You are on page 1of 7

INTRODUKSYON

A. MAIKLING DESKRIPSYON NG PROYEKTO AT BACKGROUND NITO

Ang Barangay Bucal ay isang urbanisadong barangay sa Calamba sa probinsya ng


Laguna. Ang Bucal ay ang isa sa mga lugar na madalas puntahan at pasyalan ng mga turista
sa tuwing sasapit ang panahon ng tag-init kasunod naman nito ay ang lugar ng Pansol.
Ang pangalan ng nasabing Barangay Bucal ay nagmula sa salitang “Bukal” o ang ibig
sabihin ay “hot springs” kung saan kilala ang lugar na ito. Kilala ang Barangay Bucal,
Calamba sa mga hot springs nito at mga “private resorts”. Dito rin matatagpuan ang
Colegio De San Juan De Letran na isa namang eskwelahan na nagbibigay ng edukasyon at
kaalaman sa mga mag-aaral mula sa baitang ng elementarya hanggang kolehiyo, ito rin
ang napiling lugar ng aming grupo upang isagawa ang aming proyekto.

Ang napili ng aming grupo na mga piling magaaral mula sa Colegio De San Juan De
Letran ay ang tinatawag na “Arriba! Letran Calamba Patungo sa Kalinisan” kung saan ang
bawat miyembro ay inaasahang maglilinis at makakapag sa ayos ng ilang mga bagay sa
loob at labas ng silid aralan para sa ika- aayos at ika- lilinis ng kapaligiran sa Bartolome
Delos Casas Building ng Colegio De San Juan De Letran upang mas maging maaliwalas ang
lugar hindi lamang para sa mga estudyante kundi para na din sa lahat ng pumapasok sa
nasabing paaralan. Makatutulong din ang nasabing proyekto para sa mga estudyante na
mas maging aktibo sa pakikilahok sa mga proyekto ng paaralan sa mga susunod na
panahon.

SAKLAW

Ang panukalang proyekto na ito ay limitado lamang sa Colegio de San Juan de


Letran Calamba. Hindi na saklaw ng proyektong ito ang iba pang kalapit na lugar. Limitado
lamang din ang proyekto na ito sa paglilinis, paggawa at pagaayos ng palatandaan,
pagpipintura ng “bulletin board” at “white board” at iba pang aktibidad na maaaring
makatulong sa ika-aayos sa kapaligiran ng Colegio.
KAHALAGAHAN NG PROYEKTO

Ang kahalagahan ng proyektong ito ay mapaganda at masiayos ang kapaligiranng


silid-aralan o kaya ang pasilyo ng Bartolome delas Casas building o C-building ung tawagin.
Isa sa proketong nais naming gawin ay lagyan ng pambura ang bawat silid-aralan sa
ikalawang palapag ng C-building tutal hindi lahat ng silid aralanbay merong maayos na
kagamitan. Isa rin sa listahan ng aming proyekto ay maglagay rin ng whiteboard marker
sa bawat silid aralan at tanggalin ang mga mantsa sa whiteboard na dulot ng permanent
marker upang maging presentable ito sa mga estudyante o kaya kung may bumisita sa
ating eskwelahan at makita na maayos ang ating kagamitan. Higit sa lahat ang
kahalagahan ng aming proyekto ay mapanigurado na may maayos na kagamitan at
kapaligiran sa aming silid-aralan, maayos at presentable na mga gamit.

LAYUNIN NG PROYEKTO

Ang layunin ng estudyante ng Colegio de San Juan de Letran Calamba na gumawa


ng proyektong ito ay ang magkaroon ng maayos at malinis na silid ang ikalawang palapag
ng gusali ng Bartolome Delas Casas. Layunin ng estudyante na panatilihin na maayos ang
mga upuan, malinis ang mga pisara, at maging maganda ang mga paskilan sa pasilyo ng
nasabing gusali. Bukod sa pagkakaroon ng malinis na kapaligiran, layunin ng mga
estudyante na maging komportable ang iba pang estudyante at mga guro na gagamit ng
mga silid.
TAGAPAG-IMPLEMENTA NG PROYEKTO

Ang tagapag- implementa ng proyektong pinamagatang Arriba Letran: Patungo sa


kalinisan ay ang grupo ng mga studyente mula sa Colegio San Juan De Letran Calamba.
Ang grupo ay naglalaman ng 10 meymbro na ang bawat isa ay merong kanya kanyang
tungkulin sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng instutusyon. Hindi lamang
maglilinis ang isasagawa ng grupo kundi ibabalik rin sa dating ganda ang itsura ng ilang
mga bagay sa loob ng silid aralan sa pamamagitan ng pagpipintura.

Opisyales Tungkulin
Jimlyn Rafer Leader/ Paglilinis Paglilinis ng mga silid aralan/
Bulletin Board
Marc Badua Budgeting / Paglilinis Paglilinis ng mga silid
aralan/ Bulletin Board
Jannie Rosella Pereja Budgeting / Paglilinis ng mga silid aralan/ Bulletin
Board
Teza Calibo Budgeting/ Paglilinis ng mga silid aralan/ Bulletin
Board
Jommel Barlao Paglilinis ng mga silid aralan/ Bulletin Board
Janella Bituin Pullan Paglilinis ng mga silid aralan/ Bulletin Board
John Anthony Mapiza Paglilinis ng mga silid aralan/ Bulletin Board
Memey Entienza Tobias Paglilinis ng mga silid aralan/ Bulletin Board
Rolando V Revilla III Paglilinis ng mga silid aralan/ Bulletin Board
Pia Isabelle Fortuna Paglilinis ng mga silid aralan/ Bulletin Board
KAPARTNER NA BARANGAY

Ang Bucal na kilala rin bilang Letran at kung minsan ay JP-Rizal, ay isang barangay
na nasa gilid ng lawa sa Calamba, Laguna, sa Pilipinas. Ang Bucal ang ikalawang sikat na
atraksyong pangturista sa lungsod kasama ang Pansol. Ang barangay ay hangganan ng
Laguna de Bay. Ang pangalan ng Bucal ay nagmula sa bukal o mainit na batis. Ang unang
ospital sa lungsod ay ang José Rizal Memorial Hospital at itinatag ito bago ang Calamba
Medical Center (CMC). Ang pampublikong ospital ay matatagpuan sa dakong timog-
silangan ng lungsod.

PROFAYL NG BARANGAY

Table 1. Heograpiya ng Barangay Bucal

Lupain 265.0 hectares


Hangganan
 Hilaga Halang
 Timog Maunong, Pansol
 Silangan Laguna de Bay

 Kanluran La Mesa

Bilang ng mga Sitios/Purok 6


Listahan ng mga Sitios/Purok Purok I, Purok II, Purok III, Purok IV, Purok
V, Purok VI

Table 2. Demograpiya ng Barangay Bucal

Taon Populasyon Bilang ng mga Miyembro


ng Sambahayan

Year 2018 13,900 3,764


Year 2015 12,818 3,471

Year 2010 11,346 2,957

Year 2007 12,171 3,122

Year 2000 10,002 2,617

Year 1995 9,131 2,015

Table 3. Paaralan ng Barangay Bucal

Pre-Elementarya Bucal Day Care Center


Pre-Elementarya at Elementarya Bucal Elementary School
St. Elizabeth Anne School
Cambridge
Maranatha & Eden Hill School

Pre-Elementarya hanggang Kolehiyo Colegio de San Juan de Letran

Table 4. Iba Pang Aspeto

Klasipikasyon Lungsod
Zoning Classification Upland Conservation, Urban
Redevelopment Zone, Agricultural
Pista Hunyo 7
Distansya sa Publasyon 3 kms. (+-)
Oras ng paglalakbay sa Publasyon 30 mins
Colegio de San Juan de Letran Calamba
School of Business, Management and Accountancy, Administrators and Faculty

Maria Cristina C. Caymo


DEAN, SBMA

Maria Luisa E. Reyes Rafael R. Mula


ADMINISTRATIVE ASSISTANT CO-CHAIR, SBMA

SBMA Faculty
Barangay Organizational Chart, Barangay Officials, Committee Chairmen of Barangay
Bucal, Calamba City, Laguna (mula sa opisyal na website ng Calamba City, Laguna)

Florencio M. Atienza
BARANGAY CAPTAIN

Delfin M. De Claro Charles Andy R. Desepio


COUNCILOR SK CHAIRMAN

Reyciel B. Braza
Rowena S. Naredo
SK COUNCILOR
COUNCILOR

Realyn B. De Claro
Zosimo A. Plamonte SK COUNCILOR
COUNCILOR

Alejandro M. Alcantara Christian John P. Ortiz


SK COUNCILOR
COUNCILOR

Leonisa G. Rimas
Karen A. Tabernilla
COUNCILOR SK COUNCILOR

Oscar R. Limplada Sr.


Edben V. Briones
COUNCILOR SK COUNCILOR

Jeffrey R. Manzano
COUNCILOR Shiella Mae Almario
SK COUNCILOR

Kevin Rey M. Lopez


SK COUNCILOR

You might also like