You are on page 1of 1

Panunumpa ng Mag-aaral

(D.A.R.E. Philippines Pledge of Commitment)

Ako, si __________________________________________________ [pangalan],


na nakatapos ng mga pagsasanay ng Drug Abuse Resistance Education (D.A.R.E.)
Program, ay nanunumpa, sa abot ng aking makakaya at sa tulong ng Diyos ay:
 Pangangalagaan ko ang aking katawan na bigay ng Poong Maykapal;
 Ako’y nangangako na hindi ako mawawalan ng tiwala sa aking sarili; na patuloy
kong aabutin ang aking mga pangarap, na maging isang Mabuti at responsableng
mamamayan; at mamahalin ko ang aking pamilya, ang aking mga kaibigan, ang
aking mga guro, ang aking mga kapitbahay, at higit sa lahat ang bansang
Pilipinas.
 Alinsunod dito hindi ko kailanman susubukan ang anumang uri ng ipinagbabawal
na gamot alak at sigarilyo. At kung nasubukan ko na, ito’y aking ititigil-dahil wala
itong magandang idudulot sa akin;
 Pagiisipan kong mabuti ang aking mga desisyon at tamang pagkilos. Kahit sa
panahon ng aking kalungkutan, o kawalang ng pag-asa, ay hindi ko kaylanman
iisiping makakatulong ang ipinagbabawal na gamot-ito’y maglulugmok lamang sa
akin sa matinding suliranin;
 Nangangako ako na pipigilan at hindi pahihintulutan ang anumang uri ng pang-
aapi o pananakit sa aking kapwa, maging ito man ay physical, emotional o sa
pamamagitan ng teknolohiya (cyber-bullying). Iiwasan ko ang mga pagmamaliit
ng mga nagkukunwaring kaibigan na nakakasira sa aking kinabukasan.
 Tutulungan ko ang aking mga kaibigan o kamag-anak na mapaglabanan, ang
ipinagbabawal na gamot, alak at sigarilyo-dahil mahal ko sila;
 Makikipagtulungan ako sa pulis at sa mga namumuno ng paaralan at ng aming
lungsod sa pagbibigay alam tungkol sa bentahan at pag gamit ng ipinagbabawal
na gamot-dahil gusto kong maging bahagi ng solusyon; at
 Ako’y mamumuhay ng makadiyos, matulungin, malinis at DRUG-FREE, upang
magsilbing huwarang mamamayan na maaring tularan ng kapwa ko kabataan.
 Palagi kong isasa-isip at pananatilihing buhay sa aking puso ang sinabi ng ating
bayani na si Doktor Jose Rizal: “ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”

Sa tulong ng aking magulang, pamilya, mga kaibigan, paaralan, pamahalaan at ng


Poong Maykapal, Ito po ang aking pangako. Ito po ang aking ipaglalaban.
Patnubayan nawa ako ng Poong Maykapal.

________________________________
Lagda ng mag-aaral

You might also like