You are on page 1of 1

Ang itlog

Itlog ay masustansya
Medaling ihanda
Di mahirap hanapin
Kayang kaya ng bulsa
Ang puti ng itlog
Mayaman sa protina
Kumpletong amino acid
Ang tinataglay niya
Ang dilaw ng itlog
Mayaman sa bitamina
Ma-bitamina A pampalinaw ng mata
May taglay ding choline
Pampatalas ng memorya
Ang itlog ay may folate
Mainam sa mga buntis
Pang kontra sa birth defects
Pati na meningitis
Sa vitamin D ito ay mayroon din
Katulong ng calcium
Pampatibay ng ngipin
Ang mga mineral ito ay mayaman din
Tulad ng calcium, iron at iodine
Pampalakas ng buto, at saka papasigla
At higit sa lahat, papatalino pa.
Cholesterol ng itlog, ay sapat lang
Di dapat katakotan, di masama sa katawan
Basta ikaw ay Healthy, kumain araw-araw
An egg a day is ok, ito and tandaan.
Kung ika’y may CVD litid ay barado
May-alta presyon, mataas na taba sa dugo
Ito and tandaan at rekomendado
Dalawa o tatlong itlog lamang sa isang linggo
Kaya ugaliin, itlog ay kainin
Ibat-ibang lutuin ating tangkilikin
Ating palaganapin, at ulit-ulitin
An egg a day is ok, parating sambitin.

You might also like