You are on page 1of 1

Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya

Bulacan State University


Lungsod ng Malolos, Bulacan

Ang Pagpapalaki kay Pepe at Juan

Mga Mananaliksik:
Caparas, Jolinafer Hufano, Jeraldine
Dela Cruz, Justine Mae Mariano, Aron John
Delos Reyes, Hanna Santiago, Shara
Fernandez, Louie John

Bago sumang-ayon na lumahok sa pananaliksik na ito, lubos naming hinihikayat na basahin ang
mga sumusunod na paliwanag tungkol sa pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay idinisenyo upang
suriin ang pagkakaiba ng epekto ng mga batang lumaki kasama ang magulang at ang mga
batang lumaki kasama ang lolo at lola na may paksang “Ang Pagpapalaki kay Pepe at Juan”.

Ang paglahok sa pag-aaral ay kakapalooban ng pakikipanayam at pagtatanong ng ilang mga


katanungan upang matukoy ang kaibahan ng pag-uugali ng bata na lumaki sa magulang at sa
mga lolo at lola. Ang iyong pakikilahok sa pag-aaral ay nangangailangan ng humigit kumulang
na 30-45 minuto. Kung sumang-ayon ka na lumahok, maaaring magbago ang isip at magpasya
na huminto sa anumang punto ng panayam nang walang multa o kaukulang kaparusahan. Ang
lahat ng impormasyon na iyong ibibigay ay mananatiling confidential. Malaya ka rin na
magtanong sa mga mananaliksik upang matugunan ang iyong agam-agam. Kapag kumpleto na
ang pag-aaral na ito, maari kang bigyan ng resulta ng pananaliksik kung hihingin mo ang mga
ito.

Kung mayroon kang anumang karagdagang mga katanungan tungkol sa pag-aaral na ito,
mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin, maari mo kaming makontak sa
numerong 09066070616 o sa e-mail account na jrldnhfn16@gmail.com. Mangyaring ilagay
ang iyong impormasyon sa puwang sa ibaba na nauunawaan mo ang iyong mga karapatan at
sumang-ayon na lumahok sa pag-aaral.

Pangalan at Lagda ng kalahok Petsa

You might also like