You are on page 1of 7

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON IV – A CALABARZON
SANGAY NG LAGUNA
DISTRITO NG BAY

CAMPUS IDOL 2018


(Search for Mr. and Ms. Teen - DepEd Bay 2018)

I. PANIMULA

Ang Campus Idol 2018 ay isang programa kung saan maaaring maipamalas ng
mga mag-aaral mula sa mataas na paaralan (JHS-SHS) ang kanilang natatanging
talento at makapagbukas ng kanilang kaisipan, kamalayan, at makapagbahagi sa
mga kabataan ng kanilang pananaw sa kasalukuyang sitwasyon na sumasalamin at
nagbabalik-tanaw sa kultura at kasaysayan ng bayan.

II. MGA DETALYE

Koronasyon: Disyembre 22, 2018 (araw ng Sabado) / 6:00ng


Tanghalang Bayenos

III. MGA KALAHOK

 Mag-aaral ng JHS at SHS na mula sa mga paaralan na sakop ng distrito


ng Bay.
 Ang mga kalahok ay magsusumite ng mga sumusunod;

1. Sertipikasyon / endorso mula sa kanilang paaralan o barangay


na kinabibilangan,
2. pahintulot mula sa magulang o tagapangalaga, at
3. pagsusumite ng registration form (makukuha sa mga
tagapangasiwa ng paaralan).

IV. MGA PANUNTUNAN AT PAMANTAYAN

Ang mga sumusunod na pamantayan at panuntunan ay siyang ipapatupad


upang maging maayos ang daloy ng programa;

A. Panuntunan

1. Ang bawat pares na kalahok ay may gurong tagapagsanay


lamang na siyang kikilalanin ng komite ng patimpalak.
2. Ang mga kalahok, gurong tagapagsanay at magulang o
tagapangalaga ay kailangang dumalo sa iskedyul ng screening
at oryentasyon na itatakda ng komite.
3. Ang mga opisyal na kalahok ay makikiisa sa lahat ng mga
nakatakdang pagsasanay at gawain na may kinalaman sa
patimpalak.
4. Ang mga handler o make-up artist ng mga kalahok ay isa
lamang ang makikita sa loob ng dressing room sapagkat
katuwang na nila ang gurong tagapagsanay o hangga’t maaari
ay ang gurong tagapagsanay ang siyang aalalay sa mga
pangangailangan ng kanilang kalahok.
5. Ipinagbabawal ang mga buhay na hayop, halaman, paggamit
ng watawat o anumang simbolo sa ating bansa na makasisira
sa imahe nito sa kanilang talento na ipamamalas.
6. Ipinagbabawal ang paggamit ng bulgar na pahayag, kilos at
pananamit sa pagtatanghal ng kanilang talento.
7. Ipinagbabawal ang paggamit apoy, pagsaboy ng maliliit na
papel o makikintab na bagay (glitters) o anumang props na
gagamitin sa kanilang talento.
8. Ang talento na kanilang ipapakita ay hindi lalampas ng tatlong
(3) minuto. Maaaring indibidwal o pares ang pagpapakita ng
talento.
9. Ang costume na gagamitin sa pagpapamalas ng talento ay
hindi sagutin ng komite bagkus hinihikayat na ito ay hindi
mamahalin.
10. May dalawang (2) puntos na kabawasan sa kabuuang average
score ng mga hurado sa kategorya ng talento ang hindi
susunod mula bilang 4 hanggang 8.
11. Ang kasootang sagot ng komite ay pamprodusyon, pangkaswal
at pampormal na kasootan lamang.
12. Ang festival costume ay sumasalamin sa buhay, kultura,
pananaw, produkto, turismo, panitikan at kasaysayan ng bayan.
Ang kalahok ay malaya sa pagpili ng mga materyales na
gagamitin.
13. Ang pinal na resulta ay hindi na mababago o mapasusubalian
pa.

B. Pamantayan

Kasootang Pamproduksyon 10 puntos


Pagpapamalas ng Talento 25 puntos
Kasootang Pangkaswal 10 puntos
Kasootang Pampormal 10 puntos
Kasootang Pangfestival 20 puntos
Husay at Galing sa Pagsagot 25 puntos
ng Tanong

Kabuuan 100 puntos


V. MGA GANTIMPALA / PREMYO

Major Awards:
Babae Lalaki

Campus Idol 2018 (Grand Winner) P 3,000.00 P 3,000.00


Campus Idol 2018 – First Runner up P 2,000.00 P 2,000.00
Campus Idol 2018 – Second Runner up P 1,000.00 P 1,000.00

 Ang lahat ay makatatanggap ng sash, plake at korona.

Minor Awards
Pinakamahusay na Magdala ng Kasootang Pampaaralan
Pinakamahusay na Pagtatanghal ng Talento
Pinakamahusay na Magdala ng Kasootang Pamproduksyon
Pinakamahusay sa Pamproduksyong Bilang
Pinakamahusay na Magdala ng Kasootang Pangkaswal
Pinakamahusay na Magdala ng Kasootang Pampormal

Special Awards / Sponsors Awards

Photogenic
Close up smile
Congeniality
People’s Choice Award

VI. MGA TALA NG GAWAIN

*makikita sa ibang pahina

REPUBLIKA NG PILIPINAS
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON IV – A CALABARZON
SANGAY NG LAGUNA
DISTRITO NG BAY

CAMPUS IDOL 2018


REGISTRATION FORM

PANGALAN:_________________________________________________________
TIRAHAN: _________________________________________________________
NUMERO NG CP: ________________________ EDAD: _____ BAITANG: _______
PAARALAN: _________________________________________________
NUMERO NG CP/TEL: _______________________________________________
MGA TALENTO O KINAHIHILIGAN:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

PANGALAN NG TAGAPAGSANAY:_____________________________________
NUMERO NG CP: __________________________________________________

AMA: _________________________________________________
INA: __________________________________________________
NUMERO NG CP/TEL: ___________________________________

PAHINTULOT NG MAGULANG / TAGAPANGALAGA


_________________________
Petsa

Ito ay pagpapatunay na pinapayagan ko ang aking anak na si


____________________________________________ na maging opisyal na kalahok sa
CAMPUS IDOL 2018 na magaganap sa mga petsang itinakda ng komite.

Ako / Kami ay taos pusong sumusuporta sa lahat ng gawain o pagsasanay na itatakda ng mga
komite para sa kaayusan at katagumpayan ng gawain.

________________________________ _____________________________________
Lagda at Pangalan ng Magulang Pangalan at Lagda ng Gurong Tagapagsanay /
Punong Barangay
LIST OF SASH

MALE CANDIDATES FEMALE CANDIDATES


ISKEDYUL NG MGA GAWAIN SA CAMPUS IDOL 2018

(Updated as of December 12, 2018)

MGA GAWAIN PETSA / ARAW ORAS LUGA

Photoshoot Disyembre 09 / Linggo CALL TIME: TBA


6:00nu
(7:00nu-12:00nh)

Pagsasanay Disyembre 09 / Linggo 3:00-5:00nh Tanghalang


Bayenos

Pagsasanay Disyembre 15 / Sabado 8:00nu - 3:00nh Tanghalang


Bayenos

Pagsasanay Disyembre 16 / Linggo 8:00nu - 3:00nh Tanghalang


Bayenos

Pagsasanay Disyembre 18 / Martes 2:00nh Tanghalang


Bayenos

Pagsasanay Disyembre 19 / 2:00nh Tanghalang


Miyerkules Bayenos

Pagsasanay / Attire Fitting Disyembre 20 / Huwebes 10:00nu - 3:00nh Tanghalang


Bayenos

Pagsasanay / Attire Fitting Disyembre 21 / Biyernes 9:00nu-12:00nh Tanghalang


Bayenos

Koronasyon Disyembre 22 / Sabado 6:00ng Tanghalang


Bayenos

You might also like