You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

SURIGAO DEL NORTE STATE UNIVERSITY


Narciso Street, Surigao City 8400, Philippines

“For Nation’s Greater


Heights”

KONSEPTONG PAPEL

Materyal na Kulturang Pangkalikasan sa Lalawigan ng Surigao

Republika ng Pilipinas
SURIGAO DEL NORTE STATE UNIVERSITY
MAEd - FILIPINO
Graduate Studies
Surigao City

FILIPINO 214

(PAGTUTURO NG FILIPINO BILANG PANGALAWANG WIKA)

Iniharap kay:

GNG. GEMMA R. ESCULTOR

Propesora

Unang Semestre 2022 – 2023

Ni:

BB. MARY ANN A. TADEM

MAEd - FILIPINO

Tel. Nos.: (086) 827-3741 Email: info@snsu.edu.ph


(086) 827-3742 URL: snsu.edu.ph
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL NORTE STATE UNIVERSITY
Narciso Street, Surigao City 8400, Philippines

“For Nation’s Greater


Heights”

TSAPTER I

INTRODUKSIYON

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa Materyal na Kulturang Pangkalikasan sa


Lalawigan ng Surigao. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Materyal na
gagamitin bilang promosyon sa Kulturang Pangkalikasan sa lalawigan ng Surigao
upang makilala ang dayalektong Sinurigaonon sa mga dayuhan. Ang Surigao del
Norte ay isa sa mga dinadayo ng mga turista sa kadahilanang magaganda ang
mga tanawin, dagat at hindi katulad ng ibang mga syudad na maraming tao o
crowded kaya dinadayo ang lalawigan na ito. Ang lalawigan ng Surigao ay kilala
sa mga magagandang dagat at minahan kaya makikita rin sa lalawigan na ito
ang mga bundok na halos ay wala ng mga halaman at karimahan ay makikita
doon sa Claver, Surigao del Norte. Ang minahan at mga turismong makikita sa
lalawigan ng Surigao ay kultura na ito ng mga Surigaonon. Ito ay naging
karaniwan na sa mga mamamayan at dito na rin kumukuha ng kabuhayan ang
mga tao. Ang Surigao din ay mayaman sa mineral kaya iilan sa minahan dito
ang lupa ay dinadala sa Japan dahil sa mineral na natatangi. (sariling diin)
Ang departamento ng turismo ay isa sa mga pinagkakakitaan sa bansang
Pilipinas dahil marami ang naggagandang mga lugar sa Pilipinas na kung saan
dinadayo ito ng iba’t ibang bansa. Alam natin na ang bansang Pilipinas mula pa
man sa panahon ng mga Hapones, Espanyol at Amerikano dinayo na ang
bansang Pilipinas dahil sa natatanging ganda nito.
Sa lalawigan ng Surigao del Norte isa ang Siargao na dinadayo ng mga
Amerikano dahil sa natatanging ganda nito mula sa lugar at sa mga dagat nito na
kay puti ng buhangin kaya iilan sa mga Americans ay doon na naninirahan.
Pinagmamalaki ng mga surigaonon ang Siargao dahil ito ang pinaka-sikat, kilala

Tel. Nos.: (086) 827-3741 Email: info@snsu.edu.ph


(086) 827-3742 URL: snsu.edu.ph
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL NORTE STATE UNIVERSITY
Narciso Street, Surigao City 8400, Philippines

“For Nation’s Greater


Heights”
ng mga dayuhan at hindi lamang ang Siargao ang pinagmamalaki ng mga
Surigaonon kundi pati na rin ang mga lugar na dinadayo rin tulad ng Mabua,
Pebble beach, General Luna, Bucas Grande, Dapa, Mainit Lake at marami pang
iba. (sariling diin)
Ayon sa SMNI news na nailathala noong July 26, 2022 na mula sa facebook
“Mahalaga ang papel ng turismo upang mas makilala ang ‘Filipino brand’ kaya
bibigyang prayoridad ni Pangulong Bongbong Marcos ang tourism infrastructure
sa bansa.” Sa taong ito ay bago ang ating pangulo sa bansa nag-iiba din ang
prayoridad dahil bawat pangulo na uupo meron silang kanya-kanyang prayoridad
at isa na nga na bibigyan ng prayoridad ang usaping turismo sa kadahilang
makilala ang Filipino brand, ibig sabihin ganyan kahalaga ang kultura ng ating
bansa na dapat ipakilala sa mga dayuhan, ipakilala ang wika at kultura ng ating
bansa. Hindi lamang kultura ang ipinapakita o ipinapakilala sa mga dayuhan
kundi ang ating bansa mismo gaano ka yaman ito sa natatanging ganda ng mga
turismo.
Naniniwala ang mananaliksik na ang bawat lugar sa Pilipinas ay may kanya-
kanyang kultura at dayalekto, may kanya-kanyang ganda at pamumuhay ang
bawat Pilipino. Ang wika ang siyang tulay upang makipag-ugnayan sa bawat isa
at ang wikang ginagamit sa partikular na lugar ay mayroon ding kultura na kung
saan sumasalamin sa kanilang buhay. Ayon sa news.abscbn.com na mula sa
internet ang Pilipinas ay may mahigit 130 na wikang katutubo at mayroong 39 na
wika ding nanganganib o hindi na masyadong ginagamit at meron na talagang
namamatay at kung hindi ito aalagaan o hahayaan na lamang ito na sakupin ng
ibang wika ay tuluyan na itong mawawala. Sa kasalukuyan, patuloy na pinag-
aaralan ang ibang mga wika sa Pilipinas, patuloy na hinuhukay ang mga
katutubong wika at patuloy ring pinaigting ang iba pang mga wika.

Ang lalawigan ng Surigao ay patuloy pa ring ginagamit ang Wikang Surigaonon


lalo na sa syudad ng Surigao ngunit merong mga lugar na hindi masyadong
ginagamit ang wikang surigaonon sa kadahilanang na impluwensyahan na ito sa
ibang wika. Ang lugar ng mananaliksik ay hindi sentro sa syudad ngunit sakop pa

Tel. Nos.: (086) 827-3741 Email: info@snsu.edu.ph


(086) 827-3742 URL: snsu.edu.ph
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL NORTE STATE UNIVERSITY
Narciso Street, Surigao City 8400, Philippines

“For Nation’s Greater


Heights”
rin ito ng Surigao del Norte at hindi masyadong ginagamit ang Wikang
Surigaonon at hindi lamang ito ang lugar na kung saan hindi masyadong
ginagamit kundi marami pang mga lugar na sakop ng Surigao del Norte ay hindi
ginagamit ang wikang surigaonon pero naiintindihan ng lubos ang dayalekto dahil
sakop ng Surigao del Norte. (sariling diin)
Sa kasalukuyan, kakasimula pa lamang na pinauunlad ang wikang surigaonon.
Ginagamit ang wikang surigaonon sa komunikasyon, sa edukasyon ngunit hindi
pa ito ginagamit sa ibang mga materyal na mapatingkad pa ang dayalekto na ito.
Ang mananaliksik ay malaking interes tungkol sa dayalekto na ito na mas
mapaunlad pa ito sa pamamagitan ng materyal na promosyon tulad ng flyers na
gagamitin sa pagpapakilala ng wikang surigaonon sa mga dayuhan at
pagpapakilala sa kulturang pangkalikasan. Naniniwala ang mananaliksik na hindi
lamang flyers na materyal sa pagpapakilala kundi marami pang iba.

Ang flyers ay isa sa mga ginagamit sa turismo upang ipakita ang lugar, mga
impormasyon at kung ano ang tungkol sa lugar na pinopromote ibig sabihin ang
flyers ay tumutulong upang maibahagi sa mga dayuhan ang tungkol sa lugar.
Madalas makikita o mababasa sa flyers ay naka-Ingles at tagalog na wika ang
ginagamit dahil ito naman ang mga wikang ginagamit upang maiiintindihan ng
mga Pilipino at dayuhan.Napagtanto ng mananaliksik kung gaano ka halaga ang
impormasyon, ang wika na ginagamit ng tao upang magkakaintindihan ng lubos.
Sa pamamagitan ng flyers gagamitin ang wikang sinurigaonon bilang pagsasalin
sa wikang Ingles na ginamit sa flyers upang makilala ang wikang sinurigaonon
sa mga dayuhan. Ang paggamit ng dayalektong ito ay patunay na buhay ang
wikang ito, ginagamit ng mga tao sa lalawigan ng Surigao at sumasalamin din ito
sa kultura ng mga Surigaonon. Sa pamamagitan ng paggamit ng dayalektong ito,
binibigyan ng kahalagahan ang wikang sinurigaonon, binigyan ng tuon, mukha at
pinayabong pa.

Tel. Nos.: (086) 827-3741 Email: info@snsu.edu.ph


(086) 827-3742 URL: snsu.edu.ph
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL NORTE STATE UNIVERSITY
Narciso Street, Surigao City 8400, Philippines

“For Nation’s Greater


Heights”

I. RASYONAL/LAYUNIN

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay makilala ang wikang


sinurigaonon sa mga dayuhang pumupunta sa lalawigan ng Surigao. Layunin din
sap ag-aaral na ito na hikayatin ang mga Surigaonon na gamitin ang dayalektong
ito na magpapatunay na ito ay buhay na wika na hanggang ngayon ay
binibigyang ng kahalagahan ang wikang sinurigaonon. Sa pamamagitan ng mga
ito, magpapatuloy na pag-aaralan ang Wikang Sinurigaonon, patuloy itong
tatangkilikin kahit saan man magpunta. Ito ay magbigay daan o pagbukas ng
isipan ng mga dayuhan na ang Wikang Surigaonon ay pinahahalagahan ng mga
taga Surigao.

Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

a. Ano ang kalagayan ng Wikang Sinurigaonon sa lalawigan ng Surigao?

b. Paano makikilala ang Wikang Sinurigaonon sa mga dayuhan?

c. Bakit kailangang mapreserba ang Wikang Sinurigaonon? May kaugnayan ba


ang Wikang Sinurigaonon sa Kulturang Pangkalikasan?

II. SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL


Upang mabigyan ng tiyak na datos ang pag-aaral, saklaw ng pag-aaral na ito
ang halimbawa ng flyers na ginagamit sa turismo sa lalawigan ng Surigao
upang magkaroon ng batayan ang mananaliksik. Saklaw din ng mananaliksik
ang pag-aaral kung paano isasalin ng maayos ang Wikang Ingles o Tagalog
tungo sa Wikang Sinurigaonon sa pamamagitan ng pagtatasa ng lider o
tagapamahala sa turismo ng lalawigan ng Surigao. Hindi na kasali ang tungkol
sa iba pang mga promosyon gaya ng Newspaper, Journal, Brochure at iba pa.
Nakatuon lamang ito sa flyers na gagamitan ng pagsasalin sa Wikang Ingles o
Tagalog tungo sa Wikang Sinurigaonon.

Tel. Nos.: (086) 827-3741 Email: info@snsu.edu.ph


(086) 827-3742 URL: snsu.edu.ph

You might also like