You are on page 1of 3

Pornograpiya: Isang Pananaliksik ukol sa Sanhi at Epekto sa Kabataang Pilipino

De Guzman, Cristina M.

I. Abstrak

Ang pananaliksik na ito ay ukol sa mga salik ng lipunan na naging sanhi ng

paglaganap ng pornograpiya sa Pilipinas at kung ano ang epekto nito sa lipunan lalo

na sa mga kabataan. Layon ng pananaliksik na ito na makapagbigay ng naayong datos

ukol sa pornograpiya - pinagmulan, dahilan, epekto, at solusyon. Inaasahan ng

mananaliksik na makakapagbigay ng makabuluhang solusyon ang pananaliksik na ito

upang masugpo ang pagpapalaganap ng pornograpiya sa bansa.

II. Panimula

Ang pornograpiya ay mga malalaswang bagay na maaring isang panoorin o

babasahing sekswal. Ito ay galing sa salitang Griyego na “porne” na

nangangahulugang “prostitute” o taong nagbebenta ng aliw at sarili sa iba. Mas kilala

ito sa pinaikling tawag na “porn” o “porno”.

Bago pa man ang paglawak sa paggamit ng teknolohiya ay mayroon ng pornograpiya

na lumalabas sa iba’t ibang klase ng plataporma tulad ng “casette tapes”, “CDs” at


“DVDs”. Ngunit mas napalaganap ang pagkalat nito dahil sa mga gadyets na mas

mabilis na paraan upang maipasa ang mga ito sa ibang tao. Sa katunayan, tumaas ng

walumpung porsyento (80%) ang pagbilis ng paglaganap ng pornograpiya sa bawat

inbididwal mula noong naging bahagi ng pamumuhay ng tao ang pagpasa ng mga

bidyo, litrato, at mga dokumento gamit ang “bluetooth” at iba pang aplikasyon sa

gadyets.

Lumabas sa datos na inilabas ng pinakamalaking porn website na Pornhub noong

2018, na 28.5 bilyong mga manunuod ang bumisita sa kanilang site sa loob lamang

ng isang taon. Sa katunayan, ang Pilipinas ay nangunguna sa pinakamaraming

pagbisita sa Pornhub.

Ayon sa Social Weather Station o SWS, bumaba rin ang braket ng edad na nanunuod

sa mga porn sites mula sa daating 16 taong gulang bilang pinakabatang manonood ay

bumaba ito sa labintatlong taong gulang. Ang nakikitang dahilan nito ay ang tila

madaling “access” ng kabataan sa mga internte dahil halos ang lahat ng bata ay

mayroon nang cellphones at halos lahat ng parte ng lugar ay mayroon nang internet

connection.

Ang lahat ng salik na ito ay magiging bahagi ng pananaliksik upang magkaroon ng

makabuluhang resulta at konklusyon. Magbabase sa mga datos na nailahad ang

magiging rekomendasyon ng mga mananaliksik batay sa kung papaano masusugpo


ang paglaganap ng pornograpiya sa panahong ang mga tao ay dumedepende na sa

teknolohiya.

You might also like