You are on page 1of 9

Asignatura Araling Panlipunan PANALANGIN BAGO ARALIN AT SAGUTAN ANG

Baitang 3 LEARNING PACKET


Markahan Unang Markahan Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
Bb. Micah Ella G.
Guro Amang mapagmahal bilang siyang tunay na pinagmumulan
Ciriaco
ng liwanag at karunungan, idulot Mo sa amin ang pagpapala
Learning
1 ng pag-unawa, ng karunungan, at kalinawan ng isip para
Packet No.
lubos naming maintindihan at maunawaan ang mga araling
Unang Linggo dinisenyo ng aming mga guro.
Linggo at
(Agosto 30 -
Petsa Nang may lubos na pagmamahal at pagkalinga,
Setyembre 3, 2021)
Mga Paalala sa mga Magulang / dumadalangin kami sa Iyo na patuloy Mong hilumin ang
Tagapangalaga: aming bayan laban sa pandemyang aming kinakaharap,
• Ang tagumpay ng LHP at ng pag- patuloy Mo kaming ingatan at huwag pabayaan sa kabila ng
aaral ng iyong anak ay nakasalalay sa hindi namin pagiging angkop na Iyong mga anak.
pakikipagtulungan sa pagitan ng guro Panginoon, patuloy Mo kaming gawing lingkod Mo ng
ng iyong anak at ikaw bilang maging lingkod din kami sa iba, patuloy Mo kaming gawing
magulang/ tagapag-alaga. mapagmahal ng maging mapagmahal kami sa iba at patuloy
Mangangailangan ito mula sa iyo ng Mo kaming gawing mahusay sa aming mga larangan ng
mas malaking tulong pakikilahok sa makapagbahagi kami ng kagalingan sa iba.
kanilang pag-aaral. Ito ay samo’t dalangin namin sa Iyong banal na pangalan,
• Dapat na maunawaan ng mga bata kasama ng Iyong bugtong na anak si Hesukristong aming
na ang pag-aaral sa LHP ay tulad rin Panginoon, kasama ng Espiritu Santo. Magpasawalang
ng pag-aaral sa paaralan ngunit hanggan. Amen.
nangyayari sa inyong tahanan.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami!
• Ang Learning Packet na ito ay
kokolektahin ng mga kawani ng Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
paaralan tuwing Biyernes.

YUNIT 1
MGA LALAWIGAN SA ATING REHIYON
UNIT MAP
Sa yunit na ito, matututunan mo ang mga sumusunod na aralin:
Aralin 1: Kahulugan ng mga simbolo na ginamit sa mapa sa tulong ng panuntunan.
Aralin 2: Ang mga pangunahing anyong-lupa at anyong-tubig sa Rehiyon 3.

Bago ka magsimula sa ating aralin, sagutan mo muna ang Paunang Pagtatasa sa


ASSESSMENT SHEETS.

Aralin #1: ANG MGA SIMBOLO SA MAPA


Mga Layunin:
Sa aralin na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. matukoy ang kahulugan ng mga simbolo na ginamit sa mapa; at
2. maipaliwanag ang kahulugan ng mga simbolo gamit ang panuntunan (katubigan, kabundukan,
etc.)

Nilalaman ng Aralin:

FOR PRIVATE USE ONLY Page 1 of 8| Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 3
(Week 1)
Isang masayang bungad na pagbati sa iyong pagtuntong sa Ikatlong Baitang! Sa
Ikalawang Baitang ay naipagmalaki mo ang pagiging bahagi ng komunidad na kinabibilangan.
Handa ka na bang matuto pa sa Ikatlong Baitang? Simulan na natin!

Ano ba ang ibig sabihin ng


mapa?

Ang larawan sa gawing kanan ay ang


halimbawa ng mapa. Ang mapa ay patag na larawan
ng isang lugar. May nakasulat ditong mga
direksyon at mga pananda (legend). Hindi lahat ay
mailalagay sa mapa kaya nilalagyan ito ng mga
pananda.

Ang mapa ay isang larawan o representasyon sa papel ng isang lugar na maaaring


kabuoan o bahagi lamang nito na nagpapakita ng pisikal na katangian, mga lungsod, kabisera,
mga daan at iba pa.

Tayo ay gumagamit ng iba’t ibang simbolo upang kumatawan sa mga bagay na makikita
sa mapa. Ginagamit ang mga simbolong ito upang ipahiwatig ang ilang mga bagay, katangian,
at iba pang impormasyon tungkol sa mga lugar. Tinutukoy nito ang eksaktong kinalalagyan ng
isang lugar o pook at ng mga bagay na matatagpuan dito.

Bago pa man naimbento ang mapa, ang mga tao ay gumagawa na ng sariling simbolo
upang magamit nila sa pagtunton ng lugar. Ikaw rin ay maaaring mag-isip ng mga simbolo ng
mga bagay upang ipakita sa mapa. Ang mga imbentong simbolo ay hindi ginagamit sa mga
aktuwal na mapa na nabibili. Ang mga imbentong simbolo ay pananda lamang ng mga taong
gumagamit nito.

Ang mga simbolo o panandang ginagamit sa aktuwal na mapa ay may kahulugan.


Kailangang malaman at maintindihan ang bawat simbolo upang mas madaling makilala o
mapuntahan ang isang lugar. Ang mga larawan na iyong makikita sa ibaba ay ilan lamang sa
mga simbolo o pananda na madalas gamitin.

FOR PRIVATE USE ONLY Page 2 of 8| Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 3
(Week 1)
Sanggunian:
Mga Simbolo sa Mapa. (2020). Retrieved from Department of Education, Republic of the
Philippines : https://lrmds.deped.gov.ph/detail/14803

Mapa. (2010-2020). Retrieved from depinisyon.com: http://depinisyon.com/depinisyon


-117692-mapa.php

Iba pang maari mong mapagkukunan ng Pagkatuto:


Para sa karagdagang kaalaman sa ating aralin, maaaring panuorin ang video gamit ang
link, https://www.youtube.com/watch?v=wrNVIJ4c2C0, o gamit ang flashdrive kalakip ng
Learning Packet na ito.

Suriin mo ang iyong pag-unawa sa ating aralin. Sagutan ang Gawain 2 sa ASSESSMENT
SHEETS.

Aralin #2: ANG MGA ANYONG-LUPA AT ANYONG-TUBIG SA ATING REHIYON


Mga Layunin:
Sa aralin na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. matukoy ang mga pangunahing anyong-lupa at anyong-tubig sa ating rehiyon at ang
pagkakaugnay-ugnay nito sa iba pang lalawigan; at
2. makagawa ng payak na mapa na nagpapakita ng mahahalagang anyong lupa at anyong tubig
ng sariling lalawigan.

Nilalaman ng Aralin:

Ang Rehiyon 3 o Gitnang Luzon ay bahagi ng Pilipinas na nakilala sa pagkakaroon ng


malaking bahagi ng lupain na mayroong taniman ng palay. Malaking porsyento ng palay ay
mula sa rehiyong ito.

 Narito ang ilan sa mga anyong lupa na  Narito naman ang mga anyong tubig na
matatagpuan sa rehiyon 3: matatagpuan sa rehiyon 3:

 Mt. Natib - Bataan  Pampanga River - Pampanga


 Mt. Samat - Bataan  Lake Pinatubo - Zambales
 Mt. Mariveles - Bataan  Angat River - Bulacan
 Mt. Arayat - Pampanga  Tarlac River - Tarlac
 Mt. Damas - Tarlac  Mapanuepe Lake - Zambales
 Mt. Pinatubo - Zambales
 Mt. Manalmon - Bataan
 Mt. Anacuao - Aurora

Maraming anyong-lupa at anyong-tubig ang kilala sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon.


Dito matatagpuan ang malalawak na baybayin ng Aurora, Bataan at Zambales na nagiging
atraksiyon ng mga turista. Ang mayamang lupain sa Nueva Ecija, Tarlac at Bulacan na taniman
ng palay, tubo, sibuyas at iba pang produkto mula sa pagsasaka. Sa Zambales makikita ang
kilalang Bulkang Pinatubo. Sa Bataan matatagpuan ang Bundok Samat, dito nakatindig ang
Dambana ng Kagitingan. Dito rin makikita ang Bundok Malasimbo at Bundok Natib. Sa Nueva
Ecija makikita ang Bundok Kiligantian. Sa Tarlac naman matatagpuan ang Bundok Telakawa.
Sa Pampanga matatagpuan ang Bundok Arayat. Ang mga kabundukan ang nagbibigay
proteksiyon sa atin sa malalakas na hangin, ulan at bagyo.

FOR PRIVATE USE ONLY Page 3 of 8| Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 3
(Week 1)
Narito rin sa rehiyon ang pangalawa sa pinakamahabang ilog sa Luzon, ang ilog
Pampanga. Ang Ilog Angat sa Bulacan, kung saan naroon ang Angat Dam na pinaglalagakan ng
tubig na dumadaloy sa mga kabahayan sa Bulacan at halos sa buong Metro Manila. Isang
magandang tanawin din ang mga Isla El Grande, Capones at Potipot sa Zambales. Kilala ang
mga islang ito sa maputing buhanginan. Dapat din nating kilalanin ang mga Talon ng Pajanutic,
Gabaldon at Palaspas maging ang Bukal Bubuyarok sa Nueva Ecija.

FOR PRIVATE USE ONLY Page 4 of 8| Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 3
(Week 1)
Sadyang mayaman sa kalikasan ang Rehiyon III. Ang mga ito ang nagpapatanyag sa
bawat lalawigan dito. Dapat nating pangalagaan at ipagmalaki ang mga likas na yaman sa atig
rehiyon.

 Mga Anyong-Lupa at Anyong-Tubig na nag-uugnay sa iba’t ibang lalawigan sa ating


Rehiyon

Tuklasin Mo!

Sa Rehiyon III matatagpuan ang Bulkang Pinatubo. Ito ay nag-iisang aktibong bulkan sa
rehiyon na nag-uugnay sa tatlong lalawigan na kinabibilangan ng Zambales, Tarlac at
Pampanga. Naganap ang matinding pagsabog nito noong taong 1991 na nagdulot ng matinding
pinsala sa tatlong lalawigan na kinaroroonan nito. Tinatayang ang lalawigan ng Pampanga ang
lubhang napinsala.

Ang Kapatagan ng Nueva Ecija ay makikitang kaugnay ng kapatagang bahagi ng Tarlac.


Makikita rin ang parehong sitwasyon sa pagitan ng kapatagan ng Pampanga at kapatagan ng
Bulacan. Malimit na ang pagkakapare-pareho ng anyong lupa sa iba’t ibang lalawigan ay isa sa
mga dahilan ng pagkakapare-pareho ng kanilang kabuhayan at pamumuhay.

Mayroon ring anyong-tubig na makikita sa rehiyon na nag-uugnay sa iba’t ibang


lalawigan. Ito ang Ilog Pampanga na dating tinatawag na Rio Grande de Pampanga. Ang ilog na
ito ay nagmumula sa Aurora, bumabagtas sa lalawigan ng Nueva Ecija, Pampanga at
nagtatagpos sa Bulacan.

Sanggunian:
Anyong Lupa ng Rehiyon. (2020, September). Retrieved from Prezi Inc.:
https://prezi.com/p/fb04cokx99io/anyong-lupa-ng-rehiyon-iii/

Anyong Tubig sa Rehiyon 3. (n.d.). Retrieved from barainly.ph:


https://brainly.ph/question/198948

Iba pang Mapagkukunan ng Pagkatuto:


Para sa karagdagang kaalaman, maaaring panuorin ang video gamit ang link,
https://www.youtube.com/watch?v=LXUZW5K7sE0 at https://www.youtube.com/watch?
v=BXo6tEBlsBo, o gamit ang flashdrive kalakip ng Learning Packet na ito.

Suriin mo ang iyong pag-unawa sa ating aralin. Sagutan ang Gawain 3 sa ASSESSMENT
SHEETS.

FOR PRIVATE USE ONLY Page 5 of 8| Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 3
(Week 1)
Asignatura Araling Panlipunan ISKOR:
Baitang 3 Gawain1:___/5 Remarks:__________________
Markahan Una Gawain2:___/10 Remarks:__________________
Bb. Micah Ella G. Gawain3:___/14 Remarks:__________________
Guro
Ciriaco
Learning Packet Komento/Note ng Guro:
1
No.
Unang Linggo
Linggo at Petsa (Agosto 30 - Setyembre
3, 2021)
Pangalan ng
Mag-aaral

ASSESSMENT SHEETS

YUNIT 1. MGA LALAWIGAN SA ATING REHIYON


GAWAIN 1. PAUNANG PAGTATASA (1 puntos bawat tamang sagot)
Direksyon: Gumuhit ng hugis puso sa patlang kung ang larawan ay isang anyong
lupa at hugis bituin naman kung ito ay anyong tubig.

______1. ______4.

______2.

______5.

______3.

FOR PRIVATE USE ONLY Page 6 of 8| Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 3
(Week 1)
GAWAIN 2. KAHULUGAN NG MGA SIMBOLO (1 puntos bawat tamang sagot)
Direksyon: Isulat sa katapat na linya/guhit ang kahulugan ng mga sumusunod na simbolo.
Ang mga simbolong ito ay maaaring nagpapahayag ng isang anyong-lupa, anyong-tubig,
gusali at iba pa.

1. 2.

___________________ ___________________

3. 4.
___________________ ___________________

5. 6.

___________________ __________________

7. 8.

____________________ __________________

9. 10.

___________________ __________________

GAWAIN 3. ANYONG-LUPA AT TUBIG TSART (1 puntos bawat tamang sagot)


Direksyon: Itala sa loob ng tsart ang isa sa mga anyong-lupa at anyong-tubig na
matatagpuan sa mga sumusunod na lalawigan.

Lalawigan Anyong-Lupa Anyong-Tubig

Aurora

Bataan

Bulacan

FOR PRIVATE USE ONLY Page 7 of 8| Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 3
(Week 1)
Nueva Ecija

Pampanga

Tarlac

Zambales

Values Integration:

Tayo ay lubos na pinagpala dahil sa mga


likas na yaman ng ating rehiyon. Bukod pa KAUGNAY NA BIBLE VERSE:
rito, ay mayroon din tayong mga
magagandang tanawin na kinapapalooban ng
“Bago nalabas ang mga bundok, o
mga iba’t-ibang anyong-lupa at anyong-tubig.
bago mo nilikha ang lupa at ang
Kalakip nito ay ang pagiging tagapangalaga ng
sanlibutan, mula nga ng walang
mga ito bilang isang nilalang ng Diyos.
pasimula hanggang sa walang
Bilang mag-aaral, anu-anong mga
hanggan, ikaw ang Diyos.”
paraan o hakbang ang iyong magagawa upang
mapangalagaan ang mga likas na yaman ng
Awit 90:2
ating rehiyon?
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

KUMUSTA ANG IYONG PAG-AARAL? I-TSEK ANG IYONG EBALWASYON SA ATING


MGA ARALIN.

NAINTINDIHAN KO NAINTINDIHAN KO
ANG ATING MGA NGUNIT MAY ILAN PA KAILANGAN KO NG
ARALIN. KONG KALITUHAN O TULONG.
KATANUNGAN.

FOR PRIVATE USE ONLY Page 8 of 8| Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 3
(Week 1)
FEEDBACK/NOTE NG MAG-AARAL SA GURO: FEEDBACK/NOTE NG MAGULANG SA GURO:

FOR PRIVATE USE ONLY Page 9 of 8| Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 3
(Week 1)

You might also like