You are on page 1of 2

BAGUIO CITY NATIONA HIGH SCHOOL

SUMMER 2017
FILIPINO
Pangalan:___________________________________________________ Petsa:_____________________ Iskor: ____________
Panuto: Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot ang tinutukoy sa pangungusap.
_____ 1. Bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay sa ibang salita sa
pangungusap. a. Pangatnig b. Pang-angkop c. Panghalip d. Pang-ukol
_____ 2. Isang pampanitikang paraan ng pagpapahayag na ginagamitan ng mga salitang di-patitik o di tahas ang
kahulugan upang lumikha ng isang larawan.
a. idioma b. tayutay c. tula d. simili
_____ 3. Tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na
nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing
a. metapora b. pagmamalabis c. simili d. personipikasyon
_____ 4. Mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala sa kapwa parirala at sugnay sa
kapwa sugnay upang maipakita ang dalawa o higit pang kaisipan sa loob ng pangungusap.
a. Pangatnig b. Pang-angkop c. Panghalip d. Pang-ukol
_____ 5. Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan,
damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
a. metapora b. pagmamalabis c. simili d. personipikasyon
_____ 6. Salitang naglalarawan ng pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
a. pandiwa b. pang-uri c. pang-abay d. pangatnig
_____ 7. Salitag naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip.
a. pandiwa b. pang-uri c. pang-abay d. pangatnig
II. Lagyan ng wastong pang-angkop ang sumusunod na mga parirala.
1. mataas________ paaralan 6. modelo ________ dayuhan 11. alingawngaw____malakas
2. pista______ nayon 7. medalya______ gantimpala 12. pelikula______ tagalog
3. industriya_____ panturismo 8. sandatahan_______lakas 13. bapor_____ pandigma
4. pamilihan______ bayan 9. wika_______ pambansa 14. puno____ mahistrado
5. sasakyan_____ pangkalawakan 10. tulay ______bakal 15. eroplano____ jet
III. Piiin sa kahon ang wastong ingklitik upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap.

ba kasi kaya na sana daw/raw lamang/lang pa


din/rin naman yata pala tuloy nga man muna

1. Nailigtas _______ ang mga minerong nabarahan sa minahan?


2. Kumain _________ ng maraming ginatan ang bata kaya sumakit ang tiyan nito.
3. Darating _________ nang maaga ang mga panauhin?
4. Naroon ________ sa pulong ang mga kasapi ng barangay na mag-isip kami ng mga bagong proyekto.
5. Alangan ________ __________ sila _____ ang lumapit sa atin.
6. Alam ______ ng kanyang nana yang nangyari sa sakuna.
7. Naiwan ________ ang matanda upang ayusin ang kaunting gusot sa kanilang pamilya.
8. Pupunta _______ ______ sa bukid ang magsasaka upang araruhin na ang kanyang linang.
9. Umalis ______ sila ay panatag ang kanilang kalooban.
10. Kumain _____ bago umalis.
IV. Salungguhitan ang mga uri ng pang-abay at ingklitik sa sumusunod. Tukuyin pagkatapos kung anong
uri ng mga ito.
Hangang-hanga si Elsa sa kanyang kuya. Totoong napakarami nang nalalaman nito. Palagi siya
nitong kinukuwentuhan tungkol sa mga kababalaghan, mga dwende, atb.
Isang gabi ay masiglang kinwentuhan siya ng kanyang kuya hinggil sa isang higanteng nakatira sa
buwan. Tuwang-tuwa si Elsa noon. Hindi siya natulog hanggang hindi nangangako ang kanyang kuya na
magkukwentong muli. Nangako naman ang kanyang kuya dahil sa pamimilit niya.
1. ___________________________________ 2. ___________________________________ 3. ____________________________________
4. ___________________________________ 5. ___________________________________ 6. ____________________________________
7. ___________________________________ 8. ___________________________________ 9. ____________________________________
10. ___________________________________ 11. ___________________________________ 12. ___________________________________
V. Bilugan ang mga pang-uri sa sumusunod na tula.
Inang Wika
Ni: Amado V. Hernandez
Ako’y ikakasal!
Sa aming tahana’y masayang-masaya; may piging
Tugtugan, awitan , sayawan.
Ang aking magiging kabiyak ng buhay
Ay isang binatang puti, binatang sibol sa kanluran:
Maganda’t makisig, marunong, mayaman
Tila pulo’t-gata sa bibig ng isang mundong kaibigan.
Sa tanging sasakyan
nang kami’y lumulan,
may natanaw ako sa tapat ng bahay
na isang matandang babaing luhaan
waring tinatawag ang aking pangalan
tila humihingi ng kaunting pagdamay;
subalit sa gitna ng kaligayahan,
siya ay hindi ko binati man lamang
habang ang sasakyan ay nagtutumulin
hanggang sa simbahan.
VI. Punan ang mga patlang ng wastong pang-angkop o pangatnig upang mabuo ang pabula. Sinagutan na
ang dalawang patlang.
Ang Leon _____ Daga
Noong araw, ang leon ay isang hayop na kinatatakutan sa buo¹______ kagubatan. At ang lahat
² ______ mga hayop, malaki man³ _____ maliit, ay naginginig sa kanya.⁴ _______ ang mga tigre⁵ _____ halos ay kasinlaki
niya ay umiiwas kapag siya’y nakikita.
Isang araw,⁶ _____ natutulog ang leon ay dumaan ang isa⁷ _____ daga. Napukaw ang kanyang pagtulog.
Nagalit ang hari ⁸ _____ kagubatan.
“Aha! Kakainin kita.”⁹ _____ sinunggaban nito ang kaawa-awa¹⁰_____ daga.
Naginginig sa takot ang daga, ¹¹______ pinilit nitong, magsalita.
“Mahal¹ᶟ _____ hari! Patawarin ninyo ako. Huwag po ninyo akong kakainin. Balang araw , kayo’y
mangangailangan din ng tulong, maaari ko kayong tulungan.
“Ikaw! Tutulong sa akin?”¹⁴ _____ humalakhak ang leon. “ ¹⁵_____ leopard, ¹⁶_____ tigre, ay hindi ko kailangan.
Ikaw pa!”¹⁷ _____ muling tumawa ang leon.
“Sige!¹⁸ _____ busog pa ako, ikaw ay aking patatawarin. Lakad ka na¹⁹ _______ uli-uli ay mag-iingat ka sa iyong
paglalakad.
“Salamat po!” ang di-magkandatuto²⁰______ sabi ng daga. Tatanawin kop o itong isang malaki²¹_____ utang
²²____ loob.”
Makaraan ang ilan²ᶟ_____ araw mula noon, ang leon ay nakaisip mamasyal sa kagubatan ²⁴_______ sa
kasamaang palad, siya ay nabitag. Buo²⁵____ lakas ²⁶_____ umatungal ang leon. Narinig ito ng daga na noo’y nasa di-
kalayuan. Nakilala niya ang hari na sa kanya’y nagpalaya.
Dali-dali²⁷_____ nginatngat ng daga ang matibay ²⁸_____ tali²⁹ _____ bumitag sa leon.
“Salamat, kaibiganᶟ⁰ _____ daga,” ang sabi ng leon. Ikaw pala’y kahanga-hanga,ᶟ¹____ hindi ka pa dumating,
marahil, ay nakakulong pa ako hanggang ngayon.”
ᶟ²_____ magmula noon, ang leonᶟᶟ _____ ang daga ay naging matalik na magkaibigan.
VIII. Pagtapat-tapatin: Hanapin sa hanay B ang tinutukoy ng hanay A.Isulat sa patlang ang sagot.
A B
_____ 1. Pagmamalabis o Hayperbole a. ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga
katangiang pantao
_____ 2. Metapora o Pagwawangis b. tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng
pangatnig
_____ 3. . Personipikasyon o Pagtatao c. di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay
_____ 4. Apostrope o Pagtawag d. isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay
isang tao
_____ 5. Simili o Pagtutulad e. ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o
kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan,
damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan

You might also like