You are on page 1of 4

Topic: Cultural Awareness and Sensitivity

Main Focus: Religion

Scenario: Muslim in a Christian dominated environment

Setting: School

Bullying scene 1: Pinagtritripan na terorista yung muslim

Bullying scene 2: Tinatanong yung muslim kung sasali siya sa ISIS

Roles:

Muslim (Bida) = MB (name: Sultan)

Bully1 = B1

Bully2= B2

Teacher= T

Narrator: Nar

Interviewer: Int

Introduction:

Nar: Seryosong bagay ang pambu-bully. Lingid sa ating kaalaman na ang bullying ay
nangangahulugang pangungutya sa kapwa tao dahil mayroon syang pagkakaiba sa
ibang tao sa aspetong kultural, histura at pati na rin sa relihiyon. Ang bullying rin ay
isang uri ng pang-aapi na ginagamitan ng lakas. Kadalasang nangyayari ito sa paaralan
at karaniwang mga kabataan ang biktima nito. Ating tunghayan ang istorya ng isang
estudyanteng muslim na kinutya dahil sa kanyang relihiyon.

Interview:

Nar: Hiningan namin ng panayam si <name> tungkol sa kanyang mga nararanasan


bilang isang Muslim sa komyunidad na maraming kristyano. Hindi mapagkakaila na
medyo naiilang ang kanyang mga sagot ngunit ipinahayag niya parin ito ng buo.

*Enter Bullying Scene 1*

MB: Madalas akong kumakain sa canteen ng school namin. May mga kakilala akong
nakakahalubilo, pero nagiba lahat ng yon nung nalaman nilang muslim ako. Hindi man
ako sinaktan, ngunit nakakasakit ang mga kanilang tinatanong sakin.
(bida naglalakad papunta ng canteen)

*umupo sa tabi ng Bully 1 (B1) at Bully 2 (B2)*

B2: Pre diba Muslim ka?

MB: Oo, ano meron?

B1: Bakit yung mga ka-relihiyon mo mga terorista?

MB: Ha?

B2: Diba, parang mga abu sayyaf?

*Exit Bullying scene 1*

Int: Ano sagot mo sa tanong na yon?

MB: hindi na po ako sumagot. Hindi na po ako nakasagot. Nagulat kasi ako e

Int: Ano naisip mo pagtapos kang matanong ng ganon? Nagalit ka ba? Normal bang
nangyayari yon sa buhay mo?

MB: Hindi po. Simula pumunta akong maynila para magaral, doon lang nagumpisa.

Nar: Hindi mapagkakaila na may impact ang nangyari kay Sultan. Ayon sa kanyang
pahayag, hindi na niya nakakausap ang mga kaibigan niyang mga yon dahil lagi nalang
ganon ang tinatanong. Ngunit hindi lang pala yon ang kanyang nararanasan.

Int: Hindi pa don natapos?

MB: hindi pa po.

Int: Sila parin ba yung nagtanong ng ganon sayo?

MB: Hindi po.

*Enter Scene 2* Setting: classroom

Nar: Ipinaliwanag ni Sultan na minsan na siya ipinahiya sa isang klase ng hindi niya
kaklase, ngunit ng kanyang teacher. Labas sa kanyang kaisipan kung bakit ginawa ng
kanyang professor ang pagpapahiyang iyon. At dahil don, hindi na siya sumagot.
T: Sino ang mga muslim dito?

MB: *Nagtaas ng kamay*

T: Sultan, tama? Ano masasabi mo tungkol sa ISIS?

MB: Sa aking opinyon po, dapat hindi- (pinutol ng prof)

T: May balak ka bang sumali sa ISIS?

*Exit scene, back to interview*

Int: Nakasagot ka naman don?

MB: Hinayaan ko nalang po, nasanay narin ako e. Pero nung pinagtawanan po ko ng
mga kaklase ko, hiyang hiya po ako

Int: Pero maayos naman ang pakikitungo ng teacher na yon sayo? O patuloy parin
siyang ganon?

MB: Sa tingin ko po kasi naisip niyang biro lang yon, pero hindi naman dapat
ginagawang biro ang ganon.

Int: Ano masasabi mo sa mga taong nagbibiro o gumagawa ng diskriminasyon sa mga


muslim na katulad mo?

MB: Sana respetuhin manlang ang aming paniniwala. Hindi naman porket iba ang
paniniwala ng isang tao ay masmababa na siya sayo.

Int: Maraming salamat, Sultan. Paniniguraduhin namin makakarating to sa karamihan

MB: Salamat rin po

*candid shoot na naglalakad yung bida paalis*

Ending:

Nar: Ang relihiyon ay mahalagang aspeto ng buhay at kultura ng ng tao, bilang gabay
sa ating pang araw araw na buhay. Nawa ay isipin natin na mahalaga ay wag natin
pang palakihin ang ating mga pagkakaiba at magbigay tayo ng respeto at maging
sensitibo sa lahat ng bagay, opinyon, tradisyon, relihiyon at kultura ng bawat isa.

You might also like