You are on page 1of 3

San Antonio de Padua Integrated School of Imus, Inc.

Ikatlong Markahang Pagsusulit


Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Pangalan:____________________________ Iskor:___________
Seksyon:_______________________ Petsa:___________
Bb. Edlyn M. Gabor

I. Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap at piliin


ang pinakamahusay na sagot. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang tradisyonal na kaugaliang Pilipino ng pagbibigay-galang


sa mga nakatatanda.
a. Pagsasabi ng “mabuhay po”
b. Pagsasabi ng “mano po”
c. Pagsasabi ng “bayanihan po”

2. Ito ay isang katutubong sayaw na tinutularan ang galaw ng isang


ibon.
a. Itik-itik
b. Tinikling
c. Singkil

3. Ito ay isang tradisyonal na kaugalian ng pag-uusap sa pagitan ng


partido ng babae at lalaki tungkol sa balak na pagpapakasal.
a. Harana
b. Kuwentong bayan
c. Pamanhikan
4. Ito ay isang prinsipyong pangkapaligiran na nagsasabing kung ano
ang itinapon bilang basura ay may epekto sa lugar na iyong
pinaninirahan.
a. “Ang ating daigdig ay may hangganan.”
b. “May pinatutunguhan ang lahat ng bagay.”
c. “Tayo ay mga katiwala ng mga nilikha ng Diyos.”

5. Ito ay tumutukoy sa pagmamahal at pagmamalasakit ng isang


mamamayan sa kanyang bansa.
a. Kultura
b. Pambansang sagisag
c. Nasyonalismo

6. Ito ay mga pahayag, parirala o tanong na may mga doble o


nakatagong kahulugan.
a. Bugtong
b. Pabula
c. Kuwentong epiko

7. Ito ay tawag sa paraan ng pamumuhay na pinagsasaluhan ng isang


pangkat ng mga tao.
a. Pambansang sagisag
b. Kultura
c. Nasyonalismo

8. Ito ay isang halimbawa ng isang Pilipinong romantikong awit ng


pag-ibig.
a. Harana
b. Kundiman
c. Awit ng panliligaw

9. Ano ang ibig sabihin ng 3R sa pangangasiwa ng basura?


a. Reduce, Redirect, Recycle
b. Reuse, Recycle, Resell
c. Reduce, Reuse, Recycle

10. Ito ay ang asal na mapatutunayan batay sa kung gaano katapat


ang isang tao sa pagsunod sa mga tuntunin at kautusan ng kanyang
pamayanan.
a. Disiplina
b. Pakikisama
c. Bayanihan

You might also like