You are on page 1of 3

Paglisan (Buod)

Things Fall Apart ni Chinua Achebe


Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
Nagmula sa isang hindi kilala at hindi kalakihang tribo ng mga Umuofia,sa Nigeria ang isang matapang na
at respetadong mandirigma na si Okonkwo.
Bata palamang ay nagpamalas na ng angking katapangan si Okonkwo, Dahil dito, kinilala si Okonkwo sa
buong Umuofia hanggang Mbaino. Dumaan pa ang mga panahon ay marami pang mga pagkakataon na
ipinamalas ni Okonkwo ang kanyang katapangan upang mapagtakpan ang nilalaman ng kanyang loob
para sa amang si si Unoka.
Bukod sa katamaran ng kanyang ama,ay nag-iwan pa ito ng napakaraming utang at pibabayaan sila.
Pinatunayan ni Okonkwo na siya ay naiiba sa kanyang ama at upang magawa ito, pinamunuan niya ang
siyam na nayon. ‘Di naglaon ay tatlo ang nagging asawa ni Okonkwo, nakapag pundar din siya ng mga
ari-arian patunay lamang ng kanyang kasipagan. Dahil dito siya ang kinilalang lider ng kanilang tribo at
siya ang pinili ng mga kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna. Ang ama ni Ikemefuna ay nakapatay ng
isang babaeng Umuofian kaya is Ikemefuna bilang tanda ng pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan
ng Umuofia at isang nayon. Kinuopkop ni Okonkwo ang batang lalaki, magiliw na pinatira sa kanilang
tahanan at itinuring naman siya ng bata bilang pangalawang ama.
Habang sila ay naglalakbay, biglaan sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin, ngunit
nagawang makatakas ng kawawang bata. Humingi ng saklolo si Ikemefuna sa kay Okonkwo. Habang
nasa harapan ng kanyang pinamumunuan kailangan mamili ni Okonkwo at upang ipakita ang
katapangan sa harap ng mga kanayon, pinili niyang patayin ang bata sa kabila ng paghingi nito ng
saklolo.
Umuwi si Okonkwo na mag-isa. Dahil sa pagkamatay ni Ikemefuna, hindi siya makatulog, hindi rin
makakain at hindi makapag-isip ng maayos si Okonkwo dahil sa ramdam pa rin niya ang pagkakamaling
kanyang ginawa. Kaya nagpasya ito na himingi ng payo sa kanyang kaibigan na si Obierika.
Lumipas ang mga panahon, nabalitaan nalamang ni Okonkwo na patay na pala si Ogbuefi Ezeudu ang
matandang nagbigay sa kanyan ng babala tungkol sa pagpaslang kay Ikemefuna. sa di malamang dahilan,
umalingawngaw ng malakas na putok ng baril sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu. Tinamaan
ng baril ni Okonkwo ang labing-anim na taong gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangan
pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang krimen dahil ito ay isang mortal na kasalanan sa dyosa ng lupa.
Napagpasyahan na ipatapon si Okonkwo at ang kanyang pamilya sa Mbanta. Malugod naman silang
tinanggap ng mga kaanak lalo na ng kanyang tiyuhin na si Uchendu. Sinuportahan si Okonkwo na
makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng kanilang
munting kabukiran.
Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong iyon matiyagang kinukuha
at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa dating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang
pinagbilihan kay Okonkwo. Isang masamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang
nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw ng mga puti ang Abame, isa ding pamayanan
ng mga Umuofia.
Isang araw may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang interpreter na si G. Kiaga,
kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta upang ipakilala ang simbahan,
ngunit ito ay hindi nagging madali. Hindi naglaon, nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James
Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa
pagsamba sa Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu ito ay katumbas
ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang
simbahang itinayo nina Rev. Smith.
Ikinalungkot ng komisyoner ng distrito ang nangyari sa kanilang simbahan at nagpatawag ito ng isang
pagpupulong kasama ang mga pinuno ng mga Umuofia. Sa pulong, ipina-aresto ang mga dumalong
pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Hindi rin nagtagal ay pinalaya na ang mga bilango at
napagkasunduang tumiwalag. Dahil sa pagaakalang nais ng mga kaangkan na maghimagsik nagawang
patayin ni Okonkwo ang pinuno ng mga mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya ngunit ang totoo ay
hindi pa handa sa giyera ang mga kaangkan niya.
Dahil sa pagkakamaling ito, iimbitahan sana ng komisyoner si Okonkwo para sa isang pandinig ngunit ng
Makita nbila si Okonkwo, ito ay natagpuang nakabigti. Nagimbal ang buong nayon sa nangyari sapagkat
si Okonkwo ay kilala dahil sa mga nagawa nito at sa katapangan at dahil sa pagpapatiwakal ni Okonkwo,
matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.” Sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan.

TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang akda ay mayroong iba't ibang tema, makikita dito ang pagpili sa pagbabago o pananatili sa
kinagisnang tradisyon ng kanilang tribo, ang tunay na pagpapakahulugan sa pagkalalaki at ang huli ay
ang wika bilang tanda ng pagkakaiba ng ating kultura. Sa ilalim ng unang tema na 'pagpili sa pagbabago o
pananatili sa kinagisnang tradisyon' nakita ito sa akda kung saan pinili ng karamihan sa mga kasapi ng
tribo ang sumapi sa Kristiyanismo na dala ng mga taga kanluranin sa kadahilanang ang mga tao sa
Umuofia ay nasasabik sa mga oportunidad na maaaring iparanas ng mga misyonero sa kanila. Sa
kabilang banda, pinili ni Okonwo na huwag sumali sa pagbabagong hatid ng mga 'puti' dahil sa siya'y
naniniwala na ikakadagdag ito ng kanyang pagkalalaki at ang tradisyong kanyang kinagisnan ay may
malaking papel sa kanyang pagpapahalaga sa sarili. Sunod naman ay ang temang 'ano ba ang tunay na
pagpapakahulugan sa pagkalalaki?' na kung saan pinili ni Okonkwo na magpanggap ng kanyang tunay na
pagkatao dahil sa nais niyang lamangan ang kaniyang ama na naniniwalang siya ay mahina. Kung kaya sa
loob ng ilang taon siya ay nagsanay upang patunayan sa kanyang ama na siya ay malakas at may
kakayahang mamuno. Naging daan din ang paniniwalang ito ni Okonkwo upang maging bayolente sa
kanyang mga asawa at pagiging laging galit o malamig ang pakikitungo sa iba ngunit ang hindi niya alam
ay sa patuloy niyang pagpapangap ay nagiging sarado na ang kanyang isipan. Sa ilalim naman ng huling
tema na 'ang wika ay tanda ng pagkakaiba-iba ng kulutura' pinili ni Achebe na gawin ang akdang ito
gamit ang wikang Ingles at hindi ang kanilang wika dahil ang tunay na intensyon ni Achebe ay ipabasa ito
sa mga Kanluranin at ipamuka ang tunay na 'Nigeria' at isang daan na para gawin ito ay ang paggamit ng
wikang Ingles bilang midyum ng nobela. Ang paksa ng nobela ay patungkol sa pagpasok ng mga taga-
Kanluran partikular na ang mga misyonerong Briton at kung paano bumagsak o tuluyang naglaho ang
mga kinagisnang tradisyon ng Nigeria.

Si Okonkwo ay isang matapang at respetadong mandirigma sa Umuofia hanggang Mbaino. Ipinamalas


niya ang kanyang katapangan upang mapagtakpan ang nilalaman ng kanyang loob para sa amang si
Unoka.Pinamunuan niya ang siyam na nayon. Dahil dito siya ang kinilalang lider ng kanilang tribo at siya
ang pinili ng mga kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna. Kinuha ang batang lalaki bilang tanda ng
pagkakasundo sa kapayapaan ng Umuofia at isang nayon matapas makapatay ang ama ni Ikmefuna ng
babaeng Umuofian. Habang sila ay naglalakbay, biglaan sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna
upang patayin, ngunit nagawang makatakas ng kawawang bata. Humingi ng saklolo si Ikemefuna sa kay
Okonkwo. Habang nasa harapan ng kanyang pinamumunuan kailangan mamili ni Okonkwo at upang
ipakita ang katapangan sa harap ng mga kanayon, pinili niyang patayin ang bata sa kabila ng paghingi
nito ng saklolo. Umuwi si Okonkwo ng mag isa. Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo matapos sa
kanyang pagkakamaling ginawa.Nagpasya itong tumungo sa kanyang kaibigan na si Obrieka.Lumipas ang
mga panahon, nabalitaan nalamang ni Okonkwo na patay na pala si Ogbuefi Ezeudu ang matandang
nagbigay sa kanyan ng babala tungkol sa pagpaslang kay Ikemefuna. sa di malamang
dahilan,umalingawngaw ng malakas na putok ng baril sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu.
Tinamaan ng baril ni Okonkwo ang labing-anim na taong gulang na anak ng yumao. Napagpasyahan na
ipatapon si Okonkwo at ang kanyang pamilya sa Mbanta. Malugod naman silang tinanggap ng mga
kaanak lalo na ng kanyang tiyuhin na si Uchendu.Matiyagang kinukuha at inaani ni Obrieka ang mga
pananim upang ibenta at ibigay kay Okonkwo ang kita.Isang masamang balita naman noon ang
ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw ng mga
puti ang Abame, isa ding pamayanan ng mga Umuofia. Isang araw may mga dumating na misyonero sa
Mbanta Hindi naglaon, nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at
bugnuting misyonero. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng
Lupa hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu ito ay katumbas ng pagkitil sa espiritu ng
mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina
Rev. Smith. Ikinalungkot ng komisyoner ng distrito ang nangyari sa kanilang simbahan at nagpatawag ito
ng isang pagpupulong kasama ang mga pinuno ng mga Umuofia. Sa pulong, ipina-aresto ang mga
dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Hindi rin nagtagal ay pinalaya na ang mga bilango at
napagkasunduang tumiwalag. Dahil sa pagaakalang nais ng mga kaangkan na maghimagsik nagawang
patayin ni Okonkwo ang pinuno ng mga mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya ngunit ang totoo ay
hindi pa handa sa giyera ang mga kaangkan niya.Dahil sa pagkakamaling ito, iimbitahan sana ng
komisyoner si Okonkwo para sa isang pandinig ngunit ngmakita nila si Okonkwo, ito ay natagpuang
nakabigti. Nagimbal ang buong nayon sa nangyari sapagkat si Okonkwo ay kilala dahil sa mga nagawa
nito at sa katapangan.

1. UMUOFIA
2. IKEMEFUA
3. ANINTA
4. UMUAZU
5. MBAINO
6. ABAME
7. ELUMELU
8. IKEOCHA
9. MBANTA

Ang akdang ito ay may mabigat na epekto ng kolonyalismo sa mga katutubong tao ng Africa , bilang
karagdagan sa pagsusuri sa mga tradisyunal na kultura ng tagabaryong Nigerian sa nobela.Ang
paghihimagsik at pagpapakamatay ni Okonkwo ay nagdala ng pasipikasyon ng mga primitibong tribo
ng mas mababang Niger.

You might also like