You are on page 1of 4

UNANG GRUPO

Ang Wakas ni Adolfo – Ang Hari at Reyna


Mga Tauhan:

 Laura – Czaira Mae B. Cruz


 Florante – Francis Rafael C. Velasco
 Aladin – Aldren Jan A. Aquino
 Flerida – Sandra V. Dela Cruz
 Adolfo at Menandro – Clint Justin M. Bravo
 Mga Bisita:
-
Aliyah Faye U. Manuel
-
Irish Ann R. Montemayor
-
Albea Fe A. Berber
 Tagapagsalaysay – Angela Ellijah F. Melendez

Tagapagsalaysay : Natalo ang hukbo ni Adolfo kaya’t tumakas ito.


Laura : Mas nanaisin kong mamatas kaysa makasama ang lalaking kailanma’y di ko ninais
mahalin.
*habang sinasabi itong linya ay nagpupumiglas si Laura dahil hawak ni Adolfo ang
kamay ni Laura*
*tatakbo si Laura*
*susubukang agawin ni Adolfo ang kamay*
Laura : Bitawan mo ‘ko!
--------------------------------- *habulan ni Adolfo at Laura*
Bitawan mo ‘ko! *sasampalin si Adolfo*
Adolfo : Kung hindi ka makuha sa santong dasalan, dadaanin kita sa santong paspasan.
Laura : Tama na, bitawan mo ‘ko! Adolfo! *sumisigaw*
Adolfo, tigil! Tumigil ka!
Adolfo : Ngayo’y akin ka na! Walang makakapigil sa akin!
*dadating si Flerida*
Flerida : Saan nanggagaling ang tinig na aking nauulinigan?
*nakita ang panghahalay*
Itigil mo iyan! Ang ginagawa mo’y hindi makatarungan. Ito ang kabayaran sa
masamang damong tulad mo!
*pinana si Adolfo at namatay, lumapit si Flerida kay Laura at nagyakapan*
Laura : Salamat! *umiiyak* Salamat dahil ipinadala ng Poong Maykapal ang isang anghel
na tulad mo kung hindi’y natuloy ni Adolfo ang kanyang masamang balak.
Flerida : Walang anuman, binibini! Mabuti na lamang at napaaga ang aking pagdating.
Florante : Tagal ko nang inaasam na makapiling ang aking sinta. Hindi ko alam kung
anong nangyari sa kanya, kung tuluyan na ba siyang naangkin ni Adolfo.
Aladin : Ako rin ay nababahala kung ang aking sinta ay naangkin ng aking ama.
Tagapagsalaysay : Nag-uusap ang dalawang ginoo nang marinig nila ang boses ng
kanilang mga iniirog.
Laura : Florante!
Florante : Laura? Naririnig mo ba iyon?
Flerida : Aladin!
Aladin : Flerida? Halina, kaibigan at ating paroonan ang mga tinig na iyon.
*naghanapan silang apat habang tumatawag sa pangalan*
Laura : Florante, aking irog?
Florante : Laura, aking sinta?
Flerida : Aladin, aking sinta?
Aladin : Flerida, aking irog?
Tagapagsalaysay : Pagkatapos ng paikot-ikot na paghahanap ay nagkita rin sila sa wakas.
Florante : Laura?
Laura : Florante?
Aladin : Flerida?
Flerida : Aladin?
*nagyakapan ang apat*
Florante : Paano ka napunta rito sa masukal na gubat aking sinta?
*nakahawak ang kamay*
Laura : Hayaan mong isalaysay ko ito aking irog.
*uupo silang apat magkatabi*
Ito ay dahil sa masamang si Adolfo. Binalak niya akong gahasain.
Flerida : Aking nasaksihan ang nangyari kaya’t ibinigay ko ang parusang kamatayan kay
Adolfo bilang isang babae.
Laura : Simula rin nang umalis ka ay nawalan ng kaayusan ang kaharian kasabay nito ang
pagpaslang sa aking amang si Haring Linceo at iyong amang si Duke Briseo.
Flerida : Talagang karumal-dumal ang iyong sinapit, Laura.
*tunog ng mga paa*
Aladin : Naririnig niyo ba ang mga iyon?
*tunog ng mga paa*
Florante : Menandro!
Menandro : Kay buti talaga ng Maykapal at tinulungan niya tayo sa ating mga pagsubok!
Florante : Kung kaya’t ipagbunyi natin ang ating mga sarili at pasalamatan ang Maykapal.
Menandro : Gayo’y tayo ay humayo na at tumungo sa Albanya.
*music*
Tagapagsalaysay : Nagsigawan ang mga taga-Albanya sapagkat dumating na sila
Florante at Laura.
Florante : Mamamayan ng Kahariang Albanya, tayo’y humayo na at simulan ang
pagbabago sa kaharian.
*sisigaw ang mga bisita/mamamayan*
Florante : *haharap kay Laura at hahawakan ang kamay* Patawad kung naiwan kita ng
mahabang panahon ngunit ngayo’y tayo’y pinagsama na ng tadhana.
Laura : Mahal na mahal kita aking ginoo!
Florante : Noong una, tadhana sa ati’y napakahirap at sadyang mapaglaro. Mga panganib,
suliranin, at mga hadlang ang sa ati’y sumusubok subalit aking ikinalulugod na
sabihin na ating napagtagumpayan ito dahil sa pagtutulungan. Mahal kita Laura
ngunit maaari mo ba akong samahang mamahala sa Albanya?
*luluhod habang nakahawak pa rin ang kamay*
Maaari ba kitang maging reyna?
Laura : Pumapayag ako sa iyong kagustuhan, aking ginoo.
*hahalik sa kamay*
*tatayo si Florante at yayakapin si Laura*
Florante : *habang sinasabi ito ay nakayakap pa rin* Mahal kita aking sinta!
*martsa ng mga bisita*
Mga Bisita : Mabuhay! Mabuhay ang bagong kasal! Mabuhay ang hari at reyna ng
Albanya!
Tagapagsalaysay : Nagdiwang ang buong Kahariang Albanya para sa kanilang Hari at
Reyna. Sa kabilang banda’y ang magkasintahang sina Aladin at
Flerida’y nagpabinyag bilang Kristiyano at sila’y naghari sa Persiya.
Dito nagtatapos ang kuwento ng Florante at Laura.

You might also like