You are on page 1of 1

HOLY SPIRIT SCHOOL OF TAGBILARAN

High School Department

MAIKLING PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN IV

EKONOMIKS

A. Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

__________ 1. Ito ang pinakamahalagang salik ng produksyon.


__________ 2. Ito ang nangungunang salik ng produksyon na pinagmumulan ng mga hilaw na
materyales.
__________ 3. Kalipunan ng mga batas na nagbibigay ng proteksyon sa paggawa.
__________ 4. Sa ekonomiks, ito ang bayad sa paggawa.
__________ 5. Uri ng pamamasukan kung saan ang isang manggagawa ay palagian na sa
pagpasok sa kanyang trabaho.
__________ 6. Uri ng capital kung saan ito ay mga gusaling ginagamit sa operasyon ng
negosyo.
__________ 7. Ang mga hilaw ng material ay hindi naipoproseso kung hindi gagamitin ito.
__________ 8. Ang nangangasiwa ng negosyo.
__________ 9. Kita o income pagkatapos bawasin ang capital na ginamit sa operasyon ng
negosyo.
__________ 10. Ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa.

B. Guhitan ang nagpamali sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

__________ 1. Ang kapital ay isa sa mahalagang salik ng produksyon sapagkat siya ang
nagpapakilos sa iba pang mga salik.
__________ 2. Sa loob ng isang lingo, ang isang manggagawa ay binibigyan ng overtime.
__________ 3. Ang mga manggagawa na nagsisilbi sa gabi ay dapat tumanggap ng differential
pay na hindi bababa sa 30% ng kanyang regular na sahod.
__________ 4. Investment ang tawag sa bayad sa capital o puhunan.
__________ 5. Ang net income ay tumutukoy sa kabuuang kita matapos mabawas ang mga
puhunang ginamit.
__________ 6. Ang kapital ay nagagawa sa pamamagitan ng pagbebenta.
__________ 7. Ang distribusyon ay isang proseso ng transpormasyon ng mga hilaw na
materyales upang maging tapos na kalakal at paglilingkod.
__________ 8. Ang produksyon ay isang reversible na proseso.
__________ 9. Ang talino ng tao ang ginagamit sa paglikha ng mga produkto at serbisyo.
__________ 10. Mauuri ang lakas paggawa sa permanente at pansamantala.

You might also like