You are on page 1of 2

Mga Halimbawa ng mga Matalinhagang Salita

1. Kautotang dila – Kakwentuhan


2. Krus sa balikat – pabigat o pasanin sa buhay
3. Itim na tupa – suwail na anak o kapatid
4. Balat sa tinalupan – paglalarawan sa damdamin ng isang taong galit
5. Tubong lugaw – malaking pera mula sa maliit na puhunan
6. Matimtimang Cruz – mahinhin at pino kung kumilos
7. Lintik lang ang walang ganti – Kailan man ay hindi mo magagantihan ang
kidlat na siyang tinutukoy sa salitang lintik.
8. Hampas sa amo ang latay ay sa kalabaw – ang kasiraan ng nasa taas ay mas
masarap kesa sa mga nasa ibaba
9. Balat sa pwet – may dalang malas sa buhay
10. Halik ni Judas – traydor
11. Haba ng buhok – pakiramdam ay maganda
12. Balasubas – Walang modo
13. Nauna pa ang kariton sa kalabaw – Mayabang o adelentado
14. Kambal tuko – di makapaghiwalay
15. Sanggang dikit – matalik na magkaibigan
16. Matapobre – mapanglait
17. May nunal sa dila – madaldal
18. Matigas pa sa riles – kuripot
19. Makapili – traydor
20. Mang-oonse – madaya/makupit
21. agaw-buhay -- naghihingalo
22. anak-pawis -- magsasaka
23. anak-dalita -- mahirap
24. alilang-kanin -- utusang walang sweldo, pagkain lang
25. balitang kutsero -- hindi totoong balita
26. balik-harap -- mabuti sa harapan, taksil sa likuran
27. bantay-salakay -- taong nagbabait-baitan
28. Balat-sibuyas -- manipis, maramdamin
29. balat-kalabaw -- makapal, di agad tinatablan ng hiya
30. buto't balat -- payat na payat
31. tulak ng bibig -- salita lamang, di tunay sa loob
32. dalawa ang bibig -- mabunganga, madaldal
33. halang ang bituka -- salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay
34. mahapdi ang bituka -- nagugutom
35. makapal ang bulsa -- maraming pera
36. butas ang bulsa -- walang pera
37. sukat ang bulsa -- marunong gumamit ng pera
38. nagbabatak ng buto -- nagtatrabaho ng higit sa kinakailangan
39. matigas ang buto -- malakas
40. kidlat sa bilis -- napakabilis
41. kusang palo -- sariling sipag
42. mabigat ang kamay -- tamad magtrabaho
43. magaan ang kamay -- madaling manuntok, manapok, manakit
44. mabilis ang kamay -- mandurukot
45. malikot ang kamay -- kumukuha ng hindi kanya
46. magsunog ng kilay - mag-aral nang mabuti
47. balitang kutsero - hindi totoo
48. mababa ang luha - iyakin\
49. tulog mantika - mahabang oras ng pagtulog
50. nagtataingang kawali - nagbibingi-bingihan
51. pinagbiyak na bunga - magkamukha
52. bugtong na anak - kaisa-isang anak
53. kabiyak ng dibdib - asawa
54. ilista sa tubig - kalimutan na
55. lakad-pagong - mabagal

You might also like