You are on page 1of 3

Chapter 3

Script
NARRATOR: SAKABILA NG MGA PAYO NG KAPATID NI RIZAL NA SI PACIANO AT
ANG KANYANG MGA KAIBIGAN NA HUWAG UMUWI SA PILIPINAS AY NAG
DESISYON PARIN SI RIZAL NA UMUWI.
DAD: Hulyo 3, 1887 ay umuwi ako sa Pilipinas galing Europa at akoy dumating sa Maynila sa
Agusto 6 na may 20 kopya ng Noli me Tangere at sumakay ako ka agad papuntang Calamba.
NARRATOR: PAG DATING NI JOSE AY AGAD NIYANG INOPERAHAN ANG MATA
NG KANYANG INA.
DAD: Habang akoy malapit ng matapos sa pag oopera sa aking ina ay maraming pasyente ang
dumating upang mag pa kunsulta. At ako ay kumita ng 900 dolyar.
NARRATOR: SA PAGDATING NI RIZAL GALING EUROPA ANG KONTROBERSIYA SA
NOLI ME TANGERE AY LUMAKI NA. NAGING DAHILAN ITO SA KANYANG HINDI
PAG-TULOY NG MATAGAL SA CALAMBA. ANG NOLI ME TANGERE AY
KONTROBERSYAL DAHIL DITO PINALABAS ANG MGA MALING GAWAIN NG MGA
PRAYLI AT ITO ANG NAG-RESULTA SA PAGHAHARAS NG MGA ESPANYOL SA
PAMILYA NI RIZAL. KATULAD NG ISANG KASABIHAN “BATU-BATO SA LANGIT ANG
TAMAAN HUWAG MAGALIT”.
NARRATOR: ANG NOBELANG NOLI ME TANGERE AY ANG NAG HIBO NG AWAY SA
MGA NAGTATAGUYOD AT MGA DETRAKTOR. ANG MGA NANGUNGUNANG
SUMO-SUPORTA SA NOLI AY SINA ANTONIO LUNA, MARCELO H. DEL PILAR,
GRACIANO LOPEZ JAENA, ANTONIO MA. REGIDOR, MARIANO PONCE, FR.
FRANCISCO SANCHEZ, REV. VICENTE GARCIA, DON SEGISMUNDO MORET,
FERDINAND BLUMENTRITT, AT SI MIGUEL MORAYTA. ANG MGA DETRAKTOR
NAMAN AY SINA FR. SALVADOR FRONT, FR. JOSE RODRIGUEZ, VICENTE
BARRANTES, DALAWANG ESPANYOL NA SENADOR NA SINA FERNANDO VIDA,
LUIS DE PANDO, AT ISANG HENERAL NA SI JOSE DE SALAMANCA.
HENERAL: Ako si Gobernador Heneral Emilio Terrero. Ako ang nag utos kay Rizal na
pumunta sa malacañang dahil sa kontrobersyal na Noli Me Tangere na nobela. Sa pagtipon
naming ni rizal ay nilinaw nya ang laman ng libro at ako ay na kumbinsi sa paliwanag ni Rizal.
Inutusan ko sya na bigyan nya ako ng kopya ng kanyang nobela para ito ay mabasa ko at mas
maintindihan ko pa ito. Nag padala si Rizal ng kopya ng sinasabing nobela para sa akin pero ni
isang nobela ay walang dumating.
NARRATOR: DAHIL HINDI DUMATING ANG KOPYA NG NOBELA NI RIZAL KAY
GOBERNADOR-HENERAL AY BINIGAY NIYA ANG KANYANG KAISA-ISANG
SOLIDONG KOPYA NG KANYANG NOBELA AT NAGPASYA SI HENERAL NA
BIGYAN NG GWARDIYA SI RIZAL AT ITO AY SI LT. JOSE TAVIEL DE ANDRADE.
DAD: Octobre 1887 ay nagsimula ako sa pagsusulat sa aking ikalawang nobela na ang pamagat
ay El Filibusterismo ito ay sa kabila ng paglaban ng simbahan sa aking unang nobela.
NARRATOR: TAGALANG HINDI NATATAKOT ANG ATING BAYANI !. SA
PAGSUNOD SA MALAWAK NA IMPLUWENSYA NG SIMBAHAN, ITONG GINAWA NI
RIZAL AY HALOS PARANG MAGPAPAKAMATAY. PERO ALALAHANIN NATIN NA
UMA-ASA NA SI RIZAL NA SIYA AY MAMATAY BAGO PA SIYA UMABOT SA EDAD
NA 30.
DAD: Sa kabila ng maraming hamon ako ay nagpapatuloy parin sa pag-sagawa ng mga
operasyon sa mata at pinakilala ko din ang aking mga kababayan sa gymnastiko at pinaganyak
ko in sila sa mga laro imbes na sa sabong at pagsusugal
NARRATOR: ANG PAGSUSUGAL AY NAGING EKSPRESYON NA NG ATING
KAKABABAYAN NOON DAHIL SA KANILANG HINDI MAGANDANG KARANASAN
SA PANGANGASIWA NG ESPANYOL. GAYUNPAMAN AY NAGPATULOY PA RIN SA
PAGLABAN ANG MGA KALABAN NI RIZAL SA KANYANG UNANG NOBELA AT
DINAMAY ANG ATING BAYANI SA MGA MASASAMANG NABANGIT SA KANYANG
NOBELA. ISANG KOPYA NG NOBELA ANG IPINADALA SA UNIBERSIDAD NG
SANTO TOMAS PARA SA EKSAMINASYON.
HENERAL: Desyembre 29 ay pinasa sa akin ng PCC ang resulta ng eksaminasyon sa nobela ni
Rizal at nag pasya ako na mag pasa ng rekomendasyon na itigil ang pag gawa, sirkulasyon, at
importasyon sa nobela na Noli Me Tangere.
NARRATOR: ANG DESISYON NG PCC AY LALONG NAGPASIKLAB SA
POPULARIDAD NG NOBELA NI RIZAL AT KAHIT NA MAY UTOS NA
PINAGBABAWAL ANG PAGKAKAROON NG NOBELA NI RIZAL AY HINDI
NAPIGILAN AN ATING MGA KABABAYAN NA MAGKAROON PARIN NG KOPYA NG
NOBELA AT ITO AY BINABASA NILA NG PALIHIM SA GABI.
NARRATOR: SA PANAHONG IYON ANG AGRARYAN NG CALAMBA AY
NAGKAKAPROBLEMA. AT SA RESPONDE NG GOBERNADOR HENERAL AY NAG-
UTOS SIYA NG IMBESTIGASYON SA PROBLEMA NG LUPAIN NG CALAMBA.
DAD: Sa tulong ko, ang mga tenante ay nakapag hagulhol sa kanilang ekspresyon sa mga nag-
mamayaari ng lupa at ito ay ang mga Dominican na prayli.
NARRATOR: ITO ANG NAG-RESULTA KUNG BAKIT GALIT ANG MGA DOMINICAN
SA PAMILYA NI RIZAL. KAHIT NA MAG TRABAHO SA KANILANG ESPIRITWAL NA
RESPONSIBILIDAD AY NAGING MATAKAW SILA SA PERA.
DAD: Gumawa ako ng assessment sa problemang agrarian ng Calamba at ito ang aking mga
nakita
1. Ang hacienda ng Dominican Order ay hindi lamang ang mga lupaing nakapalibot sa
Calamba kundi ang Calamba mismo.
2. Ang kita ng Domican Order ay tumataas dahil sa mataas na renta na binabayaran ng mga
tenante
3. Ang mga nagmamay-ari ng mga hacienda ay hindi nag bibigay ng kontrebusyon sa mga
pista ng lunggsod, sa education ng mga kabaatan at sa pang-agricultural.
4. Ang mga tenante na pagod na pinagtrabaho-an ang mga lupain ay pinapaalis ng walang
rason
5. At mataas na bayarin sa mga tenante na nahuhuli sa pagbayad.
NARRATOR: ENERO 1888 AY NAG PRESENTA SI RIZAL KAY GOBERNADOR-
HENERAL TERRERO SA PROBLEMANG AGRARYAN SA CALAMBA. DITO
NAKASAAD ANG GULO NG MGA TENANTE AT MGA MAY-ARI NG LUPA. SA
KANYANG MGA NAKITA AY NAG SAAD SI RIZAL NG DALAWANG
REKOMENDASYON AT ITO AY
1. INTERVENTION NG GOBYERNO
2. AT ANG PAG-TINDA NG MGA LUPAIN SA MGA TENANTE
PERO ITO AY HINDI NASUNOD DAHIL WALANG KAPANGYARIHAN ANG
GOBYERNO SA PAG AYOS SA PROBLEMA DAHIL MALAKI ANG INPLUWENSYA NG
MGA PRAYLI. KASI SA PANAHONG IYON ANG SIMBAHAN AY ANG GOBYERNO AT
ANG GOBYERNA AY ANG SIMBAHAN.
NARRATOR: DAHIL SA PELIGRO SA BUHAY NI RIZAL AY SINABIHAN SYA NGA
KANYANG PAMILYA, AT MGA KAIBIGAN NA UMALIS LANG MUNA ITO SA
PILIPINAS. KAHIT NA SI GOBERNADOR-HENERAL TERRERO AY PAREHO ANG
SINABI KAY RIZAL. SUMANG AYON NAMAN SI RIZAL SA TUGON SA KANYA AT
ITO AY NAG HANDA.
NARRATOR: SA 6 NA BUWAN NA NASA CALAMBA SI RIZAL AY HINDI NIYA
NAKITA SI LEONOR RIVERA. HINDI SANG-AYON ANG INA NI LEONORA SA PAG-
IIBIGAN NINA RIZAL AT KANYANG ANAK. AT KAYA KAHIT MASAKIT SA PUSO AY
UMALIS RIZAL SA KANYANG PANGALAWANG PAG PUNTA SA IBANG BANSA.
PERO BAGO UMALIS SI RIZAL AY GUMAWA MUNA SIYA NG ISANG TULA NA ANG
PAMAGAT AY IMNO SA PAGGAWA PARA SA KAHILINGAN NG KANYANG MGA
KAIBIGAN SA LIPA, BATANGAS.

You might also like