You are on page 1of 8

POPULASYON1

Ang bansa ay may populasyong umaabot sa mahigit 25 milyon na binubuo ng maraming lahi tulad ng
Malay at iba pang katutubo (bumiputra). Sa Sabah at Sarawak ang siyang bumubuo ng may 65% ng
buong populasyon.

• 50.4% Malay

• 23.7% Chinese

• 11.0% Indigenous

• 7.1% Indian

• 7.8% other

RELIHIYON

Islam ang opisyal na relihiyon ng Malaysia bagaman ang bansa ay may maraming relihiyon. Ayon sa
Population and Housing Census ng taong 2000, humigit-kumulang na 60.4 porsyento ng populasyon ay
sinasampalatayanan ang relihiyong Islam;Budismo na may 19.2 porsyento; Kristiyanismo na may 9.1
porsyento; Hinduismo na 6.3 percent; at tradisyonal na relihiyong Tsino (2.6%). Ang nalalabing 2
porsyento ay naitala sa ibang pananampalataya, kasama na ang Animismo at Sikhismo.

Coat of Arms ng Malaysia:1

Pinagtibay ito noong 1965, ang Coat of Arms ng Malaysia ay nagpapakita ng dalawang tigre na kapwang
sinusuportahan ang isang pananggalang na siyang representasyon sa mga estado ng Malaysia, mayroon
din itong crescent moon at 14 na sinag ng bituin sa itaas. Ang kanilang pambansang kasabihan na
“Bersekutu Bertambah Mutu” o (Unity is Strength) ay nakatitik sa laso sa bandang ibaba.

Pangunahing Wika: Bahasa Melay

Kabisera: Kuala Lumpur

Binubuo ang Malaysia ng 13 bansa (Johor, Kedah, Kelantan, Melaka, Negeri, Sembilan, Pahang, Penang,
Derak, Perlis, Sarawak, Selangor at Terengganu). Mayroon din itong 3 teritoryong pederal (Kuala Lumpur,
Labuan at Putrajaya.)

Sentro ng Pamahalaang Pederal: Putrajaya

Pamahalaan: Federal Parliamentary Constitutional Monarchy at Elective Monarchy

Pinuno ang Estado: Yang di-Pertuan Agong (‘Ang Hari o ‘Ang Agong’) Si Abdul Halim ang kasalukuyang
Hari ngayon ng Malaysia.
Pinuno ng Pamahalaan: Punong Ministro

Si Najib Razak naman ang kasalukuyang Punong Ministro ng Malaysia.

Hanapbuhay: Pagkakaroon ng industriya ng tin o tin mining, smelting, electronics at rubber.

Pangunahing Pananim: Palm, cocoa, coconut, rice at rubber

Tawag sa mga Mamamayan: Malaysian2

||. Landmark

Ang Petronas Twin Tower sa Kuala

Lumpur ay ang pinakamataas na gusali sa

buong mundo bago maungusan ng Taipei noong

2004 sa kanilang gusaling Taipei 101. Sa

ngayon, ito pa rin ang nag-iisang pnakamataas

na twin tower sa buong mundo namayroong 88 ng palapag. Gawa ang gusali sa

kongkreto, bakal at glass façade design na sumasalalim sa Islamic art, isa sa mga

relihiyon ng mga Malaysian. Sa gitna ng gusali ay ang ika-41 at ika 42 na palapag.

|||. KULTURA AT TRADISYON

MGA PANINIWALA AT PAMAHIIN


Ang Malaysia ay binubuo ng multi-cultural society. Binubuo ito ng etnikong grupo ng mga katutubong
Malay, mga Tsino at mga Indian. Makikita sa bansa kung paano nila napanatili ang kanilang relihiyon, mga
paniniwala, tradisyon at kung papaano sila mamuhay sa lipunan.

Pinapahalagahan ng mga Malay ang kanilang pamilya dahil naniniwala silang ito ang bumubuo sa lipunan
kaya binibigyan din nila ng diin ang pagkakaroon ng pagkakaisa, karapatan at respeto sa mga
nakatatanda.

Ang wika ng Malaysia ay isang Autronesian Language na hindi lamang ginagamit ng mga naninirahan sa
Malaysia pati na rin sa Malay Peninsula, Southern Thailand, Pilipinas, Singapore, gitnang-silangan ng
Sumatra, Reau Islands mga bahagi ng Coast Borneo, Cocos at Christmas Island ng Austrilia, halos
magkatulad rin ang wika ng Malaysia sa Indonesia na kilala bilang Bahasa Indonesia.

Mga Kustombre

Pagbati

Ang pagbati ay isang kontekstong sosyal na dumedepende sa kung anong lahi ng mamamayan ang
nakasasalamuha. Hindi na rin iba sa kanila ang gawaing kanluranin na pakikipagkamay at ito ay normal
na rin sa kanila. Ngunit mayroong kakaunting bagay ang dapat nating isaisip sa pakikisalamuha sa kanila.
Ang kababaihan ay maaaring hindi makipagkamay sa mga lalake. Maaari silang makipagkamay sa iba
ngunit sa kanilang kapwa babae lamang. Ang mga kalalakihan naman, imbes na makipagkamay, ay
yumuyuko sila habang nakatapat ang kanilang kanang kamay sa kaliwang dibdib na kung saan
matatagpuan ang puso.3

Karamihan sa mga nakatatandang Tsino ay nakatuon ang paningin sa baba bilang simbolo ng paggalang.
Nakikipagkamay naman ang mga Indian sa kapareho nila ng kasarian. Kapag ipinapakilala naman sa
opposite sex, ang pagtungo ng ulo at pag-ngiti ay mainam na ginagawa sa pagbati.

Pagbibigay ng Pangalan

Pagkakaiba-iba ng kanilang pangalan batay na rin sa kanilang lahi.

Malay Chinese

Karaniwang binubuo ng tatlong pangalan ang kanilang pangalan. Una ang apelyido na sinusundan naman
ng dalawang personal na pangalan na ibinigay ng mga magulang o iba pa. Karamihan sa kanila ay
gumagamit na rin ng pangalang kanluranin at kadalasang nila itong ginagamit.

Malaysian Malay
Karamihan sa mga Malaysian Malay ay walang apelyido, ginagamit lamang nila ang pangalan ng kanilang
ama. Kung ikaw ay lalaki, dadagdagan ng salitang "bin" ang pangalan ng kanilang mga anak na
nangangahulugang "anak na lalake ni" at kung babae naman ay "binti" na nangangahulugang "anak na
babae ni". Halimbawa sa lalake, Rosli bin Suleiman— Rosli, anak na lalake ni Suleiman at kung babae
naman na Aysha binti Suleiman na ibig sabihin ay anak na babae ni Suleiman. 4

4Pamahiin

Dalawang pangunahing pamahiin ng mga Malaysian na nakaaapekto sa kanilang pamumuhay, partikular


sa mga nayon ay iyong maiuugnay sa kuwong at cending. Ito ay mga negatibong impluwensya na dala ng
mga hayop, tulad ng mga ibon at reptiles partikular sa mga ligaw na hayop.

Ang kuwong ay maaaring maiugnay rin sa mga espisipikong lugar tulad ng mga haunted places. Kaya may
mga tiyak na mga babala ang dapat alalahanin upang hindi manganib ang isang tao sa mga napinsala o
nasaktang mga hayop. Maaaring hindi pisikal ang pinsala nito sa tao, pero maaaring sikolohikal o
emosyonal.

Halimbawa, hindi maaaring patayin ang ahas sa loob ng bahay kung saan ito natagpuan, maaaring
magdulot ito ng pinsala sa iyong pamilya lalo na sa mga bata. Isang hindi inaasahang pagkasalubong o
makasagupa mo ang isang tigre na maaaring magdulot ng halusinasyon na parang nakikita mo ang tigre
kahit wala naman, pagpatay ng usa, o pangongolekta ng pulot sa pukyutan ay dapat sumailalim sa
tamang preparasyon at tamang ingkantasyon (mantra). Kahit na ang mga alagang ibon ay may potensyal
na pagmumulan ng kuwong na maaaring magdulot ng insomnia o palagiang pag-iyak ng bata. Isa sa
kilalang nagdadala ng kuwong ay ang pugo, at ang mga laging biktima nito ay ang mga taong nanghuhuli
sa mga ito.

Ang kuwong ay maiuugnay rin sa mga partikular na mga lugar o lokasyon na pinamumugaran ng mga
multo dahil ang mga ito mismo’y nagdadala ng kuwong.

Ang cending naman ay tumutukoy sa mga balakid at pagsubok na hinahadlangan ang matagumpay na
pagtapos ng mga gawain, na nakaaapekto ng hindi maganda sa buong buhay ng tao. Karaniwang
dumedepende ito sa araw ng iyong kapanganakan, araw ng pagsisimula mo ng negosyo o maging ang
iyong pagbiyahe. 4

Sa mga pangyayari mula sa pagsuway sa mga pamahiin, ito ay nagreresulta sa pagkabigo o sakuna. Kung
saan nagmula ang kasawian at kabiguan ay tinatawag itong cending.

Medyo karaniwan na rin sa mga Malaysian ang paggawa ng mga pangako (naar o niat). Inaaasahan,
kapag nangako ay kailangan mo itong tuparin, dahil kung hindi mo ito matutupad, magdudulot lang ito
ng sakuna, peligro at panganib sa taong nangako. At ang mga nakatatandang Malay ay naniniwala rito at
nagreresulta sa cending. Ang paghantong sa ganitong kaparusahan ay malulunasan lang kung
mangangako ka ng mabuti at matutupad mo ito.
At ang panghuling uri ng kamalasan ay kilala bilang seroka o bala seroka. Ito ay nangyayari kahit saan at
kahit kalian, ito ay hindi nahuhulaan. Maiuugnay rin ito sa tiyak na superstitions.

Halimbawa kapag ang isang tao ay dumaan sa puno ng niyog at nahulugan siya ng bunga nito, ang bunga
nito ay ang mismong seroka. Katulad din ng isang epidemiya na pinaniniwalaang mula sa mga espiritung
nagdadala ng seroka. Kadalasang napakakalma lamang ang mga espirito sa pamamagitan ng bomoh o
shaman.5

MGA TRADISYUNAL NA KASUOTAN

Kapag pag-uusapan ang tradisyunal na kasuotan ng mga Malay, hindi natin maitatanggi ang impluwensya
ng iba’t ibang lahi na nakatira rito: Malay, Chinese at Indian. Sa makatuwid, makaklasipika natin ang
kanilang mga tradisyunal na kasuotan sa mga sumusunod;

1- Malaysian Malay

2- Malaysian Chinese

3- Malaysian Indian

4- Orang Asal

5 1. Malaysian Malay

(Ang kalalakihan ng Malaysian Malay suot ang kanilang 'baju melayu')

Karaniwan sa mga kalalakihan ang magsuot ng maluwang na mga damit na tunika o tunic garments
kasama ang trousers o parang pantalon na hanggang sa bukong-bukong ang haba. Kilala ito bilang “baju
melayu”. Ang kasuotang ito ay isinusuot kasabay ng sampin na isang sarong na kung saan ibinabalot sa
beywang ng mga kalalakihan. Gumagamit din sila ng traditional na headdress na songkok. Kadalasang
pinipili ng mga Malay na gumamit ng palda na gawa sa bulak o shirt na mula seda na may piraso ng tela
na parang scarf itinali sa baywang. Ang scarf na ito ay tinahi sa bawat dulo at kilala bilang sarong o kain.
Kadalasan sa kanilang mga damit ay matitingkad ang mga kulay. Nag susuot din ng pantakip sa ulo ang
mga Malay na lalake katulad ng sa mga Muslim.5

(Kababaihan na Malaysian Malay suot ang kanilang baju kurung)

Sa mga kababaihan naman, ang tawag sa kanilang kasuotan ay tinatawag na baju kurung na sa katunayan
ay isang blouse na mahaba na aabot sa tuhod, isinusuot ito sa ibabaw ng kanilang mahahabang palda.
Nagsusuot din sila ng scarf o shawl.

2- Malaysian Chinese

Ang tradisyunal na kasuotan ng kalalakihang Malaysian Chinese ay short sleeved shirt na isinusuot sa
ibabaw ngisang trouser, magaan lamang ang kanilang trousers o mga pantalon, sandals naman para
sapin sa paa upang maging kumportable.
(Modelong Malay Chinese, suot ang kanyang tradisyunal na damit)

Cheongsam ay isang one-piece dress, kadalasang gawa sa seda at mayroong matataas na kwelyo; ito ay
nakasara na dayagonal na may pansara na malilit na clip o toggles (fabric clasps). Ang ganitong kasuotan
ay kilala sa mga Malaysian Chinese hindi lamang sa kaswal na damit kundi ginagamit din bilang pormal
na kasuotan. Noong una, ang kababaihan ay gumagamit na samfoo, o6parang pajama, ito ay maluwang
at isinasara gamit

ang toggles. Hanggang bukong-bukong o sa ibabaw

ng bukong-bukong ang haba nito.

(Babaeng modelong Malay Chinese, suot ang Cheongsam:

imahen mula sa zarindumasia.wordpress.com)

3. Malaysian Indian

(Ang tradisyunal Malay Indian model suot ang Sari)

Karamihan sa mga kababaihang Malay Indian ay nagsusuot ng Sari o Saree na tradisyunal ding kasuotan
ng mga Malaysian, ito ay may habang 4 hanggang 9 na metro na sinusuotan ng blouse o pullover na
kilala sa tawag na Choli. Katulad ng mga Indian na lumipat mula sa hilagang bahagi ng India na nagsusuot
ng Shalwar Kameez na mahaba, pababa sa tuhod.

(Tradisyunal na kasuotan ng Malay Indian na suot ng modelo (kaliwa) at kasuotan naman ng kababaihan
(kanan)

Para sa kalalakihan, ang kanilang damit ay two piece dress, na may shalwar (trousers) at Kamezz
(mahabang tunic shirt) at para sa kababaihan naman ay three piece dress, Shalwar (trousers na kilala rin
bilang pajama), Kameez (pang-itaas na kilala bilang kurta) at Duppata (scarf)

4- Orang Asal

Orang Asal ay isang Malaysian traditional dress para sa mga katutubo o aboriginal people ng Malaysia.
Ang kanilang kasuotan ay gawang-kamay at pinalamutian ng mga bead. Hanggang ngayon ay nagsusuot
pa rin sila nito at gumagamit ng natural na materyales tulad ng treebark. Ang mga headdress nila ay
gawa sa mga dahon o iba pang palamuti.

(Ang mga kalalakihang Aboriginal Malaysian sa kanilang tradisyunal na kasuotan)

Dahil na rin sa nagkalat ang komunidad ng aboriginal people, nag-iiba-iba rin ang kanilang mga damit.

Ang kababaihan at mga anak nila sa Orang Asli village – Malaysia

Hindi makaiila na ang tradisyunal na kasuotan ng mga Malaysian ay sumasalamin sa makulay na kultura
ng iba’t ibang tribo at etnikong grupo nito.

TRADISYUNAL NA MGA PAGKAIN

1. Nasi Lemak

Ito ang itinuturing na pambansang pagkain ng Malaysia. Ang kanin ay niluto na mayroong gata ng niyog,
nilalagyan ng pandan o tanglad upang bumango ang kanin. Nilalagyan din ito ng mani, pipino, itlog, fried
anchovies at sambal. Maaari mo rin itong samahan ng Rendang, pritong manok o curry beef.

2. ChIcken Satay

Tinuhog na manok na iniihaw sa uling. Ang sauce nito ay peanut-based, at minamarinate muna ang
manok gamit ang mga lokal na pampalasa.

3. Mee Goreng7

Isang stir-fried noodles, na kung saan ang noodle nito ay tinimplahan ng toyo, bawang, shallot at mga
pampalasa. Nilalagyan din ito ng hipon o manok, beef o gulay. Kadalasang niluluto ito sa uling.

4. Ikan Bakar

Sa ingles ito ay tinatawag na burned fish. Dito ang isda ay binabalot sa dahon ng saging upang sa dahon
direktang papasok ang init mula sa pag-iihaw at hindi sa isda. Minamarinate muna ang isda gamit ang
mga pampalasa.

5. Popia

Ang mga gulay tulad ng ginutay-gutay na singkamas, jicama at iba pang gulay kasama ng mani, itlog o
tofu ay ibinabalot sa pliant wheat crepe.

|V. MGA PANITIKAN7

ANG BATANG LALAKI SA KAMPUNG

Ni: Lat
Nagsimula ang kwento tungkol sa edukasyon ni Lat partikular na sa pagbabasa ng Qur’an. Sa
panrelihiyong klase niyang ito ay nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan na kung saan ay sinasama niya
kanyang mga abentura, sa paglalangoy sa ilog at sa paggalugad sa mga kagubatan. Pinangangambahan
ng kanyang mga magulang ang kawalan niya ng interes sa pag-aaral, naiintindihan naman ni Lat ang
hinaing ng kanyang mga magulang subalit di niya naman kayang itigil ang kanyang mga hilig para lamang
sa kanyang edukasyon. Sa edad na sampu, siya ay nagpatuli at dumaan siya sa mga proseso ng Bersonat.
Ito ay isang ritwal na kung saan ay mayroong prusisyon at pagligo sa ilog.

Nang gumaling na siya mula sa pagkatuli, si Lat kasama ng kanyang mga kaibigan ay pumapasok ng
walang pahintulot sa minahan ng lata. Doon ay tinuruan siya kung paano magmina kahit iyon ay
mahigpit na ipinagbabawal ay hinahayaan na lamang siya ng mga manggagawa doon. Nang dinala ni Lat
sa kaniyang ama ang bunga ng kanyang pagtatrabaho doon ay pinagalitan siya ng ama, imbis na puriin,
dahil sa muli na naman nitong pagpapabaya sa kaniyang pag-aaral. Nagkaroon ng determinasyon si Lat sa
kaniyang pag-aaral nang malaman ang paghihinagpis ng kaniyang mga magulang at nang makita ang
plantasyon ng goma ng kaniyang pamilya. Natanggap niya ang kaniyang gantimpala, naipasa niya ang
kaniyang eksaminasyon at nagging kwalipikado sa isang boarding house na may mataas na istandard sa
kabisera ang Ipoh.

Nagmadali siyang ibalita ito sa kaniyang mga magulang, nadiskubre ni Lat na ang ama niya ay
nakipagnegosasyon sa kompanya ng minahan, na nagsasagawa ng pagsisiyasat sa lups. Ang kAmpanya ay
magbibigay ng malaking halaga sa mga ari-arian ng pamilya kapag nadiskubrihan na mayroon doong lata.
Ang ibang taganayon naman ay umaasa rin na magkaroon ng ganoong negosasyon, balak nilang bumili
ng lupa sa Ipoh kung sakaling mangyayari iyon. Ang araw ng pag-alis

LAT o DATUK MOHAMMAD NOR KHALID

Ang kanyang buong pangalan ay Datuk Mohammad Nor Khalid at mas kilala sa tawag na Lat, siya ay isang
kartonist.Pinanganak noong ika-5 ng Marso taong 1951 sa Malaysia. Ang sultan ng Perak ang nagbigay sa
kaniya ng titulong Datuk bilang pagkilala ng sultan sa mga nilikhang karton nito na nagtataguyod ng
sosyal na pagsasamahan at pagkakaunahan. Naging kilala siya sa kaniyang mga sinulat tulad ng Kampung
Boy (1997), Mat Som (1990), at Malaysia: Through the Decades (2013).

You might also like