You are on page 1of 3

Hindi Madali Magmahal ng Isang Seaman

Nakalimutan ko na kung paano sumulat ng mga tula

Tulang nagmumula sa pagmamahal ko sa aking sinta

Bawat letra nito ay may pintig

Na kikiliti saiyong pandinig, kaya ikay makinig.

Oo, hindi madali magmahal ng isang seaman

Pag seaman, seamanloloko daw yan

Oo, seamanloloko sila

Dahil nagtatago sila ng tunay na nararamdaman nila.

Kahit ramdam nila ang pagod at lungkot

Ayos lang naman ang palagi nilang isasagot

Sabi nga ng iba mayaman daw pag nag barko ka

Di nila alam na nagtitiis sila makapadala lamang ng pera

Oo, seaman ang nagpapatibok ng aking puso

Di ko nga lubos maisip bat isang tulad nya ang minahal ko

Sa dinami-rami ng pwede kong mahalin

Sa kanya pa ako nahulog at nahumaling

Mahirap talaga pag naka long distance relationship

palagi siyang naka on board sa kanyang ship

Kalahati o isang buwan o mahigit pa bago saiyoy mag report

Magalit ka man, tumawa, mataas din kaya ang pila sa port

Panay ang iyong pag search sa vessel tracker


Kaya tuloy ang web ay out of order

Daig mo pa ang isang SOCO officer

Makakalap lamang ng information sa kanyang messenger

Binigay na nga saiyo ang kanyang account

Pero isip moy puno pa rin ng doubt

binasa ang mga old convo, in-unfriend

Selos moy sumabay sa trend

Pangga, sing lawak man ng mundo ang ating distansya

Tandaan mo ang pagmamahal koy hindi disgrasya

Kahit oras natiy di magkatulad

Ang mga ngiti koy gigising at sayoy bubungad

Marahil nga di araw-araw ang ating komunikasyon

Ngunit alam ko isa ako saiyong inspirasyon

Asot pusa man kung tayoy magbangayan

Di pa rin tayo humantong sa hiwalayan

Kaya mahal, pagpasensyahan mo na kung akoy selosa

Dahil di ko naman kasing ganda ang isang dyosa

Makulay man, masarap, malungkot at mapait

Ngunit ang love ko saiyoy abot hanggang langit

Marami na nga saakiy ang nagtatanong

Ano nga ba ang sekreto sa matatag nating relasyon

Bakit tayo nagtagal, nagtatagal at tumatagal

Dahil di raw din naman nag wowork ang LDR


Alam mo ba kung ano aking sinabi?

Hindi sapat na mahal mo lang

Dapat mo rin tanggapin kung ano sa kanya ang kulang

You just need faith, hope and love, just believe in love.

Kailangan mong maniwala na magtatagal kayo

Kailangan mong unawain ang kanyang trabaho

Marami na syang sinakripisyo

Pati oras na sana ay magkasama kayo

Hindi madaling maging seaman, at di rin madaling magmahal ng isang seaman

Dapat loob moy iyong tapangan

Tanggapin mo na mas mahaba pa ang kanyang panahon sa barko

Nalulungkot, napapagod, nangungulila dahil di sya buo.

Kaya lubos ang aking pasasalamat sa Maykapal

Dahil ibinigay ka nya saakin kahit matagal

Kaya ito ang iyong tatandaan,

IT TAKES A CRAZY STRONG WOMAN TO LOVE A SEAMAN”

And I am one.

Happy 5th Anniversary, Palangga❤❤❤

You might also like