You are on page 1of 12

Back page mam : BALITA

BES, Napanatili ang korona


Ni: Sofia Rose Belong

Muling pinatunayan ng mga Bacsilian, ang kanilang kahusayan at kagalingan sa larangan ng larong
badminton.
Sa nakaraang INAA meet na ginanap sa Lungsod ng Laoag noong Oktobre 28-30, 2015 sa INNHS
muling nakipaglaban ang mga manlalaro ng mababang paaralan ng Bacsil na kinabibilangan nina
______________________________,_________________________,_________________________ at
______________________________sa pang- isahang laro at _________________________________,
______________________________,_________________________,___________________________
Sa pandalawahang laro.
Ang mga baguhang manlalaro ay muling sinanay araw-araw ,at may mga gabing nagsakripisyo sila sa
kanilang paaralan upang mahasa at mapaghusay pa ang kanilang kakayahan sa paghampas ng bola na
may tamang lakas sa tamang direksyon.May mga gabing pinapanaginipan pa ang kanilang pag-eensayo
kung saan sila ay natatalo.Nagkaroon tuloy sila ng mga agam-agam sa kani-kanilang sarili.
May mga gabi ding nadarama nila ang pagod at sakit ng katawan sanhi ng pag-eensasayo ngunit
dagling naalis amg mga ito dahil sa magandang resulta ng kani-kanilang laban.Ang mga kinatatakutan at
inaakalang pagkabigo ay nauwi sa pagpapanatili ng kanilang korona.
Ang mag-uwi ng gintong medalya sa kanilang paaralan ay isang napakalaking karangalan para sa mga
taga Bacsil lalo na sa mga mag-aaral na patuloy pa rin sa kanilang pangarap na mapabilang sa koponan
ng larong Badminton.
Ang kanilang tagumpay ay handog ng Panginoon na siyang nagbigay sa kanila lakas ng loob na
harapin ang mga pagsubok,kaya naman walang hanggang pasasalamat ang kanilang bukambibig.
Nagpasalamat din sila sa kanilang mga magulang sa walang sawang pagsuporta at pagmamahal, sa
kanilang mga tagapagsanay lalo kay si Gng. Delia Ruadap, kay G. Rodolfo M. Mariano ang Punong Guro
ng nasabing paaralan at ang hindi matatawarang pagbibigay din ng pasasamat sa lahat ng tumulong at
nag-abot ng kanilang munting donasyon sa larong badminton.
Sa mga Bacsilian,Mabuhay tayong lahat.
MANZANILLO, Pasok sa RIAA
Ni: Sopia Rose Belong

Alam ng lahat ng taga Bacsil na ang pagkapasok ni Cristina Manzanillo sa RIAA ay hindi inaasahan lalo
na sa batang si Manzanillo.
Ang inaakalang paglalaro lang ng Javelin at Discus throw kay Cristina sa kanilang paaralan ay siyang
nagbigay sa kanya ng karangalan noong nakaraang INAA,Oktobre 28-30 na ginanap sa Lungsod ng Laoag.
Isang batang masayahin, masipag lalo na sa kanyang pag-aaral, matapat at may takot sa Diyos iyan
lamang ang mga katangiang nakita ko sa kanya.kaya naman sa kanyang pagkapanalo sa larong Javelin at
Discus throw ay lalo pang nadagdagan ang aking paghanga.
Sa aking panayam, nasabi ni Manzanillo na ito’y isang laro lamang hindi pinaghandaan lalong hindi
pinag-ensayuhan,bagkus ito ay isang larong hindi inaasahang magbubunga ng magandang
kinahihinatnan.
Sa murang isipan ng batang si Cristina ay posibleng iyon ang kanyang pananaw ang makapaglaro
lamang, ang mabigyan ng kanyang sarili ng munting kasiyahan, ngunit sa isipan ng marami siya pala ay
batang may ibubuga din sa larangan ng larong Athletics.
Sa kanyang mga magulang buong pusong nagpapasamat ang mga taga Bacsilian dahil isa namang
patunay na ang Mababang paaralan ng Bacsil ay patuloy pa rin kanyang paglipad at sa dako pa roon ay
muling maghahanap ng punong kanyang pagpapahingahan at doon babalikan ang mga pagsubok na
kanyang binalikat ngunit may ngiting sa kanyang labi’y magbibigkas,laro lamang kaibigan pero
nagbibigay inspirasyon sa bawat nilalang.
1.Front page mam flor,he!He!

Colobong, Villanueva, Panalo sa Pandistritong Patimpalak


Ni: Cristel Lyka Bangloy

Ang nasabing patimpalak ay ginanap sa mababang paaralan ng West Central noong Agosto sa Royal
Building sa nasabing paaralan.
Ang nasabing patimpalak ay dinaluhan ng labing tatlong paaralan ng Dingras II. Sila ay nagkaroon ng
patimpalak sa pag-awit at pagbigkas ng tula na kung saan may inimbitahang panauhin na siyang
magbibigay katungkulang sa bawat hatol sa mga mag-aaral na kasali sa patimpalak.Nagbigay din ng
Mensahe ang punong guro ng nasabing paaralan na si G. Romualdo Pascua.Ipinagbigay alam sa mga
batang naroroon , mga guro at magulang ang kahalagahang ng paggamit ng sariling wika at ang dahilan
ng hindi pagdalo ng ating mahal na ina ng ikalawang Distrito na si Gng. Caroline P. Calili.
Nagkaroon ng simpleng programa.Nagbigay ng mga patuntunan o patnubay ang Pandistritong
tagapag-uganay sa Filipinop na si Gng. Rhapsody R. Agustin, at kalauna’y ang pagbibigay hudyat ng
pagsisimula ng paligsahan.
Sa wakas, ang hinintay ng lahat ang paggawad ng mga nanalo. Sa pagbigkas ng tula nakuha ng
mababang paaralan ng Bacsil ang Ikalawang pwesto, at ito’y walang kundi si Ayana Colobong ng
ikalawang baitang at ang kanyang tagapagsanay ay si Gng. Virginia D. Valencia. At ang nakakuha din ng
ikalawang pwesto sa patimpalak sa pag-awit ay walang iba kundi si Nicole Villlanueva ng Ikatlong
baitang at ang kanilang tagapagsanay ay si Gng. Rhapsody R. Agustin. Ang lahat ng pinagpaguran ay
napuno ng walang katapusang kaligayahan lalo na ng ang mga magulang ng mga batang iyong pinag-
alayan ng buong oras ay nagpasalamat sa iyo, mayroon pang nagbigay ng pasasalamat sa facebook at
tumawag ng long distance para lang ikaw ang mapasalamatan.Iyon ang nagbibigay inspirasyon naming
mga guro ang munting pasasalamat at pagtanaw ng buong puso ay amin ng kasiyahan higit kaninuman
ang maibigay naming ang aming buong suporta sa bawat batang buong pusong ibibigay din ang kanilang
sarili para mapaghandaan ang kanilang kinabukasan. Sa lahat ng Sumali sa Patimpalak pinalad man o
hind,natalo man o nanalo mabuhay kayong lahat. Mabuhay ang mga batang bayani.
2. Bacsilian, Pasok sa Pandibisyong patimpalak
Ni:Cristel Lyka Bangloy

Naghari ang walang hanggang tawanan at pagkakaroon ng kantiyawan kung sino ang
magbibigay blow-out sa mga batang nanalo sa Math Festival na ginanap sa bulwagan ng
Mababang paaralan ng West Central noong Nobiembre 6-7, 2015.
Bago mag-umpisa ng nasabing patimpalak lahat ay nininerbiyos,natatakot at mayroon pang
umiyak na mga batang kasali.Nagkaroon ng isang munting programa at nagbigay ng alituntunin
ang Pandistritong tagapag-ugnay sa Matematika na si Gng. Catherine I. Romualdo tungkol sa
mga dapat gawin at wastong pagsagot sa sagutang papel.
Ang mga batang kasali ay nagkaron ng malawang pagbabalik aral at pag-eensayo upang
mapahusay pa lalo at malinang ang kani-kanilang kakahayan sa pagsagot sa mga tanong.Ika nga
ang Matematika daw ang pinaka-ayaw pag-aralan ng mga bata, ngunit patuloy pa rin ang
pagbibigay ng pagsubok ating gobyerno sa pamamagitang Deped para lalong mapaghusay ang
itinatagong galing ng mga mag-aaral sa asignaturang matematika.
Ang bawat batang kalahok ay nagtagisan ng talino sa numero.Ipinakita nilang malawak ang
kanilang kaalaman para masagot ang bawat tanong sa kanilang papel.
At sa wakas ang resulta, ang hinihintay ng lahat . Bawat isa ay nasasabik kung ano ang
kahihinatnan ng kani-kanilang mga anak,kung sila ba ay isasabak sa mas mataas na lebel o hindi
na kinaya dahil sa nakahirap na tanong.
Ika nga sa kasabihang,” Do your best,And God Will do the rest.” Ito siguro ang kagustuhan
ng ating Panginoong Diyos ang manalo muli ang mga mag-aaral ng mababang paaralan ng
Bacsil. Sa unang baitang nakuha ni Yash Mitzvah Pillos ang Ika-anim na pwesto, Si John Deniel
Agapinan ang nakakuha Ikatlong pwesto,sa ikawang baitang.Samantalang sa ika-apat na baitang
ay nakuha ni_________________________, sa ____na pwesto,Sa ika-limang baitang nakuha
ni____________ang ika- _______________na pwesto,si_________ sa ika-____ na pwesto, si
_____________ang nakakuha ng ika-________ na pwesto. Sa IKa-anim na baitang nakuha ni
_________,Ika-____ na pwesto, at _______________ sa ika ____na pwesto. Sila ang pambato
ng ating paaralan sa gaganaping pandistritong patimpalak sa Nobiembre 26-27 na gaganapin sa
Lungsod ng Laoag. Ang lahat ng biyayang ibigay ay buong pusong nagpasalamat ang mga mag-
aaral, mga guro, mga magulang at ang kanilang ulong guro na si G. Rodolfo M. Mariano. Walang
hanggang kasiyahan ang kanilang nadarama lalo na ang mga magulang na sa kanilang puso ay
may mga anak na ipinagmamalaki hindi lang sa larangan ng akademya kundi pati na rin sa
pagmamahal sa kanilang pag-aaral.
Ang paghatol sa kakayahan ng isang bata ay para mo na ring sinabing walang kakayahan ang
isang guro na baguhin ang kanyang mga mag-aaral.Kaya sa ating mga guro maraming salamat
muli at sana sa susunod pang araw ay hindi pa rin kayo magsasawa sa amin.
3. Salado, Kampeon sa DAMATH
Ni: Jane Agapinan

Ang buong pamilya ng mga mga Salado ay nagulat sa pagkapanalo ng kanilang anak na si
Mark Denver sa DAMATH na ni ginanap sa Mababang paaralang ng West Central sa Royal
building buong araw ng sabado, ika-7, 2015.
Nakababagot na laro, nakaka-antok at ano pang naka ang pwedeng ikabit sa larong
DAMATH.Walang gustong matalo lahat ay pursigidong lumaban para masabing kampeon sa
DAMATH.
Kaya nga hindi pa nagsisimula ang laro ay kanya-kanyang pwesto sa iba’t- ibang silid sa
nasabing paaralan upang sanayin muli ang kani-kanilang pambato.Binigyan ng kaukulang mga
tekniks sa pagtira o sa pagsulong ng mga “chips” na kanilang ititira sa kalaban. Ang bawat
pagsulong ay parang mga sundalong handang mamatay sa labanan.
Ang mga naglaban ay mahigit labing tatlong paaralan ng Dingras, District II. Labing tatlong
mag-aaral ang nagtagisan ng talino sa pag-usad ng kani-kanilang mga “chips”matira nag
matibay.
Ngunit kalauna’y sa lahat ng mga pambato ng labing tatlong eskuwelahansa level 3, nanaig
ang kagalingan, ang pambato ng mag-aaral ng mababang paaralan ng Bacsil na si Marc Denver
Salado,ang kanyang tagapagsanay ay si Gng. Delia S. Ruadap.
Sa simula ng laro,ayon sa kanya nakita niyang magagaling ang kanyang mga kalaban,ngunit
hindi niya pinairal ang takot sa kanyang isipan, bagkus iyon ang daan upang lalo pang niyang
pagtibayin ang pananampalataya sa Panginoon at ibinigay na suporta ng mga magulang ang
kanyang sandata upang matamo ang kanyang tagumpay.
Sa level I naman nakuha ni Cheska Paula Baniaga,nasa ikalawang baitang ang ika-apat na
pwesto,na sinanay ni Gng, Virginia D. Valencia.
Iyan ang patunay na ang mga guro, mag-aaral, mga magulang at ang ulong guro na si G.
Rodolfo M. Mariano ng mababang paaralan ng Bacsil ay may pagkaka-isa lalo na sa pagbibigay
karangalan sa kanilang paaralan. Higit kaninuman sa Panginoong Maykapal na siyang nagbigay
ng lahat ng kanilang tagumpay ang walang hanggang pasasalamat.
Pandistritong Press Conference Ginanap
Ni: Cristina Manzanillo

Ang pandistritong School Press Conference ay ginanap sa bulwagan ng mababang paaralan


ng West Central kung saan idinaos ang isang munting programa na dinaluhan ng mga batang
manunulat at mga pinunong patnugot ng mga pampaaralang pahayagan.
Nagbigay ng patnubay na tuntunin ang pandistritong tagapag-ugnay sa Pampaaralang
Pahayagan na si Gng. Merilyn Lucas na tumalakay sa mga dapat gawin lalo na sa mga kailangan
ng mga batang sasali sa patimpalak sa iba’t ibang bahagi nito.
Nabigyan ng iba’t ibang topiko ang mga napiling guro upang ipamahagi ang kanilang
kaalaman sa larangan ng pagsusulat.Nagbigay sila ng mga stratehiya at makabagong pag-
uusapan tungkol sa iba’t ibang bahagi.Nandiyan sila ay nagbigay ng mga impormasyong sa mga
baguhang batang manunulat at kanila itong maiaplay sa kani-kanilang eskuwelahan. Nagbigay
sila ng mga wastong pamamaraan upang lalo pa nilang mapaganda at mapahuasay ang kanilang
kagalingan sa pagsulat ng tula, mga lathalain,pagsulat ng balitan at iba pa.
Sa Pagtatapos ng Press conference, nagkaroon ng aplikasyon sa bawat mag-aaral, dahil sa
angking kagalingan naipamalas. Sina Cristina Manzanillo ay nakuha ang Unang Pwesto sa
tagaguhit ng kartun, Sofia Rose Belong, nakuha ng ikatlong pwesto sa Balitang isport at sina
Jane Agapinan ,nakuha ng ika-pitong pwesto sa Lathalain at Cristel Lyka Bangloy, nakuha ng Ika-
pitong pwesto sa pagsulat ng balita. Pinasalamatan nila ang kanilang mga tagapagsanay na sina
Gng. Virginia d. Valencia at Bb. Flordeliza B. Agcanas.
Sa pagsulat ng Pampaaralang pahayagan kailangan dito ang tiyaga,wastong pag-
iisip,maaliwalas na kapaligiran at higit sa lahat may puso ang taong gumagawa nito upang sa
bawat salitang kanyang bibitawan at isusulat ay nararamdaman ng bawat mambabasa
nito.Hindi man nila naranasan,hindi man nila nakita,hindi man nila lubusang maintindihan pero
ang bawat pighati, suliranin, mga pagsubok, mga pagsuko, mga tagumpay na ipinaparating,
tayo ay lubos na nasisiyahan sapagkat sila ang mga munting bayaning naghahatid ng
balita,kuro-kuro at minsan mga palaisipan na di natin kayang ipaliwanag bagkus ito ay ating
inuunawa at binibigyan ng sapat na pagtimbang upang maintindihan sila,dahil sa murang edad
naintindihan nila ang mga pangyayaring hindi pa dapat.
Jane Agapinan
Punong Patnugot

Jane Agapinan Cristel Lyka Bangloy Sofia RoseN Belong


Patnugot sa Lathalain Patnugot sa Balita Patnugot sa Isport

Cristina Manzanillo
Tagaguhit ng Kartun

Marc Denver Salado, Nadine Agapinan, Dana Marie Salado


Mga manunulat

Gng. Virginia D. Valencia


Bb. Flordeliza B. Agcanas
Tagapayo

Rodolfo M . Mariano
Ulong guro III

Gng. Caroline P. Calili


Tagapagmasid Pampurok
Liham sa Patnugot

Mahal kong Patnugot,


Bago ang lahat, nais kong pasalamatan muli ang mga bumubuo sa patnugutan sa
pagkakaroon ng pagkakataon na maibahagi ang aming mga saloobin at natamong karangalan,
mga pangyayaring naganap sa mga buwang nagdaan sa amimg paaralan.
Sa pagkakataong ito muling kami ay nagpapasalamat sa aming mga tagapayo, ang
ulong guro III at lahat ng mga miyembro ng Pampaaraalang pahayagan,kung wala sila ay hindi
siguro mabubuhay at hindi naming maipararating aming mga gustong sabihin sa pamamagitan
ng pagsusulat.
Sa lahat ng Bumubuo ng “ UBBOG” maraming salamat po ,pagpalain nawa kayo ng
Poong maykapal. Mabuhay po kayo.

Lubos na gumagalang,
Marc Denver Salado
Mensahe:
Editoryal
Umarangkada! UBBOG Saan ka papunta?
Ni: Cistina Manzanillo

Ang muling pag-arangkada ng Opisyal na pahayagan sa Filipino ng mababang paaralan ng


Bacsil ay muli pinatunayan na sila lamang ay nararapat bigyang din halaga dahil nag-uwi muli
ang mga miyembro nito ng karangalan sa larangan ng pagsusulat noong nakaraang School Press
Conference na ginanap sa Bulwagan ng mababang paaralan ng West Central noong Nobyembre
3, 2015.
Ang pagsakay muli sa jeep ng “UBBOG ay muling pinatunayan na ang pagsusulat ay nasa
puso ng bawat mag-aaral. Sila ay nabigyan ng kakaibang talento upang maipahayag ang
kanilang mga saloobin at mabigyann pansin sa pamamagitan ng paghahahatid nila sa ating
pampaaralang pahayagan ang kanilang nais na pag-usapan, ang kanilang nais na iparating sa
kanilang mga guro at mga mga magulang, ang kanilang nais na baguhin, at kanilang mga
inaasam-asam. Di man nila ito kayang bigkasin pero kaya nilang isulat. At sa bawat pagpatak ng
tinta sa kanilang hawak na bolpen at lapis siguradong maipararating nila sa kinauukulan ang
kanilang hinaing.
Alam nating lahat na ang pagnanais na mabuhay muli ang “UBBOG”, tayo ay bumuo ng mga
baguhang batang manunulat, gaanu man kahirap ang pagbibigay ng kaalaman sa kanila,
nananalaytay sa kanilang mga ugat ang kakayahang magsulat at sila ay walang hirap na
haharapin ang mga pagsubok sa darating pang mga araw. Mawala man ang kanilang mga
tagapayo, san man sila pupunta, sisiguraduhin nilang hindi nila pababayaan mawalang muli ang
Pampahayagang pampaaralan dahil dito lang nila kayang ipahayag ang kanilang tunay na
nararamdam. Dito lang nila mararanasan ang paglipad ng malaya na walang paghatol sa
kanilang kakayahan, dito lang nila malalasap ang kaligayang sa murang edad ay kanilang
magagawa ng walang taong haharang sa gusto nila.
Ang pagsusulat ay buong pusong ginagawa hindi pinag-aaralan at hindi ginagawang
puhunan para sa sariling kapakanan.
Lathalain

Edukasyon: Kalasag sa Pag-unlad


Ni: Jane Agapinan
Anong mga pagpapahalaha ang makatutulong sa pag-unlad ng ating kakayahan?

Isa sa mga ito ang pagpapahalaga sa edukasyon.Ayon sa isang Kawikaan,” Mas maganda ang
kinabukasan ng atong may pinag-aralan”.

Maraming patunay na maraming kabataan nagtatapos sa elememtarya,Hayskul at maging sa


kolehiyo ay nakakamit ang magandang buhay.Dahil lamang sa pagsasakripisyo ng mga
magulang,ginagawa nilang arwa ang gabi kumita lamang ng kaunting pera upang may
maidagdag sa pang-araw-araw na gastusin.kaya’t pinagbubuti ng mga kabataang ang kanilang
pag-aaral dahil nakikita nila ang hirap at pagod sa kanilang mga magulang. Minsan pa may mga
kabataang nagtratrabaho sa araw samantalang nag-aaral sa gabi. Ibayong hirap ngunit pag
nakamit ang tagumpay lahat ng pagsasakripisyo ay mawawala. Kasiyahan at pagmamalaki ang
kapalit dahil natupad din sa wakas ang mga minimithing pangarap.

Kaya pahalagahan ang edukasyon dahil ito’y kalasag sa pag-unlad. Maraming umaasa sa atin
higit kaninuman ang ating mga magulang dahil gusto nating silang mabigyan ng magandang
buhay kahit sa mga nalalabing araw nila sa mundong ibabaw. Mabigyan lang sila ng konting
ginhawa sa buhay ay masasabi mong tagumpay ako sa aking tungkulin,maipagmamalaki ka na
ng ating bansang Pilipinas dahil sa patuloy na pag-usbong ng butil na naging puno at namunga
ng pagkarami-rami dahil dito kahit sino, ang Edukasyon ang patuloy na kalasag ng magandang
buhay.Hindi nananakaw ,hindi nakukuha bagkus dinadala ito kahit san ka magpunta.
Sa Puso ng Bawat Tao
Ni: Jane Agapinan

You might also like