You are on page 1of 5

Thank you very much, please be seated.

First of all, please allow me to speak in multi lingual in order


for me to express more. I guess its acceptable naman kasi English nga is
not a foreign language anymore for us Filipinos, but it’s actually
considered as our second language.

To the District Supervisor, Madam Emelia B. Santander, ma’am; to


the Principal of Ilustre Central Elementary School, Mr. Ronald Serra, sir; to
the teachers and staff, Barangay Officials headed by Honorable Helen M.
Gasita, different stakeholders, proud parents, friends, other visitors, and
above all graduates, ladies and gentlemen, Mayad nga aga sa inyo tanan,
Maayong buntag kaninyong tanan, Magandang umaga po sa inyong lahat,
Mapiya mapita sa lekano langon, guten Morgen allerseits haben sche
einen schonen Tag, Good morning everyone.

I would like to say thank you very much for your hospitality and
generosity to me as long as for your kindness and your thoughtfulness in
allowing me to join the joy and excitement of today, one of the most
memorable days in our student’s young life, the day when they graduate
from Elementary.

Actually, nung tumawag si Ate Ping at maanyayahan po akong


magsalita sa araw ng pagtatapos na ito, ang una ko pong naisip ay bakit
kaya ako ang kanilang napili? Ngunit sa dami po ng tanong sa aking isipan
ay nais ko pong ipabatid sa inyong lahat na it is my honor to be here at
this moment and it’s a privilege to stand here in front of you. At sana ay
mabigyan ko ng justice ang speech na ito at mainspired kayo.

Delivering a commencement or Graduation address is a great


responsibility; or so I thought until I cast my mind back to my own
graduation from Elementary in 2006. Dyan din kami nakaupo dati sa
kinauupuan nyo and our batch actually ang unang gumamit ng stage na
ito. The commencement speaker that day was the honorable Noel
Mallorca. Reflecting on his speech has helped me enormously in writing
this one, because it turns out na wala akong maalala na kahit isang salita
na sinabi nya.

Very well, ang pagtatapos ay isang parangal na binibigay para sa


mga mag aaral na maluwalhating nakatapos ng pag aaral at nakatanggap
ng diploma. Ito ay ang pagpapatunay ng kanilang napagtagumpayan sa
loob ng mga taon ng pagsisikap. Ito rin ang panahon kung saan gayak ang
nadarama ng mga magulang. Kayo po’y aking binabati at
pinapasalamatan, because without your support walang mga naka-togang
puti sa ating harapan. The same as for our dear teachers, the 2 nd parents
in school na nagpuyat, nag over time at na stress sa kakasolve ng mga
grades and sa pag aasekaso ng mga forms. To you Ma’am and Sirs, my
fellow Ma’am and Sirs is my salute.

The graduation theme this year, “Pagkakaisa sa Pagkakaiba-iba:


Kalidad na Edukasyon Para sa Lahat” or “Unity in Diversity: Quality
Education for All” ay sumesentro sa Kultura natin, kung saan tayo ay
napapalibutan ng sari’t saring values, principles at ideas na basehan
upang mabigyan ng tamang edukasyon, sapat na edukasyon, pantay na
edukasyon at dekalidad na edukasyon, hindi lamang para sa iilan kundi
para sa lahat.

Sa Senior High School po sa CFCST kung saan ako nagtuturo ,


obvious pong makikita ang tinatawag na diversity. Sa aking Class Advisory
na General Academic Strand 11, 90% ay mga Muslim, 6% ay mga IP at 4%
ang mga Kristiano. Kahit aking mga kasamahan man din sa trabaho ay
mula sa iba’t ibang relihiyon, tribu and walks of life, maswerteng
nagkakaintindihan din naman kami at nagtutulungan sa ano mang uri ng
problema na dumadating lalong lalo na para sa kapakanan ng aming mga
studyante. Speaking of kapakanan, nung nagsimula po akong magturo sa
Senior High School ay na realize and nadiscover ko na if teacher ka
gagawin mo lahat sa harap ng mga estudyante kahit maging kenkoy ka pa
para lamang makuha mo ang attention ng mga bata. Kapag normal
lecture lang they find it boring. Well, para sa kapakanan nga mga
estudyante.
Ang Diversity ay maihahambing o mahahalintulad din sa isang
kahon ng krayola kung saan laman ang iba’t ibang kulay. Madalas
hinahalintulad ng tao ang kulay sa maraming bagay na nagaganap sa
ating buhay. May katumbas raw na kahulugan ang maraming kulay; mga
positibong paghahalintulad at negatibong pagkukumpara na ating
tinanggap at nakasanayan ng gamitin. (Anong paborito mong kulay?)

Heto ang ilan sa mga halimbawa ng kulay na karaniwang


hinahambing sa mga tao:

Red/Pula – espesyal na kulay ang pula. Hindi lang isa o dalawang bagay
ang ina-associate natin sa kulay na ito. Pula ay kulay ng pag-ibig at
panganib (red alert), pulang carpet ang inilalatag sa mga espesyal na
taong lalakad sa isang okasyon at ‘basag ang pula’ ang bansag sa mga
taong may sayad. Kulay ng kasiglahan, kilos, ambisyon at determinasyon.

Green/Berde – dalawang halos magkasalungat na bagay ang maiisip mo


sa kulay na ito. Berde ay tumutukoy sa nature, maraming salapi ang ibig
sabihin ng ‘greener pasture’. Kulay ng katarungan, pag –unlad, pagiging
positibo at mapang- angkin.

Blue/Asul – asul ang kulay ng dagat at ng kalangitan ngunit ‘pag


sinabing ‘blue’ sa hindi ko malamang dahilan ang kahulugan nito’y
kalungkutan. ‘Blue collar job’ ay tumutukoy sa mga trabahong
nangangailangan ng malakas na katawang pisikal gaya ng mason at
karpintero. Kulay ng katapatan, tiwala karaangalan at pagkakonserbatibo.

White/Puti – kulay at simbolo ng kalinisan. Kulay na hinahangad ng


maraming morenang pilipino. Puting panyo para sa pagsuko, puting budhi
para sa may malilinis na kalooban. White collar job ang tawag kung ang
trabaho ay sa loob ng malamig na opisina, may malaking sweldo kumpara
sa karamihan at kagalang-kagalang posisyong iyong pinaghahawakan.

Black/Itim – madilim at malungkot na kulay. Kulay ng pagluluksa.


Madalas negatibo ang katumbas ng kahulugan ng kulay na ito at
misteryoso. Kung ang puti ay presence of all the color, ang itim naman ay
absence of all the color. Ayon sa science, hindi raw ito kulay pero paano
natin ito iuuri? Bahala sila.

Pink (rosas) – ang kulay na masyadong in-associate sa kababaihan.


Magandang paglalarawan ang katagang ‘kulay rosas ang paligid’
kahulugan nito’y positibo ang aura o may magandang nangyayari sa
taong tinutukoy.

Yellow/Dilaw – Kulay ng kaisipan, katalinuhan, pagiging posetibo at


masiyahin. Ito rin ay kulay ng pagkamainipin, kritisismo at karuwagan.

Brown/Kayumanggi – Kulay ng pagiging palakaibigan at seryoso,


kababaang loob.

Violet/ Ube – kulay ng imahinasyon, pagkamalikhain at pagiging di


maparaan.

Sa mga nasambit kong mga kulay kung inyong natatandaan ito’y


may iba’t ibang characteristics, unique with each other kung baga. May
mga kalakasan at kahinaan ang bawat isa. Ngunit gayon pa man kapag
silay ginamit at pinagsama-sama, isang magandang obra ang resulta.

Gayon din para sa atin, iba iba man ang ating pinanggalingan,
paniniwala, kultura, estado ng pamumuhay, talento, tribo, kakayahan ,
kahinaan at personalidad, kapag tayong nagsama sama at magtutulungan,
tyak maganda at quality ang kalalabasan. Sabi nga ni JK Rowling, ang
nagsulat ng Harry Potter, WE ARE ONLY AS STRONG AS WE ARE UNITED
AND AS WEAK AS WE ARE DIVIDED.

Sa muli, binabati ko ang mga Magulang, mga guro at mga


stakeholders ng paaralang ito sa isang tagumpay na akademikong
paglalakbay ng mga studyanteng magsisipagtapos sa araw na ito sa
Elementarya.
At sa inyo mga minamahal naming magsisipagtapos na mga
studyante ng Ilustre Central Elementary School Batch 2019, ito’y simula
pa lamang ng inyong Academic Journey. Marami pang pagsubok at
sakripisyo ang darating sa mga susunod na taon habang kayo’y umaakyat
sa libel ng edukasyon, ngunit nakakasiguro ako na kapalit naman ng mga
paghihirap niyo ay mga aral, kaalaman, experiences and ideals na
magdadala sa inyo sa rurok ng tagumpay. Palagi nyo sanang
pakakatandaan na kahit saan man kayo dalhin ng agos ng buhay ay dala
dala nyo pa rin ang mga katangian ng pagiging tunay na Filipino na may
pagpapahalaga sa kultura at pinagmulan.

So today I wish you all success in life, and tomorrow I hope na kahit
wala man kayong maalala na kahit isang salita na sinabi ko ay maalalayo
nyo ang mga salita mula kay JK Rowling, “It doesn’t matter of who you are
born as, what matters most is who you become.”

I wish you all very good lives. Thank you very much.

You might also like