Professional Documents
Culture Documents
4TH PERIODICAL TEST - ESP With TOS
4TH PERIODICAL TEST - ESP With TOS
TALAAN NG ISPESIPIKASYON
11.2. pagkakaroon ng
46.67%
positibong pananaw, 19 14 2,3,6,7,8,13,14,21,2
pag-asa, at pagmamahal 2,23,26,27,29,30
sa kapwa at Diyos
Kabuuan 40 30 100 30
Prepared by:
MERCY K. PUSOT
Subject Teacher
Pangalan: _________________________________ 30
I.PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.Ang iyong kapitbahay ay isa sa naging biktima ng bagyong nagdaan.Nasira ang kanilang mga pananim sa
bukid at bahay.Tinulungan mo sila sa pagdarasal para sa kanilang muling pagbangon.Ikaw ay nagpapakita ng
ugaling____________.
A.Matapat
B.Nakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat
C.Nakikipagbayanihan
D.Pagtulong sa mga nangangailangan
2.. May habilin sa atin ang Diyos. Ano ang iyong saloobin dito?
A.Babalewalain B. Hahayaan C. ipagpapasalamat D. Susundin
4.Binigyan kayo ng takdang aralin ng inyong guro na gumawa ng isang panalangin.Ano ang gagawin mo
A.Isusulat ko sa aking panalangin ang lahat ng mg kahilingan ko
B.Isusulat ko sa aking gagawing panalangin na bigyan ako ng maraming pera.
C.Isusulat ko sa aking panalangin na magkaroon pa ko ng maraming damit.
D.Isusulat ko sa aking panalangin ang lahat ng pasasalamat sa mga biyayang tinanggap naming.
5..Bumuo ng isang grupo ng relihiyon ang iyong mga kaibigan dahil mas madali raw maririnig ng Diyos ang
kanilang mga panalangin sa kanilang mga gawain.Hinihikayat ka nilang sumali sa grupong ito.Ano ang
iyong gagawin?
A.Iiwas sila
B. Magtatanong muna sa mga magulang
C.Pagtatawanan ang kanilang ginagawa
D.Titingnan ang tunay na layunin ng kanilang grupo kung bakit nila ito binuo
6.Nabalitaan mong namatay ang iyong tiyo na nasa malayong lugar.Hindi kayo nakapunta sa kanyang burol
dahil kulang ang pera ninyo.Ano ang pinakamainam mong gawin ?
A.Ipagdasal na lamang ang kanyang kaluluwa
B.Ipagwalang bahala ito tutal naman ay patay na siya
C.Magalit sa magulang at piloting makapunta sa burol
D.Matuwa at namatay na siya para wala ng tiyuhin na laging humihingi ng tulong sa iyong mga
magulang
7.Laging nag-aaway ang iyong mga magulang dahil sa pera.Wala ka namang kakayahan na makatulong sa
kanila sapagkat may kapansanan ka sa paa. Ano ang pinakamainam mong magagawa?
A.Hindi mo na lamang sila papansinin at mamaya naman ay bati na sila ulit
B.Magdarasal at humingi ng tulong sa Diyos na masulusyonan ang problema
C.Magalit sa magulang dahil sa palagi nilang pag-aaway
D.Magtatampo sa Diyos at binigyan ka ng ganoong klaseng magulang
8.Ang inyong lugar ay palaging dinadaanan ng bagyo.ubos na ang mga pananim at nakakaranas na ng tag
gutom ang mga naninirahan ditto.Ano ang maitutulong mo sa kanila?
A. Hindi mo sila papansinin kasi marami naman kayong pambili ng pagkain
B. Ibibigay mo sa kanila ang lahat ng pag kain at pera mo
C.Tatawanan mo sila dahil sila ay nagugutom na
D.Tutulungan mo sila at ipagdarasal na sana ay matapos na ang dumating na paghihirap na ito
9.Inaaanyayahan ang lahat sa parokya ninyo na sumali sa prusisyon ng Santa Maria.nagkataong hindi ka
katoliko.Ano ang nararapat mog gawin?
A.Hindi ka sasali ngunit igagalang moa ng pananampalataya nila
B.Hindi mo na lamang papansinin ang paanyaya.
C.Kukutyain mo ang mga katoliko sa kanilang pananampalataya
D.Makikilahok ka sa prusisyon alang-alang sa pakikisama sa barangay
10.Pinag-aaralang awitin ni Dea ang kantang pangsimbahan na kanyang narinig pagkagaling niya sa
pagsimba.Hindi mo nagugustuhan ang kanyang ginagawa sapagkat naiingayan ka at nalilito ka sa iyong
pinapanood na pelikula.Ano ang gagawin mo?
A.Pagagalitan mo siya sapagkat naiingayan ka
B.Sasabihin sa kanya na sa kanyang silid-tulugan mag-aral ng pa-awit upang magkaroon pareho sila
ng konsentrasyon
C.Sisigawan siya at palalayasin
D.Tatawanan mo siya sapagkat hindi maganda sa pandinig mo ang kanyang boses
11.Kasama mo sapag sisimba ang kapatid mong maliit.habang nagmimisa ang pari ay nakita mong naglalaro
lamang ang kapatid mo sa loob ng simbahan.Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin.
A.Ipagpapatuloy ang pakikinig sa pari
B.Hahayaan mong maglaro ang iyong kapatid
C.Magagalit ka at sisigawan mo ang kapatid mong naglalaro
D.Pasimple kang lalapit sa kapatid mo at sasabihin mo makinig muna sa pari at pagdating na sa bahay
maglaro
12.Si Jonases ay isa manlalaro ng sipa sa kanilang paaralan at palagi silang nanalo sa kanilang distrito.Isang
araw habang sila ay naglalaro,nakita niya na sadyang binagga ng kanilang ka-team si Peter.Nadapa ito at
napasubsob.Tamang-tamang siya ang sisipa at mananalo sila ngunit sa halip,tinulungan niya si Peter na
siyang kinatalo ng kanilang team.Anong katangian ang pinamalas ni Jonases na siyang pagkakataong ito?
A.Pagiging isport
B.Pagiging mapagmahal sa kapwa
C.Pagiging patas
D.Lahat ay maaaring maging sagot
14.Ang pamilya nina Dr.Julita Ilagan ay laging sumisimba tuwing araw ng Linggo at mga pistang
pangilin.Hindi nila nalilimutan ang magpasalamat sa Diyos sa tuwi-tuwina.Ang pamilyang ito ay________
A.Makabansa B.Makakalikasan C.Maka-Diyos D.Makatao
15. Ang ika-limang utos ng Diyos ay ang pagbibigay galang sa mga magulang. Paano mo ito maisasagawa?
A.Gagamit ako ng magagalang na salita sa pakikipag-usap sa kanila.
B.Magpapaalam sa kanila sa lahat ng gagawin at pupuntahan
C.Susunod sa kanilang mga utos
D.Tutuparin lahat ng nabanggit mula titik a hanggang titik c
16. Anong kaugalian ang ipinapakita ng pagbibigay natin ng upuan sa mga may kapansanan?
A. Pakikiramay sa mga may kapansanan
B. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
C.Pagmamahal sa Diyos
D. Pagpapakita sa mga tao para hangaan
18.Ang inyong samahan ay lagging nagdarasal ng Santo Rosaryo sa inyong kapilya.Napansin mon a hindi
sumasama sa gawaing ito ang iyong matalik na kaibigan.Ano ang gagawin mo?
A.Aalamin mo kung bakit hindi siya nakikiisa sa gawain at pagagalitan mo siya
B.Hindi mo siya kakausapin
C.Hihikayatin mo siyang sumama sa gawain total naman ay madali lamang ito
D. Isusumbong mo siya sa inyong pari
19.Si Bb.Corazon Banila ay isang mabuting kristiyano at palagi siyang nagsisimba tuwing araw ng Linggo.Sa
kanyang pagsisimba,siya ay nagsuot ng ____ bilang pagbibigay galang sa okasyon.
A.Damit na pambahay C.Kasuotang pormal
B.Short at sando D.sumbrero
20.Pagkatapos magdasal ni Endeng ay nakagawian na niya ang magbasa ng bibliya.Sa iyong palagay,tama ban a
magbasa pa siya ng bibliya?
A.Hindi,dapat ay may ibang oras ang pagbabasa ng bibliya at hindi ito dapat
isinasagawa pagkatapos ng pagdarasal
B.Hindi,sapagkat nakapagdasal na siya at wala itong kaugnayan sa kanyang pagdarsal.
C.Oo,sapagkat higit niyang mauunawaan ang mga salita ng Diyos
D.Oo,sapagkat pampalipas oras ito
11. Sa ating pagtulong sa ating kapwa. Siya’y laging saksi. Sino ang tinutukoy sa pahayag?
A.Diyos B. Magulang C. Matalik na Kaibigan D. Mga Kapatid
22. Mayroon kayong maunlad na negosyo at taun-taon limpak-limpak na salapi ang kita nito. Paano mo ito
maibabalik sa Poong Maykapal na siyang nagkaloob nito?
A.Iiimpok sa bangko
B.Ilalagak sa kawanggawa
C.Magiging Hermano Mayor ang aming pamilya sa isang Flores de Mayo
D.Magpapatayo ng bagong sangay ng negosyo
23. Ang buhay natin ay biyayang kaloob ng Diyos sa atin. Ano ang gagawin mo sa iyong sarili para maipakita
mo sa ating Diyos ang lubos na pasasalamat sa pagkakalikha mo?
A.Aalagaan C. Magsasaya
B. Magbibigay papuri sa Diyos D. Magpapaganda
24. Sa tuwing tayo’y nalulumbay, lumalapit tayo sa Panginoong Diyos. Ano ang paraan ng paglapit natin sa
Kanya?
A.Pag-alay
B. Pagdasal
C. Pagsayaw
D.Pagtawag
29. Nagpabili ang kapatid mo sa nanay mo ng bagong sapatos dahil luma na ang kanyang ginagamit.Alam
mong walang pera ang iyong nanay pero may pera kang naipon.Ibinigay mo kaagad sa iyong kapatid
ang pera at nang makabili siya ng bagong sapatos. Ikaw ay ______________.
A. Mapagkatiwalaan C. matulungin
B. Matipid D. palakaibigan
30. Oras ng recess,nakita mo na walang perang baon o pagkain ang iyong kamag-aral, Ikaw ay pinabaunan ng
dalawang tinapay ng iyong ina. Ano ang gagawin mo?
A. Ibibigay ang isa sa iyong kamag-aral.
B. Huwag na lamang siyang pansinin.
C. Kakainin ang dalawang tinapay upang mabusog.
D. Sasabihin sa guro na walang baon ang is among kamag-aral.
Talaan ng pagwawasto sa EsP