You are on page 1of 10

FLORANTE AT LAURA

8-E
Production Manager: Justine Book
Scriptwriters: Izzel Salapar & Julianne Sarabia
Director: Acell Espago & Janica Pangilinan
Stage Managers: Edilyn Dino & Cedric Adajar
Props: Irish Arvesu, Ainsley Pineda, Marianina Paulino, & Eunice Velez
Music: Angelo Batista, James Rafols, Timothy Arde & Marc Argana
Costume & Make-up: Nerylle Kwan, Abigail Ruiz, Elizabeth Aberion, & Colline Bautista
ACTORS
Florante: Cedric Adajar
Lolo: Madoka Yamamoto
Laura: Krisha Millo
Adolfo: Kyle Rivera
Aladin: Willem Dimas
Flerida: Audrey Lingatong
Menandro: Carlo Burgos
Heneral Osmalik: Kaier Pereyra
Haring Linceo: Yulver Maynes
Duke Briseo: Ralph Camerino
Sultan Ali-Adab: Imbrahim Bassig
Extra: Leia Yambao, Francesca Legaspi, Sharmaine Cabaluna, Nina Carambas, Jewel David, Julian
Obierna, Rusher Lanuzga, Reichel Baytan, & Ethea Lagaya

Florante at Laura
*Uupo ang isang matandang lalaki sa gitna.*
Lolo: Ah, halina. Dito. Mayroon akong munting kwento. Isang kwento tungkol sa
pagmamahalan ng dalawang tao si Florante at Laura. Isang tunay na pagmamahal na aking lubos
na ikinagagalak. Maaari niyo akong tawaging Lolo Nanting.
* Ang kurtina ay sasara at muling magbubukas *
Lolo: Nakarating sa Albanya si Menandro at ang kanyang kaibigan na si Florante.
* Ang kurtina ay sasara at muling magbubukas *
Florante: Duke Briseo, Aking ama.
Duke Briseo: O Anak salamat ligtas ka at hindi ka napahamak.
*Florante ay napaluha*
Duke Briseo: Huwag ka nang umiyak. Alam ko ang parikamdam, Anak. Sa pagkamatay ng
iyong ina, akoy nagdusa din. Huwag ka na mag-alala.
Florante: Bakit?, Ama. Bakit?
*Duke Briseo ay yayakapin ang anak.*
*Ang kurtina ay sasara at muling magbubukas*
Lolo: Biglang, dumating ang sugo, dala ang isang sulat galing sa Hari ng Krotona na humihingi
ng tulong sapagkat nilusob ang Krotona ni Heneral Osmalik ng Persiya. Ito ng bantog na si
Prinsipe Aladin na hinahangaan ni Florante at ayon sa balitay kilabot sa buong mundo. Doon
masakit man sa loob, pumayag din ang ama ni Florante nang itoy hirangin ng hari na heneral ng
hukbo. Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama.
*Ang kurtina ay sasara at muling magbubukas*
Duke Briseo: Kailangan na nating ipaghanda ka sa itong laban. Maging matatag ka ,Anak.
Ipaglaban ang kaharian!
Florante: Masusunod.
*Haring Linceo at Laura ay sasalubong sa kanila.*
Haring Linceo: Maligayang pagdating sa Albanya.
Duke Briseo: Aking hari. Salamat *bows*

Laura: Ikinagagalak namin.


*Ang kurtina ay sasara at muling magbubukas*
Lolo: Nakilala ni Florante ang anak ng Haring Linceo na si Laura. Sa tatlong araw, ito ang
piging ng hari para kay Florante. Sa loob ng panahong ito ay di man lamang nakausap ni
Florante nang sarilinan si Laura pero sa kabutihang-palad, isang araw bago umalis si Florante
upang makidigma, nakausap nito ang dalaga.
*Ang kurtina ay sasara at muling magbubukas*

(Isang hardin o isang bahagi ng palasyo)


Florante: Laura, mayroon akong sasabihin.
Laura: Ano iyon?
Florante: Sana makinig ka sa aking sasabihin dahil importante ito para sa akin. Sa nakalipas na
mga araw, ikaw ay isang kagandahan na nagkakasilaw. Ang kagandahang katulad kay Venus.
Aking gustong sabihin na ikaw ang aking minamahal. Sana huwag kang magugulat sapagkat
itoy ang aking nararamdam para sa ito.
Laura: ( hindi makapagsalita at simulang napahula at umalis)
Florante: Laura!
*Ang kurtina ay sasara at muling magbubukas*
Lolo: Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang bunga ng
pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na halos
mawasak na ang kaaway ang kuta ng Krotona. Limang oras naglaban si Florante at si Heneral
Osmalik ng Persiya. hanggang sa mapatay si Osmalik.
(Florante ay naglalaban kay Osmalik)
*Ang kurtina ay sasara at muling magbubukas*
Lolo: Ipinagbunyi ng taong-bayan si Florante. Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit
nang bumalik sa Albanya si Florante upang makita si Laura.
*Ang kurtina ay sasara at muling magbubukas*

Florante: Akoy gustong makita si Laura. Sana mabuti ang kanyang kalagayan. Pero ano iyon?

*Florante ay may nakahanap*


Florante: Hindi maaari.
*Ang kurtina ay sasara at muling magbubukas*
Lolo: Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway sa Albanya ang bandilang Moro.
Pinatigil muna ni Florante ang kanyang hukbo. May natanaw sila tila isang babae ay pupugutan
ng ulo. Dali-daling lumusob at lumaban sa mga Moro.
*Ang kurtina ay sasara at muling magbubukas*

Florante: (lumapit sa babae)


Florante: Ayos ka ba, munting binibini?
Laura: Florante?
Florante: Aking Laura! (yinakap si Laura)
Laura: Florante!
(Adolfo ay lalabas)
*Ang kurtina ay sasara at muling magbubukas*

Lolo: Pinakawalan ni Florante ang hari, ang kaniyang ama at ang iba pang bilanggong
kinabibilangan ni Adolfo. Lalong nainggit si Adolfo, isang taong may masamang kaugnay tungo
kay Florante. Naagaw ni Florante kay Adolfo si Laura. Dahil dito, muling nagbalak si Adolfo na
ipahamak si Florante.
Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya sa pamumuno ni Miramolin.
Ngunit natalo ng lalaki si Miramolin. Naging sunod-sunod ang tagumpay ni Florante hanggang
sa umabot sa labingpitong mga haring nagsigalang sa kanya.
*Ang kurtina ay sasara at muling magbubukas*

*Kasiyahan dahil sa sunod-sunod na tagumpay* *biglang may lumapit na tagahatid ng sulat*


Messanger: *may binulong kay florante at ibinigay ang sulat* *nawala ang ngiti ni florante*
Florante: Mga kasama, paumanhin, may importante lamang akong dapat daluhan.

*umalis si Florante upang basahin ang sulat*


Makapangyarihang Florante,
Paumanhin sa biglaang pagdating ng sulat, na walang anumang pahintulot. Marami ka
ng nagawa para sa Albanya, ngunit ngayon nais ko ulit humiling. Nais ko sanang muli kang bumalik sa
Albanya dahil sa isang malalang peligro ang tumama. Napakalaking tulong na ang nagawa mo para sa
Albanya, ngunit kailangan ka namin. Sana ay maintindihan mo ang aking pakay, na para sa ikabubuti ng
marami. Kung maaari, ikaw nalamang magisa ang bumalik sa kaharian ko, ayaw ko ng abalahin ang
iyong hukbo.
Sa iyo tunay, ang Hari ng Albanya

*nang mabasa ni Florante ang sulat, tinawag niya si Menandro*


Florante: Aking tapat na Kaibigan, ibig kong iwan sa iyo ang aking hukbo na pinamumunuMenandro: Ano? Bakit?!
Florante: Ang hari ay nais akong pabalikin sa Albanya.
Menandro: Hindi ba maaari na, kamiy sumama nalamang?
Florante: Hindi ko nais, na mabagabag pa kayo sa paglalakbay patungong Albanya. Kaya
namay ditto nalamang kayo at magdiwang sa pagkapanalo natin laban sa Etolia. Maaari mo
bang pagbigyan ang aking nais?
Menandro: *sigh* Para naming may magagawa pa ako upang mapigilan ang isang katulad mo.
Florante: Maraming salamat, kaibigan. Huwag kang magalala, kakayanin ko ito. *bro hug*
Lolo: Gabi na ng dumating si Florante sa Albanya, at nagulat siya sa sumalubong sa kanya.
*Mga kawal ay lalabas **kinuha si Florante at itinali**dinala sa loob ng Albanya* *NAKITA
NIYA SI ADOLFO NA SUOT ANG CORONA NG HARI*
Adolfo: Ang magiting na Florante, nakagugulat naman ang pagdating mo, Ano ang maaari
maipaglingkod ko?
Florante: WALANG HIYA KA! ASAN NA ANG HARI?! BAKIT MO SUOT YAN?! ANONG
GINAWA MO!?
Adolfo: Ang hari? Tinitingnan mo na siya. *mocking tone*
Florante: SINUNGALING! KAHIT KELAN HINDING-HINDI KA KARAPAT-DAPAT NA
MAGING HARI! *Laura tumatakbo*
Laura: FLORANTE! FLORANTE!!!

*mga kawal ay nagtitigil kay Laurasa paglapit*


Florante: LAURA!! PAKAWALAN NIYO SIYA, WAG NIYO SIYANG SASAKTAN KUNG
HIN--Adolfo: Kung hindi ano?! Ano gagawin mo?!?! WALA! Kasi nakagapos ka sa harapan ko, na
parang nahuling leon!
*Adolfo lumalapit kay Laura*
Adolfo: Wala ka ng magagawa Florante! Akin na ang pinakahihiling mong kasintahan. sa loob
ng labing walong araw. Habangbuhay na siyang mapapasaakin. At ang pinakahinahangaan mong
hari, wala na. Patay na, parang ang kagaling-galing mong tatay.
*Florante, umiiyak.*
Adolfo: *Ngiti * Alisin niyo na siya.
Laura: FLORANTE!! WAG! HINDI!!
*Dinala si Florante sa gubat. At doon itinali sa punong Higera*
*Ang kurtina ay sasara at muling magbubukas*
Isa sa mga bata: Hala! Lolo Nanting, ang sama nung Adolfo, at akala ko ba magaling si
Florante, bat hindi man lang siya lumaban?
Lolo: Hindi sa lahat ng pagkakataon natutupad ang lahat base sa gusto natin, pati ang mga bida
sa istorya may karapatan ring masugatan, dahil tao lang sila katulad natin.
*Ang kurtina ay sasara at muling magbubukas*
(Gubat)
Aladin: Paumanhin kung akoy nagiging ilungan. Ngunit grabe ang pinagdaanan mo. Gagawin
ko ang lahat upang, matulungan ka. Huwag kang magalala. Ako si Aladin, ang prinsipe ng
Persya, ngunit hindi ko nais gumawa na alitan sa pagitan natin. Kabutihan ang pakay ko. Ngunit
kabaligtaran yata ang pakay ng aking ama
Lolo: Kinwento ni Aladin ang pagbibintang sa kanya ng kanyang sariling ama. Sa isang
kasalanang hindi niya naman gianwa.

FLASHBACK

Sultan Ali-Adab: Sarili kong anak, nagawang pagtaksilan ang kanyang kaharian. Iniwan ang
sariling hukbo para sa sariling kapakanan. Bilang hari, kahit na kadugo ko, ang parusa sa mga
taksil ay ang kamatayan sa pamamagitan ng pagputol ng ulo. KAMATAYAN ANG HATOL!
*puputulan na si Aladin ng ulo*
Sultan Ali Adab: Saglit. Bilang ama, kahit na labag sa loob ko. Aking papatawarin ang prinsipe
ng Persya, dahil siyay aking anak. Ngunit sa isang kondisyon. Papatawarin ko lamang siya,
kung aalis siya sa Kaharian ng Persya at hindi babalik magpakailanman hanggang sa siyay
nabubuhay pa.
*pumayag si Aladin at umalis*
(Gubat)
Florante: Napakasinungaling rin ng iyong ama. Hindi ka dapat nagkaroon ng amang kasing
sama niya. Hindi siya karapat-dapat na maging ama mo.
Aladin: Hm. Sa katunayan, mas gugustuhin ko pang mamatay, kaysa mangyari ang
pinakakinakatakutan ko. Ang mapunta si Flerida sa sarili kong ama. Napapansin ko naman na tila
may pagtingin ang aking ama sa aking kasintahan. Ngunit binalewala ko lang at napakamanhid
ko dahil hindi ko agad pinansin. Mahal na mahal ko si Flerida at gagaw*Mga tunog *
Flerida: Nang malaman kong pupugutan ng ulo ang aking iniibig, nagmakaawa ako sa aming
hari. Si Sultan Ali-Adab. At pumayag lamang siya, kung akoy magpapakasal sa kanya. Sa ama
ng aking iniirog. Pinaalis si Aladin bilang kapalit sa parusang kamatayan. At hindi ko man lang
siya nakausap. Ngunit sapat na sa akin ang malaman na siyay ligtas.

FLACHBACK
*nang gayak na ang kasal* *tumakas si flerida*
*Ang kurtina ay sasara at muling magbubukas*
Isa sa mga bata: Lolo Nanting! Buti nalang po at nakatakas yung babae.
*Ang kurtina ay sasara at muling magbubukas*
(Gubat)
*tinawag nina Aladin at FLorante sina Flerida at Laura* *nagkita-kita *

Lolo: Kinwento ni Laura kung paano sila nagkakilala ni Flerida at kung paano siya nakatakas
kay Adolfo.

FLACHBACK
Adolfo: Mga taong-bayan! May nalaman ako, galing sa hari!!! PAPABAYAAN NIYA TAYONG
LAHAT. NAGSIMULA NA SIYA SA AKING PAMILYA, Ginugutom niya kami, hindi
magtatagal, pati kayong lahat magugutom at magdudusa!! Kailangan na nating patalsikin ang
hari!!!!
*nagkagulo ang mga tao*

Lolo: at pinapatay ni Adolfo ang hari sa mga hindi tapat na alagad. Si Adolfo ang naluklok sa
puwesto ng hari, at pilit niya pakasalan si Laura.

Laura: Limang buwan! Bigyan mo ako ng limang buwan hanggang makabalik si Florante. At
kapag natupad iyon akin kitang pakakasalan.

Lolo: Sa kasamaang-palad, nahulog si Florante sa pakana ni Adolfo at naipatapon. Handa nang


magpakamatay si Laura nang dumating si Menandro na siyang nakatanggap ng sulat ni Laura
kay Florante. Tumakas si Adolfo, tangay si Laura

Laura: BITAWAN MO AKO! ANO BA!!!

RAPE SCENE
*Hinahatak si Laura ni Adolfo*
Adolfo: Ano ang magagawa mo, Laura? Ngayon na hawak ko na iyong kapalaran.
Laura: Florante!
*sabay sampal kay laura*
Adolfo: Di mo ba nakikita, wala na ang iyong iniirog. Kaya kung ako sayo ibibigay mo na aking
hinihiling.

Laura: Ikaw ay na sisiraan na sa pag iisip, ayusin mo ang iyong sarili Adolfo!
*hawak sa muka ni laura*
Adolfo: ang babaeng tulad mo ay napakatapang ngunit wag na wag mo akong susumbatan laura
di mo alam kung anong kaya kong gawin sayo.
Laura: Ano Adolfo? Ano ang kayang mong gawin?
Adolfo: Hindi mo ito magusgustohan Laura
Laura: Wag Adolfo, huwag kang lumapit sakin
Adolfo: Ito lang naman ang kayang kong gawin sayo laura
*laura tatakbo at hahabulin ni adolfo*
Adolfo: Muli kong uulitin Laura hawak ko na iyong kapalaran
Laura: Tila naging hayop ka na Adolfo!
Adolfo: kahangahanga ka Laura, may lakas ng loob ka pang sabihin iyan sakin?
Laura: Wag Adolfo.
*sabay pasok si Flerida at papana*
Laura: Salamat, maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?
Flerida: Walang anuman, ako nga pala si Flerida, ikaw ano ang iyong pangalan?
Flerida: Kailangan na nating umalis dito bago pa tayo abutan ng mga kawal
*sumama si laura kay flerida*
*naguusap sa gubat*
*Flerida naglalakad sa gubat ng may naririnig na babaeng sumisigaw* *nilabas ang pana at
nakita ang lalaki na may balak na gawing masama**pinana ang lalaki*
Laura: *tumayo at inalis ang patay na lalaking nakapaibabaw sa kanya**dali-daling lumapit kay
Flerida*
Salamat! Maraming maraming Salamat, hindi mo alam kung gaano kalaking tulong ang
inihandog mo saakin.
Flerida: Walang anuman. Nakita ko ang balak niyang gawin saiyo, at hindi ko hahayaan na
masaktan ang sinumang babae. Ako nga pala si Flerida.

Laura: At aking ngalan namay si Laura.


*Ang kurtina ay sasara at muling magbubukas*
Lolo: Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating ang kaibigan ni Florante si Menandro na
may kasamang hukbo. Laking tuwa nito nang makita ang kaibigan. Ipinagbunyi ng hukbo ang
bagong hari. Ipinagsama ni Florante sa Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa pumayag na
maging Kristiyano. Nakasal sina Florante at Laura at sina Aladin at Flerida. Umuwi sa Persiya
sina Aladin at Flerida nang mamatay si Sultan Ali-Adab. Nagpasalamat sa Diyos ang mga
mamamayang nasisiyahan sa pamumuno ng nagmamahalang lalaki at babae.
Isa sa mga bata: Lolo Nanting, paano niyo po alam ang lahat ng ito?
*hindi sinagot ng lolo ang tanong, imbis ngumiti lamang ito. **may kumatok sa pinto*
Lolo: *tumayo at lumapit sa pinto*
Isa sa mga bata: Lolo, teka lang po, saan po kayo pupunta? Paano na po yung kwento?
Lolo: Mga bata, paumanhin ngunit may nais akong ipakilala sa inyo.
Mga bata: *curious* Sino po iyon Lolo?
*Binuksan ang pinto at may babaeng kasing tanda ng lolo na lumabas*
Lolo: *niyakap ang babae* Mga bata, ito nga pala ang aking asawa, si Laura
Laura: Hindi ka pa rin nagbabago Florante, mga bata, maaari niyo akong tawaging Lola
Lauring.
WAKAS

You might also like