You are on page 1of 1

LAGUMANG PAGSUSULIT (SULIRANING PANGKAPALIIRAN) ARALIN 1

Kumuha ng sariling papel para sulatan ng mga sagot.Tandaan: Ang pagtatayang ito ay summative at batayan ng pagmamarka.

I. Knowledge Level Gawain: Buuin ang sumusunod na pahayag:


1. Ang solid waste ay tumutukoy sa ____________________________________________________________________.
2. Inilalarawan ang deforestation bilang ________________________________________________________________.
3. Tumutukoy naman ang Climate Change sa _____________________________________________________________.
4. Ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay magkakaugnay dahil ______________________________________.
5. May kaugnayan ang mga suliraing pangkapaligiran at ang Climate Change dahil _______________________________.
II. Process/Skill Level Gawain: Suliranin-Sanhi at Epekto-Solusyon. Isulat sa ikalawang kahon ang Sanhi, sa ikatlong
kahon ang Epekto nito at sa ikaapat na kahon ang posibleng solusyon sa suliranin. (3 puntos bawat kahon) III.
Suliranin Sanhi Epekto Solusyon

Lumiliit na kagubatan

Suliranin Sanhi Epekto Solusyon

Pagtuyo ng mga balon

III. Understanding Level


Gawain: Basahin ang artikulo tungkol sa Pasig River, pagkatapos ay punan ng sagot ang situational analysis chart sa
ibaba.

EDITORYAL - Kawawang Pasig River

Marami nang nagagastos ang pamahalaan at iba pang civic groups para maging malinis ang Pasig River.
Kung anu-anong proyekto ang isinasagawa at nagdadaos pa ng mga funrun para makalikom ng pondo at
maitustos sa paglilinis ng Pasig River. Gustong maibalik ang kristal na tubig ng ilog at muling mabuhay ang
mga isda na lalanguy-langoy doon. Dati raw, may mga naglalaba at naliligo sa Pasig River. Ngayon ay may
naliligo pa rin naman sa ilog subalit sakit ang babagsakan sa sandaling umahon. Kung anu-anong dumi
ang nasa ilog --- dumi ng tao, hayop, latak ng makinarya at mga pabrika. Sayang ang pagsisikap at pera
na inilaan sa paglilinis sapagkat walang tigil sa pagtatapon ng dumi at basura ang maraming tao, mga
kompanya at pabrika. Masangsang ang amoy ng ilog na nagpapasakit sa ulo at sikmura. Hindi maitatago
ang amoy ng ilog na umaalingasaw sa maraming bahagi ng Metro Manila. Maraming bayan at lungsod ang
dinadaanan ng Pasig River bago makarating sa Manila Bay. Noong Sabado, nadagdagan na naman ang
dumi ng kawawang Pasig River at hindi lamang basta dumi ang naligwak sa ilog kundi nakapipinsala rin sa
kalusugan ng tao. Nagkaroon ng leak ang isang private oil depot sa Pandacan at tumapon sa Pasig River
ang laman nitong bunker fuel. Umano’y 44,000 liters ng fuel ang natapon sa ilog. Umalingasaw ang
mabahong amoy sa paligid ng Pandacan depot na umabot hanggang sa Sta. Ana at iba pang lugar. May
mga dumaing ng pananakit ng dibdib at may mga inatake ng asthma dahil sa sobrang amoy. Kinilala ang
private oil depot na Larraine Marketing. Sinabi ni DENR secretary Ramon Paje na posibleng kasuhan ng
Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang Larraine Marketing. Ang LLDA ang may jurisdictions sa
polluted water. Kawawang Pasig River na sinalaula na ng tao at pabrika. Hindi na maibabalik ang kristal na
tubig ng ilog at malabo nang mapagkunan ng ikabubuhay. Maliban na lang kung may political will ang mga
namumuno at maghigpit sa mga taong nagpaparumi sa ilog. Posibleng luminis kung aalisin ang mga oil
depot na bukod sa nagpa-pollute sa ilog ay banta rin sa buhay ng mga residente sa lugar.
Sanggunian: Kawawang Pasig River. (2013, June 26). Retrieved December 17, 2014, from Pilipino Star Ngayon:
http://www.philstar.com/psnopinyon/2013/06/26/958299/editoryal-kawawang-pasig-river

Epekto
Kinakaharap na Hamon Sanhi
Tao Kalikasan
1.
2.

Batay sa aking sagot sa Situational Analysis Chart, masasabi ko na ang suliranin at hamong pangkapaligiran ay may
malawak na epekto at magkakaugnay sa isat-isa dahil
___________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

___________________
Paalala: Huwag sulatan ang papel na ito.

You might also like