blg 1 Mga dahilan ng pagsali sa ibat ibang ekstra kurikular
Mga dahilan ng pagsali sa ibat ibang
ekstra kurikular
Tally
makalakbay 11
makipagkaibigan 42
Makapagbigay lakas loob 24
karanasan 72
Others(specified) 45
Resulta sa dahilan ng pagsali ng iba’t ibang ekstra kurikular.
Graf 1
Fig. 1 Resulta sa pagsali ng iba’t ibang ekstra-kurikular na gawain
20
8%
32%
18%
55%
34%
makalakbay
makipagkaibigan
makapagbigay lakas-loob
karanasan
other(required )
Inalam ng mga mananaliksik ang dahilan kung bakit sumasali ang mga magaaral
sa mga ekstra kurikular na gawain. Buhat sa sagot ng mga respondente, nabatid
ng mga mananaliksik na sa Isangdaan tatlumpu’t lima (135) na mga mag-aaral,walong
bahagdan (8%) ang sumagot na sila ay nakalakbay,Tatlumpu’t dalawa bahagdan (32%)
ang makipagkaibigan,labing-walong bahagdan (18%) nakapagbigay lakasloob,
limampu’t limang bahagdan (55%) karanasan at ang iba o others ay tatlumpu’t
apat na bahagdan (34%) na may sagot na required. Ayon sa nakuhang datos ang
dahilan sa pagsali ng mga mag-aaral sa mga ekstra kurikular na gawain ay upang
magkaroon sila ng mga karanasan. Dito nakita na sa Isangdaan tatlumpu’t lima (135)
na respondente ay limampu’t limang bahagdan (55%) ang sumagot at pumili sa dahilan
na makakuha o magkaroon ng karanasan.
Tama ang konsepto ni Rombokas.(1999) na may magandang epekto sa
akademik ng isang mag-aaral dahil nagagamit niya ang disiplina at katangian sa
kanyang buhay. Ang mga karanasan na ito ang siyang bumubuo sa isang tao kung
saan nagagamit ng mag-aaral ang disiplina sa kanilang sarili at sa kanyang buhay
bilang estudyante. Sa pamamagitan nito, naging responsable at “independent”.
21
Talahanayan Blg.2 Mga benepisyong nakuha sa pagsali ng iba’t ibang ekstra kurikular
Mga benepisyong nakuha sa pagsali ng
iba’t ibang ekstra kurikular
Tally
Makapunta sa ibang lugar 25
Libreng matrikula 12
Nadagragdagan matrikula 19
Makatulong sa ibang tao 78
Others (activities o gawain) 26
Resulta sa mga benepisyong nakuha sa pagsali ng ibat ibang ekstra kurikular.
Graf 2
Fig.2 Resulta sa benepisyong nakuha ng pagsali sa ekstra-kurikular na gawain
22
Inalam ng mga mananaliksik ang dahilan kung bakit sumali ang mga mag-aaral
sa mga ekstra kurikular na gawain ng mga mag-aaral. Buhat sa sagot ng mga
respondente, nabatid ng mga mananaliksik na sa Isangdaan tatlumpu’t lima (135) mga
mag-aaral, labing-siyam na bahagdan (19%) na respondente na may sagot na
70%
33% positibo
negatibo
makapunta sa iba’t ibang lugar , siyam na bahagdan (9%) libreng matrikula ,Labingapat
na bahagdan (14%) naragdagan ang matrikula, animnapung bahagdan(60%) ang
nakatulong sa ibang mag-aaral. May dalawampung bahagdan (20%) ang may sagot na
other (activities o gawain).
Tama ang konsepto ni Dalai Lama na ang bawat kasapi ng isang organisasyon
ay nakapagbibigay tulong sa kapwa tao. Sa isang ekstra kurikular na gawain ay
nagkakaroon ng pagkakataon ang bawat kasapi na makatulong at makapagbahagi ng
kanyang talento at kakayahan.
Talahananayanan Blg. 3 Mga epekto na nakuha sa pagsali ng iba’t ibang ekstra
kurikular na gawain: Positibo at Negatibo.
Resulta sa mga epekto na negatibo at positibo sa pagsali ng iba’t ibang ekstra kurikular.
23
3. Mga epekto sa pagsali sa ekstra-kurikular na gawain: Positibo at Negatibo
Mga epekto na nakuha sa pagsali ng iba’t
ibang ekstra kurikular na gawain: Positibo
at Negatibo
Tally
Positibo 178
Negatibo 113
Fig.3 Resulta sa epekto sa pagsali sa ekstra-kurikular na gawain: Positibo at Negatibo
Inalam ng mga mananaliksik ang epekto ng pagsali sa organisasyon sa pagaaral
ng mga mag-aaral. Buhat sa sagot ng mga respondente, nabatid ng mga
mananaliksik na sa Isangdaan tatlumpu’t lima (135) mga mag-aaral, Pitumpung
bahagdan (70%) na positbo ng epekto at tatlumpu’t tatlong bahagdan (43%) na
negatibo na epekto.
Ang mga positibong epekto ay ang mga sumusunod:
Respondente1: Nalalaman ko na hindi ako isang ordinaryong estudyante sa paaralang
ito.
Respondente 5: Pagpapalitan ng ideya, professional growth, magandang
pagsasamahan.
Respondente 11: Mas marami kang taong makikilala at maging mas responsable.
Respondente32: “ Helping and promoting the organization, to learn interpersonal and
intrapersonal skills.
24
Respondente 33: “ I was able to measure my capacity as an ordinary individual, I have
proven to everyone my work”.
Ang mga negatibong epekto ay ang mga sumusunod:
Respondente 50: Nakadisturbo sa aking pagtulog dahil ang programa na kanilang
isinasagawa ay nasa Sabado at Linggo na nasa araw ng aming
pamilya.
Respondente 85: Komplikado ang oras paminsan-minsan at nakakapagod ang mga
seminar.
Respondente 94: Hindi masyadong organisado ang organisasyong ito.
Respondente 100: Mas napaglaanan ko ng oras ang organisasyon kaysa pag-aaral.
Respondente 103: Naragdagan ang aking problema sa pagtitimbang o balanse sa aking
oras.
4. Mga paraan sa tamang paggamit ng oras para sa balanseng kurikular at ekstra
kurikular ng mga mag-aaral.
Batay sa nakalap na datos nakita ng mga mananaliksik na kinakailangan na
magkaroon ng time management ang bawat isa upang maipagsabay ang pag-aaral at
ang aktibong pagsali sa mga ekstra kurikular na gawain. Mailahad ng mga mananaliksik
ang mga paraan na maaring makatulong sa mag-aaral ang posibleng paraan ng
tamang paggamit sa oras para magkaroon ng balanseng kurikular at ekstra kurikular ng
mga mag-aaral na ayon sa konsepto ni Covey, Stephen R.(1994) na:
First generation: reminders based on clocks and watches, but with computer implementation
possible; can be used to alert a person when a task is to be done.
Second generation: planning and preparation based on calendar and appointment books;
includes setting goals.
25
Third generation: planning, prioritizing, controlling (using a personal organizer, other paper-based
objects, or computer or PDA-based systems) activities on a daily basis. This approach implies
spending some time in clarifying values and priorities.
Fourth generation: being efficient and proactive using any of the above tools; places goals and
roles as the controlling element of the system and favors importance over urgency.
Ito ang posibleng paraan sa mga mag-aaral na may kakulungan sa pagbalanse
sa oras na pinagsabay ang kanilang pag-aaral at pagsali sa ekstra kurikular na
gawain. Ito ang posibleng paraan upang matamo ang tamang pagbalanse sa
kanilang oras para mga gawaing mag –aaral at sa mga gawain para sa ekstra
kurikular na sinalihan.
POSEC method- POSEC is an acronym for Prioritize by Organizing, Streamlining, Economizing and Contributing.
The method dictates a template which emphasizes an average individual's
immediate sense of emotional and monetary security. It suggests that by attending
to one's personal responsibilities first, an individual is better positioned to shoulder
collective responsibilities.
Inherent in the acronym is a hierarchy of self-realization which mirrors Abraham Maslow's "Hierarchy of
needs".
1. Prioritize - Your time and define your life by goals.
2. Organizing - Things you have to accomplish regularly to be successful. (Family and Finances)
3. Streamlining - Things you may not like to do, but must do. (Work and Chores)
4. Economizing - Things you should do or may even like to do, but they're not pressingly urgent. (Pastimes and
Socializing)
5. Contributing - By paying attention to the few remaining things that make a difference. (Social Obligation.)
Ito ay isang acronym na sa bawat salita na nireprensentahan sa bawat titik ay
may ispesipikong batayan na gawain o layunin na dapat matamo upang maipagsabay
ang mga gawain sa magandang ayos o organisa ang bagay na gawain at sa
pamamagitan na paraan na ito, madaling matapos ang gawain na ginagawa.
Kabanata V
LAGOM , KONGKLUSYON at REKOMENDASYON
Lagom
Ang pamanahong papel na ito ay ipakita ang mga posibleng epekto ng pagsali
sa iba’t ibang ekstra-kurikular na gawain, mga dahilan sa pagsali at benepisyong
natanggap ng mga mag-aaral sa aspeto ng edukasyon. Base sa disenyong deskriptibo
at pag-aanalisa ang pananaliksik na ito. Nagsagawa ng sarbey ang mga mananaliksik
bilang bahagi ng pangangalap ng datos. Isandaan at tatlumpu’t-lima (135) ang
respondent nakalap sa Kolehiyo ng Edukasyon ng Unibersidad ng San Carlos.
Ang dahilan na karamihan sa mga respondenteng sagot ay ang karanasan
sapagkat ang karanasan ay mahalaga. Dahil ito ay nagbigay oportunidad na maipakita
at maipamalas ang kanilang kakayahan at talento.
Batay sa nalikom na sagot sa mga respondente karamihan sa kanila ang
sumagot na makatulong sa ibang tao dahil gusto ng mga mag-aaral na ibahagi ang
kanilang libreng serbisyo sa ibang tao na walang hininging kabayaran.
Napag-alaman ng mga mananaliksik na marami ang respondente sumagot sa
positibong epekto dahil narasanan ng mga respondente ang pagbabago sa kanilang
buhay. Kung saan sinabi sa kanilang sagotang papel na may iba’t ibang magandang
epekto ang pagsali sa ekstra kurikular na gawain. Maliit ang nakuhang bahagdan sa
negatibong epekto kaysa positibong epekto.
27
Higit sa lahat napag-alaman ng mga mananaliksik ang posibleng paraan na makatulong
sa pagbalanse ng kanilang oras para sa mga respondenteng sumagot na may
problema sa paggamit ng oras.
Konklusyon
Batay sa mga natamong datos at impormasyon, ang mga mananaliksik ay
nagwakas sa mga sumusunod na kongklusyon:
Napag-alaman na mas malaki ang bahagdang nakuha sa resulta ng dahilan sa
pagsali ng ekstra kurikular na gawain ay ang karanasan. Sa kadahilanang, ang
karanasan ay yaong bumubuo sa isang tao. Batay sa resultang nakalap ng mga
mananaliksik, mahalaga sa mga respondente ang karanasan kasi natutuhan ng mga
mag-aaral ang bawat halaga ng pangyayari sa buhay.
Ang benepisyong nakuha sa pagsali ng ekstra kurikular ay makatulong sa ibang
tao. Sapagkat pinahalagahan ng mga respondente ang pagbahagi ng libreng serbisyo
upang tulungan ang mga nangangailangang sa kapwa mag-aaral o tao. Ayon sa resulta
ng mga sagot na nakuha ng mga mananaliksik, mahalaga ang pagtulong sa ibang tao
dahil sa kaunting paraan na kanilang binahagi ay naranasan ng mga mag-aaral na
pinahalagahan ang pagiging matulungin sa kapwa. Bunga nito, lumabas ang naging
dahilan sa pagsali ng ekstra kurikular na gawain kung saan hindi ito makalimutan ng
mga respondente.
28
Mahalagang malaman na ang pagsali sa ekstra kurikular na gawain ay nagdulot
ng positibo at negatibong epekto sa mga mag-aaral dahil ito ay nagbibigay hulwaran sa
mga mag-aaral na gustong sumali sa mga ekstra kurikular na gawain. Naging
batayan ang nakuhang datos para malaman ng mga mag-aaral ang magandang epekto
sa pagsali ng ekstra kurikular na gawain. Ito ay nagbibigay ideya kung saan mali ang
iniisip ng karamihan sa mag-aaral ng Teacher Education na ang pagsali sa ekstra
kurikular ay hindi kasali sa kanilang akademikong pag-aaral.
Nahinuha ng mga mananaliksik na mahalaga ang pagkaroon ng time
management sa bawat mag-aaral at mga mananaliksik upang matamo, at maipagsabay
ang mga gawain sa magandang ayos o organisa ang mga gawain tulad ng pag-aaral at
pagsali sa ekstra kurikular. Hinggil nito, ang pagkakaroon ng time management ay
importante sa sarili para matamo ang gustong gawin. Katulad na lang nang pagsali sa
ekstra kurikular at pang-akademikong pag-aaral para hindi maging komplikado at
mataranta kung ano ang unang gawin. May nakuhang datos ang mga mananaliksik
para mabigyang solusyon ang mga problema na hindi pagkakaroon ng tamang balance
sa oras. Sa pamamagitan ng solusyong ito, naging gabay ang ang konsepto ni Stephen
Covey, 1994.
Higit sa lahat ay napag-alaman ng mga mananaliksik na karamihan sa mga
respondent ay aktibo sa pagsali ng ekstra kurikular na gawain at nakuha ang dahilan,
benepisyo, epekto at paraan nito na maaaring nakapagganyak pa sa mga mag-aaral na
29
gustong sumali at maragdagan ang kanilang kaalaman na maaaring maiaply sa
tunay na buhay.
Rekomendasyon
Kaugnay ng mga konklusyon nabanggit, buong pagpakumbabang inirirekomenda
ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
a. Sa mga mag-aaral na gustong sumali sa ekstra kurikular dapat munang
siguraduhin na kakayanin nilang pagsabayin ang kanilang pag-aaral sa aktibidad na ito.
Dapat marunong silang mag manage ng kanilang oras upang maiwasan ang
pagaaksaya
ng mahalagang oras lalong-lalo na sa mga mag-aaral na sumali sa mahigit na
isang organisasyon.
b. Para naman sa magulang ng mga mag-aaral, dapat isaalang-alang ang
kalusugan ng kanilang mga anak bago kunsintihin na sumali sa mga ekstra kurikular na
gawain. Pagtuonan din ng pansin ang pag-aaral upang ma-monitor ang kalagayan nila
sa paaralan.
c. Para naman sa mga propesor ng Kolehiyo ng Edukasyon dapat bigyan nila ang mga
mag-aaral ng weekly reports ng kanilang grado sa iba’t ibang mga asignatura sapagkat
ito ay makakatulong sa pag monitor ng kanilang lagay sa pag-aaral.
30
d. Para naman sa iba pang mga mananaliksik na tatalakay sa pag-aaral na ito,
palawakin pa at dagdagan pa ng mga datos na may kaugnayan dito nang sa ganoon ay
mas mauunawaan ito ng mga taong babasa rito.
e. Batay sa nakalap na mga datos, binigyan nang importansya o halaga ng mga
mananaliksik ang pagsali sa iba’t ibang ekstra- kurikular na gawain at nagkaroon ng
Planong Programa sa mga Ekstra Kurikular na Gawain sa buong taon upang ang bawat
isa sa mga mag –aaral ay kinakailangan sumasali sa isang ekstra kurikular o
organisasyon dahil sa kinalabasan ng pag-aaral ng mga mananaliksik mas bigat ang
positibong epekto sa pagsali ng iba’t ibang ekstra kurikular.
University of San Carlos
College of Education
School Year Activity Plans (201_ -201_)
May 201_
Last week- enrolment period
June 20__
1st week- adjustment period of courses
2nd week
Monday-Thursday – classes begin
31
Friday- Every Friday is a club day ( All students must have a club or
organization,
Registration)
3rd week- Choristers week
4th week- class days except for Friday
July 20__
1st week- class days except for Friday
2nd week
Pre-Midterm for first two(2) days or depends on the said schedule.
Friday- club day
3rd week- Theater Guild week
4th week- class days except for Friday
August 20__
1st week- class days except for Friday
2nd week
Midterm week except Friday
3rd week- Communication Arts week
4th week- class days except for Friday
September 20__
1st week- class days except for Friday
2nd week
Pre-Final for first two(2) days or depends on the said schedule.
Friday- club day
32
3rd week- Science and Math week
4th week- class days except for Friday
October 20__
1st week- class days except for Friday (Club day)
2nd week
Final exams week except Friday
3rd week- Graduation for graduating students
4th week- VACATION starts, enrolment for second (2nd) semester
November20__
1 and 2- NO classes
2nd week- classes resume
- 3days adjustment period,
Friday- club day
3rd week- start of class except for Friday
4th week- Montessori week
December 20___
1st week- class days except Friday
2nd week- class days except Friday
3rd week- Christmas Party
4th week- vacation
January 20___
1st week- class days except Friday
33
2nd week- Midterm week except Friday
Friday- club day
3rd week- SPEDSO week except week
4th week- class days except for Friday
February 20___
1st week- class days except Friday
2nd week- Pre-Final for first two(2) days or depends on the said schedule.
Friday- club day
3rd week- Mapeh week
Friday –club day
4th week- class days except for Friday
March 20___
1st week- class days except Friday
2nd week- Final week except Friday
Friday- club day
3rd week- Graduation for Graduating Students
4th week- Vacation
34
BIBLIYOGRAPIYA
A. Aklat
Werther, William et.al. Personnel Management and Human Resources.
McGraw Hill International Book Company
Villafuerte, Patrocinio at Bernales, Rolando.2008.Pagtuturo ng/ sa Filipino: Mga
Teorya at Praktika: Ang Pundasyon ng Multiple Intelligences. Mutya
Publishing House, Incorporation.
Essert,Paul L. 1971. Creative Leadership of Adult Education. New York
Prentice Hall, Incorporated.
McLelland,David. (1964). The Managerial Grid: The Key to Leadership
Excellence. Houston: Gulf Publishing Co.
Covey, Stephen (1994). First Things First . Hauppauge, New York. ISBN 0684802031.
B.Pahayagan
Lapus, Jeslie. Manila Bulletin. July 7,2009
C. Magasin
Roma,Charles Roy. HealthToday magasin.July2009
D.Tesis
Dionisio, Gonzales.(1985 ) A Summative Evaluation of the Youth Countryside
of the Health Services for program of Tertiary Institutions of Region
VII, Central Visayas from 1978-1982: Its Implication to Education,
Human Resource and Community Development. University of San
Carlos ,Cebu City
Kho Virgilio. October(1987) Competencies, Practices and Problems of Public
Secondary School Administrators in Cebu bases for a Proposal
Executive Program. University of San Carlos, Cebu City .
E. Internet Na Pinagkukunan
EXTRACURRICULAR ACTIVITIES STUDENTS’ LIFE SKILLS
Craft, Matthew.(1999) http://www.public.iastate.edu/~rhetoric/105H17/rhollrah/cof.html
NOT ONLY DO EXTRACURRICULAR ACTIVITIES
Fowkes, Erin.(1999).http://www.public.iastate.edu/~rhetoric/105H17/rhollrah/cof.html
KAMAKAILAN NA PAG-AARAL NI NELLIE MAE EDUCATION FOUNDATION
Nellie Mae Education Foundation(2009). Scholastic
Inc.http://www2.scholastic.com/browse/article.jsp?id=1294
CHARACTER BUILDING
Rombokas,Mary,(1995). http://www.public.iastate.edu/~rhetoric/105H17/rhollrah/cof.html
PARTICIPATION IN EXTRACURRICULAR ACTIVITIES
Rombokas, Mary(1995). http://www.public.iastate.edu/~rhetoric/105H17/rhollrah/cof.html
SERVICE
Lama, Dalai (c.2011) http://www.dailycelebrations.com/service.htm
Marso 03, 2011
Dr. Antonio E. Batomalaque
Dekano, Kolehiyo ng Edukasyon
Unibersidad ng San Carlos
Pagbati ng kapayapaan!
Ang mananaliksik ay isang pangkat ng mga mag-aaral sa Bachelor of Secondary
Education Major in Communication-Arts 3 na kasalukuyang kumukuha ng asignaturang
Filipino107 Intro sa Pananaliksik-Wika at Panitikan sa ilalim ng pamamahala ni Gng. Avita A.
Perez. Isa sa mga pangangailangan ng nasabing asignatura ay ang pagsulat ng isang
pamanahong-papel.
Sa kasalukuyan ang mananaliksik ay nagsusulat ng isang pamanahong-papel hinggil sa
mga Epekto ng Pagsali na mag-aaral ng Unibersidad ng San Carlos sa iba’t ibang ekstra
kurikular na gawain.
Kaugnay nito, nais ng mananaliksik na hingin ang pahintulot ng inyong tanggapan upang
ang mananaliksik ay makapamahagi ng sarbey sa isandaang kalahok sa ikalawang taon
hanggang ikaapat na taon ng limang degree kasalukuyang inoofer ng inyong kolehiyo.
Ang mga datos na aming makakalap sa sarbey ay makatutulong po nang lubos sa
aming pag-aaral.
Inaaasahan namin ang inyong positibong pagtugon sa aming kahilingan.
Natanggap at Inaprobahan ni:
Dr. Antonio E. Batomalaque
Dekano, Kolehiyo ng Edukasyon
Unibersidad ng San Carlos, South Campus
Lubos na gumagalang,
Cherry Mae O. Acapulco
Jeramie Gale D. Cando
Charis G. Napalit
Binibigyang-pansin:
Gng. Avita A. Perez
Propesor- Fili107ANG MGA EPEKTO SA PAGSALI NG EKSTRA KURIKULAR
(CASE,

Propesor- Fili107

You might also like