You are on page 1of 4

TAGISAN NG TALINO

PAMANTAYAN
1. Bukas sa lahat ng mag-aaral ng Dalubhasaang Mabini.
2. Ang isang grupo ay dapat buuin ng tatlong tao.
3. Isusulat ang kanilang mga kasagutan sa itim na placard.
4. Ang lahat ng grupo ay sasagot sa paraang pasulat. Bago basahin ang katanungan ay nakataas
ang kamay ng kalahok na may hawak ng panulat.
5. May apat na kategorya ang tagisan ng talino: Elimination,Easy, Average at Difficult Round.
6. Para sa elimination round sa loob ng tatlong tanong ay kailangan makasagot ng dalawa ang
bawat grupo upang maka-usad sa susunod na round (ang hindi nakakuha ng 2 tamang sagot at
awtomatik na tanggal).
7. Sa easy round ay mayroong limang katanungan na may katumbas na isang puntos (1pt.),
Average round ay may 7 katanungan na may katumbas na dalawang puntos (2pts.) at ang
difficult round naman ay may katumbas na 3 puntos (3pts.)
8. Sa easy round ang unang anim na grupo lamang ang kukunin at sa average round naman ay
unang tatlo lamang ang kukunin na siyang maglalaban-laban para sa difficult round.
9. Ang mga katanungan ay babasahin ng tagapamahala ng katanungan o Quiz Master.
10. Ang mga katanungan ay babasahin lamang ng dalawang beses at bibigyan ang bawat grupong
sampung Segundo sa easy round, 15 segundo sa average round at 30 segundo sa difficult round
upang magsulat ng kanilang sagot.
11. Maaari lamang magsagot ang bawat kalahok kapag narinig na ang salitang “simulan na”.
12. Isang tunog ang maririnig na hudyat upang itaas na ang kanilang mga kasagutan
13. Ang grupong nakakuha ng pinakamataas na puntos ay siyang itatanghal na panalo.
Elimination Round
1. Ilan lahat ang Alpabetong Filipino?
a. 24 b. 25 c. 28
2. Sino ang Ama ng Wikang Filipino?
a. Manuel L. Quezon
b. Marcelo H. Del Pilar
c. Lope K. Santos
3. Ayon sa saligan ng batas ng biak na bato, ang idineklarang pambansang wika ay?
a. Filipimo b. Pilipino c. Tagalpg
EASY ROUND (1 puntos na sasagutan sa loob ng 10 segundo)
1. Ang buwan ng agosto ay buwan ng ________________?
a. Nutrisyon
b. Wika
c. Pagkakaisa
2. Ano ang tema ng wika ng buwan para sa kasalukuyang taon?
a. Filipino: wika ng pagkakaisa
b. Filipino: daan sa landas na matuwid
c. Filipino: ilaw at lakas n gating bayan
3. Ilan ang patinig n gating alpabetong Filipino?
a. 6
b. 5
c. 7
4. Ito ay ang pinakamaliit nay unit ng isang tunog.
a. Ponema
b. Morpema
c. Sintaks
5. Wikang sinasalita sa isang partikular na lugar o lalawigan
a. Lingua Franca
b. Dayalekto
c. Salitang Balbal
6. Ang itinuturing na Ama ng Balagtasan?
A. Jose Rizal
B. Manuel L. Quezon
C. Francisco Baltazar
7. Ang daan upang tayo ay magkaunawaan at tulay sa komunikasyon na ating ginagamit sa pang-
araw-araw na pamumuhay.
a. Panitikan
b. Wika
c. Pagkakaisa
8. Siya ang kinilalang “Ama ng Balarilang Filipino”.
A. Francisco Baltazar
B. Lope K. Santos
C. Manuel L. Quezon
9. Ang dalawang letra na pamana sa atin ng mga kastila.
a. Enye at eks
b. Enji at z
c. Enye at Enji
10. Ito ay ikinakabit sa salitang-ugat upang magkaroon ng bagong kahulugan.
a. Panlapi
b. Pangngalan
c. Pang-abay

AVERAGE ROUND (2 puntos na sasagutan sa loob ng 10 minuto)


1. Ang batas ang nagpatupad na ang ating wikang pambansa ay Filipino?
a. 1987 Art. XIV, Sek 8
b. 1987 Art. XIV, Sek 7
c. 1987 Art. XIV, Sek 6
2. Ang 1974 Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 ay nag-uutos na ___________.
a. Ituturo ang wikang Filipino sa lahat ng paaralan
b. Billingual na pamamaraan ang ituturo sa loob ng paaralan.
c. Ituturo ang wikang Ingles s lahat ng paaralan
3. Siya ang pangulong nagtagubilin sa kanyang mensahe sa asemblea lumikha ng isang surian ng
Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas.
a. Ferdinand Marcos
b. Corazon Aquino
c. Manuel L. Quezon
4. Ilang letra ang bumubuo sa ating dating ABAKADA?
a. 23
b. 20
c. 22
5. Ayon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ang ating wikang pambansa ay nakabatay lamang
sa _____________.
A. Ingles
B. Tagalog
C. Katutubong wika

DIFFICULT (3 puntos at sasaguting sa loob ng 30 segundo)


1. Ang buwan ng wika noong panahon ng panunugkulan ni Ramon Magsaysay ay ipinagdiriwang
tuwing buwan ng _______________.
2. Ano ang buong pangalan ng surian na namamahala at tumataguyod sa ating wikang pambansa.
3. Ilan ang pangunahing wika ng ating bansa?

You might also like