You are on page 1of 15

ANG MGA KUKO NI

TOTO

1
Masayang masaya si Toto
kapag sinisimot niya ang natitirang
tamis ng tsokolate sa kanyang mga
daliri kahit marumi ang kanyang
kuko.

2
“Toto, itigil mo iyan na
ginagawa mo. Marumi ang iyong
kamay lalo na ang iyong mga kuko.
Halika rito, maghugas ka ng kamay
at gupitan natin ang mahahaba
mong kuko.” Iyan ang palaging
sinasabi ng kanyang Nanay.

3
Palagi siyang nagdadahilan
upang maiwasan ang paglilinis ng
kanyang mga kuko. “Nay, lalabas
na po ako upang maglalaro.”

Maya-maya, pumunta siya sa


silid ng kanyang Nanay upang itago
ang nail cutter.

4
Isang araw, umalis ang mga
magulang ni Toto para pumunta sa
Maynila. Ipinagkatiwala nila si Toto
sa kanyang Lolo. Natuwa ang bata
dahil umalis ang kanyang Nanay at
Tatay.

5
Masayang-masaya niyang
sinisimot ang tsokolate kahit na
marumi ang kanyang mga kuko.

“Toto, apo ko! Halika rito,


maghugas ka ng kamay at gupitan
natin ang mahahaba mong kuko.”

6
“Lolo, malinis na po ang mga
daliri ko at hindi na po mahaba ang
kuko ko.” Nagsinungaling si Toto sa
kanyang Lolo at patuloy niyang
sinisimot ang tsokolate kahit marumi
na ang kanyang mga kuko.

7
Dalawang araw nang wala ang
kaniyang mga magulang, malaya
niyang nagawa ang gusto niya.
Marami siyang biniling tsokolate at
gustong-gusto niyang simutin at
dilaan ang maruming daliri at kuko
niya.

8
“Yahooo! Ang saya-saya! Wala
sina nanay. Ang sarap kumain ng
tsokolate lalo na kapag simot-
sarap.”

Hanggang sa inabot na ng
gabi. Nakalimutan niyang
maghugas ng kamay at mahimbing
siyang nakatulog.

9
Kinaumagahan, dali-dali
siyang bumangon para hindi siya
kulitin ng kanyang Lolo. Dali-dali
niyang tinago ang nail cutter upang
hindi magupitan ang mahahaba
niyang kuko.

Naligo siya nang maaga


upang makipaglaro sa kanyang
mga kaibigan.

10
Habang naglalaro sila ng
holen, hindi mapakali si Toto. Para
siyang natatae at parang may
humahalukay sa kanyang tiyan.

“Aray! Ang sakit ng tiyan ko.


Huhuhu! Aray!.”

11
Mabilis niyang tinakbo ang
banyo. Tumae siyang nang tumae
hanggat may lumabas na bulate sa
kanyang pagtatae.

“Lolo! Lolo! Ang sakit ng tiyan


ko. May kasama pong bulate ang
aking tae.”

12
Binihisan si Toto ng kanyang
Lolo at dali-dali silang nagtungo sa
ospital.

Dalawang araw na naospital si


Toto. Sinabihan siya ng kanyang
doktor na palaging maghuhugas ng
kamay at panatilihing malinis ang
mga kuko.

13
Nang makauwi sila sa kanilang
bahay, agad niyang kinuha ang
itinagong nail cutter. Agad niya
itong ibinigay sa kanyang nanay.

“Nay, heto po ang nail cutter.


Pangako po pananatilihin ko na
pong malinis ang aking mga kuko.”

14
Simula noon, hindi na niya
nakalilimutan ang maghugas ng
kamay at ang paglinis ng mga kuko.
Hindi na rin siya nagsisinungaling.
Higit sa lahat hindi na niya itinatago
ang nail cutter.

15

You might also like