You are on page 1of 3

Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan

o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang


salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.

Mga uri ng tayutay


 Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.
Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-,
magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
 Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan
ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan,
gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag
na METAPHOR sa Ingles.
 Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin
ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa
pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa,
pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.
 Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito
ay isang tao.
 Pag-uulit

 Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.


 Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng
isang sugnay.
 Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o
sugnay.
 Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na
taludtod.
 Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga
pahayag.
 Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na
tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.

 Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan


o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang
katangian, kalagayan o katayuan.
 Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang
tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.
 Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli.
Madalas itong nakakasakit ng damdamin.
 Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi
ng kabuuan ang binabanggit.
 Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga
katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
 Balintuna - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.
 Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan
nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.
 Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng
pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang
kabaligtaran ng ibig sabihin.

Ponolohiya
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang artikulong ito ay hindi sumisipi ng anumang sanggunian o
pinagmulan. (Hulyo 2009)
Tumulong sa pagpaganda ng artikulo sa pagdagdag ng mga sipi sa mga
makakatiwalaang pinagmulan. Ang hindi matiyak na nilalaman ay maaaring
mapagdudahan at matanggal.

Ang ponolohiya o palatunugan[1] (mula sa salitang Griyego: φωνή, phōnē, "tunog,


boses") ay sangay ng lingguwistika (linguistics) na nag-aaral ng mga tunog o ponema
(phonemes) ng isang wika, ang pagkukumpara ng mga ito sa mga tunog ng iba pang wika
at ang sistema ng paggamit ng mga tunog na ito upang makabuo ng yunit ng tunog na
may kahulugan (i.e. morpema o morphemes, salita).

Ponetiko at ponolohiya
Ang batayang yunit ng tunog na pinag-aaralan sa ponolohiya at ponetiko ay ang ponema
(o phoneme). Ito ay ang pinakamaliit na yunit ng tunog sa wika. Ang ponetiko ay ang
pag-aaral ng mga tunog na posibleng likhain ng tao na matatagpuan sa lahat ng wika.
Samakatwid, ito ay ang siyentipikong pag-aaral ng paglikha ng tao ng tunog na kanyang
ginagamit sa wika, at kung paano ito tinutukoy ng tao mula sa iba pang mga tunog na
hindi bahagi ng wika. Samantala, ang Phonology naman ay ang pag-aaral ng sistema ng
paggamit ng tunog ng isang wika upang makalikha ito ng kahulugan. Sa madaling salita,
ang Phonetics ay nakatuon sa pag-aaral ng imbentaryo ng mga tunog ng wika ng tao na
nagmula sa mga pinagsama-samang set ng tunog ng lahat ng wika, at
ang Phonology naman ay ang pag-aaral ng set ng tunog ng isang wika o ang
pagkukumpara ng mga set ng tunog ng iba’t ibang-wika.

You might also like