You are on page 1of 5

Mga Tausug

Ang mga Tausug o ang mga Suluk ay isang grupo ng mga etnikong
Pilipino. Ang Tausug ay nagmula sa salitang “Tau” na ang ibigsabihin
ay “tao” at “Sug” na nangangahulugang “agos.” Ang iba ay nagsasabing
ang kahulugan ng Tausug ay “Tau Ma Isug” o “Ang Mga Taong
Matatapang” sa linguahe ng mga Sulu. Tinatawag silang mga Suluk sa
Sabah, Malaysia. Sila ay may populasyon na 502, 918 (NCCP--PACT)
sa statistiko noong 1998 at sila ay nakatira sa Julo. Sila ay may
dalawang pangkat na tinatawag na Pariano at Guimbahamon.

Ang kasaysayan ng mga Tausug ay nagsimula kay Makdum, isang Muslim


na missionary. Siya ay dumating sa Sulu noong 1380 at ipinakilala ang
pananampalatayang Islam at naninirahan sa Tubig Indangan, Simunul
hanggang sa kaniyang kamatayan. Nang dumating si Raja Baguinda sa
Sulu noong 1390, ipinalago niya ang trabaho ni Makdum.
Ang mga Tausug ay may maraming paniniwala at tradisyon.
Isa sa mga ito ang pagpapahalaga ng pangalan at
reputasyon ng angkan at dapat hindi nila dudumihan ito.
Isa ito sa mga dahilan kung itinuturing silang matapang.
Para sa kanila, ang kaduwagan ay malaking kahihiyan.
Meron silang tradisyon at ritwal sa pagbinyag ng sanggol o
ang “Paggunting.” Sa mga lalaking sanggol lang ito
kailangan. Hindi ito kailangan ng mga babaeng sanggol dahil
itinuturing nilang mahalaga nag mga babae at hindi dapat
hawakan. Unang- una, ang sanggol ay binabalutan ng
pinakaaya-ayang tela at ihahatid sa mga imam na nakaayos
na pabilog. Ang buhok ng sanggol ay isasawsaw sa tubig ng butong. Papahiran ng asukal ang bibig ng
sanggol. Sa simula ng ritwal, may isang ritwal na sisindihan at pinapatay pagkatapos. Meron din silang
ritwal para sa paglilibing ng patay. Kapah naglaho na ang init ng bangkay, pupunasan gamit ang espongha,
ito ng malamig na tubig. Ang paglilinis ay ginagawa ng Imam o relihiyosong mga tao at dapat tahimik ang
kapaligiran habang ginagawa ito. Ang tubig na ginagamit ay malinis at sariwa.
Ang daman ay isang payo o talumpating patula ng mga Tausug na karaniwang ginagamit
sa panliligaw at bilang bahagi ng ritwal ng kasal. Sinauna ang uri ng wikang ginagamit sa
daman kayâ hindi na ganap na naiintindihan sa kasalukuyan. Karaniwan ding naglalaman
ng mga salawikain o masaalla ang daman. Sa pamamagitan ng daman, naipapahayag ng
manliligaw ang kaniyang damdamin sa isang magálang at matalinghagang paraan. Madalas
ding may palitang nagaganap sa panig ng mga nagliligawan at sa panig ng mga kasapi ng
pamilya nilá. Halimbawa, maaaring magpahayag ng daman ang isang binatang umaaligid sa
bahay ng nililigawan. Sasalubungin siyá ng ama ng
nililigawan kaya kailangan niyang ipahayag sa
pamamagitan ng tula ang kaniyang nararamdaman
sa nililigawan. Habang tumutula ay maaaring
lumabas ang dalaga upang makipaglitan sa kaniya
ng matatamis na salita.

You might also like