You are on page 1of 10

ARALIN 83

Pinagsanib na Aralin sa Filipino, Agham, EKAWP at Musika.

I. Layunin:

 Nagagamit ng wasto ang mga salitang panghalili sa pangngalan ng bagay / hayop.

PAGPAPAHALAGA: Pag-aalaga ng Kapaligiran

II. Paksang Aralin


Paggamit ng Wasto sa mga Panghalili sa Pangngalan ng Bagay / Hayop.

Sanggunian:
BEC – Pagsasalita 1 p 35, Landas sa Wika at Filipino 2
Kagamitan:
Mga larawan ng hayop at halaman

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawin:
1. Balik-aral:
a. Ipaliwanag muli ang depinasyonng panghalip.
b. Tukuyin ang mga halimbawa ng panghalip panao.
2. Pagganyak:
a. Ipaawit sa mag-aaral ang “Bahay Kubo.”
b. Isa-isahin ang nga bagay at halamang binganggit sa kanila.

B. Panlinang na Gawain
1. Idikit sa pisara ang mga ginupit na larawan ng mga bagay o hayop.
2. Lagyan ng pangalan ang mga ito.
3. Gawin ang simpleng pangungusap.
4. Isulat muli ang diwa ng buong pangungusap ngunit ginagamitan mo ng panghalip.
Hal. BULAKLAK
1. Ang bulaklak ay kulay pula.
Ito ay kulay pula.
5. Magtala pa ng ibang mga salitang panghalili sa pangngalan ng bagay/hayop.

Ito Iyon Iyan


6. Paglalahat:
 Anu-ano ang mga salitang panghalili sa pangngalan ng bagay/hayop.
 Kailan ang mga ito ginagamit?
 Ginagamit ang ito kapag malapit ang tinuturong bagay, pook, o hayop sa
nagsasalita.
 Iyan ang ginagamit kapag malapit ang tinuturong bagay, pook o hayop sa
kausap.
 Iyon ang ginagamit kapag malayo ang itinuturong bagay, pook o hayop sa
nagsasalita at sa kausap.
7. Pagsasanay:
Pumili ng isa sa mga ginupit na larawan. Ilarawan ito. Gamitin ang mga panghalili sa
pangngalan ng bagay/hayop.
Ang ibong maya ay pinaka gusto kong ibon. Sa umaga pa lang makikita ko
na ito sa aming bintana. Inaawitan ako nito ng paulit-ulit. Ginigising ako nito sa
maganda nitong awit.
Minsan sabi nga ni Inay, nakakatuwa ang mga iyon. Araw-araw tayong
dinadalaw. Para naming mga taong naglapitan ang dalawang maya. “Nakatutuwa po
talagang mga iyan!” tuwang-tuwang nasabi ko.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat:
Gawan ng pangungusap ang mga nakalarawan.Gamitin ang ito, iyon o iyan.

IV. Pagtataya:
Punan ang patlang ng ito, iyan o iyon.
1. Tagpi ang pangalan ng aking aso. ________ ay maliit ngunit mabalahibo.
2. “Heto na ang manggang hinog,” sabi ni Bong.
“_______ ang gusto ko, “ sagot ni Ding.
3. Hayun sa itaas ang saranggola. Ang kulay pula ay sa akin.
Tingnan mo at ______ ang pinakamaganda.
4. “________ ba ang basket ng Nanay? tanong ni Connie. “Kukunin ko na at aking itatago.”
5. “Mukhang matitibay ang mga sapatos mo. Ang mga _____ ba ay yari sa Marikina? tanong
ni Mang Oca kay Nene.

V. Takdang Aralin:
1. Iguhit ang paborito mong halaman.
2. Kulayan ito.
3. Lagyan ng pangalan,
4. Ilarawan ito at gamitin sa mga panghaliling napagaralan.
ARALIN 84
Pinagsanib sa Aralin sa Filipino at EKAWP

I. Layunin:

 Nagagamit ng wasto ang mga salitang panghalili sa pangngalan ng bagay / hayop.

PAGPAPAHALAGA: Pagpapanatili ng Kalinisan at Kaayusan sa Silid-aralan

II. Paksang Aralin


Mga Salitang Panghalili sa Pangalan ng Bagay/ Hayop.

Sanggunian:
BEC – Pagsasalita Blg 13 p. 34, Sining sa Wika at Pagbasa 2 p. 145
Kagamitan:
Mga Larawan, mga tunay sa bagay

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawin:
1. Pagganyak
Anu-anong mga bagay ang makikita mo sa loob ng silid-aralan? Anong dapat mong gawin
upang mapanatili itong maayos at malinis?

B. Panlinang na Gawain:
1. Itanong:
Ano ang hawak ko? Iyan po ay bolpen.
Ano ang hawak ni Angelo? Iyon ay lapis.
Ano ang hawak ni Lhea? Ito po ay aklat.
 Anong salita ang ginamit upang ituro ang bagay na malapit sa kinatatayuan ng
nagsasalita/ kausap?
 Anong salitang ginamit sa pagturo sa malayo sa nagsasalita?
 Talakayin – ito,iyon iyan
 Hayaang mabigay ng mga pangungusap ang mga bata gamit ang ito, iyon, iyan.
 Magbigay ng 2-3 sitwasyon sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng silid-aralan.
2. Paglalahat:
 Kailan ginagamt ang ito, iyon, iyan?
3. Pagsasanay:
Bumuo ng pangungusap gamitin ang ito, iyon iyan ayon sa ipapakitang larawan.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat:
Maglaro ng “Tenang Maghikayat”
a. Hatiin sa klase sa 3-4 ng grupo.
b. Pipili ang bawat grupo ng produkto na nais nila at hihikayatin ang klase na
bilhin ang produikto nila.
c. Gamitin ang ito, iyon, iyan sa paghihikayat.
IV Pagtataya:
Punan ng ito, iyon, iyan ang patlang.
1. Tingnan mo ang hawak kong _______________
2. Ano ang dala mong_______________?
3. Pitasin mo ang manggang nasa dulo ng sangang _____________.
4. Sa lahat ng bituin sa langit ____________ang pinakamaliwanag.
5. Ang suot ko bang ___________ay bagay sa akin?

V. Takdang Aralin:
Sumulat ng isang pangyayari. Gamitin ang ito, iyon, iyan.

ARALIN 85
Pinagsanib na Aralin sa Filipino, Sibika at Kultura at EKAWP

I. Layunin:
● Nagagamit nang tama ang mga panghalili sa ngalan ng pook.
● Nagagamit sa pangungusap ang panghalip na tumutukoy sa pook.
● Nasasabi kung kalian ginagamit ang dito, diyan, doon
● Makapagsalita nang maliwanag.

PAGPAPAHALAGA: Pagkilala sa mga Panghalili sa Pangalan ng Pook

II. Paksang Aralin:


Paggamit ng Wasto sa mga Panghalip na Pangngalan ng Pook.

Sanggunian:
BEC Pagsasalita 2 Blg. 35, Pagsibol ng Lahing Pilipino 2 p. 41 – 44
Kagamitan:
Post cards, larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik – aral
a. Itanong at talakayin ang mga lugar na mahalaga sa mga bata.
2. Pagganyak:
a. Ipakita ang ilang larawan ng lugar sa mga bata.
b. Itanong kung anu-ano ang mga ito.
HALIMBAWA: simbahan, paaralan

B. Panlinang na Gawain:
1. Ipagbasa sa mga bata ang mga talata sa ibaba.
MGA TALATA:

A. Ang Pulo ng Mactan


Ang pulo ng Mactan ay nasa Cebu. Dito naganap ang unang paglaban
ng mga Pilipino sa mga Espanyol. Dito rin, napatay ni Lapu – Lapu si Magellan.
Makasaysayan ang pulong ito.
B. Ang Parke ni Rizal
Ang parke ni Rizal ay matatagpuan sa Luneta. Dito binaril si Jose Rizal
ng mga kawal ng Espanyol noong Disyembre 30,1896.

C. Ang Pugad Lawin


Ito ay matatagpuan sa Lungsod ng Quezon. Dito unang isinigaw ni Andres
Bonifacio at ang mga katipunero na handa silang lumaban sa mga Espanyol. Itinayo
dito ang bantayog ni Andres Bonifacio bilang pag – alala sa kanyang katapangan.

2. Banggitin sa kanila ang mga pangalan ng pook sa nabanggit na talata.


3. Bilugan ang mga panghalili sa pangalan ng pook.
4. Ipaliwanag kung paano ito ginagamit sa mga pangungusap.
5. Magbigay ng talaan ng mga talatang panghalili sa pangalan ng pook.

dito diyan doon


6. Paglalahat:
● Ang dito, doon, at diyan ay mga salitang inihalili sa pagtuturo ng pook.
~ Dito - ang ginagamit sa pagtuturo ng pook na malapit sa nagsasalita.
~ Diyan – ang ginagamit sa pagtuturo ng pook na malapit sa nagsasalita.
~ Doon – ang ginagamit sa pagtuturo ng pook na malayo sa nagsasalita at kausap.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat:
Bilugan ang panghalip na tumutukoy sa pook.
a. Ang mga gulay ay doon mo ilagay.
b. Si Mona ay dito matutuloy mamayang gabi.
c. Diyan ka ba nakatira? Sonia?
d. Ang mag-aaral ay doon ngayon pumapasok.
e. Dito ka magtagpo sa likod ko.

IV. Pagtataya:
Punan ang puwang ng dito, doon, at diyan.

1. ______ po ba ako uupo? 2. _____ ka sa isang iyan, Jose


3. ____ ka magpunta sa silid na iyon. 4. _______ tayo kumain

6. _____ nakatira si Gng. Ramos.

V. Takdang Aralin:
1. Ilista ang mga lugar na nadadaanan pauwi sa inyong tahanan.
2. Lumikha ng pangungusap gamit ang mga panghalili ukol dito.
ARALIN 86
Pinagsanib ng Aralin sa Filipino, P.E., Musika at Sibika at Kultura at EKAWP

I. Layunin:
● Nagagamit nang wasto ang mga salitang panghalili sa pangngalan ng pook (doon, dito,
diyan)

PAGPAPAHALAGA: Pagbibigay Halaga sa mga Magagandang Pook

II. Paksang Aralin:


Mga Salitang Panghalili sa Pangngalan (DIto, Doon, Diyan)

Sanggunian:
BEC Pagsasalita Blg. 14, Sining sa Wika at Pagbasa 2 p. 148
Kagamitan:
Mga larawan ng magagandang pook

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik – aral:
Itanong: Kailan ginagamit ang ito, iyon, iyan?
Gamitin ito sa pangungusap.
2. Pagganyak:
Awitin ang “Dito ay Masaya, Doon ay Masaya”
Itanong: Ayon sa awitin, saan Masaya? Bakit kaya Masaya?

B. Panlinang ng Gawain
1. Pag-usapan ang awit.
Anong salita sa awitin ang tumutukoy sa mga pook?
Ano ang pinampalit natin sa salitang dito?
Ilahad ang wastong gamit ng dito, doon, diyan.
● Kung ang tinuturong lugar ay malapit sa nagsasalita (Dito).
● Kung ang tinuturong lugar ay malapit sa taong kinakausap (Diyan)
● Kung ang tinuturong lugar ay malayo sa nag-uusap (Doon)
2. Paglalahat:
~ Kailan ginagamit ang dito, doon, diyan?
3. Pagsasanay:
Maghanap ng kapareha. Sumulat ng dayalogo gamitin ang doon, dito, diyan.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat:
a. Pag-usapan ang mga magagandang pook. Itanong kung paano ito mapapanatiling
maganda at maayos.
b. Magpakita ng larawan ng mga magagandang tanawin. Bumuo ng mga pangungusap
tungkol sa mga tanawin.

IV. Pagtataya:
Hayaan magbigay ng pangungusap ang isang bata at tutukuyin ng ibang bata ang panghalip na
ginamit.
V. Takdang Aralin:
Isulat ang dito, doon, diyan sa patlang.
1. ___________ ka sa tabi ko umupo.
2. ___________ ka sa dulo pumila.
3. Tao po, _______ ba nakatira si Luis?
4. ___________ mo ilagay ang mga gulay.
5. ___________ ba sa tabi ng bag ko mo inilagay ang walis?

ARALIN 87
Pinagsanib na Aralin sa Filipino, Sining at EKAWP

I. Layunin:
● Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang mga panghalip.

PAGPAPAHALAGA: Paggalang sa Kausap / Kaibigan

II. Paksang Aralin:


Paggamit ng mga Panghalip na Panao

Sanggunian:
BEC Pagsasalita 2 p. 35, Landas sa Wika at Pagbasa 2
Kagamitan:
Ginupit na mga dayalog, kostyum na damit, mga bantas

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik – aral
1. Anu-ano ang mga uri ng panghalili sa pangngalan
2. Bigkasin ang “ Panatang Makabayan”
3. Suriin ito at sabihin ang mga panghaliling ginamit.
2. Pagganyak:
1. Iguhit ang mga paborito mong tao, bagay o pook.
2. Gawan ng maigsing paglalarawan.

B. Panlinang ng Gawain:
1. Basahin ang maigsing dayalogo o usapan sa ibaba.
Amy: Magandang umaga po, Aling Miling. Ako po si Amy, ang kaklase ni
Roselle ? Nariyan po ba siya?
Aling Miling: Oo, tuloy ka Amy. Narito si Roselle nasa palaruan siya. Paborito niya
kasing maglaro doon kasama sina Nena at Leo.
Amy: Sige po, ako na lang ang pupunta doon. Sasali po ako sa kanila.

SA PALARUAN:

Nena at Leo, Magandang araw, Amy. Andito ako sa ilalim ng puno. Halika,
masarap ang hangin dito. Tuwang-tuwa tumakbo si Amy. Maya-maya pa’y naglalaro
na silang lahat. Marami silang dalang laruan. Sama-sama silang naglalaro ng mga
iyon. Naghihiraman sila at nagbibigayan.
2. Pansinin ang mga salitang may salungguhit.
3. Itala ang mga panghalip .
4. Pangkatin ang mga panghalip kung ito’y panghalili sa pangngalan ng tao, bagay o
pook.

TAO POOK BAGAY


siya Doon Iyon
kami Doon iyan
sila Diyan ito
niya

5. Dagdagan ang listahan ng iba pang panghalip.


6. Paglalahat:
~ Anu-ano ang mga panghalip na panghalili sa pangngalan.
a) ng tao b) ng bagay c) ng pook
~ Paano ginagamit ang mga ito.

C. Pangwakas ng Gawain:
1. Pagsasanay:
a. Ihanda ang kostyum at mga gamit para sa isang dula-dulaan.
b. Pangkatin ang klase sa limang grupo;
c. Isagawa ang dula-dulaan. Pansinin ang gamit ng mga panghalip sa usapan.

IV. Pagtataya:
Panuto: Bilugan ang panghalip na angkop sa bawat pangungusap.
1. ( Sila, Doon, Iyon) ang mga kamag-aral ko.
2. Hindi (sila, dito, ito) ang hinahanap kong libro.
3. Ang Pambansang hayop ay (iyan, kami, doon) matatagpuan.
4. ( Dito, diyan, ito) ko lang iniwan ang mga gamit ko, nasaan na?
5. Hinahanap na (doon, iyon, diyan) ang nawawalang pera.

V. Takdang Aralin:
1. Itala ang iba pang panghalip
2. Pangkatin ito sa tatlo: a) tao, b) bagay c) pook

You might also like