You are on page 1of 8

Florante At Laura

Florante: Diyos ko! Bigyan niyo po ng katarungan ang kasamaang nangyayari sa


Albanya. Naglipana ang kalupitan, karahasan at pagsasamantala sa kapwa.
Kagagawan lahat ito ni Konde Adolfo! Nang dahil sayo Adolfo! Isa kang traydor
at ang babaeng pinakamamahal ko ay iyong inagaw sa akin *umiyak* Laura!
Laura! Bakit mo ko pinagpalit kay Adolfo? Meron ba akong pagkukulang para
nagawa mo iyon. Laura, minahal kita ng buong puso pero iniwan mo lang ako
para sa isang taksil na katulad ni Adolfo!

(CUT)

Aladin: *pinuputol ang mga damong nakaharang* *tumigil* -nasa isip- Taksil! Isa kang
taksil Ama. Sa dinami daming babae ba’t ang pinakamamahal ko pang si Flerida.

(CUT)

Florante: Tulong! Tulungan niyo ako!


Aladin: *narinig si Florante* Kaninong tinig ba iyon? *pinuntahan niya si Florante, pinatay
ang leon at pinutol ang lubid*
Florante: Maraming sala- *nahimatay*
Aladin: *sinalo si Florante at umalis*

(CUT)

Florante: *minulat ang mata* *nagulat* Ika’y..Ika’y…Ika’y isang Moro! Sino ka?! Hindi ako
makapaniwalang isang Moro ang nagligtas sa akin.
Aladin: Ako si Aladin at oo, isa akong Moro. Nakikita ko saiyon pananamit na ika’y taga
Albanya. Kahit ang bayan man nati’y magkaaway itinuturing kitang kaibigan.
Paano ka nga pala napunta roon?
Florante: Maraming Salamat sa pagligtas mo sa akin. Ako nga pala si Florante at ito ang
kwento ko.

*Introduction of Florante at Laura (Introducing of characters)*

*Dinagit ng buwitre si Florante*


Prinsesa Floresca: Florante! Anak ko!
Menalipo: Ako po ang bahala sa buwitreng iyan.
Prinsesa Floresca: Mag-iingat ka Menalipo.
*Pinana ni Menalipo ang buwitre, pagkatapos binigay kay Floresca ang kanyang anak*
Prinsesa Floresca: Anak ko! Maraming Salamat Menalipo, halika’t pumasok na tayo.
(CUT)
=Pagkalipas ng 8 taon=

Duke Briseo: Florante anak, kailangan mong mag-aral sa Atenas para mahasa ang iyong
kakayahan at kaalaman.
Prinsesa Floresca: Hindi maaaring mag-aral si Florante sa Atenas. Ayoko siyang
mawalay sa aking piling.
Duke Briseo: *Nilapitan si Floresca at minasahe ang balikat* Ngunit Floresca kailangan
niya ito para matuto na siyang tumayo sa sarili niyang paa at para rin ito sa
kinabukasan niya.
(CUT)

=Atenas=

*Pagdating ni Florante sa Atenas*


Antenor: Maligayang pagdating sa Atenas Florante.
Florante: Maraming Salamat po.
Antenor: Halika’t ipapakilala kita.
*Ipinakilala ni Antenor si Florante sa kanyang mga estudyante*

(CUT)

=Makalipas ang 6 na taon=

Antenor: Magaling ka pala sa Astrolohiya, Pilosopiya at Matematika.


Florante: Maraming Salamat po.

(CUT)

Antenor: Tayo ay magkakaroon ng isang pagsasadula, si Florante ang bida *humakbang


paabante* habang si Adolfo naman bilang kontrabida *humakbang paabante*
Adolfo: *tumingin kay Florante ng masama*

(CUT)

*Nagsasadula si Florante sa harap*


Adolfo: *Sa Isip* Ikaw ang umagaw ng kapurian ko! Dapat lang sayo na mamatay!
*tumingin-tingin* *nakita ang espada* *kinuha at sinugod si Florante*
Menandro: *Nakita* Florante! *hinarangan si Adolfo* *naglaban* *natalo si Adolfo*

=Kinaumagahan=
Antenor: Adolfo dahil sa ginawa mo kay Florante ay pwede ka ng umalis sa Atenas.
Adolfo: *nakayuko* Tatangapin ko po ang inyong desisyon. *umalis*

(CUT)

=Matapos ang isang taon isang sulat ang natanggap ni Florante=

Florante: *nagulat* *nabitawan ang sulat* *napayuko* HINDI, Ina bakit mo ko iniwan, Ina!!
Hindi ka pwedeng mamatay. INA!

(CUT)

=At dahil dito muling babalik si Florante sa Albanya=

Antenor: Maraming Salamat Florante at ika’y aking naging estudyante, mag-iingat ka palagi.
Florante: Maraming Salamat po, tatandaan kop o ang inyong binilin sa akin.
Menandro: *hinawakan ang balikat ni Florante* Mag-iingat ka Florante at kapag may
kailangan ka nandito lang kami para sayo.
Antenor: Menandro, sumama ka na lang kay Florante pabalik sa Albanya
Menandro: Maraming Salamat po.
Florante: Paalam na po at kami’y mauuna na.

=Albanya=

Florante: Ama!
Duke Briseo: Anak! *yakap*

(CUT)

Kawal: Magandang Araw po, pasensya na po sa abala ngunit nangangailangan po ng tulong


ang Krotona na sa inyo dahil nanganganib na itong masakop ni Heneral Osmalic.
Duke Briseo: *tinaggap ang sulat at binasa* Aasahan ninyo ang tulong naming. Florante
samahan mo akong pumunta kay Haring Linceo.
Florante: Opo

(CUT)

Duke Briseo: Mahal na Hari, ito ang aking anak na si Florante


Haring Linceo: Ikaw pala si Florante, palagi kitang nakikita sa aking panaginip. Ikaw ang
siyang papalit sa aking trono, tulungan mo ang iyong ninuno para makamit
ang karangalan.
Florante: Maraming Salamat po.
(CUT)
Laura: *tumingin-tingin sa mga bulaklak*
Florante: *tumingin-tingin* Mahal na Hari pwede ko bang malaman ang pangalan ng
binibining iyon?
Haring Linceo: Ah, siya nga pala ang aking anak na si Laura. Dito ka muna Florante at
kami’y mag-uusap pa ng iyong ama.
Florante: Sige po.

(CUT)

Florante: Magandang Umaga sa iyo binibini, ako nga pala si Florante


Laura: Magandang Umaga rin sa iyo Florante.
Florante: Ang iyong ganda ay nakakabighani.
Laura: Maraming Salamat sa iyong papuri
Florante: Sana’y makilala pa kita ng husto. Halika’t pumasok na tayo sa loob dahil malapit
ng magtakipsilim.

=Makalipas ang tatlong araw=

Duke Briseo: Handa ka na ba?


Florante: Handa na po ako ama
Haring Linceo: Mag-iingat ka
Florante: Maraming Salamat po, magpapaalam muna ako kay Laura.
Haring Linceo: Sige

(CUT)

Florante: Laura!
Laura: Mag-iingat ka Florante *hinawakan ang pisngi*
Florante: *kinuha ang kamay at hinawakan* Mag-iingat ako para sayo *yakap*

(CUT)

Florante: Sugod! *sabay turo* *naglaban at nanalo* Mabuhay ang Albanya!


Mga Kawal: Mabuhay! *sabay taas ng mga espada*

(CUT)

=Limang Buwan sa Krotona=

Florante: Limang buwan na ng huling punta ko sa Albanya


(CUT)
=Albanya=

Florante: Ano ba ang nangyari sa Albanya? Ba’t iba na ang bandilang iwinawagayway?

(CUT)

Kaaway: Sino kayo?! Ba’t kayo nandito?


Florante: Kami ang taga Albanya
Kalaban: Mga Kristiyano!
Tauhan ni Florante: Sugod!
*Naglaban* *Kinuha ni Florante si Laura* *Nanalo*

(CUT)

Florante: Ayos ka lang ba binibini?


Laura: *kinuha ang tela sa kaniyang ulo* Ako ito Florante.
Florante: Laura! *yakap* Ayos ka lang ba?
Laura: Oo, ayos lang ako ngunit Florante ang aking ama.
Florante: Ililigtas natin sila.

(CUT)

*Iniligtas ni Florante sina Adolfo, Duke Briseo at Haring Linceo.

(CUT)

=Etolya=

Kawal: Magandang Hapon po, ang Hari ay nagpadala ng sulat na nagsasabing pinapauwi
niya na raw kayo sa Albanya.
Florante: *kinuha ang liham at binasa* Menandro, babalik ako sa Albanya, pinapupunta ako
ng hari. Ikaw muna ang mamahala dito.
Menandro: Ikinararangal ko ito, mag-iingat ka Florante.

=Albanya=

Florante: *naglalakad papuntang kaharian* *tinutukan ng espada ng mga kawal* Anong ibig
sabihin nito?
Kawal: Sumama ka na lang sa amin kung ayaw mong masaktan.

(CUT)
Adolfo: Kumusta ka na Florante? Kay tagal nating hindi nagkita. Kwentuhan mo naman ako.
Florante: Traydor ka Adolfo! Nasaan si Laura?!
Adolfo: Huminahon ka lang Florante, nasa mabuti siyang kalagayan ngunit ikinalulungkot ko,
nagpaalam na ang iyong ama na si Duke Briseo.
Florante: Hayop ka Adolfo! Papatayin kita!
Adolfo: Mga Kawal, alisin niyo yan sa harapan ko!

(CUT)

*binugbog si Florante*

(CUT)

*iginapos si Florante sa gubat*

(CUT)

Florante: At doon nagtapos ang kwento ko.


Aladin: Hayaan mong ako naman ang magsalaysay ng aking buhay. Anak ng bantog na
sultan Ali- Adab. Kaya ako nandito dahil ako ay pinagtaksilan ng sarili kong ama.

=Samantala=

Laura: *tumatakbo* *nadapa* Huwag! *paatras ng paatras* Maawa ka sa akin, Tulong!


Tulongan niyo ako!
Adolfo: Shhh, huwag kang maiingay *palapit ng palapit sa leeg*

(CUT)

Flerida: Anong ingay ba iyon? *pinuntahan*


Laura: Huwag! Tulong!
Flerida: *nakita* *pinana si Adolfo*
Adolfo: Ughhh!
Flerida: Halika na *tinulungan makatayo si Laura*

(CUT)

Aladin: Naririnig mo ba ang boses na yun?


Florante: Tinig ng, nag-uusap?
Aladin: Halika’t puntahan natin.
(CUT)

Flerida: *inalalayan si Lauara* Nang mabalitaan ko na pupugutan ng ulo ang aking


minamahal, ako ay nagmakaawa sa hari na huwag na itong ituloy, matapos nito, ako
ay nagdamit gerero upang makatakas sa kaharian.

(CUT)

Florante: *nakitang dumaan sina Laura* Laura?


Laura: *tumingin* Florante? Florante!
Flerida: *tumingin* Aladin!
Aladin: Flerida!
*nagyakap*
Florante: *kumalas sa yakap* Paano ka pala napunta dito Laura?
Laura: Balak akong pagsamantalahan ni Adolfo buti na lang at nakita ako ni Flerida.
Flerida: Ako’y naawa kay Laura ng nakita kong nilalapastangan siya ni
Adolfo kaya kinuha ko ang busog at palaso at pinana ko sa dibdib.
Florante: Maraming salamat sayo Flerida.

(CUT)

Menandro: *lumilinga-linga* Adolfo! Adolfo!


Florante: Menandro?
Menandro: Florante, aking kaibigan! Ayos ka lang ba?

(CUT)

=Pagbalik nila Florante sa Albanya=

*kasal*

=WAKAS=

You might also like