You are on page 1of 10

EPEKTO NG PANINIGARILYO SA KALUSUGAN NG

MAG-AARAL NG HUMSS DEPARTMENT

Isang pananaliksik na iniharap para kay


Gng.Mary Jane B. Landig

Bilang pagpatupad sa pamahaging pangangailangan sa


Asignaturang pagbabasa at pagsusuri ng iba’t- ibang
Teksto tungo sa pananaliksik

Nina:
Adlia Sultan
Norhaiya Dalgan

Marso 2019
TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA 1

A. Rasyonal at kaligiran ng paksa

B. Paglalahad ng suliranin

C. Layunin at kahalagahan ng pag-aaral

D. Rebyu ng kaugnay na literatura

E. Teoritikal na gabay at konseptuwal na balangkas

F. Saklaw at delimitasyon

G. Daloy ng pag- aaral


KABANATA 1

A. Rasyonal at kaligiran ng paksa

Panimula

Ang paninigarilyo ay isang bisyo na kung saan ang mga kabataan ang

kadalasang gumagawa at gumagamit sa panahong ito. Malaya ang mga kabataan

na gawin ang paninigarilyo kahit saan at anumang oras. Ito ay nakakasama at

maaari itong magdulot ng hindi maganda sa buhay ng tao at ito ay nagbibigay sa

ating katawan. Ang bisyong ito ay walang naidudulot na kabutihan bagkus ay

dahan-dahan mong pinapatay ang iyong sarili at sinasayang ang buhay mo.

Sa panahon ngayon marami ang mga kabataan ang pumapasok sa bisyo

ng paninigarilyo,ginagawa nila itong panlibangan o panlipas oras pero hindi nila

alam ito ay nagdudulot ng masamang epekto sa kanilang kalusugan,pag -aaral

pati narin ang pakikipag-ugnay sa iba. Maari ring magdulot ito ng masamang

kalusugan sa taong nalalanghap ang usok, ito ay ang taong hindi gumagamit ng

sigarilyo kaya maari itong maapektuhan kahit na hindi ito naninigarilyo,tinatawag

itong second hand smoker ,kaya sa edad na pitong taong gulang hanggang labing

limang taong gulang ang ginagawa ang ganitong bisyo.Ito rinay kadalasan na

problema ng lipunan dahil sa maraming gumagagamit ng sigarilyo maraming tao

ang nagkakasakit at namamatay dahilan ng hindi magandang mga dulot ng

paninigarilyo sa tao. Kaya ito ang nagiging problema na ating lipunan sa panahon

ngayon dahil sa maraming gumagamit nito at nagiging dahilan ng pagkasakit at

pagkamatay ng isang tao dulot ng paninigarilyo.


B. Paglalahad ng suliranin

Sa panahon ngayon, ang mga kabataan ay nagsisimulang manigarilyo sa

edad ng pitong taon hanggang labing limang taong gulang. Ang paninigarilyo ang

nagiging dulot ng pagkasakit o pagkamatay ng tao dahil sa paninigarilyo. Ang mga

sanhi ng paninigarilyo ay katulad ng sakit sa puso,baga,kanser,diabetes at marami

pang iba.

Ang dulot ng paninigarilyo ay humihina ang katawan ng isang

tao,nahihirapang huminga,umuubo, sumasakit ang ulo at nagbabago ang pang-

amoy at panlasa.Maari ring makapagdilaw ng ngipin at makapagdulot ng

mabahong hininga.

Ang taong naninigarilyo ay tinatawag na user at ang taong nakakalanghap

naman ng usok ng sigarilyo ay tinatawag na second hand user kapag ang isang

taong hindi naninigarilyo ay nakakalanghap ng usok mula sa katabi o malapit sa

taong naninigarilyo ay may mas masamang dulot ito kaysa sa gumagamit ng

sigarilyo.ito ay may posibilidad na makaramdam ng pagkasakit ng ulo at iba pa.

Ang mga kabataan o anak na naninigarilyo ay may mas malaking posibilidad na

magkaroon ng sakit katulad ng bronchitis, pneumonia at sakit sa puso. Kaya

nagiging dahilan ito ng pagkamatay ng isang tao.

C. Layunin at kahalagahan ng pag-aaral

 Layunin ng pag-aaral

Sa pag-aaral na ito layunin nitong pag-aralan at alamin ang mga epekto ng

paninigarilyo sa kabataan at matulungan ang kabataang maiwasan ang

paninigarilyo.
1.Alamin ang sanhi ng paninigarilyo

2.Alamin ang bunga ng paninigarilyo

3.Alamin ang epekto ng paninigarilyo

 Kahalagahan ng pag-aaral

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang mabigyan ng tamang

kaalaman at kaisipan ang mga kabataang nasa murang edad na nalulong sa

bisyong paninigarilyo.Hindi lang para sa kabataan pati na rin sa mga taong hindi

maiwasang manigarilyo.ito rin ay makakatulong sa mga taong hindi naninigarilyo

para iwasan ang ganitong bisyo.Ang higit na kahalagahan ng pag-aaral na ito ay

nakakapagbibigay ng mahalagang impormasyon at makakatulong upang

mabawasan ang paninigarilyo sa lipunan.

D. Rebyu ng kaugnay na literatura

Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuang bilang ng

kabataang Pilipino, partikular na iyong nasa edad 7 hanggang 15, ang gunom na sa bisyo

ng paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50,000 Asian teenagers na

maagang natutong manigarilyo bunga ng kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang

humpay na promosyon nito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki

na nasa middle age ang namamatay dahil ditto. Inaasahang tataas pa ang bilang na ito

sa mga darating na buwan dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo sa mga kabataan, lalo

na sa Pilipinas.
Nalagdaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco Regulation

Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa

masamang epekto ng paninigarilyo. Sa ilalim ng batas na ito, bawal na ang paninigarilyo

sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng mga paaralan, ospital, mga terminal, restawran,

at iba. Bawal na rin ang pagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan,

at di na pagbebetahan nito ang mga menor de edad. Required din ang mga kumpanyang

gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning sa harapan ng kaha ng yosi. Iba-ban

na rin simula 2007 ang mga ads ng mga sigarilyo sa iba’t ibang media. Ayon sa

Malakanyang, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang

tumupad sa panawagan ng World Health Organization na i-regulate ng mga bansa ang

paggamit ng mga produktong may nikotina.Ayon kay Dr. Lain, ang paninigarilyo ay

nakapagpapasaya. Ito ang lumabas na resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Peninsula

Medical School sa United Kingdom sa pangunguna hinggil sa kaugnayan ng paninigarilyo

sa Psychological well-being ng tao. Sa kanilang pagsisiyasat, napag-alaman na ang mga

naninigarilyo ay nakararanas ng mababang antas ng kasiyahan at life satisfaction

kumpara sa mga hindi naninigarilyo. Ayon sa mga pag-aaral ang paninigarilyo ay

maaaring magdulot ng pagtaas ng blood pressure, paglapot ng dugo, kanser sa baga,

bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag at low birth weight at birth defects

ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taong naninigarilyo ay namamatay sa

mga sakit na dulot nito. Ang iba naman ay naghihirap ng maraming taon sa kanilang

kalusugan. Ang tar at Carbon Monoxide na nasa usok ng sigarilyo ay nakakirita at sumisira

sa mga baga tuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang pangangati ng lalamunan ay

kalaunang magiging ubo. Kapag nagtagal ay magdudulot ito ng paparaming plema. Ang

mga ito ay paraan n gating mga katawan ng pagprotekta sa usok. Kapag itinuloy pa rin

ang paninigarilyo, maaaring magkaroon ng sipon at trangkaso, pati na rin bronchitis,

pneumonia at iba pang malalang sakit sa puso. Sa kalaunan ay maaari pang magkaroon
ng emphysema ang isang taong naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang bahagi o

kabuuan ng mga baga. Habang lumalala ang sakit, ay mahihirapan na ito sa paghinga at

maging sa paglakad. Ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ng emphysema.

May apat na milyong kabataang Filipino sa pagitan ng edad na 11 hanggang 19

ang naninigarilyo na, ayon sa magkatuwang na pag-aaral ng Department of Health (DoH)

at World Health Organization (WHO). Batay sa pag-aaral na pinamagatang “Global Youth

Tobacco Survey," mahigit 60 porsyento o 2.7 milyon mula sa bilang ng mga kabataang

naninigarilyo ay pawang mga lalaki samantalang 1.4 milyon ang mga babae. Isinaad din

sa pag-aaral na walo mula sa 10 sa mga na sakop ng pag-aaaral ang nakakita ng mga

patalatastas na tumatangkilik sa sigarilyo noong 2007. Nagbabala si Dr Maricar Limpin,

executive director ng Framework on Tobacco Control of the Philippines Alliance, na

patuloy na darami ang mga kabataang naninigarilyo hangga’t hindi ipinagbabawal ang

patalatastas sa paggamit ng tabako. Ayon kay Limpin, noong 2005 ay nasa pagitan

lamang ng 17 hanggang 18 porsyento ang bilang ng mga kabataang naninigarilyo

samantalang umakyat ang bilang sa 23 porsyento noong 2007.


E. Teoritikal na gabay at konseptuwal na balangkas

EPEKTO NG
PANINIGARILYO

MGA MAG AARAL NG


HUMSS DEPARTMENT

SANHI BUNGA

Ang modelong nakalarawan ay tumutukoy sa epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng

mag-aaral ng Humss Department at ipinapakita ang sanhi at bunga nito.


F. Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa mga masasamang epekto ng

paninigarilyo maging ang sanhi at bunga ng paninigarilyo. Ang saklaw ng pag aaral

na ito ay patungkol sa epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng mag aaral ng

Humss Department.

Ang pag-aaral ay isasagawa sa loob ng Tacurong National High

School,Senior High Tacurong City,Sa panahon ng akademikong taon 2018-2019.

G. Daloy ng pag-aaral

Tinatalakay sa unang parte ng pananaliksik ang tungkol sa epekto ng

paninigarilyo sa kalusugan ng mag-aaral ng Humss Department.kabilang rito ang

sanhi at mga dahilan ng paninigarilyo.

Ang ikalawang parte ng pag-aaral ay tinatalakay ang mga dulot ng

paninigarilyo at kinikilala ang mga taong gumagamit ng sigarilyo. Naglalaman din

dito ang pag-alam ng mga maaring maidulot nito maging sa kalusugan ng

kabataan.

Ang huling parte ng pananaliksik ay nakasentro sa totoong epekto ng

paninigarilyo sa mga kabataan at ipinapakita rito ang sanhi at bunga ng

paninigarilyo.

You might also like