You are on page 1of 21

Ang Nobela ni Rizal: Noli Me Tangere

Enero 2, 1884- pagtitipon ang mga Pilipino sa bahay ng mga Paterno


- nagpanukala si Rizal na pagsusulat ng isang nobela

Mga sumang-ayon sa panukala; PMAEG EJMV

Pedro Paterno Eduardo de Lete


Maximo Paterno Julio Llorente
Antonio Luna Melicio Figueroa
Evaristo Aguirre Valentin Diaz
Graciano Lopez Jaena

Ideya ng Pagsulat ng Isang Nobela tungkol sa Pilipinas

Ang nobela ay binanghay para talakayin ang lahat ng aspeto ng buhay sa Pilipinas.

Ngunit ang balak ay nauwi sa wala. Ang mga naroong Pilipino ay gusto lamang sumulat
tungkol sa mga babae.

Kwento sa likod ng pagkakasulat at lathala ng unang Nobela

Uncle Tom’s Cabin- Harriet Beecher Stowe


- nobelang naka-impluwensiya kay Rizal para magsulat sariling nobela
Ang Pagsusulat ng Noli
½ - Naisulat sa Madrid (1884)
¼- Naisulat sa Paris (1885)
¼- Naisulat sa Alemanya (1886)
Wilhelmsfeld, Germany- sinulat ang huling Kabanata ng Nobela

Si Viola, Tagapagligtas ng Noli

Si Viola ay may sapat na pondo at pumayag na tustusan ang pagpapalimbag ng Noli. Pinahiram
din niya si Rizal ng panggastos sa pang-araw-araw

Para makatipid sa gastos ng pagpapalimbag, inalis ni Rizal ang ilang bahagi ng manuskripto-
kasama na ang buong kabanata ng “Elias at Salome”.

Pagpapalimbag ng Noli

Pebrero 21, 1887, natapos ni Rizal ang Noli at handa na ito para mailathala. Kasama si Viola,
nagsarbey sila ng mga limbagan para sa Noli.

Berliner Buchdruckrei-Action-Gesselschaft
isang imprenta, na may pinakamurang singil, 300 piso para sa 2, 000 mga sipi ng nobela.

Ang Nawawalang Kabanata


Sa orihinal na manuskripto ng Noli Me Tangere, may kabanatang pinamagatang “Elias at
Salome” na kasunod ng Kabanata XXIV – “Sa Kakahuyan”
Ang partikular na kabanata ay tungkol kina Elias at Salome na inalis ni Rizal kaya hindi naging
bahagi ng nailathalang nobela.
Ang dahilan kung bakit niya ito inalis ay pagtitipid. Sa pagbawas ng pahina ng manuskripto,
ang halaga ay bumaba.

Marso 29, 1887- lumabas sa palimbagan/imprentahan ang nobela


Nakatanggap ng unang kopya; FGMFM
1. Ferdinand Blumentritt
2. Graciano Lopez Jaena
3. Mariano Ponce
4. Felix Resurrecion Hidalgo
5. Maximo Viola- ibinigay ang gallery proof

Ang Komplimentaryong Sipi ng Noli

Marso 29, 1887 – binigay ni Rizal ang gallery of proof ng Noli, panulat na ginamit niya sa
Noli, at komplimentaryong sipi kay Viola bilang tanda ng pasasalamat. Sa komplimentaryong
sipi, isinulat nita: “Sa mahal kong kaibigan Maximo Viola, ang unang nakabasa at nagpahalaga
sa aking isinulat – Jose Rizal.”

Nilalaman:
1. katotohanan at walang kinikilingan
2. kasaysayan ng Pilipino
3. tumutuligsa sa mga Prayle
Bilang ng nobela: 63 at epilogo
- nagsimula sa salu- salong handog ni Kapitan Tiyago
-----
Matapos mailathala ang nobela, napagkamalan si Rizal na espiyang Pranses

Ang Pamagat ng Nobela

Ang pamagat na Noli Me Tangere ay isang pariralang Latin na ang ibig sabihin ay “Huwag mo
akong salangin.” Hindi ito orihinal na ideya ni Rizal at sinabi niyang kinuha niya ito sa Bibliya.
Sa sulat ni Rizal kay Felix R. Hidalgo noong Marso 5, 1887, sinabi niya: “Noli Me Tangere,
mga salitang sa Magandang Balita ni San Lucas, na nagsasabing huwag mo akong salangin.”
Nagkamali dito si Rizal, ang parirala ay mula kay San Juan.
Juan 20:13-17

Mula sa Bibliya

Ito ay tungkol sa Pasko ng Pagkabuhay, nang dumalaw si Santa Maria Magdalena sa Banal na
Sepulkro, at ang Panginoong Hesus na noo’y muling nabuhay ay nagsabi:
“Huwag mo akong salangin: hindi pa ako nakakapunta sa Ama, ngunit humayo ka’t ibalita
sa aking mga kapatid na ako’y aakyat sa Aking Ama; at sa Aking Panginoon at inyong
Panginoon”.

Iba pang kahulugan ng Noli Me Tangere

Sa isang pananaliksik ay napatunayan na may salitang Kastilang Noli Me Tangere na


nangangahulugang malubhang sugat sa mukha at ilong.
Sa Diccionario Espanyol-Ingles, gayundin ang kahulugan nito- mga taong may sakit na leproso
na pinahihintulutang magpalimos sa kalunsuran kapag magaling na at doon nakatitik ang
salitang nolimetangere, upang ang taong bayan ay makapangilag sa kanila.

Ito ay hindi maisasang tabing katotohanan na maaaring nakaimpluwensya kay Rizal, na


dalubhasa sa wikang Kastila.
Kaya marahil may bahagi ng aklat ay may isang tagpong kinapapalooban ng isang leprosong
kinahabagan ni Maria Clara.

Dedikasyon ng Sumulat
Inihandog ni rizal ang Noli Me Tangere sa bayang Pilipinas – “Sa aking Inang Bayan.” Ito ang
kanyang dedikasyon:
“Nakatala sa kasaysayan ng pagdurusa ng sangkatauhan ang isang kanser na malala na
kung kaya’t saglit lang na nahipo ay maiirita ito at labis na napakasakit. Kaya, ilang ulit na, sa
gitna ng modernong sibilisasyon, ginusto kong tawagin ka sa aking harapan, ngayon ay
samahan ako sa alaala, ngayon ay ihahanbing ka sa ibang bansa, sakaling ang mahal mong
imahen ay magpakita ng kanser ng lipunan tulad ng sa iba”.

"Sa Aking Inang Bayan"

Hangad ang iyong kapakanan, gaya na sa atin, at naghahanap ng pinakamainam na gamot,


gagawin ko sa inyo ang ginawa ng mga sinauna sa mga maysakit, ilalantad sila sa templo nang
sa gayo’y lahat ng tulong sa Diyos ay makapag-alay ng lunas.
At hanggang sa wakas, magpapatuloy ako sa paglikha ng kondisyong walang
diskriminasyon; itataas ko ang bahagi ng belong nagkukubli sa kasamaan, isasakripisyo ang
lahat para sa katotohanan, kahit maging karangyaan dahil bilang kanyang anak, batid kong ako
ri’y nagdurusa sa mga kakulangan at kahinaang ato.”

Mga Tauhan ng Noli Me Tangere

 Crisostomo Ibarra
Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin
Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

 Elias
 Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga
suliranin nito.

 Kapitan Tiyago
 Don Santiago de los Santos
 Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara

 Padre Damaso
 Damaso Verdolagas
 Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na
panahon sa San Diego.

 Padre Salvi
 Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.

 Maria Clara
 Maria Clara de los Santos y Alba
 Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang
ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso

 Pilosopo Tasyo
 Don Anastasio
 Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

Sisa
Narcisa
Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at
malupit.

Basilio at Crispin
Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

Donya Consolacion
Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.
Don Tiburcio de Espadaña
Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang
kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

Linares
Don Alfonzo Linares de Espadaña
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya
para mapangasawa ni Maria Clara.

Don Filipo
Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang

Señor Nol Juan


Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

Lucas
Kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.

Tarsilo at Bruno
Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.

Tiya Isabel
Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya Pia Alba


Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.

Iday, Sinang, Victoria,at Andeng


Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Kapitan-Heneral
Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Don Rafael Ibarra


Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya
nataguriang erehe.

Don Saturnino
Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.

Mang Pablo
Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

Kapitan Basilio, Kapitan Tinong at Kapitan Valentin


Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego

Tinyente Guevarra
Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa
kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Kapitana Maria
Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.

Padre Sibyla
Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Albino
Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.
Ang Mga Taong Nag-impluwensya kay Jose Rizal

Crisostomo Ibarra
Si Ibarra ay tipo ng isang Pilipinong nag-aral sa ibang bansa. Ang kaniyang ugali ay
mapagkumbabang taong humihingi ng pagbabago.
Kadalasan ang kaniyang mga kilos, ugali at pagbabago at ang mga bagay-bagay na makasarili
ay tulad ng kay Rizal.

Maria Clara
Si Leonor Rivera ang inspirasyon ni Rizal sa karakter na Maria Clara na mahinhin at malapit sa
Diyos.
Pero salungat ng karakter ni Maria Clara sa nobela, si Leonor Rivera ay naglilo at nagpakasal sa
isang Ingles.

Pilosopo Tasyo
Si Pilosopo Tasio naman ay si Paciano na nakakatandang kapatid ni Rizal. Kung inyong
babalik- aralan, kay Pilosopong Tasyo humihingi si Crisostomo ng mga payo.
Maraming pagkakaparehas ang buhay nilang dalawa.

Padre Salvi
Padre Antonio Piernavieja ayon sa mga Rizalista, si Padre Bernardo Salvi si Padre Antonio
Piernavieja, ang kinapopootang paring Agustino sa Kabite na napatay ng mga rebolusyunaryo
noong panahon ng himagsikan.

Kapitan Tiago
Kapitan Hilario Sunico si Kapitan Tiago , gaya ni Kapitan Hilario Sunico ng San Nicolas, ay
isang Pilipinong nagpapasakop noon sa mga Espanyol at walang siyang sariling desisyon.
Donya Victorina
Si Donya Agustina Medel de Coca, isang mayamang nag-mamay-ari ng Teatro Zorilla at iba
pang mga lupain na ayaw tanggapin ang kanyang pagka-Pilipina kaya’t siya ay nagpapanggap
na Espanyol sa paggaya ng mga kilos at salita nila. Siya ay kumakatawan kay Donya Victorina .

Crispin at Basilio
Crispin at Basilio Crisostomo Ang magkapatid na Crisostomo ng Hagonoy ay sina Crispin at
Basilio sa nobela.

Padre Damaso
Si Padre Damaso ay lumalabas na siya’y kumakatawan sa mga prayle o mga Paring Pransiskano
noong kapanahunan ni Rizal. Mapanghamak at laging malupit lalo sa mga Pilipino.

Mga Tauhan at ang kanilang


Simbolismo sa Nobela

Juan Crisostomo Ibarra – idealismo ng mga kabataang nakapag-aral


Maria Clara – ideyal na babae ni Rizal
Sisa – larawan ng kawalan ng katarungan sa bansa at kung paano ito inabuso ng mga Espanyol
Doña Pia Alba – sumisimbolo sa Pilipinas na walang tigil na nagpapasakop sa ibang bansa
Kapitan Tiago – papet na Indio sa istruktura ng lipunang binuo ng mga Kastila sa Pilipinas
Doña Victorina at Doña Consolacion - larawan ng mga indiong may kaisipang kolonya

Ang Ikalawang Nobela:El Filibusterismo

Ang Pagsulat ng El Fili

Sinimulan niya ang pagsulat nito noong Oktubre 1887 habang nagsasanay ng medisina sa
Calamba.
Sa London 1888, gumawa siya ng ilang pagbabago sa banghay at iwinasto ang ilang kabanatang
naisulat na.
Sumulat pa siya ng ilang kabanata sa Paris at Madrid at tinapos ang manuskripto sa Biarritz
noong Marso 29, 1891.
Sa kabuuan, inabot siya ng tatlong (3) taon sa pagsulat ng kanyang ikalawang nobela.

Mga Rebisyon sa Fili para Mailathala

Karamihan sa mga rebisyon ay natapos noong Mayo 30, 1891

Jose Maria Basa – kaalam ni Rizal sa pagpapalimbag ng El Fili, sa kanya manggagaling ang
panustos na salapi.

Antonio Luna – sa kanya ibinilin ni Rizal ang pagpapalimbag kung sakaling may mangyari sa
kanya

Kasalatan sa Ghent

Hulyo 5, 1891, nilisan ni Rizal ang Brussels para magtungo sa Ghent, isang kilalang siyudad-
unibersidad sa Belhika.

Ang mga dahilan niya sa palipat sa Ghent ay:


Ang halaga ng pagpapalimbag sa Ghent ay mas mababa kaysa Brussels
Makaiwas sa panghahalina ni Petite Suzanne.

Buhay sa Ghent
Nakilala niya sina Jose Alejandro na mula sa Pampanga at Edilberto Evangelista na mula sa
Maynila, na kapwa nag-aaral ng inhenyeria na kilala sa buong mundo na Unibersidad ng Ghent.
Nanirahan si Rizal sa bahay na may mababang upa at si Jose Alejandro ang kasama niya sa
kwarto.
Naging matipid at masinop sila sa pamumuhay. Para lalong makatipid, sila na mismo ang
naghahanda ng kanilang agahan sa loob ng kanilang kwarto.

Ang Pagpapalimbag ng Fili

Pagdating niya sa Ghent, naghanap kaagad si Rizal ng isang imprentang makapagbibigay sa


kanya ng mababang halaga para sa pagpapalimbag ng kanyang nobela.

F. MEYER-VAN LOO PRESS, Blg. 66 Kalye Viaanderen – ang naging tagapaglathala ng El


Filibusterismo, na pumayag sa patingi-tinging bayad.

Pinagmulan ng Pondo

Isinanla ni Rizal ang kanyang mga alahas upang maibigay ang paunang bayad.

Habang iniintay niya ang salapi mula sa mga kaibigan, nakatanggap siya ng salapi mula Basa at
200 piso mula kay Rodriguez Arias bilang bayad sa sipi ng Sucesos ni Morga na ibinenta sa
Maynila.

Ngunit naubos din ang mga ito at kinailangan pa niya ang mas malaking halaga upang matapos
ang pagpapalimbag
Naantala ang pagpapalimbag

Katulad ng pangamba ni Rizal, Agosto 6, itinigil ang pagpapalimbag.


Sumulat siya kay Basa sa Hong Kong at sinabi na nasa pahina 112 na ang nailimbag at
ipinaalam na nautangan na niya lahat at dahil walang perang dumarating ay hahayaan na
kalahati na lamang ng aklat ang natapos.

Ventura, Tagapagligtas ng Fili

Ang kalbaryo ni Rizal sa pagpapalimbag ng Noli ay naulit sa paglathala ng Fili.

Naubos ang kanyang pondo sa Ghent, ganito rin ang naranasan nya sa taglamig ng 1886 sa
Berlin.

Muntik niyang ipalamon sa apoy ang manuskripto ng Fili, gaya ng muntik na niayng gawain sa
Noli noong nasa Berlin siya

Ang Tulong ni Valentin Ventura

Nais na sanang kalimutan ni Rizal ang pagpapalimbag sa Fili at magtrabaho na lamang para
mabuhay siya.

Ngunit inisip niya si Jose Maria Basa at ang mga katulad nito.

Dumating ang di-inaasahang tulong ni Valentin Ventura na nagpadala ng kinakailangan nitong


pondo at naipalimbag ang Fili.

Nailabas na ang Fili

Setyembre 18, 1891 – nailabas na sa imprenta ang El Filibusterismo.

Si Rizal ay masayang-masaya na kaagad nagpadala ng dalawang kopya sa Hong Kong –


tig-isa para kay Jose Maria Basa at kay Sixto Lopez.

Ipinadala niya ang ilang komplimentaryong kopya kina Blumentritt, Mariano Ponce, G.
Lopez Jaena, T. H. Pardo de Tavera, Antonio at Juan Luna at ibang kaibigan.

Pasasalamat kay Ventura

Ipinadala niya kay Valentin Ventura sa Paris ang orihinal na manuskripto at isang kopya ng Fili
na nilagdaan niya

Halos lahat ng unang edisyon (Ghent) ay nakumpiska sa pagpapadala sa Hong Kong, kaya iilan
na lamang ang natira at tumaas ang presyo ng mga siping Ghent at umabot ng 400 pesetas
bawat kopya.

Ang Manuskripto at ang Aklat

Ang orihinal na manuskripto ng Fili na nasa sulat-kamay ni Rizal ay iniingatan sa Filipiniana


Division ng Bureau of Public Libraries sa Maynila.

Binili ito ng pamahalaan kay Valentin Ventura sa halagang P10,000.00.

Binubuo ito ng 279 ng mahabang piraso ng papel. Ang mga pagwawasto ng awtor ay makikita
sa kabuuan ng manuskripto, iilang pahina lamang ang hindi binago.

Paghahandog ng El Fili

Hindi nalilimutan ni Rizal sa panahon ng kanyang pag-aaral, paglalakbay at pagtatrabaho sa


mga dayuhang lupain ang kabayanihan ng Gomburza na naikwento sa kanya ni Paciano noong
siya ay musmos pa lamang.

Kina Padre Gomez, Burgos at Zamora niya inihandog ang kanyang ikalawang nobela.

Ang Dedikasyon ng Fili

Liban kay Rizal, wala pang bayani ang nakapagsulat ng ganitong kadakilaang pagkilala sa
kapwa bayani.

“Sa alaala ng mga paring sina Don Mariano Gomez (85 taong gulang), Don Jose Burgos (35
taong gulang), at Don Jacinto Zamora (35 taong gulang). Binitay sa Bagumbayan noong ika-28,
Pebrero, 1872.”

Mga Nawawalang Bahagi

May dalawang bahagi sa manuskripto na hindi makikita sa inilimbag na aklat.

Ito ang Paunang Salita at Babala.

Hindi ito isinama marahil ay para makabawas sa halaga ng pagpapalimbag.

Inskripsiyon sa Pahina ng Pamagat

Ang pahina ng pamagat ng El Filibusterismo ay nagtataglay ng inskripsiyong isinulat ni


Ferdinand Blumintritt.

Ang inskripsiyong ito ay hindi matatagpuan sa maraming edisyong salin sa Ingles.


Mga Tauhan ng
El Filibusterismo
Simoun
Mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano’y tagapayo ng Kapitan Heneral
ngunit siya ay si Crisostomo Ibarra na nagbalik upang bawiin ang kasintahan at maghiganti sa
kanyang mga kaaway.
Tinatawag na Kardinal Moreno at Eminencia Negro

Basilio
Mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.

Mabait at matapat sa kapwa sa kabila ng sinapit na kasawiang-palad ng kanyang ina at kapatid

Isagani
Makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.

Isang estudyanteng may mataas na paninindigan

Kabesang Tales
Naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.

Nagpakahirap sa paghawan ng isang bahagi ng kagubatan para magkaroon ng sariling lupa,


nang lumaon ay naging tulisan.

Padre Salvi

Paring Pransiskano, tutol sa pagpapatayo ng mga estudyante ng Akademya ng Wikang


Espanyol.

Padre Irene
Kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
Kuwari’y panig sa mga estudyante, ngunit nakikiayon lamang sa pasya ng mga pinuno ng
pamahalaan.

Ben Zayb
Mamamahayag sa pahayagan.

Ang tunay na pangala’y Ibañez

Mapagpuri sa matataas na opisyal at kilalang tao sa lipunan; isinasakripisyo ang katotohanan


para maiangat ang kanyang reputasyon.
Don Custodio

Kilala sa tawag na Buena Tinta

Isang Espanyol na naging importanteng tagalutas ng mga suliraning panlipunan; para lumitaw
na walang pinapanigan, ipinapasa sa iba ang paglutas ng suliranin.

Kapitan Heneral

Kunwari’y ginagawa ang lahat sa kapakanan ng mga Indio, ngunit sa totoo’y kapakanan ng mga
Espanyol ang mahalaga sa kanya.

Tandang Selo
Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.

Lolo ni Juli at Tano, napipi dahil sa laki ng dalamhating dinanas ng kanyang pamilya

Mataas na Kawani
Isang Espanyol na ang hangad ay katarungan para sa lahat, maging Indio man o Espanyol.
Quiroga
Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.

Mapagregalo at mapagsuhol sa mga pinuno ng pamahalaan.

Macaraig
Mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng
Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

Padre Camorra
Mukhang artilyerong pari.

Kura ng Tiani; labis ang pagkahilig sa magagandang babae.

Senyor Pasta
Tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.

magaling na abogado na hingian ng payo ng lahat.

Padre Fernandez
Paring Dominikong may malayang paninindigan.

Isang paring simbolo ng liberal na kaisipan sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Padre Florentino
Amain ni Isagani

Isang kurang Indio na nakatira sa isang malayong lugar; marunong, palatanggap sa mga
nangangailangan.

Juanito Pelaez

Mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong


Kastila.

Isang nagmamarunong na anak-mayaman, at dahil ayaw makisangkot sa mga kilusang pang


estudyante, napili ni Paulita Gomez na pakasalan.

Juli
Anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.

Dalagang labis na mapagmahal, kaya gumawa ng paraan para matubos sa mga tulisan ang
amang si Kabesang Tales at mailigtas sa bilangguan ang si Basilio.

Placido Penitente
Mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.

Probinsyanong estudyante na ayaw nang mag-aral dahil sa bulok na sistema sa pagtuturo.

Paulita Gomez
Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.

Isang banidosang babae, pagkaraang masangkot sa usapin ng paskin ang binata ang pinakasalan
ay si Juanito Pelaez.

Iba pang mga Tauhan

Sandoval - kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral


Donya Victorina - mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni
Paulita.
Kapitan Tiago - nagpapaaral kay Basilio
Padre Million - guro sa pisika sa Unibersidad ng Santo Tomas

Hermana Bali – naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
Hermana Penchang – ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.
Ginoong Leeds – ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
Imuthis – ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
Padre Clemente
Camaroncocido
Don Timoteo
Pepay
Padre Sibyla
Pecson
Tadeo

Mga naging inspirasyon ni Rizal sa mga tauhan ng


El Filibusterismo

Padre Florentino - si Padre Leoncio Lopez, kaibigan ni Rizal at kura sa Calamba.

Isagani - ang makatang si Vicente Ilustre, Batangueñong kaibigan ni Rizal sa Madrid.

Paulita Gomez - nagmahal kay Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez, ito si Leonor
Rivera.

Kabesang Tales - ang ama ni Rizal na si Don Francisco na kinamkam ng mga prayle ang mga
sinasakang lupain.
Noli at Fili Ipinaghambing

Ang dalawang nobela ni Rizal ay nagkakaiba sa maraming aspeto.


Ang Noli ay isang romantikong nobela; ito ay “gawa mula sa puso”, isang “aklat na may
damdamin”, may kasariwaan, kulay, katatawanan, kagaanan at kislap ng talino
Ang Fili ay isang nobelang pulitikal; isang “gawa mula sa isip”, isang “aklat ng kaisipan”,
nagtataglay ng kapaitan, pagkasuklam, sakit, karahasan at kalungkutan

Ang orihinal na intensyon ni Rizal ay gawing mas mahaba ang Fili kaysa Noli.

Ngunit naging mas maigsi ang Fili, mayroon lamang itong 39 kabanata, kumpara sa 63 at 1
epilogo ng Noli. Kinakailangang iksian ni Rizal ang Fili dahil sa kakulangan ng pondo.

You might also like