ANG PAGIGING BAKLA AY PAGKABAYUBAY RIN SA KRUS NG KALBARYO
(an Anthology of Gay Poetry)
By: Rolando A. Bernales
Ang pagiging bakla ay habambuhay
Na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo. Papsaninn mmo ang krus sa iyong balikat Habang naglalakad sa kung saan- saang lansangan. Di lagging ementado o aspalto ang daan, Madalas ay mabato, maputik, o masukal. Mapalad kung walang magpupukol ng bato O mangangahas na bumulaslas ng pangugutya. Kailngang tiisinang matatalas na sulyap O ang bulung- bulungan at mtutunog na halakhak. Di kailangang lumingon pa, di sila dapat kilalanin Sapagkat sila’y iba’t ibang mukha: bata, matanda Lalaki, babae, ina, ama, anak, o kapatid, Mayaman o mahirap, kilala o di-kilala. Sinong pipigil sa kanila. Hindi ikaw. Anong lakas mo upang tumutol? Makapaghihimagsik ka pa ba kung ang iyong mga palad At ng iyong paa’’y ipinako na ng lipunan Sa likong kultura’t tradisyon at sa bulok na paniniwalang Nagdidiktang ang pagiging bbakla ay isang kasalanan Na nararapat na pagdusahan sa krus ng kalbaryo Kahit pa ika’y magpumilit na magpakaranagl!?!