You are on page 1of 4

PAMANTASANG BAYAN NG MINDANAO

KOLEHIYO NG EDUKASYON

INTEGRATED LABORATORY SCHOOL

LUNGKOD MARAWI

SINGAPORE

BILANG TUGON SA PANGANGAILANGAN

SA FILIPINO

IPINASA KAY

NINA

AUGUST 19, 2019


SINGAPORE
Ang Singapore (pagbigkas: síng•ga•por), na may opisyal na pangalang Republika
ng Singapore ay isang pulo, lungsod-estado, na matatagpuan sa Timog-silangang
Asya, sa timog ng estado ng Johor sa tangway ng Malaysia at hilaga ng kapuluang
Riau ng Indonesia. Ang pulo ay dating tinatawag na Temasek at bininyagan ni
Prinsipe Parameswara sa pangalang Singapura, nangangahulugang “lungsod
(pura) ng leon (singa)” noong ika-16 siglo.

WATAWAT NG SINGAPORE

Ang watawat ng Singapore ay nahahati sa gitna, pula sa taas at puti sa baba, sa


bandang hilagang kanlurang bahagi ng watawat may isang gasuklay ng buwan at
limang bituin. Ang ibig sabihin ng pula ay pagmamahal sa bayan, ang puti naman
ay nag sisimbolo ng pagkakaibigan sa ibang bansa. Ang gasuklay ng buwan
naman ay nag sisimbolo ng bagong bayan, ang unang bituin ay nag sisimbolo ng
hustisya, ang pangalawa naman ay equalidad, ang pangatlo naman ay kalayaan,
ang pang-apat naman ay pag-asenso, at pang lima o huli na bituin ay demokrasya.
PAMUMUHAY SA SINGAPORE
Ang pamumuhay ng Singapore ay nagtataglay ng isang ekonomiya ng merkado
(Market Company) na Malaya at masagana at may open environment Malaya sa
katiwalian. Matatag ang kanyang pananalapi at ang GDP miyo ay ang
pinakamataas sa mundo. Nakadepende ang ekonomiya sa pag-export,
partikularang sa sector ng elektroniko at industriya.

PANITIKAN SA SINGAPORE
Ang panitikan ng Singapore ay binubuo ng isang koleksiyon ng mga akdang
pampanitikan sa anuman sa apat na pangunahing wika ng bansa: English, Malay,
Standard Mandarin, at Tamil. Maraming tila, prosa, at maikling kwento ang
galing sa Singapore.

EDUKASYON SA SINGAPORE
Ang singapore ay isa sa mga bansang may pinakamataas na per capita (gdp) sa
buong daigdig. Ang kaunlarang ito sa ekonomiya ay dulot ng kanyang mga
iniluluwas na produkto na nakabatay sa elektroniks at manufacturing. Gayundin
ang bansang ito ay may mataas na literacy rate. Sa popuasyon nitong mahigit sa
apat na milyon, 93.2% ang nakakabasa at nakakasulat. Matinding kompetisyon
ang kaharap ng mga magaaral sa singapore s pagpasok pa lamang sa mga
pamantasan. Ito ay kadahilanang ang pagpasok at pagtatapos sa mga unibersidad
ay nangangailangan ng kaginhawaan sa buhay ng mga magaaral. Marahil isang
malaking pagbabagio sa sistemang edukasyonal ng singapore ay ang
pagpapahintulot sa mga pamantasan mula sa united states at europa na
makapagatyo ng kanilang institusuon sa kanilang bansa.

KULTURA NG SINGAPORE
Ito ay sentro ng sining at kultura at mayaman sa aspekto ng teatro at musika. Ang
kanilang lutuin ay sadya ring de-kalidad. Ang mga tao ay nakasanayang maging
disiplinado at hindi lumalabag sa batas. Kaya naman isa ang Singapore sa pinaka
maunlad na bansa.

You might also like