You are on page 1of 2

Division of Gingoog City

West II District
PEDRO MALIGMAT INTEGRATED SCHOOL
Catuan, Lunao, Gingoog City

UNIT TEST in Filipino 7


Quarter 2

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin ang titik ng
tamang sagot at bilugan ito.

1. Pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patuluyan na nag-uugnay sa isang tao.


a. Alamat b. Epiko c. Bulong d. Awiting-bayan

2. Mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin.
a.Aalamat b. Epiko c. Bulong d. Awiting-bayan

3. isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng Pilipinas.


a. Alamat b. Epiko c. Bulong d. Awiting-bayan

4. Isang uri ng kuwentong-bayan at panitikang nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa


daigdig.
a. Alamat b. Akdang-pampanitikan c. Epiko d. Bulong

5. Uri ng panitikang tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng tao laban sa mga kaaway
na may mga tagpung kababalaghan.
a. Awiting-Bayan b. Akdang-pampanitikan c. Epiko d. Bulong

6. Ito ay mga kuwento tungkol sa mga Diyos at Diyosa na nagpapaliwanag hinggil sa mga likas na
kaganapan.
a. Epiko b. Alamat c. Mito d. Bulong

7. Ito ay mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila.
a. Tradisyon c. Araw ng Patay
b. Araw ng Manggagawa d. Kasal

8. Isang paniniwala o kasanayan na kadalasang na hindi batay sa dahilan at walang pang-agham o


siyentipikong katotohanan.
a. Tradisyon b. Pamahiin c. Paniniwala d. Kasalan

9. Ang katotohanang pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason.


a. Pagmamatuwid c. Pagpapaliwanag
b. Pagsasalaysay d. Paglalahad

10. Ito ay isang pagkakaroon ng kumpiyansa o pananalig sa isang bagay na walang matibay na patunay
sa katotohanan nito.
a. Tradisyon b. Pamahiin c. Paniniwala d. Kasalan
11. Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay.
a. Pagmamatuwid c. Pagpapaliwanag
b. Pagsasalaysay d. Paglalahad

12. Batay sa akdang “Ang Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan,” paano nagkahiwalay ang
magkakapatid?
a. sumadsad sa mga malalaking bato
b. nabangga ang sinasakyan ng malaking barko
c. nabangga ang sinasakyan ng malaking bangka
d. hinampas ng dagat ang bangkang sinakyan

II. Panuto: Sagutin ang bawat katanungan.


1. Ano ang pagkakaiba sa pagpapaliwanag at paghahatol o pagmamatuwid?

2. Ano ang ibig sabihin ng linyang “huwag maghangad ng sobra-sobra”?

3. Kailan sinasabi ang bulong na, “Tabi, tabi po apo, baka po kayo mabunggo”?

4. Bakit buong lakas na sumagwan ang ama ng pitong dalaga sa karagatan?

5. Ipaliwanag ang linyang “ang pagmamahal ng pamilya ay walang kapantay”.

6. Bakit ba sinasabing bawal magwalis tuwing gabi?

III. Panuto: Sagutin ang bawat katanungan.


1. Paano mo mapapahalagahan ang mga pamahiin o tradisyon na iyong natututunan mula sa iyong mga
magulang?

2. Paano mo mapapanatili ang iba’t-ibang paniniwala na namana mo sa iyong mga ninuno?

You might also like