You are on page 1of 2

AJM

MCHS
Abacan, Emilia CN 1
Basuel, Wynette CN 7
Garcia, Aniela CN 18
Ocampo, Joie CN 30
Razon, Justine CN 34
10-Burnett 07-26-19

Arketipal na Pagbasa sa Akdang Ang Ngalan ng Rosas


ni Umberto Eco

Ang Ngalan ng Rosas ay isang kuwento tungkol kay William ng Baskerville at ang
kanyang kasamang lnobisiyo na si Adso. Gamit ang kanyang kaalaman sa pagiging Inquisator,
pumunta siya sa Hilagang Italya upang malaman ang dahil ng pagkamatay ng ilang mga mongha.
Noong lima na ang namatay, akala ni William na ang mga pagpatay ay gagamitin para mabuhay
ang Antikristo. Huli na ang lahat noong malaman niya ang totoo: pintay ang mga monghe sa
pamamagitan ng pag-lason sa isang libro, ang Second Poetics ni Aristotle. Ang nag-lason, si
Jorge, ay nagalit sapagkat sa kaniyang palagay hindi dapat natutuwa ang isang mongha. Linason
ni Jorge ang kaniyang sarili, at habang hinahabol siya ni William at Adso, natabig niya ang isang
lampara. Nakatakas sina William at Adso, ngunit nasunog ang silid aklatan ng monasteryo. Sa
huli, nalaman natin na ang nobela ay mula kay Adso, na kaniyang isinulat pagkatpos
maghiwalay ang mga landas niya at ni William.

Mayroon kaming apat na arkitepal na nakita sa kuwento. Una ang sinasabing “Red
Herring” o ang isang bagay na akala ng mga tauhan o magbabasa ay importante. Ang totoo, hindi
ito importante sa kuwento. Ang koneksyon sa pagitan ng iba't ibang pagkamatay at ang pitong
trumpeta ng Apocalipsis ay nagiging isang pagkakataon pagkatapos ng lahat. Kapag ang teorya
na ito ay tinalakay nang hayagan, ang mamamatay ay nagpasiya na tumakbo kasama ito, na
nagpapalala ng mga bagay. Sa katotohanan, iba ang dahilan ni Jorge para patayin ang mga
mongha.

Mayroon din arkitepal na tinatawag na “Den of Evil”, o isang lugar kung nasaan lahat ng
kasamaan sa kuwento ay nangyayari o nagmumula. Sa kuwento, ito ay ang monasteryo kung
saan ang lahat ng mga pagpatay ay nangyari dito. Ang monasteryo din ay ang lugar kung saan
hindi tinupad ng isang mongha ang kaniyang “Vow of Chastity” dahil siya’y nakipagtalik sa
isang babae.

Tungkol sa mga lugar, may isa pang mahalagang lugar, ang silid aklatan. Ito ay kabilang
sa arkitepal na “Labyrinth”. Ang “Labyrinth” ay isang lugar na hindi madaling imapa. Ito ay
kadalasang nakakahilo upang wala masyadong tao ang papasok. Sa nobela, and silid aklatan ay
isang “Labyrinth” na halos naging sariling katauhan dahil sa kahalagaan nito.

Ang huling arketipal na amin na kita ay ang “McGuffin”. Ang “McGuffin” ay isang
arketipal kung saan ang isang bagay ay importante dahil lang sa halaga. Ang librong “Poetics” ay
isang McGuffin, sapagkat ito ay isang librong sinasabing nawala, ngunit mayroong isang kopya
nito sa silid aklatan ng monasteryo. Itong libro rin ay ang dahilan kung bakit nilason ni Jorge ang
mga mongha. Ito rin ay wala masyadong kinalaman sa balangkas ng kuwento.

Kahit na ang kuwento na ito ay nangyayari sa panahon ng mga hari, nakikita natin na ang
mga bagay, tauhan at lugar sa kasalukuyan. Nakikita natin ang laban ng kasamaan at kabutihan
araw-araw sa balita at sa “Social Media”. Marami ring lugar, lalo na sa lugar nang mga
mahihirap, ay ginagawang “Den of Evil” or “Labyrinth”. Halimbawa ang mga lugar kung saan
ginagawa ang mga droga katulad ng shabu, o ang mga lugar ng mga sex-workers dito sa
Pilipinas. Kadalasan din, tayo ay masyadong pinapansin ang mga mahal na bagay na hindi natin
talagang kailangan para tayo’y maging masaya o umasenso sa buhay. Akala natin na ang mga
“McGuffin” ay importante, ngunit sila’y mga “Red Herring” na humaharang sa ating totoong
intensyon.

Ang Ngalan ng Rosas ay talagang isang kuwento ng kamalian na walang magandang


wakas. Ngunit, mapapansin natin na ang mga kathang-isip ni Eco ay dahan-dahan nagiging
totoo. Ito’y nakakatakot at nakakalungkot. Pabago-bago man ang ating lipunan at ang ating
mundo, laging magkakaroon ng kasamaan. Subalit, kagaya ni William, kailangan nating, lalo na
nating kabataan, na gamitin ang ating kaalaman upang malutas ang problemang hinaharap natin
ngayon.

You might also like