You are on page 1of 4

Tanggapan ng Tagapamanihala ng Sangay Agosto 7, 2019

MEMORANDUM PANSANGAY
Blg. _______ s. 2019

PANSANGAY NA TAGISAN SA ISPELING AT BALAGTASAN

PARA SA MGA:
Mga Hepe, CID/SGOD
Pampublikong Superbior ng Distrito
Tagapamanihala ng mga Paaralan
Punongguro ng mga Paaralang Pampubliko at Pampribadong
Elementarya at Sekundarya

1. Alinsunod sa nilalalman ng Pangrehiyong Memorandum na may petsang Hulyo 4, 2019, kaugnay sa Tagisan sa
Sining Kultura MIMAROPA 2019 na gaganapin sa Agosto 22-23, 2019 sa Sangay ng Marinduque, ang Sangay ng
Palawan sa pangunguna ng asignaturang Filipino ay magsasagawa ng kahalintulad na tagisan sa ika- 13 ng Agosto, 2019
sa DepED, Division Rooftop,PEO Road, Bancao-Bancao, Lungsod ng Puerto Princesa upang makapili ng magiging
kinatawan ng sangay para sa panrehiyong tagisan.

2. Ang patimpalak sa Elementarya ay Ispeling o Pagbabaybay na lalahukan ng mga mag-aaral sa


Baitang 6, samantalang ang Balagtasan naman ay para sa mga mag-aaral ng Sekundarya (Baitang 7-12), Kalakip ng
memorandum na ito ang mekaniks sapatimpalak.

3. Ang inaasahang lalahok para sa antas-Pansangay sa Ispeling/Pagbabaybay ay ang mga itianghal na una,
ikalawa at ikatlong puwestong (top 3) mula sa mga ginanap na pampurok o pandistriong antas, samatalang ang para sa
balagtasan ay bukas para mga interasadong mga paaralang sekundarya.

4. Ang g pamasahe at iba pang mga kaugnay na gastusin sa paglahok ng sa gawaing ito ay manggagaling sa
pondo ng paaralan o MOOE na sasailalim sa kaukulang pagtutuos at pag-o audit.

6. Hinihiling ang malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.

MARIA LUISA D. SERVANDO, Ph. D., CESO VI


Tagapamahila ng Sangay

Sangguinia:
Pansangay na Memorandum
Ilalagay sa Palagiang Talatuntunan\
Sa ilalim ng mga sumusunod na paksa:

CELEBRATIONS AND FESTIVALS


CURRICULUM
LEARNING AREA, FILIPINO
Kalakip Blg. 1 sa Memorandum Pangsangay blg. ___________s, 2019:

KOMPONENT 1: BALAGTASAN
Ang balagtasan ay isang anyo ng debate sa paraang patula. Ito ay isa sa mga pangunahing anyo ng panulaan na
umusbongat lumaganp sa mga unang dekada ng siglo 20. Tampok din ditto ang dalawang mambabalagtas na kumakatawan
sa magkabilang oanig ngisang paksa, at ang isang tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa. Karaniwang pinagtatlunanang
mga pang-araw-araw na paksa hanggang sa mga usaping pambansa at pandaigdig.

Layunin ng paligsahan na ito na:


a. Makatulong sa pagpapasigla ng isang anyo ng pantikang Pilipino.
b. Maipakilala sa mga estudyanteng Filipino ang isang pamanang pampanitikan;
c. Makabuo ng mga piyesa ng balagtasan na tumatalakay sa mga napapanahong isyu; at
d. Maitanghal ang mga piyesa ng balagtasan sa publiko.

Patunay sa Paglahok

1. Bukas ang balagtasan sa lahat ng mga mag-aaral sa pampublikong hayskul (Grade 7-12)
2. Bawat pangkat ng kalahok ay may apat na kasapi: dalawang mambabalgtas, isang lakandiwa, isang
tagapayo/tagapagsanay.
3. Ang pangkat ay siyang inaasahang sususlat ng kanilang orihinal na pieya na tatalakay sa sumusunod na mga paksa:
a. Makatarungan bang ang pasiya ng Korte Suprema tungkol sa wika at panitikang Filipino sa Kolehiyo?
b. Captain America Vs Aliguyon: Sinong karapat dapat na bayani ngayon?

4. Bawat piyesa ay inaasahang sumusunod sa ganitong daloy:


1. Pagsisimula ng lakandiwa
2. Unang tindig ng mambabalgatas 1
3. Unang tindig ng mambabalagtas 2
4. Ikalawang tindig ng mambabalagtas 1
5. Ikalawang tindig ng mambabalagtas 2
6. Ikatlong tindig ng mambabalagtas 1
7. Ikatlong tindig ng mambabalagtas 2
8. Paglalagom ng mambabalagtas 1
9. Paglalagom ng mambabalagtas 2
10. Pagtatapos ng lakandiwa

5. Maaring lumihis nang kaunti sa daloy na ito sa pamamagitan ng mga maikling pagsingit ng lakandiwa at iba pang
kaugnay na dagdag na sangkap, subalit inaasahang susundin ang nabanggit na daloy.
a. Bawat Pangkat ay mayroong 15 minuto para sa pagtatanghal.
b. Ang piyesa ay susulatin ayon sa kumbensyon ng tradisyonal na tula (may sukat at tugma).

PAMANTAYAN:

1. Piyesa 50%
a. Paglinang ng paksa/husay ng katuwiran =30%
b. Pagtatagpo ng katwiran =20%

2. Pagbigkas 50%
a. Linaw sa pagbigkas =15%
b. Pagsaulado ng Pieysa =15%
c. Tindig sa Entablado =15%
d. Kasuotan =5%
KOMPONENT 2
PALIGSAHAN SA ISPELING: IISPEL MO

A. Kalipikasyon

1. Tatlong kalahok sa bawat distrito maaring mula sa publiko o pribado na nanalo sa pandistritong lebel ang
pinapayagang sumali sa pansangay na tagisan, ang mananalo lamang ng unang puwesto sa pansangay
ay magiging kinatawan sa panrehiyong antas.
2. Taglay ang sumusunod:
2.1 nasa Ikaanim na Baitang (Grade 6) at may mabuting katayuan sa paaralan na pinatutunayan ng
kanyang principal
2.2 nakahandang sumunod sa mga panuntunan at patakaran ng paligsahan
3. Bawat distrito ay bubuoin ng tatlong (3) delegado na kalahok
3.1 isang (1) mag-aaral na kakatawan sa distrito
3.2 isang (1) tagapagsanay
3.3 isang (1) pandistritong tagapag-ugnay sa Filipino

B. Krayterya sa Paghatol

1. Ang pansangay na superbisor ang maghahanda ng mga salitang gagamitin sa paligsahan batay sa KWF
Ortograpiyang Pambansa (OP) at UP Diskyonaryong Filipino.

2. Babasahin ng Ispeling master ang pangungusap na kinapapalooban ng salitang babaybayin. Pagkatapos


ng pangalawang pagbasa, ibibigay ang hudyat upang simulant ang pagsulat ng kalahok.

3. Ang puntos at bilang ng aytem ay babaybayin ay gaya ng sumusunod:


MADALI -10 aytem x2 puntos = 20 puntos
KATAMTAMAN -10 aytem x3 puntos = 30 puntos
MAHIRAP -10 aytem x5 puntos = 50 puntos
___________________
Kabuoan 100 puntos

4. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng pitong (7) Segundo upang maisulat ang kanyang sagot.

5. Ang magkakamit ng pinakamataas na puntosang tatanghaling Pansangay na kampeon ng Iispel Mo!

6. Sa sandaling magkaroon ng patas na puntos, may nakalaang tanong na magiging clincher.

7. Ang tie-breaker ay isasagawa batay sa sumusunod:


7.1 maglaan ng tatlong tanong na paglalabanan ng may mataas na puntos
7.2 ang makakukuha nang mas mataas na puntos ang siyang makakukuha ng puwestong pinaglalabanan
7.3 sa sandaling maging patas muli ang kanilang puntos.
7.4 Magkakaroon ng knock-out round.

8. Ang hatol ng inampalan ay pinal at hindi mababago.

You might also like