You are on page 1of 10

BATACAN LEGCOUN

1. Laging corpo attire. No no maong. Tapos ask lang daw si kyah nars if papasok sya kasi nagpapasabi sya

2. Tapos 5 mtgs lang daw pumapasok quiz lang lahat

3. Recit agad 1st meeting.

CABAÑEIRO (CABAN) TAX1

1. Dimaampao and memaid ang prescribed niya. Uber useful din yung Aban notes. Sa first half ng sem,
recit and quizzes. ABCD siya maggrade. Oks lang kung puro D, don’t feel bad. Haha. Exams talaga ang
pinakabasis niya. Yung quizzes, magkakaiba ang tanong per section, Hypo. 2-5 qs. Sa second half ng sem,
nagbibigay siya ng sarili niyang notes then quizzes. Naglecture na lang din siya samin noon. Mataas siya
magbigay ng grades.

2. Natatawag halos half ng class. Sa gitna ng room magrerecite. Konting qs lang tinatanong niya. Kapag di
nasasagot, upo na. Konti lang cases niya. Usually, ang mahalaga dun, yung doctrines lang. May citation ng
cases dun sa Aban notes, take note of those and their doctrines. Nagpapadigest din siya pero around 5-10
cases lang. Favorite niya tanungin yung Tolentino v. Sec. of Finance at Ungab v. Cusi na cases.

3. Masipag pumasok.

CABAÑEIRO (CABAN) TAX2

1. Speak loud, write legibly,veco yellow paper, memaid, look for train law visavis nlrc code comparisons
online, ask for lectures, ieexam niya quiz and lectures, and 4th year review.

CARDONA

1. Wala siyang estoppel sa katawan kaya never believe kapag sinabi niya na di na kayo magrerecit sa topic
na ‘to! Hahahaha. dafeels

2. Malala yung Tax2 namin sa kanya eh pero feeling ko dahil mahirap din talaga yung topics.

3. Anyway, ma-codal siya. Minsan, magtatanong siya na what is provided under article ganyan. Pag di
nasagot yung qs lalo na sa first half ng sem, no chances na. Papaupuin na agad. Medyo ma-cases din siya.
Gigisahin niya talaga yung student sa qs. 72-85 range ng recit grades sa kanya, and she announces it in
class.

4. Kapag sinabi niya na until sa topic na ‘to ang midterms, tototohanin niya yun. Halos half ng coverage
nung midterms ay di namin narecite. Ang ginawa niya, inaassign niya lahat ng topics na natira tapos nagquiz
the following meeting. Sa exam booklets talaga kami nagquiz. As in feeling midterms na.

5. Mapapaaral ka talaga nang malala sa kanya. Haha. Pero kahit mahirap, worth it talaga kasi mataas siya
magbigay ng final grade. Di mo aakalain na yun makukuha mo. Mabait siya as a person pero pag nagswitch
to prof mode na siya, mej nagiging mataray. Haha.

6. Saktong details lang sa facts and ruling. Basta read the full text. Yung exam sa kanya, case-based. Around
70-80% cases. Kahit hindi nadiscuss in class, tinatanong niya sa exam yung cases. Nung final exam, may
5 cases na title lang nakalagay then give the doctrine.

7. Masipag pumasok.

DE CHAVEZ PALE

1. Alphabetical ang recit so alam mo kung saang case ka matatawag. Either pataas or pababa sa class list
ang pagtawag niya, depende sa trip niya. Gandahan pagformulate ng issue. Dapat swak talaga sa topic.

2. Dont just read the case falling on your class number, try to read half or all haha. So recite mo yung case,
tapos sometimes he will ask topics related to the case, na nasa syllabus naman and nasa memaid. We made
the mistake of just reading our case, so when he asks about any related concept in the corresponding topic
sa syllabus, gg. Sometimes he skips cases so put allowance read 5 more andtje previous 5 from ur assigned
case.

3. Kain codal sa recit lalo na kung sa case may codal provision. Kain codal sa exam

DELA CRUZ

1. First time niya mag-tax sa COL.

2. Nego prof namin siya, yung materials namin ay codal (as in kain codal talaga, may mga paborito siyang
provisions na ipa-verbatim pero kainin pa rin kahit di required i-memorize) at libro na pang accountancy.
Nung nego namin, sobrang nakatulong yung materials from his CPAR. Lalo na yung audio lecture. Sobrang
galing ni sir magdiscuss. So kung makakahanap kayo, sobrang laking tulong.

3. Dapat chix beadle niyo.


4. Recit: 0-100 ang posible mong grade. Usually, isa lang tanong niya sayo then ikaw na bahala mag-
expound. HOWEVER, BAWAL LUMAYO SA TOPIC. KUNG ANO LANG YUNG COVERAGE NIYO
FOR THAT MEETING, DUN KA LANG KUMUHA NANG ISASAGOT. Halimbawa before, nasa Secs.
1-30 pa lang kami sa nego, may nagbanggit ng interest at ng holder in due course. Ayun, ginisa siya dun.
Tapos sa next reciter, usually, ang next question ay: "Do you agree?" NEVER SAY YES. Ang lagi namin
sagot, "not entirely." Pero nasasayo naman yan pano mo i-phrase, basta wag kang mag-aagree. Kung tama
sagot niya, "not entirely" pa rin. Tas dagdagan mo or something. Sa recit, hahayaan ka lang niyang
magsalita. Pipikit lang siya tas pag mejo matagal ka nang tahimik saka siya magtatanong kung tapos ka na
ba. Yung tanong sa recits ay sobrang application. AS IN. Mapapatanong ka kung nasa LLB ka pa ba or BS
Accountancy na. Also, NO rounds. Shuffle every meeting.

5. Exams: Yung exams niya, like yung recits, ay sobrang application. In general, mas mahirap yung
midterms niya kesa sa finals. Feel ko kasi nagpapabawi siya. May mga 2 or 3 questions na objective. Ingat
din kasi minsan nakakalito yung objective. Halimbawa ang tanong sa isang number: (a) What are the
requisites of a valid promissory note; (b) What are the requisites of a valid bill of exchange. So mukhang
parehas lang, pero dapat sa (a), wala yung Sec. 1(e); otherwise, mali. May minus din agad if halimbawang
hindi verbatim yung provision, kahit 1 word lang namali mo.

6. Midterm Grade: 50 yung base. So kunwari, 0 ka sa midterm recit, 30 ka sa midterme xam, so dapat ang
midterm grade mo ay 15, pero rekta akyat na yan sa 50. Basta yun yung floor.

7. Final Grade: Nagbigay siya ng plus 10 sa final grade namin. Without it, wala atang papasa sa section
namin. Even with the plus 10, marami pa ring bumagsak.

8. CF: Nag-gagrant naman siya ng CF for parties and otherwise. Pero dapat, maconsume niyo yung buong
oras niyo. Pag may natira, recit. Nattend din siya ng mass. Pero after nun, recit pa rin pag may time pa.
Nung time namin, meeting before midterms and meeting before finals, nakiusap kami kung pwedeng
discussion na lang. Pumayag siya. Ang catch, however, ay q & a style pa rin. So basically, magtatanong
lang kami sakanya then sasagutin niya. So helpful kung ipunin niyo lahat ng recit questions niyo and kung
may iba pa kayong tanong. Again, pag may natira sa oras, recit.

9. Overall: Matututo ka kay sir. Mej kailangan mo lang mag-adjust nang konti, pero pag nasundan mo na
yung flow niya, nakuha mo na yung gusto niya, okay na yun. Paghihirapan mo yung grade sakanya pero
fair naman siya, 0-based recits aside.

DY TAX1

1. Materials-- may apb notes, may dy notes. Pero ang key to success ay memaid. May pa notes notes pa
siya pero memaid lang talaga hahaha may case digests din available sa notes so sa part na yun keri. Gumamit
din ako nun ng digests ni caban (yung for prebar niya) super helpful since landmark cases. Nag lumbera
videos din ako nun. Since same halos sila ng tanungan and mas madali maintindihan si sir pag napanood
to. Parehas sila ng ganap in life.

2. Recit-- waley lang recit nito parang nasa game show ka lang, dami siya tanong, wala ka masasagot hahaha
although pansin ko sa kaniya, malayo questions niya pero laging may ratio. Never siya nag ask samin ng
literal na out of the blue, if mag ask siya laging connected sa topic, malayo lang, pero pag na realize mo na,
nilelead ka pala niya na. E.g. sa usapang jurisdiction, magaask siya ng layers ng atmosphere o ng layers ng
soil ganiyan hahaha ang point niya ron ay naka absolute theory ba tayo sa taxation, gaya ng sa crim. Wag
masyado dibdibin ang recit. Wala lang to haha although good time to para magpakilala kay sir 🙂
nagpapapasa rin siya class cards, lagay picture and lagyan ng course, so nakakatanda siya students

3. Exam-- mahirap exam niya. May two parts: objective and hypo. Objective-- keri paulit ulit siya. Hypo--
dito magkakadalihan. Yung hypo niya samin nun ay based sa mga questions niya sa recit na di namin
masagot. The yr before us daw, walang recit questions na lumabas. Pero para safe aralin nalang din yung
recit questions. Sa midterms, magpapa digest siya ng kaso sa exam, yun yung last question. Tapos recit qs.
Sa finals BAR EXAM QUESTIONS as in solid siguro 5 to 7 galing sa BAR. Nakalagay pa sa qs anong yr
hahaha MEMAID ang primary material para sa exam. Memaid siya promise.

4. Overall-- okay siya. Marami ka matututunan pag nakuha mo agad takbo ng utak niya at pag nasabayan
mo siya. Para masabayan siya, tawanan mo lang siya at mag memaid ka lang haha range namin sa kaniya
ay 78 to 83. Mataas to relatively. Kasi the past few yrs daw 75 lang talaga siya magbigay. Actually dun
kilala si sir na ang tax1 niya matic 75 na. Sure na pasado pero 75. Mas safe na iassume na 75 lang final
grade dito kasi baka nahipan lang ng hangin to last yr kaya bumait. Hahaha

JARA CIVPRO

1. Jara Notes, Pogi, Mas Pogi, Pinaka Pogi (basahin lahat; meron sa 2016 na wala sa 2004 and vice versa)

2. Codal (generally di verbatim, except: Rule 39 Secs 47 48

3. Master jurisdiction; memorize BP 129 Secs 9 18 33; memoroze Consti Art VIII Sec 5; Judiciary Act of
1948

4. Cases

5. Riano book supplemental

6. Himay-himayin yung codal; isulat sa notebook yung chop-chop version

7. 2004 Jara Notes (mamili ng isa na imamaster)

8. Favorite niya yung small claims (difference with summary procedure)


9. Each rule itatanong kung applicable to summary procedure

10. Prohibited pleadings and motions in summary procedure

11. Midterms: cases, enumerate, distinguish, hypo (use cases as basis)

MAMAUAG LABREL

1. Master the codal

2. Read the book he reads- Azucena daw po

3. In 3 hrs, he can call about 12.

4. VERY MASIPAG

5. WAG AABSENT MORE THAN 3 PEOPLE. Bad trip siya pag maraming absent

6. IMPRESSIONIST. make sure maganda class dynamics

7. Mahina boses. Sit in front.

8. Ayaw niya na gumagamit ng memaid.

9. DETALYADO MAGPAKASO. Facts super detailed too. Get rulings of RTC, CA etc.

10. Mababa magbigay ng grade. 78 yung magandang recit na average. 80 sakto. 82 exceptional.

11. Power dressing daw po. He likes it when the class exerts effort to dress up, mag ayos daw ang girls

12. Bihira maggrant ng CF. If magpaparty, give him a heads up. (Sabi niya sa 4B class niya last yr)

MENDOZA EVID

1. Rounds. Once a week pa rin kung pumasok unless sobrang naghahabol na sa topics. Riano, memaid, and
codal. Kapag gipit sa oras, memaid keri na. Humihingi rin siya minsan ng examples tapos may mga hypo.
Nagtatanong din siya ng cases. Pinapakita niya recit grades.

2. Sa Bautista Remedial Law Quizzer siya kumukuha ng quizzes at ilang tanong sa exams.
MENDOZA PROP

1. Galingan ang 1st recit. Impressionist siya. Okay yung 1st recit nung kaklase ko di na niya tinawag buong
midterms.

2. Mas matagal yung recit mo pag tama mga sagot mo.

3. Bihira pumasok pero wag kang umabsent pag anjan siya. Marami ka matututunan. Nagdidiscuss siya at
naghihighlight siya ng key provisions. Pumapasok to 30 minutes before time nakaka-10 people pa.

4. Mendoza notes. Nanjan na yung flow ng discussion. Anjan din yung provisions na dapat verbatim. Pero
wag dito magrely solely. Nanghuhuli siya. One time, tinanong niya yung nagrerecit kung sinong author
daw nagsabi nun, kasi alam niyang sa Mendoza notes lang kinuha.

5. Paras at De Leon gamit ko sakanya. Yung pdf lang so lumang version. Di naman masyado nagmatter
kahit di yung latest.

6. Sa case list niya, parang less than 5 lang tatanungin niya dun. Minsan nga wala pa. May mga favorite
siya tho. Yung Ladera, Mindanao Bus Co., MERALCO, CAPWIRE, FELS Energy. Yang huling 3, sure
yan na itatanong niya. Yung MERALCO case, mej hinimay namin yung ruling jan. So make sure na full
text. Nanghuhuli rin siya pag digest lang binasa mo. May isang beses ang tanong niya, ano raw ang ratio
ng kung bat ganun yung ruling sa Mindanao Bus Co., tapos 2 kasi yung reasons na prinovide ng Court, pero
isa lang binigay nung nagrerecite, so pinaupo niya na then move to the next person. Also, may time na na-
shotgun kami sa cases kasi nga di na kami nagbabasa dahil din niya naman tinatanong. Needless to say,
nagalit siya.

7. Fair mag-grade. Sa recit, ang highest samin nung midterms ay 90; nung finals ay 87. May mga time tho
na bv siya. Nung last meeting namin, 84 na highest niya sa recit that day. Favorite niya kasi yung easements
tas di kami stellar that day. Btw, top 1 siya sa geodetic engineering boards, so master niya yang easements
talaga.

8. Re final grade, nagbigay siya samin plus 5. Tas yung mga 74 ginawa niyang 75W. So konti lang
bumagsak. Mga 5 or less. Highest namin ay 89.

9. Exams. Yung midterms namin ay departmental. Mae-encounter niyo ang famous "adobo question" (tho
samin cake siya) under ng accession. Lahat dumadaan sa tanong na yan sa exam. Yung finals, siya naman
na ata gumawa. Kumuha siya ng 1-3 questions sa bar exams.

10. Pinakapaborito niyang provision ang 415. KNOW IT BY HEART

NUEVE-CO ATP
1. Nagiiwan sya ng hw bago sya pumasok. Recit agad

2. Basahin mabuti yung kaso at memorize codals by heart, di naman nya paparecite ng verbatim pero huli
agad pag di kabisado kasi magaling sya magpaikot ng tanong sa provision

3. Minsan nagpapasurprise quiz sya then recit after. Basta aral lang. Mabait naman sya nagguguide pag di
tama answer.

4. Fair. Nagbibigay sya ng line of 9 sa final grade at sa recit. Nagpapakita rin sya ng grades.

5. Materials: memaid, de leon book and codal

PEREZ (JPABS) CIVPRO

1. Sobrang galing niya and cute huhu. Recit wise, sobrang meticulous niya sa pagunderstand sa codal
provisions. Make sure you master the Rules talaga kasi dun lang umiikot tanong niya.

2. May mga random questions siya about ratio ng Rules. So be prepped din. Simple lang flow sa kanya,
that’s why mastery of the rules is a must. Critical areas sa kanya ang jurisdiction, rules on summon and
service, appeal, execution.

3. Crinam namin yung ADR. Pero sulit yung civpro.

4. Case wise, hindi siya masyado nagpakaso samin nung civpro unlike his crimpro. Madami kami kaso sa
ADR. Sa civpro, yung mga landmark cases lang.

5. Exam wise sobrang ganda niya gumawa ng tanong. Multi layered yung issues. Palagi niya sinasabi na
wag mag madali sumagot, dont follow your impulse chuchu. So develop issue spotting for his exams.

6. Recit grade, extremes. May line of 7 din pero he can give line of 9 madami din. Hehe. Nagpapadraft siya
ng pleading.

7. Materials: Riano and Lakas. If may time pa, Riguera.

PEREZ (JPABS) SPECPRO

1. Super kain cases, up to ponente, division of sc or en banc, rtcs and ca involved and cases filed there up
to sc, cases talaga, jara notes, kain codal din, know to relate codal provisions.

2. Be bibo like know a lot, dont be pashytype and pashy to answer, kasi if he doesnt think ur memorable,
he might forget your grade or just give u a 75 by default (shempre speculation yun)
SEÑGA EVID

1.

SEÑGA SPECPRO

1. Memaid lang gamit ko. Haha. Ang haba kasi madalas ng coverage per meeting. Tapos pag may time pa,
jara notes. Yung mga nagbbook, riano at festin ata ang gamit. Codal din.

2. Mabilisan na recit pa rin. Usually, more than half of the class ang natatawag per meeting.

3. Nagbibigay siya ng cases pero noong first few meetings lang tinanong samin. Nagresume lang sa cases
nung padulo na ng finals.

4. Take note yung mga inisstress/dinidiscuss niya na points sa class. Lumabas yun sa exams kaya make
sure na may mapapagtanungan ka ng mga diniscuss niya if ever aabsent ka.

5. Nagnnote siya ng absent. Keribels lang basta wag mo maexceed ang allowed.

6. Sa last day of classes, nagpapaquiz siya na base grade ay 85. Under recit grade niya kinoconaider yun
kaya wag ka aabsent dun. Digest ng isang case ata ang tanong samin nun.

SERRANO NATRES

1. Never malate. Ayaw nya ng late. Pag natawag ka for recit tapos wala ka pa, 65 agad yun.

2. Kainin ang serrano notes ng ltd. Dalawa yung notes. Olandesca tsaka yung isa pa. Nakay ate jackie yun.
Kainin word per word.

3. Wag na bumili ng natres book. Sayang pera mo bes.

4. Naninigaw sa recit. Para kang nasa gameshow. Tiisin lang. May 3 strikes rule sya pero di naman yun
nasusunod. HAHAHAHA Tumawa pag nagjojoke sya.

5. Wag dumaldal sa katabi pag recit. Wag din magsuklay. Icacallout ka nya.

6. May reporting. Maghanap ng magandang kagroup. Wag na kayo magpacute at magpakulo sa report.
Gusto nya formal.
7. Samplex sya. Pero halo halo. Maghanap ng SERRANO PREBAR NATRES for midterms. Sa finals
samplex din. Never leave an item blank. 5points agad basta may sagot lang dun sa essay part.

8. Line of 7/8 yun sa recit. Makaka 85 ka ata pag word per word sagot mo. HAHAHAHA

9. 3 second rule- sumagot sa recit within 3 seconds. Or else ligwak ganern.

10. Sa natres, sa first three meetings (wag isama first meetibg kasi naglelecture sya nun- irecord ang notes
kasi yun yung pinaparecir nya pero mostly nasa Olandesca na yun), nakaka 1 1/2rounds sya. HAHAHA

11. Nambabagsak sya pag feel nya wala ka talagang effort for him. Pero he can give as high as 87ata for
Natres. So galigan sa recit. Pero mas mabait sya sa natres kaysa credit when it comes to grades. May 1
bumagska samin kasi feel nya di enough yung effort.

STA. BARBARA TORTS

1. Sa Sta. Barbara, lalim at lawak sa concepts. May mga cases siyang favorite which i forgot already. I used
Aquino’s book kasi may case digests na rin dun. He assigns 15-20 cases per meeting and, at the most, 4
lang ang naitatanong. Although that is the case, very helpful ang cases sa torts. Therefore, read them in full
text.

2. Caution daw po sa mga aabsent sa first day kay Atty. Sta Barbara kasi if wala pa daw reading assignment,
most probably class cards and bigay lang niya syllabus plus house rules. So iwas absent na lang daw po
hehe unless valid reason kasi i-ask niya daw bakit wala ka sa class.

VILLANUEVA-CASTRO (ZARAH) NEGO

1. Zarah notes buhay ka na saka codals verbatim, cases mabusisi si ma'am huli digest kasi mga pangalan
tinatanong nya. Recorded lahat yan papakita nya grade at class standing

2. Also yung pinapaexam nya galing sa book nya, may inauthor syang book eh. Limot ko title pero
nanghiram lang ako nun sa lib.

3. Lahat ng provi verbatim

4. Zarah notes nasa scribd daw. Sundan nyo lang yung discussion dun. Magaling sya.

5. Re grades: Computed yun, lahat recorded. Ok naman sya maggrade ingat lang kasi pag di nakasagot ng
maayos sa kaso najijirits sya 70 agad ganern
6. Masipag pumasok. Late lang.

7. No printed stuff, handwritten notes lang at di lulusot kasi nagiikot si ma'am

8. Sa exam, gandahan mo sulat, mas ok sa kanya gothic pinarewrite nya exam ko kasi pangit daw sulat
katamad checkan. OC siya sa penmanship

9. May case digests na ipapasa at the end of the sem. Around 50 kaya digest na agad para di matambakan.

WAGAN SPECPRO

1. Mabait si judge wagan huwag ka lang absent, ayaw niya kasi talaga sa mga absent tsaka siya na mismo
magsasabi sainyo sa first day na nag bibigay siya ng plus point sa final grade.

2. May rounds sa kanya. Max yung 4 kayo tatayo hanggang sa maubos yung 4 tapos tatawag ulit siya
panibago.

3. Open everything except phone.

4. Kung gusto mo ng qpi wag ka absent tapos galingan mo. iba parin magagawa ng perfect attendance kasi
kahit na kabagsak bagsak ka na, kung perf attendance ka ipapasa ka niya

5. Walang intel ng recit qs kasi paiba iba siya. Isang section lang hahawakan niyan sa 3rd year. Lahat ng
tanong niya nasa roc lang dun lang kayo iikot. Yung festin makakakuha ka ng recit qs dun sa part ng
guardianship tsaka adoption na. Pero gawa talaga ni judge wagan lahat ng tanong niya basta kung ano
nalang pumasok sa isip niya yun na yun kaya pati siya minsan samin naguguluhan sa tanong niya.

6. Kain codal. Kapag tinanong niya go straight to the point. Huwag mo ulitin tanong niya kasi mabilis siya
mairita. Sa recit golden rule kung anong tinanong yun lang sagutin mo para di ka mapagalitan (“Do not
repeat my question” "Go straight to the point!"). Kapag nairita pa sayo magtatanong na yan ng iba hahaha

7. Pero di siya masungit matatawa ka nalang. Mabait naman yun.

8. Mats namin na gamit noon memaid festin riguerra codal. Yung flow ng recit ay sunod sunod lang kung
ano nasa codal. Hindi siya tumatalon.

9. Mahirap siya magpaexam (samplex to follow). Meron siyang rule sa exam na 3 sentences lang.

You might also like