You are on page 1of 2

Mga Buwayang Opisyal ng Gobyerno

Marami paring umuusbong na korapsiyon sa gobyerno sa kabila ng pagbabanta ni Pang.

Duterte. Kamakailan lamang ay pinatupad niya ang pagpapasara ng operasyon ng Philippine

Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa umanoy malawakang korapsiyon na nangyayari

dito.Marahil hindi sapat ang pagbabanta ng pangulo para masindak ang mga tiwaling opisyal ng

gobyerno. Kulang ang mga salitang “huwag , “mali”, at “iwasan” para iwaksi ang ang lantarang

korapsiyon. May iilan paring opisyal ng gobyerno ang nagsasagawa ng pagbubulsa ng pera kahit

na nagbabanta na ang presidente ay tila ba wala itong epekto sa kanila, malaya parin silang

nakagagawa ng maling aksiyon sa loob at labas ng pamahalaan.

Nangunguna na rito ang mga opisyales ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Land

Transportation Office (LTO) at Bureau of Customs (BOC), partikular na ang Marine General ng

PCSO na si Alexander Balutan. na nadawit at tinanggal sa trabaho ng pangulo. Ngunit sa halip na

sumuko ay nagbigay pa ng pahayag si Balutan na kung saan ay inilahad niya ang transaksiyon ng

pera sa mga nakaraang taon. Nakakadismayang Isipin na lantaran, at may ebidensyang

nakapataw ay hindi parin maiiwasang subukan na lusutan ang kaso.

Sa agarang aksiyon ng pangulo, hindi lang puro salita ay masasabing mababawasan ang mga

tiwaling opisyal , bagay na hinihiling ng karamihan.

Samantala umapela naman si Zarate, na ayon naman sa kanya ay hindi makatarungan ang

pagpapasara nito , sapagkat maraming umaasa rito partikular na ang Department of Health

(DOH) para sa isinasagawang Universal Health Care Program para sa mga mahihirap. Hindi daw

masasabing mawawala na ang korapsyong nangyayari sa pamahalaan kung ang mismong


opisyal ay naroon pa at wala pa sa rehas na bakal. Pinasinayaan naman ng pangulo na

mamamayagpag ang mga buwaya sa PCSO dahil malaking halaga ang kanilang naibulsa. Ngunit

nilinaw naman niya na sisibakin agad niya ang mga mapapatunayang nangungurakot sa mga

tanggapan ng pamahalaan, Sa kabila ng pagpapatalsik ng mga opisyal, hindi maitatangging may

epekto ito sa sangay ng PCSO, na kung ang mga empleyado nito ay mawawalang ng trabaho .

Oo nga’t mababawasan ang mga tiwaling opisyal ngunit hindi lang dapat magpokus ang pangulo

sa pagpapaganda ng pamamalakad ng pamahalaan, may mga tao ding nangangailangan ng

trabaho .

Hindi maikukubling talamak ang korapsyon na nangyayari sa gobyerno kung kaya’t nararapat

lamang na magbigay ng aksiyon dito. Kapag nagtagumpay ang pangulo sa pagsusugpo ng mga

tiwaling opisyal saka pa lamang makakalanghap ng kaginhawaan at makagagalaw ng

matiwasay. Ngunit dapat din isipin kung sino ang maaapektuhan ng isinasagawang aksiyon .

Huwag lamang bibig ang paganahin ng presidente pati narin mata para sa mas malawak na

pagpapatalsik at pagkatutok sa katiwalian na nangyayari sa pamahalaan.

You might also like