You are on page 1of 1

Naglahong Paraiso

Ako’y nanabik sa mga huning kay lambing


Ng mga maya sa umaga sa akin ay gumigising
' di ko na masaksihan ang paghalik ng paru-paro
Sa mga rosas na kay ganda at kay bango

Ako’y nanabik na umidlip sa ilalim


Ng punong narra na malabay na dati-rati'y kapiling
'di ko na maramdaman sariwang ihip ng hangin
Mula sa kinagisnang bukirin

Nais kong manumbalik


Ang dating makulay na paligid
Sa puso ay muling pausbungin
Ang luntiang daigdig

Ako’y nanabik sa hiyaw at halakhak


Ng mga batang naglalaro sa damuhan
Pagka’t pumanaw na ang sigla nila’t galak
Sa pagkasira ng paraisong kinagisnan

Nais kong diligin ng pag-ibig


Ang nalalanta ng kalikasan
Ipamana sa kabataan
Ang kanyang mga biyaya’y kagandahan

Nais kong manumbalik


Ang dating makulay na paligid
Sa puso ay muling pausbungin
Ang luntiang daigdig

You might also like